You are on page 1of 14

Unang Linggo: Ang Linggwistika sa Pilipinas

Introduksyon

Pag-aaralan natin sa unang linggo ng ating klase ang Linggwistika sa Pilipinas. Kasali rito ang
kahulugan ng linggwistika, kasaysayan ng linggwistika at mga kaugnay na pag-aaral ng linggwistika.

Unang Aktibidad

Panuto: May nalalaman ka ba tungkol sa linggwistika? Magbigay ng smapong (10) kaalaman tungkol sa kung
anong mayroon sa linggwistika. (20 puntos)

Kahulugan ng Linggwistika

 Anglingguwistika o linguistic sa wikang Ingles ay ang pang-agham na pag-aaral ng wika, kahulugan ng


wika at wika bilang konteksto.

 Tradisyunal na pinag-aralan ng mga linguista ang wika ng tao sa pamamagitan ng pag-obserba ng


pagsasaling-wika sa pagitan ng tunog at kahulugan. Ang pag-aaral ng mga tunog na tinatawag na
Phonetics ng pagsasalita at di-pagsasalita. Ang pag-aaral ng kahulugan ng wika ay tumutukoy sa kung
paano naka-encode ang mga wika sa mga relasyon sa pagitan ng mga nilalang, pag-aari, at iba pang
aspeto ng mundo upang ihatid, iproseso, at italaga ng kahulugan, gayundin ang pamahalaan at lutasin
ang kalabuan.

 Ang siyentifikong pag-aaral ng wika ay tinataawag na linggwistiks. Saklaw nito ang mga gawaing
observasyon, pagtatanong, klasifikasyon, konklusyon, verifikasyon at revisyon.

Una sa proseso ay ang observasyon. Dito nagaganap ang pangangalap ng walang kinikilingang datos.
Pangalawa ay ang pagtatanong. Ang pagtatanong ay kinakailangang masagot sa siyentifikong paraan.
Kinakailangan ang mga terminolohiyang gagamitn ay malinaw at tiyak ang kahulugan.
Ikatlo ay ang klasifikasyon. Upang maging maayos ang pananaliksik kinakailangan ang isang
sistematikong paraan ng pagkaklasifika ng mga datos.
Ikaapat ay ang pagbuo ng konklusyon. Dito nagaganap ang pagbuo ng haypotesis ng mga teorya at
prinsipyo.
Ang huling hakbang ay ang pagsasagawa ng verifikasyon at revisyon. Ang mga nabuo at natuklasan na
ideya ay dapat sumailalim sa pagsubok upang mapatunayan at marevisa ito.

Kasaysayan ng Linggwistika

Masasabing nagsimula ang maagham na pag-aaral sa wika mula nang magtanung-tanong ang mga
tao ng ganito:
➡Bakit hindi magkakatulad ang mga wikang sinasalita ng Tao?
➡Papaano nalikha ang unang salita?
➡Ano ang relasyon ng katawagan at ng bagay na tinutukoy nito?
➡Bakit ganito o gayon ang tawag sa ganito o ganiyong bagay? atbp.
Mga Teologo(Theologians)
➡Sa kanila nagbuhat ang mga unang sa mga gayong katanungan.
➡Sinasabing nilikha ng Diyos ang wika.
➡Sinasabing ang pagkakaroon ng ibat-ibang wika sa daigdig ay parusa ng Diyos sa pagmamalabis ng tao.

Mga mambabalarilang Hindu


➡kauna-unahang pangkat na kinilala sa larangan ng linggwistika.
Nang panahong iyon, naniniwala ang mga Tao na wika ng Diyos ang ginamit sa matatandang banal na himno ng
Ebreo. Mahabang panahong hindi nila ginalaw ang istilo ng lenggwahe ng nasabing mga himno kahit nakaiwanan
na ng panahon sa paniniwalang paglapastangan sa gawa ng Diyos ang anumang isasagawang pagbabago dito.
Subalit nagpunyagi ang mga palaaral na Hindu.
➡Sinuri nila ang magandang wikang ginamit sa nasabing mga himno sa palatunugan, palabuuan, palaugnayan,
sa layuning makatulong sa pagpaliwanag ng diwa ng halos di maunawaang mga himno.
Ang mga pagsusuring isinagawa ng mga mambabalarilang Hindu ay naging simula ng mga pag-aaral sa ibang
wika sa Europa.
▪Mapapatunayan ito sa mga terminolohiyang teknikal na ginamit ng mga unang mambabalarilang Hindu na
hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa ng mga makabagong mambabalarila at linggwista.
▪Sa mga wikang Griyego at Latin, unang nagkaanyo ang wika sa tunay na kahulugan nito, sapagkat ang mga
wikang ito ang dalawang magkasunod na wikang unang nalinang at lumaganap nang puspusan sa Europa ng
panahong iyon.
Mapapansin kung saan unang nalinang ang sibilisasyon ay soon din unang nagkaanyo ang kauna-unahang
maagham na pagsusuri sa wika.

Aristotle at ang pangkat ng mga stoics


➡Ilan lang sa mga linggwistang laging nababanggit nang mga panahong yaon.
➡Itinuturing na syang nagsipanguna sa larangan ng agham-wika.
Panahon ng Pagbabagong Isip(Renaissance)
→ Dahil sa mabilis na pag-unlad ng sibilisasyon at paglaganap ng karunungan sa ibat-ibang panig ng daigdig
Mula sa Gresya at Roma, ay naging masusi at puspusan ang pagsusuring panlinggwistika sa mga wikang
Griyego at Latin dahil sa napakarami at ibat-ibang karunungang sa dalawang wikang ito lamang matatagpuan.
→ Ang pag-aaral sa mga wikang Griyego at Latin ay nakaimpluwensya sa ibat-ibang wika sa Europa.

