You are on page 1of 11

MODYUL SA CSSH-ABFIL

WIKA AT WIKAIN SA PILIPINAS


Republic of the Philippines
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2021-2022

KURSO FIL162 WIKA AT WIKAIN SA PILIPINAS


(Subject)

YUNIT YUNIT 2: LINGGUWISTIKA AT PRAGMATIKS


(Chapter)

Disiplinal na Lapit

PAMAGAT NG  Lingguwistika (Gramatika)


ARALIN  Pragmatiks (Pagpapakahulugan)
(Lesson Title)

Sa loob ng isang linggo, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang mga
sumusunod na layunin:

LAYUNIN NG  nauunawaan ang mga batayang simulain sa lingguwistika at pragmatiks.


ARALIN  naipaliliwanag ang pagkakaiba ng dalawa (2) sa mga termino sa ilalim ng
(Lesson Objectives) disiplinal na lapit
 napapahalagahan ang kasaysayan ng lingguwistika sa daigdig at sa
Pilipinas sa pamamagitan ng Timeline
 nakahahalaw ng mga pamosong diyalogo mula sa napanood na pelikula
na kakikitaan ng wastong kayariang pambalarila at kasasalaminan ng
kakayahang pragmatiko sa pamamagitan ng paggamit sa konsepto ng
Speech Act Theory.

Tatalakayin sa yunit na ito ang dalawa (2) sa mga termino sa ilalim ng


LAGOM NG disiplinal na lapit. Ilalahad ang kasaysayan ng Lingguwistika at ipaliliwanag at
PANANAW
bibigyang-halimbawa ang Lingguwistika at Pragmatiks
(Overview/
Introduction)

Pamosong Diyalogo, Ilahad Mo!

PAGGANYAK Mula sa mga napanood na Pelikula, halawin/kunin/sipiin ang mga pamosong


(Activity) diyalogo. Maghalaw lamang ng limang linyang diyalogo.

Panuto: Isulat ang nahalaw na limang (5) linyang pamosong diyalogo mula sa
napanood na pelikula. Sagutin ang tanong na ito:

Naipakikita ba sa diyalogo ang kakayahang lingguwistika at


PAGSUSURI kakayahang komunikatibo? Ipaliwanag sa isang malinaw na talata.
(Analysis)

DISIPLINAL NA LAPIT
MODYUL SA CSSH-ABFIL
WIKA AT WIKAIN SA PILIPINAS

Ibig sabihin makatatayo mag-isa ang disiplina bunsod sa mahabang kasaysayan,


PAGLALAHAD tradisyon at diskurso nito.
(Abstraction) Kung ang Lapit-interdisiplinaryo ay patungkol sa kombinasyon ng isang
disiplina sa isang disiplina, ang disiplinal na lapit naman ay nakapokus lamang sa
iisang disiplina.Ibig sabihin makakatayo mag-isa ang disiplina bunsod sa mahabang
kasaysayan,tradisyon at diskurso nito. Hindi naman ibig sabihin hindi makakatayo mag
-isa ang larangan, subalit dahil bukas ito kailangan itong panindigan at
itaguyod ng iba’t-ibang iskolar at iba’t-ibang aralin at paksain upang higit na
yumabong ang produksyon ng kaalaman.
Ang paksa ang hangganan, bakod at mismong limitasyon ng isang disiplina.

LINGGUWISTIKA

Ang Lingguwistika ay nagmula sa salitang “Lenggwahe” na hiniram


natin sa latin na ang ibig sabihin ay dila. Tinuring itong gamit ng
dila sa kadahilanang ito ang pangunahing kasangkapanng mga tao
sa pagsasalita o pakikipagkomunikasyon.Magiging mababaw
ang pagpapakahulugan sa Lingguwistika kung tanging teorya lamang
ang pinagbabasehan. Ang Lingguwistika ay hindi lang umiikot sa
teorya bagkus ito ay patungkol sa makaagham na pag-aaral na kung saan
ito ay nakararanas ng “step by step process” na pag-aaral.