Wikang Ebreo
Orihinal na wikang kinasusulatan ng matandang tipan. Pinaniniwalaang siyang wikang 'sinasalita sa paraiso'
kaya't inakalang lahat ng wika'y dito nag-ugat, pati na ang Griyego at Latin na syang unang mga wikang
kinasalinan ng nasabing Bibliya.
Sa panahong ito'y nakilala ang tungkung-kalan sa linggwistika na labis na nakaimpluwensya sa larangan ng
linggwistika sa Europa.
• Bopp (Sanskrito)
• Grimm (Aleman)at
• Rask (Islandic)
Ang mga linggwistang ito'y sinundan ng marami pang iba tulad Nina:
• Rappf • Madvig
• Bredsdorff • Muller
• Schleicher • Whitney
• Curtios • at marami pang iba.
Ang mga pananaliksik sa larangan ng linggwistika sa teknikal na kahulugan nito, ay alam nating karakarakang
nauunawaan ng mga hindi linggwista.

Muller at Whitney ( 1860-75)


➡ nagsikap na maging payak ang pagtalakay sa mga prinsipyo at simulain at agham na ito upang
mapakinabangan ng mga paaralan.
Linggwistikang Historikal (Historical Linguistics)
- Itinuturing na kauna-unahang disiplina sa linggwistika na naglalayong magpatotoo na ang mga wika sa daigdig
ay mula sa ibat-ibang angkan.
Blumentritt
Isa sa nagpasimula sa pag-aaral sa angkang malayo- polinesyo na pinagmulan ng ibat-ibang wika sa Pilipinas.
Sinasabing siya ang nakaimpluwensya Kay Rizal upang magtangka ring magsagawa ng ilang pag-aaral sa mga
wika sa Pilipinas, tulad ng Tagalog.
Sumunod kay Blumentritt ang iba pang linggwistang tulad nina:
→ Otto Dempwolf, Otto Scheerer, Frank Blake, C. Douglas Chretien, Carlos Conant, Harold Conklin, Isidore Dyen,
Richard Howard Mckaughan, at Cecilio Lopez ng Pilipinas.
Linggwistikang Istruktural (Structural Linguistics)
➡ Sinundan nito Ang linggwistikang Historical.
➡ Nagbibigay diin sa pagsusuri sa distribusyon ng mga ponema at morpema sa isng salita o pangungusap.
➡ Ibat-ibang mahahalagang pag-aaral ang isinagawa sa mga diyalekto sa Asya, Australya at sa Amerika sa ilaim
ng disiplinang ito.
Ponema
- Ang ponema ay itinuring na panulukang- bato ng linggwistikang-istruktural.
Logical Syntax
- Pinabuti at pinayaman ni Zellig Harris na Hindi nagtagal at nakilala sa tawag na 'transformational' o 'generative
grammar'
Linggwistikang Sikolohikal ( Psycho-linguistics)
- Sinasabing bunga o results ng gramatika heneratibo upang lalong matugunan Ang pangangailangan sa
larangan ng sikolohiya. Si Harris ang kinikilalang "transitional figure" Mula sa Istruktural tungo sa linggwistikang
heneratibo.

Anthropological Linguistics
- Pinangungunahan nina Boas, Sapir, Whorf, Malinowski, kroeber, at Trager.
Ang isang unit at may ibat-ibang antas:
✓ Antas ng Ponema (phoneme leve)
✓ Antas ng Morpema (morpheme level)
✓ Antas ng Salita (word level)
✓ Antas ng Parirala (phrase level)
✓ Antas ng Sugnay (clause level)
✓ Antas ng Pangungusap (sentence level) at
✓ Antas ng Talakay (discourse level).
Modelong Generative- Semantics
- Sinundan nito ang transformational-generative. Kung ang una ay nagbibigay-diin sa form o anyo, Ang huli
naman ay sa meaning o kahulugan. Dito'y nakilala ang pangalang Lakoff, Fillmore, McCawley, Chafe, atb.
Mathematical Linguistics o Linggwistikang Matematical
- Ang pinakahuli at ang ipinapalagay na siyang magiging pinakamalaganap at gamitin sa mga darating na araw.
Tinatawag din itong 'computational linguistics'. Hindi man ito gaanong nalilinang sa ngayon, halos natitiyak na
ito'y magiging palasak sa malapit na hinaharap dahil sa pagdatal ng 'computer' sa lahat halos ng larangan ng
pag-unlad.

Mga Kaugnay na Pag-aaral ng Linggwistika

SINGKRONIKONG LINGGWISTIKA (SYNCHRONIC O DESCRIPTIVE LINGUISTICS)


 Ang wika ay buhay kaya inaasahang ito ay magbabago sa pamamaraang gradwal. Kung babasahin natin
ang mga sinulat sa wikang Tagalog noong mga taong 1600, siguradong mararanasan natin ang
kahirapan sa pagbasa at pag-intindi dahil iba ang ortograpiya nila noon, at may mga salitang hindi na
ginagamit ngayon. Marami ring mga salita na ginagamit ng mga kabataan ngayon na hindi naman
naiintindihan ng mga matatanda.
Halimbawa:
Gimik, Praning
(Isa sa mga dahilan sa pagbabago ng wika ay ang panghihiram o borrowing)

Halimbawa:
bye bye, taxi, computer
(Ang pagkakalayo at pagkawala ng ugnayan ng mga nagsasalita ng isang wika ay isa pang dahilan kung bakit
nagbabago ang isang wika. May mga aspetong sosyal din na naging dahilan sa pagbabago ng wika tulad ng
katayuan sa lipunan, relihiyon, o sa kinabibilangang lahi.)