Ayon kay Consuelo J. Paz, ang Lingguwistika ay ang sayantipik na


pag-aaral ng mga wika ng tao. Ayon naman kay Gloria V. Miano, ang
Lingguwistika na ang kahulugan ay makaagham na pag-aaral ng wika ay
maituturing na isang bahagi ng liwanag na magsisilbing patnubay sa pag -
unawa sa mga masalimuot at kahanga-hangang kapangyarihan ng wika.
Ayon sa aklat na ANG WIKA, LINGGWISTIKA AT KOMUNI-
KASYON SA ASPEKTO NG PAKIKINIG AT PAGSASALITA, pinag-aaralan
at sinusuri sa Linggwistika ang istruktura, katangian, pag-unlad at iba
pang bagay na may kaugnay sa isang wika at ang relasyon nito sa iba
pang wika.
Ang mga lingguwista ay mga propesyonal na may higit na interes sa
pag-aaral ng wika, kung paano ito ginagamit, nagkakatulad at nagbabago
kasabay ng panahon o ng kultura ng sangkatauhan. Sinisiyasat nila ang
pagbuo ng mga modelo upang lubos pang maunawaan ang mga prosesong
may kaugnay nito. Para sa kanila, ang pananalita ay sanga-sangang
palaisipan, kaya naman hinimay-himay nila ang mga ito.
MODYUL SA CSSH-ABFIL
WIKA AT WIKAIN SA PILIPINAS

Mga Teologo(Theologians)
Sa kanila nagbuhat ang mga unang sagot sa mga katanungang:
 Bakit hindi magkakatulad ang mga wikang sinasalita ng tao?
 Papaano nalikha ang unang salita?
 Ano ang relasyon ng katawagan at ng bagay na tinutukoy nito?
 Sinasabing nilikha ng Diyos ang wika.
 Sinasabing ang pagkakaroon ng iba’t-ibang wika sa daigdig ay
parusa ngDiyos sa pagmamalabis ng tao
Subalit ang mga palaaral nang unang panahon, tulad nina Plato at
Socrates ay hindi nasiyahan sa mga ganong paliwanag ng simbahan.
 Nagsimula silang maglimi tungkol sa wika.
 Sa kanilang mga sinulat ay mababakas ang kanilang
Halos walang katapusang pagtatalu-talo tungkol sa
pinagmulan at kakanyahan ng wika.

Mga Mambabalarilang Hindu


 Kauna-unahang pangkat na kinilala sa larangan ng lingguwistika.
 Nang panahong iyon, naniniwala ang mga tao na wika ng Diyos
ang ginamit sa matatandang banal na himno ng Ebreo.
 Mahabang panahong hindi nila ginalaw ang istilo ng
lenggwahe ng nasabing mga himno kahit nakaiwanan na ng
panahon sa paniniwalang paglapastangan sa gawa ng Diyos ang
anumang isasagawang pagbabago dito.
 Ang mga pagsusuring isinagawa ng mga mambabalarilang
Hindu ay naging simula ng mga pag-aaral sa ibang wika sa Europa.
Sa mga wikang Griyego at Latin, unang nagkaanyo ang wika sa tunay na
Kahulugan nito, sapagkat ang mga wikang ito ang dalawang magkasunod
na wikang unang nalinang at lumaganap nang puspusan sa Europa .
Mapapansin kung saan unang nalinang ang sibilisasyon ay doon din
unang nagkaanyo ang kauna-unahang maagham na pagsusuri sa wika.

Aristotle at ang pangkat ng mga Stoics


 Itinuturing na syang nagsipanguna sa larangan ng agham –wika.
MODYUL SA CSSH-ABFIL
WIKA AT WIKAIN SA PILIPINAS

Pagsapit ng ika-19 siglo


 Nagkaroon ng malaganap na pag-unlad ang aghamwika.
 Sa panahong ito’y nakilala ang tungkung-kalan sa linggwistika na
labis na nakaimpluwensya sa larangan ng linggwistika sa Europa:

Sumunod na mga
Lingguwista

Naging matagumpay ba ang linggwistikang historikal bilang isang


disiplina sa linggwistika?
Oo… naging matagumpay ang linggwistikang historical kaya’t
noong 1970 masasabing napangkat halos ang lahat ng wika sa daigdig.
Blumentritt
 Isa sa nagpasimula sa pag-aaral sa angkang Malayo-Polinesyo na
pinagmulan ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.5
 Sinasabing sya ang nakaimpluwensya kay Rizal upang magtangka
ring magsagawa ng ilang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas,
tulad ng Tagalog.
Sumunod kay Blumentritt ang iba pang linggwistang tulad nina:
Otto Dempwolf, Otto Scheerer, Frank Blake, C. Douglas Chretien,
Carlos Conant, Harold Conklin, Isidore Dyen, Richard Howard
McKaughan, at Cecilio Lopez ng Pilipinas. (cf. Gonzales, et. al.,1973)
MODYUL SA CSSH-ABFIL
WIKA AT WIKAIN SA PILIPINAS

Panahon ng mga Amerikano


Nagsimula ang pagsusuri sa mga pangunahing wika sa
kapuluan, lalo na sa Tagalog.
Ilan sa mga isinagawang pag-aaral noon ang mga ss:
 Handbook and Grammar in Tagalog” ni MacKinlay (1905)
 “Grammar of Ilocano” ni Henry Swift (1909)
 “Primer and Vocabulary of Maguindanao” ni R.S. Porter (1903
Hindi lubhang lumawig ang pagsusuring-wika na isinagawa ng
mga dalubwikang sundalong Amerikano dahil sa pagkakapalit ng
pamahalaang sibil sa pamahalaang militar noong 1901.
Pumalit sa mga sundalong Amerikano ang mga dalubwikang may
higit na kakayahan at kasanayan sa pagsusuring-wika dahil
karamihan sa mga ito’y propesor sa mga unibersidad sa Estados
Unidos at sa Unibersidad ng Pilipinas na itinatag noong 1908.
Ayon kay Constantino, sa mga pangunahing lingguwista noong
Panahon ng mga Amerikano ay nangunguna ang mga ss:
 Cecilio Lopez (isang Pilipino),
 Otto Scheerer at H. Costenoble (mga Aleman),
 Morice Vanoberbergh (misyonerong Belhikano),
 Carlos Everett Conant, Frank R. Blake, at
 Leonard Bloomfield (mgaAmerikano)
Conant
Maraming isinagawang pag-aaral si Conant tungkol sa mga wika sa
Pilipinas, ngunit ang pinakakilala sa kanyang mga pananaliksik ay ang
Kanyang “The RGH Law in Philippine Languages” (1910) at
“The Pepet Law in Philippine Languages” (1912)
na tumatalakay sanagaganap sa pagbabago sa mga tunog ng iba’t
ibang wika sa kapuluan.
• Hal. Ang tunog na r sa pagkakawatak-watak ng mga wikang mula
MODYUL SA CSSH-ABFIL
WIKA AT WIKAIN SA PILIPINAS

sa Prooto-Austronesian ay nananatili sa ibang wika, samantalang


sa iba ay nagiging g, h, y.
Bloomfield
Ang pagsusuring isinagawa ni Bloomfield sa gramatika ng Tagalog
ang higit na kilala hanggang sa kasalukuyan.
Ang totoo, may mga palaaral, tulad nina Lopez at Constantino, ang
naniniwala na hanggang sa ngayon ay hindi pa nahihigitan ang
pagsusuring isinagawa ni Bloomfield sa Tagalog.
Ang pagkakalahathala ng aklat ni Bloomfield na may pamagat na
“Language” noong 1933 na kinapapalooban ng mga mahahalagang
pag-aaral sa gramatikang Tagalog at ang kaalinsabay na paglaganap
ng linggwistikang Bloomfieldian pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ang naging dahilan upang ang pamamaraan ni Bloomfield
ay gamiting modelo ng mga palaaral sa wika.
Ang pagsusuri sa gramatikang Tagalog ni Bloomfield ay lumikha ng
rebolusyon sa pagsusuri ng mga wika sa Pilipinas.
MODYUL SA CSSH-ABFIL
WIKA AT WIKAIN SA PILIPINAS
MODYUL SA CSSH-ABFIL
WIKA AT WIKAIN SA PILIPINAS