TATLONG MAHALAGANG ASPETO NG SINGKRONIKONG LINGGWISTIKA (SYNCHRONIC O DESCRIPTIVE


LINGUISTICS):

 PONOLOHIYA
 MORPOLOHIYA
 SINTAKS

DAYAKRONIKONG LINGGWISTIKS (DIACHRONIC O HISTORICAL LINGUISTICS)


Ang pag-aaral ng mga pagbabago sa isang wika sa loob ng maraming taon ay ang paksa ng diachronic o
historical linguistics. Samakatuwid, tinitingnan ng mga historical linguist ang ebolusyon ng isang wika. Binabakas
nila ang mga kapamilyang wika nito batay sa mga katangian na komon sa kanilang ponolohiya, istruktura at
leksikon.

TEORETIKONG LINGGWISTIKA (THEORETICAL LINGUISTICS)


Ang sangay ng linggwistika na sumisiyasat sa likas na katangian ng wika o mga wika nang walang pagtatangi
para sa mga praktikal na mga paggamit. Binabahala nito ang pagbuo ng mga teorya ng wika o mga wika.

LINGGWISTIKANG NILAPAT (APPLIED LINGUISTICS)


Ang nilalapat ng linggwistikang nilapat ay ang mga teoriya ng wika sa ibang larangan.
Isang interdisiplinaryong larangan ng linggwistika na kumikilala, nag-iimbestiga, at nag-aalok ng mga solusyon sa
mga problema sa totoong buhay na may kaugnay sa wika. Ang ilan sa mga pang-akademikong larangan na may
kaugnayan sa linggwistikang nilapat ay edukasyon, sikolohiya, computer science, pananaliksik sa komunikasyon,
antropolohiya, at sosyolohiya.
LINGGWISTIKANG KONTEKSTWAL
Binabahala ng linggwistikang kontekstwal kung papaano iangkop ang wika sa mundo: ang kanyang tungkulin sa
lipunan, paano ito nakuha, paano ito nilikha at namataan.

MALAYANG LINGGWISTIKA
Binabahala naman ng malayang linggwistika ang wika para sa kanyang sariling kapakinabangan, maliban sa
panlabas na kaugnay na wika.

Gamit ng Lingguwistika:
 Pagsalin ng isang salita sa ibang wika
 Pag-aaral ng kasaysayan ng wika
 Basehan sa paggawa ng bagong salita o sa pagpapalago ng isang wika
 Basehan sa tamang paggawa at pagamit ng mga pangungusap

Ikalawang Linggo: Ponolohiya, Morpolohiya, Sentaks at Sematika ng Wikang Filipino

Ponolohiya ng Wikang Filipino

 Ang Ponolohiya ng wika, tinatawag itong maka-agham na pag-aaral ng mga makabuluhang tunog. Ang
mga tunog na ito ay naproproseso ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang kkakayahan pisikal.

Ponema - Hindi ka dapat magkaroon ng kalituhan, sapagkat ang wika ay binubuo ng mga makabuluhang tunog,
tulad ng nabanggit na sa una, ang bawat tunog na ito ay may katumbas na kahulugan, kung kaya't ang tunog na
ito ay iyong binabago tiyak ring magbabago ang kahulugan ng mga salitang ipahahayag mo. Kaya dapat
malaman mong ponema ang tawag sa mga tunog ng salita na may kani-kaniyang bilang o dami batay sa
kanilang tungkulin. Ang wikang Filipino ay may mga ponemang hahati sa dalawa: ang mga ponemang segmental
at mga ponemang suprasegmental.

1.MGA PONEMANG SEGMENTAL


Ito ang mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra o titikupang mabasa o mabigkas. Binubuo ito ng
dalawangpu't isa (21) ponema: labing anim (16) ang katinig at lima (5) naman ang patinig.
Ang mga katinig sa wikang filipino ay ang sumusunod: b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y
Ang mga patinig naman ay ang: a, e, i, o, u

MGA MALAYANG PONEMA


Maliban sa Liyak na tungkulin ng mga ponemang patinig at katinig, maaari ring maganap ang pagpapalitan ng
mga ponema sa iisang salita na hindi naman nagbabago ang kahulugan. Kung kaya't ang mga ito ay matatawag
nating mga malayang ponema.

Tulad ng:
Sa ponemang patinig
Lalake sa lalaki Bukse sa Buksi
Bawe sa bawi pito sa pitu
Kunsum sa kunsumi mesa sa misa

Sa ponemang katinig:
Marami sa Madumi Marumi sa Madumi
Magdarasal sa Magdasal Rati sa Dati

ANG MGA DIPTONGGO


Mayroon din naman ponemang naghahayag ng iisang tunog sa iisang pantig o maaaring pagsamahin ang tunog
ng patinig at katinig sa iisang pantig kung kaya't tinatawag ang mga ito na malapatinig o diptonggo para sa tiyak
na katawagan. Ang mga malapatinig na ito ay ang katinig na W at Y. Pansinin ang pag kaka ugnay ng mga ito sa
mga salita sa ibaba.

Reyna Baliw Bitiw Aliw Bayaw Tikoy

MGA PARES MINIMAL


Mayroon din namang mga salitang magkapares o nagkakapare-pareho ng ppagu ngunit magkakaiba naman ang
kahulugan maliban sa isang ponema.