PRAGMATIKS
MODYUL SA CSSH-ABFIL
WIKA AT WIKAIN SA PILIPINAS

Sinasabing ang Pragmatiks ay binubuo ng tatlong kasanayan sa pagsasalita.


Ito ang mga sumusunod:
MODYUL SA CSSH-ABFIL
WIKA AT WIKAIN SA PILIPINAS

Mga Sanggunian:

Austero, Cecilia S., et al. (2009). Reserbado ang lahat ng Karapatan.


UNLAD Publishing House 200 C-INLAY, Pasig City.Print.
Halliday, H.Pagpapakilala sa Semantika at ngkonsepto nito. Retrieved
https://www.coursehero.com/file/18105439/SEMANTIKA/090919.
Kasaysayan-Ng-Linggwistika... KUPDF229810485-Kasaysayan-ng-
Linggwistika. docx. April 3, 2018 | Author: Glad Alejo- Pelotin |
Category: N/A...https://kupdf.net/download/229810485-kasaysayan-ng-
linggwistikadocx_5af3c451e2b6f5823e084dc6_pdf
Santiago, Afonso (1979). Panimulang Linggwistika sa Pilipino.
Rex Bookstore
MODYUL SA CSSH-ABFIL
WIKA AT WIKAIN SA PILIPINAS

Panuto: Gumawa ng Timeline sa kasaysayan ng lingguwistika sa daigdig at sa


Pilipinas. Gawing batayan ang rubric na nasa ibaba.
MODIFIED RUBRIC SA PAGBUO NG TIMELINE
(mula sa lasalyanongguro.weebly.com

NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN


Mga Pamantayan
(20) (15-19) (10-14)

Walumpong Animnapung
Lahat ng
porsyento (80%) ng porsyento (60%) ng
PAGLALAPAT impormasyong
Nilalaman impormasyong impormasyong
kinuha ay tama at
(Application) makabuluhan.
kinuha ay tama at kinuha ay tama at
makabuluhan. makabuluhan

Kaangkupan Kahanga- hanga ang Mahusay ang Katamtaman ang


ng ginamit na grapikong pantulong grapikong pantulong grapikong pantulong
Grapikong na ginamit sapat na ginamit sapat na ginamit sapat
upang madaling upang madaling upang madaling
Pantulong maunawaan ang maunawaan ang maunawaan ang
gayundin ang mensahe. mensahe. mensahe.
paraan ng
Walang mali sa May 1-3 mali sa May 4-6 mali sa
pagkakalahad pagkakalahad ng pagkakalahad ng pagkakalahad ng
ng mga ideya. ideya / gramatika. ideya / gramatika. ideya / gramatika.

Kitang- kita ang Kita ang kalinisan at Bahagyang nakita


ang kalinisan at
Kasiningan kalinisan at kaayusan kaayusan ng timeline
kaayusan ng timeline
ng timeline na ginawa na ginawa
na ginawa

Magkakaroon ng unang pagsusulit na bubuoin ng 20ng puntos.Saklaw nito ang


mga paksang tinalakay sa Yunit na ito.

PAGTATAYA
(Evaluation)
ANGELES Digital Signer:ANGELES E. YSMAE
L
DN:C=PH, E=leamsygie@gmail.co

E. YSMA
Inihanda ni:
m, O=MSU-GENSAN, OU=FILIPIN
O DEPARTMENT, CN=ANGELES E
. YSMAEL

EL Date:2021.11.01 15:58:31 +08:00

ANGELES E. YSMAEL, MA
Associate Professor IV

You might also like