Katulad ng:
mesa sa misa pala sa bala
lakas sa takas baliw sa saliw
ngusu sa puso dala sa tala
MGA KAMBAL KATINIG O KLASTER
Ang klaster o kambal katinig naman ay may ponemang katinig na mmagkasun ginagamit sa isang salita na
maaaring matagpuan sa una, gitna o hulihan ng salita,

Katulad ng:
Alkansya plataporma nars konklusyon

2.MGA PONEMANG SUPRASEGMENTAL


Ito naman ang mga ponemang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat kug di" mga simbolo lamang katulad
ng /diin/,/tono/./intonasyon/,/punto/,/hinto o antala. Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag at
maiparating ang tamang damdamin sa pagpapahayag.

1. Intonasyon, Tono, at Punto- ang intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol pagbigkas ng
pantig sa sallta na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang ito man ay magkapareho ny
baybay. Ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin samantalang ang punto ay ang
rehiyonal na tunog o accent.

Halimbawa:
Ang ganda ng tula? (Nagtatanong/nagdududa)
Ang ganda ng tula. (Nagsasalaysay)
Ang ganda ng tula! (Nagpapahayag ng kasiyahan)

2. Diin at Haba- ang haba ay tumutukoy sa haba ng pagbigkas na iniuukol ng nagsasalita sa patig ng pantig ng
salita. Ang di naman ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa pantig ng salita.

Halimbawa:
/balah/ (bullet) /bala/ (threat) /tu.boh/ (pipe) /tuboh/ (sugar cane)

3, Hinto o antala-ito ay saglit na pag tigil sa pag sasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng
ipinapahayag. Ginagamit ang kuwit, tuldok, semi-kolon, at kolon sa pag sulat upang maipakita ito.

Hamlimbawa:
Hindi maganda. (sinasabing hindi maganda ang isang bagay)
Hindi,maganda (Pinasusubalian ang isang bagay at sinasabing maganda ito)

Morpolohiya ng Wikang Filipino

 Ito ay isang bahagi ng linggwestika na nag-aaral ng kayarianng mga salita at ito’y pag-aaral ng mga
morpema ng isang wika. Ang morpolohiya ay tawag sa pag-aaral ng straktyur ng mga salita at relasyon
nito sa mga iba pang salita sa wika. Tawag sa pag-aaral kung paanong ang bawat bahagi ng salita ay
pinagsasama-sama upang makabuo ng salita.

Morpema- ito ay ang pinakamaliit na yunit ng wika na may kahulugan.

Halimbawa:
Madamo Matalino Matubig
Magalang Maputik Masunurin

Mga uri ng morpema


Morpeman Pangkayarian – ito ay nakapagpapalinawng kahulugan ng buong pangungusapka ng: ang , si,
ng, sa,pero, ka, ang, ba atbp
Morpemang pangnilalaman – ito ay mga salitang nagsisilbing mahalagang salita sa loob ng
pangungusap.
Halimbawa:
Sipag, tiyaga, hirap atbp.

Mga anyo ng morpema:


Morpemang Panlapi – ito ang morpema na ikinakabit sa salitang ugat na maaring makapagpabagong
kahulugan ng salita ngunit hindi ito nakakatayong mag-isa.
Halimbawa: mag-ina - [mag] at [ina]
Maganda – [ma] at [ganda]
Bumasa - [um] at [basa]
Morpemang Salitang-ugat – ito ay uri ng morpema na walang panlapi at may payak na anyo ng salita.
Halimbawa:
tao sayaw takbo kanta punta alis payong
Morpemang binubuo ng isang ponema- ito ay ang nangangahulugang kasariang pambabae na isinasaad
ng salitang ugat.

Halimbawa: Duktor – Duktora


Kapitan- Kapitana
Gobernador- Gobernadora

Apat na kayarian ng salita

Payak – ito ay mga salitang binubuo ng salitang-ugat lamang.

Halimbawa:
Tulog kain aral simba
Maylapi – ito ay mga salitang mayroong ng salitang-ugat at panlapi.

Halimbawa:
Kumain puntahan mabait iinom inasahan

Uri ng Panlapi
Unlapi – ikinakabit sa unahan ng salitang ugat [um, ma-, na, nag, nang, ka-, pag-, in, pa-]

Halimbawa:
Umuulan – um + ulan
Naglalaro - nag + laro
Gitlapi – ikinakabit sa pagitan ng unang katinig at sinusundan ng patinig
[um, in]

Halimbawa:
Sumasayaw = s + um + asayaw
Kinanta = k + in + anta
Hulapi - ikinakabit sa hulihan ng salitang-ugat
[ in, hin, -an, han ]
Halimbawa:
Hulihin - huli + hin
Basahin – basa + hin
Kabilaan – ikinakabit sa unahan at hulihan ng salitang ugat

Halimbawa:
Pinagkainan - pinag + kain + an
Pagbutihin – pag + buti + han

Unuulit – anh buong salita ay inuulit o kaya naman ang isa, higit pang patinig ay inuulit.

Ito ay may dalawang uri:


Pag-uulit na ganap – inuulit ang buong salitang-ugat
Halimbawa: gabi-gabi araw-araw oras-oras

Pag-uulit na di ganap - bahagi lamang ng salita ang inuulit.

Halimbawa: iinom susulat tatakbo kakain

Tambalan – ito ay dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita

Halimbawa: Balat-sibuyas
Patay-gutom
Takip-silim

Ito ay may dalawang uri:


Malatambalan o Tambalang Parsyal - nanatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal.
Ginagamit ito ng gitling sa pagitan.

Halimbawa: Balik-bayan bahay-kalakal


Tambalang Ganap - Nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa sa kahulugang dalawang
salitang pinagsama.

Halimbawa: Hampaslupa, bahaghari


Sintaks at Semantika ng Wikang Filipino

•Ang sintaks ay mula sa salitang Griyego na "Syntattein" na ang ibig sabihin ay pagsama-sama o
pagsama-samahin.
•Ito'y tumutukoy sa istruktura ng pangungusap.
•Ang sintaks ay ang pagsama-sama ng mga salita upang makabuo ng makahulugang pangungusap kapag
nagbago ang pagkakaayos ng mga salita.
•Pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap.
•Pagsasama-sama ng mga salita para makabuo ng mga parirala o mga pangungusap.
•May kinalaman ssa sistema ng mga tuntunin at mga kategorya na batayan sa pagbuo ng pangungusap.
•Malikhain at sistematika ang sintaks ng isang gramar.
•Nakapagsasama-sama ang mga ispiker ng isang wika ng mga salita para makabuo ng mga pangungusap.

Halimbawa:
1. Naglilinis sa silid-aralan ang mga estudyante.
2. Ang silid aralan estudyante mga naglilinis.
*Ang ika lawang halimbawa ay walang lingguwistikang kahulugan dahil sa
Hindi tamang pagkakaayos ng mga morpema.

PANGUNGUSAP
Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salitang nagpapahayag
Ng bulong diwa o kaisipan.

URING PANGUNGUSAP AYON SA AYOS

1.Payak(Simple)-Kung binubuo lamang ng isang sugnay nanakapag-isa.


Halimbawa:
Si Ana ay matalino at maganda.
Sina Ana at Maria ay matatalino.

2.Tambalan(Compound)-Kung binubuo ng dalawang sugnay na nakapagisa(


at,ngunit,subalit,datapwat)
Halimbawa:
Ikaw ang tutugtog ng gitara at ako Naman ang sasayaw at
aawit.
Ibibigay kona sana ang pera sakanya ngunit hindi siya
dumating.

3.Hugnayan(complex)-Kung binubuo Ng isang sugnay nanakapag-iisa at


Isang Hindi nakapag-iisa.(Sapagkat,dahil,upang,nang,para).

Halimbawa:
Matayog ang lipad ng eroplano upang Hindi Ito maabalang
ulap.
Binigyang parangal ang mga bayani dahil nag-alay sila ng
Buhay para sa bayan.

4.Langkapan(compoundcomplex)-Kung binubuo ng dalawang sugnay na


nakapag-iisa at isang Hindi nakapag-iisa.

Halimbawa:
Matayog ang lipad ng eroplano at siya ay kasabay nitong
Lumilipad ngunit naiwan niya sa Pilipinas ang kanyang kasintahan dahil
Abala Naman Ito sakanyang restawran.
Si aling Martha ay nagluluto ng pagkain samantalang ang
Kanyang mga anak ay naglilinis ng bahay dahil may darating napanauhin.

URING PANGUNGUSAP AYON SA NILALAMAN

1.Pasalaysay/paturol(Declarative)-Ang pangungusap na
pasalaysay/paturol ay nagsasabi tungkol saisangbagay. Nagpapahayag
Itong katotohanan, bagayopangyayari.

Halimbawa:
Dumarami na ang sangay ng kanyang restawran.
Ang mga mag-aaral ay matiyagang nag-aaral.

2.Patanung(Interrogative)-kapag ang pangungusap ay nagtatanong o nag


-uusisa. Ito ay pangungusap napatanong.

Halimbawa:
Kailan Kita muling makikita?
Paano ba talaga humanap ng tapat na kaibigan?

3.Padamdam (Exclamation)-Nagpapahayag ng masidhing damdamin ang


Mga pangungusap napadamdam. Maaaring Ito ay nagpapakitang
pagkatuwa, pagkalungkot, opagkaiba.
Halimbawa:
Bitawan mo ako!
Naku! Naiwan na nila ako.

4.Pautos(Imperative)-Ang pangungusap na pautos ay mga pangungusap


Na nag-uutos.
Halimbawa:
Kumuha ka ng tubig.
Paki linis na ang mga mesa para susunod nating kustomer.

5.Pakiusap-Ang pangungusap ay nakikiusap.Ginagamitan Itong


Magagalang na salita tulad ng paki,pwedeba,omaaariba.
Halimbawa:
Pwede ba kitang makausap?
Paki ayos ng mga gamit mo.

Mga uri pangungusap na walang Paksa


1.Pangungusap na Eksistensyal- nagpapahayag Ng pagkakaroon o
kawalan.
Halimbawa :
May pag-ibig ka pa ba para sa akin?
Wala .(E, hindi Naman Kita kilala).
2.Pangungusap na pahanga- nagpapahayag ng damdamin ng paghanga.
Halimbawa :
O,kay ganda! At Ang galing!
3.Maiikling sambitla- Isa o dalawang pantig na katagang may matinding
damdamin.
Halimbawa :
Aray! At Syet!
4.Pangungusap na pamanahon- nagsasaad ng oras o panahon.
Halimbawa :
Sa makalawa pa.
Tag-ulanna Naman.
5.Pormulasyo ng panlipunan- pagbati at iba pang kalugod-lugod na
Salitang sinasabi upang maka pagtaguyod ng mabutingugnayan.
Halimbawa :
Magandang umaga!
Maligayang kaarawan!
6.Modal- nagpapahayag Ng kagustuhan.
Halimbawa:
Gusto Kong kumain.
7.Penomenal- nagsasaad ng mga pangyayari sa kalikasan.
Halimbawa:
Nagbaha sa BSU.
8.Pandiwang tugon sa pangungusap o nag-uutos o nagyayaya.
Halimbawa:
Dali! at Layas!
9.Panawag
Halimbawa:
.Psst! at Hoy!

SEMANTIKA
Ang semantika ay tumutukoy sa pampilosopiya at pang-agham o siyentipikong pagpapakahulugan.
Ito’y galing sa griyegong “ semaino ” na ang ibig sabihin ay mangngahulugan o noun na semantikos,
makahulugan (New World Encyclopedia)
Ang semantika ay ang pag-aaral ng mga kahulugan ng isang salita at ng mahahabang yunit ng salita gaya ng
mga parirala at mga pangungusap (Badayos, 2008). Ayon kay Manggay (2002), ang ating kultura ng
komunikasyon ay umiinog sa pahiwatigan.

DALAWANG DEMINSYON NG PAGBIBIGAY NG KAHULUGAN NG WIKA:


1.konotasyon-Tumutukoy ito sa ekstra ng kahulugang taglay ng isang
Salita depende sa intensyon o motibong taong gumagamut nito. Ito rin
Ang kahulugang ibibigay sa mga salita, parirala o pangungusap na hindi
Tuwirang isinasaad.

Halimbawa:
Si Carla ay pinaliligiran ng mga paruparu mula sa iba't ibang
kanayunan.
Tunay ng ang si Joshua ay isang sikat na bituin.

Halimbawa:
Ilaw: Ina, Tamang daan
Hanging/Mahangin: Kung sa tao ay pagiging isang may abang

Sa madaling salita ang Konotasyon ay may dalang ibang kahulugan


O maaaring pansariling kahuluganng tao.

2.Denotasyon- Ito ay nagtataglay o nagpahiwatig ng neutral o


O betibong kahulugan ng termino.Tumutukoy rin ito sa literal na
Pagpapahulugan sa mga salita. Madalas din itong tawaging "dictionary
meaning" na ang ibig sabihin ay tahas, aktwal, tiyak o tunay.

Halimbawa:
Ang paruparu ay dumapo sa rosas.
Ayuko ng isdang bangus kasi matinik ito.

May tatlong sangay ng Semintika:


1.Kahulugan- gramatik ang Semiotika na sumusuri sa Kung paano
Naituturing ang anumang bagay bilang senyas.
2.Katwiran- lohikang kritikal na naglalahad ng pamantayan kung paano
Natutuklasan ang katotohanan sa kinuhang bungang senyas.
3.Katotohanan- Retorik o ng unibersal hinggil sa pagtakdang Kondisyon
Komunikasyon a tpag-unlad ng senyas.

ASSIGNMENT

TAKDANG ARALIN:

PANUTO: Isulat sa isang buong papel (kahit anong papel), pwedeg iencode ang inyong sagot.

1. Ano-ano ang mgaa pinag-aaralan sa isang wika?


2. Papaano nalikha ang unang salita?
3. Paano napabilis ang pag-aaral ng wika noong panahon ng mga kastila?
4. Ano ang unang artikulo ni Conant patungkol sa Wika?
5. Ano ang tatlong mahahalagang impluwensya sa pag-unlad ng agham-wika ayon kay Constantino?
6. Magbigay ng halimbawa ng dayakronikong linggwistika.
7. Ilan ang ponema ng wikang Filipino?

Ika-tatlong Linggo: Ang Komunikasyon

Kahulugan ng Komunikasyon

Ang KOMUNIKASYON- ay isang paraan ng pagbibigay ,paglilipat o pagsasalin ng impormasyon, ideya, kaalaman,
pilosopiya, prinsipyo, opinion, katalinuhan, balita at iba pang kaalamang pangkaisipan, pandamdamin at niloloob
ng tao sa anumang paraan na nais gamitin. Ang tao ay maparaan sa paghahatid ng kanyang mensahe, maaaring
gumamit ng wika o ibang paraan(Rodrigo 2001).
Ang KOMUNIKASYON- Tahasan itong binubuo ng dalawang panig: isang nagsasalita at isang nakikinig na kapwa
nakikinabang ng walang lamangan (Atienza et.al. 1990).
Ang KOMUNIKASYON- ay masining at mabisang pakikipagtalastasan/komunikasyon ang proseso pagbibigay
(giving) at pagtanggap (receiving), nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman,
kaisipan, impresyon at damdamin (E.Cruz et. al. 1988).

Kasaysayan ng Komunikasyon

Nagsimula ang lahat sa paglikha ng Diyos sa mga tao. Ayon nga sa Genesis, nilikha ng Diyos si Adan at
naisip Niya na kailangan nito ng makakasama, kaya’t hinugot ng Panginoon ang isang bahagi ng tadyang ni Adan
at dito nilikha si Eba. Nangangahulugan lamang ito na kasabay ng paglikha ng Diyos sa tao ay ang paglikha rin
Niya sa komunikasyon.
Upang maayos na makipag ugnayan ang mga sinaung tao, ginamit nila ang pasalitang komunikasyon na
may kahalong senyas at simbolo(Lorenzo Carmelita).

Panahon ng Tribo

Sa panahon ito ang tradisyong oral o pagbikas ang namamayano. Binubuo ang komunikasyon ng harap -
harapan ugnayan. (face-to-face communication. Nakatuon sa pagbikas kaya pakikinig ang namamayani.

Panahon ng Letra

Ang imbensyon ng alphabetong ponetika ang nagbunsod sa panahon ng letra. Ang mga simbolo ang
karaniwang napahintulot sa mga tao na makipagtalastasan sa anyong pagsulat, kahit wala ng komunikasyon
harap-harapan dahil nabahasang muli ang Nakasulat na komunikasyon ang midyum na ito ay nangangailangan
ng kaunting memorya kumpara sa oral na komunikasyon.

Panahon ng Imprinta

Nagsimula ang panahon nang maimbenta ni Johannes Guterburg ang imprenta at nagsirami na sa
kasaysayan ang natutong bumasa at sumulat.
Ayon kay Mcluhan ang imprenta ang unang kagamitan para sa maraming produksyon kaya ito rin ang
nagbunsod ng Rebolusyong Industriyal.

PANAHON NG ELEKTRONIKO
Nabawasan ang pamamayani ng Imprenta bilang midyum at nabawasan ang kilos pangunahing organo ng
pandama nang maimbento ng telegrapo na siyang nagmula sa panahong Elektroniko sa kasaysayan ng mga tao.
Ayon kay Mcluhan, binuhay muli ng Elektronikong media ang tradisyong oral at muking inugnay ang pandama at
pandinig .

Malyston(Milestone)sa Pag-unlad ng Komunikasyon


Ang sabi ng ilang tala mula sa information Explosion. Halos dumoble sa Amerika ang taas o laki ng
pagbabago sa larangan ng komunikasyon, produksyon, medisina at sa teknolohiya mula noong 1850 hanggang
1950. Pagkatapos ng panahong ito bumogso ang lalong pababago sa teknolohiya.

Phoenician Alphabet
Sa paglipas ng pamahon, ang iba't- ibang anyo ng sistemang Poenician ang nakasulat na
komunikasyon ay nagsimulang kumalat at kinuha sa kahabaan ng mga estado ng lungsod ng Meditation.
Noong ika 8 singlo BC, ang simbolo ng Phoenician ay nakarating sa Gresya, kung saan ito ay binago at
inangkop sa wikang Griego sa bibig. Ang pinakamalaking Pagbabago ay ang padargdag ng mga tunog ay
patinig at pagbasa ng mga titiki mula kaliwa hanggang kanan

Elemento at Proseso ng Komunikasyon

1. TAGAHATID o ENCODER
• elemento na kung anong nais na ipahatid na mensahe
• nagpapadala o pinagmulan ng mensahe.
• bumubuo sa mensahe
• Nagpapasya sa layunin
• Nagsisimula sa proseso ng komunikasyon sa kung ano ang nais na ipahatid na . . mensahe na taga hatid.
- Dalawang kahusayan sa pagpapadala ng mensahe, pagsasalita, at pagsusulat.

2. MENSAHE
• Elemento ng komunikasyon na siyang bibigyan ng kahulugan ng taga tanggap ng mensahe
• Mensaheng pangnilalaman o panglinggwistika
• Mensaheng relasyunal o mensaheng di- berbal
• ito ay naglalaman ng damdamin, opinyon, at kaisipan ng tagahatid.

3. MGA TSANEL
• Daluyan ng mensahe
• berbal o di- berbal
• Ito ang tinuturing na kahulugan ng nagdala ng mensahe mula sa tagahatid patungo sa taga tanggap pabalik
mula sa tagahatid.
a)Pandama- sakop ang paningin, pandinig, pang amou, panlasa at pakiramdam
b)Intitusyunal- sangkop ang tuwirang pakikipag usap, sulat.

4. TAGATANGGA o DEKODER
• tumatanggap sa mensahe
• nag interpret o nagbibigay kahulugan sa mensahe
ANTAS NG PAG TANGGAP
a) Pagkilala sa mensahe - kinikilala ang tatanggap ang mga titik, salita, pangungusap o talata sa mensaheng
kanyang natanggap.
b)Kabisaan ng mensahe- ipinalagay ng taga tanggap na tama ang mensaheng natanggap at ito ay may mabuting
epekto sakanya.
c)Pagkilos ukol sa mensaheng natanggap- tumugon ang tagatanggap sa mensahe batay sa naunang dalawang
antas
5. GANTING MENSAHE o FEEDBACK
• Proseso sa pagbabalikan ng mensahe
• Ang patuloy na naghahatid ng mensahe sa bawat panig ng kasangkop sa komunikasyon
6. MGA HADLANG o BARRIERS
Ito ang dahilan kung bakit kung minsan may hindi pagkakaunawaan
Apat na uri ang sagabal: SEMANTIKO, PISIKAL, PISYOLOHIKAL, at SAYKOLOHIKAL.
Tagahatid, mensahe, tsanel, katayuan, lugar, at iba pang maaaring makahadlang.
7. SITWASYON o KONTEKSTO
• Pinakamahalagang elemento
8. SISTEMA
• Nangangahulugan sa relasyon o ugnayan ng nilikha sa pamamagitan ng komunikasyon

Uri ng Komunikasyon

1.Komunikasyong interpersonal - Tinatawag itong interpersonal sapagkat ito ay


nagaganap sa pagitan ng dalawa o mahigit pang (dami ng) tao. Kumpara sa
komunikasyong intrapersonal, ang uring ito ay mas may konkretong daloy kung saan
ang mga elemento ng komunikasyon ay makikita. Kasama dito ay ang tagapagsalita,
mensahe, medium, ingay o balakid, at tagatanggap.
2.Komunikasyong intrapersonal - Bagaman sinasabi na ang komunikasyon ay
transaksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang tao, itinuturing pa rin na uri ng
komunikasyon ang komunikasyong intrapersonal. Isang tao lamang ang gumagawa ng
transaksyon na ito. Kapag ang isang tao ay nag-iisip, sinasabi na ito ay
nagsasagawa ng komunikasyon intrapersonal. Samantala, mayroon namang pagtatalo
kung maituturing bang komunikasyong intrapersonal ang pagdadasal. Para sa mga
sumasang-ayon dito, sinasabi na wala naman talagang konkretong katugunan na
natatanggap sa pagdadasal. Subalit para sa iba, ang katugunan ay matatagpuan sa
pang araw-araw na kaganapan sa buhay ng tao mismo.
3.Ang komunikasyong hindi pasalita, komunikasyong hindi binibigkas o
pakikipagtalastasang hindi pasambit (Ingles: nonverbal communication) ay
kadalasang nauunawaan bilang proseso ng komunikasyon sa pamamagitan ng pagpapadala
at pagtanggap ng mga palatandaan o hudyat na walang salita sa pagitan ng mga tao,
na karamihan ay nakikita o napagmamasdan ng mata. Ang mensahe ay naipababatid sa
pamamagitan ng mga galaw at paghipo, sa pamamagitan ng wika ng katawan o tikas, sa
pamamagitan ng pagpapahayag ng mukha at pagtitinginan.
4.Ang komunikasyon ng hayop- ay kahit anong asal ng isang bahagi ng isang hayop na
may epekto sa kasalukuyan o hinaharap na asal ng isa pang hayop. Zoosemiotics ang
tawag sa pag-aaral sa komunikasyon ng hayop (pinag-iiba sa anthroposemiotics, ang
pag-aaral sa komunikasyon ng mga tao) na gumaganap sa isang mahalagang bahagi sa
pagsulong ng etolohiya, sosyobiyolohiya, at ang pag-aaral ng cognition ng hayop.
5.Ang telekomunikasyon- ay ang ekstensiyon o dugtong na pangkomunikasyon sa ibabaw
ng malayong distansiya. Sa pagsasanay, kinikilala nito na maaaring may mawala sa
proseso; dahil dito sinsakop ng katagang 'telekomunikasyon' ang lahat ng anyo ng
distansiya at/o pagbabago ng orihinal na mga komunikasyon, kabilang ang radyo,
telegrapiya, telebisyon, telepono, komunikasyong pangdatos at pagnenetwork ng
kompyuter.
" Iba ring uri ng komunikasyon"
•Berbal na Komunikasyon – ito ay gumagamit ng makabuluhang tunog at sa pamamagitan
ng pagsalita. Ito rin ay tumutukoy sa pagpaparating ng mensahe o ideya sa
pamamagitan ng salitang nagpapakita ng mga kaisipan
•Denotatibo-
Tumutukoy sa pangunahing kahulugan ng isang salita
•Konotatibo-
-Ito naman ay maaring magtataglay ng pahiwatig ng emosyon o pansaloobin
-Ito rin ay ang proseso ng pagpapahiwatid ng karagdagan o kahulugang literal.
"Mga Paraan ng Pagpapakahulugan ng mga Simbolong Verbal"
•Referent – mga bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita, tiyak na aksyon,
katangian ng mga aksyon at ugnayan ng bagay sa ibang bagay.

•Komong Referens – tumutukoy sa parehong kahulugang ibinigay ng mga tao.


•Kontekstong Berbal – ang kahulugan ng isang salita na matutukoy ayon sa kaugnayan
nito sa ibang salita.
•Paralanguage – magbigay ng kahulugang kaonotatibo.
"Anyo at sangkap ng komunikasyong pantao"

Nakikipagusap ang mga tao upang maipamahagi o matukoy ang karanasan at kaalaman ng
bawat isa. Maaari din na intrapersonal o interpersonal ang komunikasyon. May mga
ilang teoriya ng komunikasyon na sinusubukang ipaliwanag ang komunikasyon
pang-tao. Ito ay isang sistemang pagkaiintindihan sa bawat taong
nagkakaintindihan. Maaari na intensiyonal o di intensiyonal, interaktib,
transaktib,ang komunikasyon; maaari din na di pasalita o pasalita ito. puwede rin
intrapersonal o kaya'y interpersonal ang komunikasyon pantao. May mga ilang paktor
ng komunikasyon na sinusubukang ipaliwanag ang komunikasyon pang-tao.

Modelo ng Komunikasyon

Ang modelo ng Komunikasyon ay nagsisilbing patnubay upang malinaw na maipaliwanag sa mga


kamag-aral ang prosesong nagaganap sa Komunikasyon. Isa sa mga nakadebelop ay si Dell Hymes.

SETTING
(Saan ang usapan?)
-Sa pkikipag komunikasyon, ang lugar o pook o lugar saan naganap ang usapan ay dapat isaalang-alang.
Halimbawa nito ay ang pag-uusap niyu ng kaibigan mo sa parke.

PARTICIPANTS
(Sino ang kausap at nag-uusap)
-Dito isinasaalang alang ang tao, damdamin, pag-uugali, maging ang estado nito sa buhay. Dahil may
impluwensya ito sa daloy at paraan ng pagpapahayag ng nagsasalita at kaniyang kausap.
Halimbawa nito aya ang paggalang ng Anak sa kaniyang Ama.

END
(Ano ang layunin ng usapan?)
-Sa komponent na ito ang interaksyon ay ayon sa layuning nais matamo sa pakikipag Komunikasyon.

ACTS SEQUENCE
(Paano ang takbo ng pag-uusap)
-Ito ang Tumutukoy sa pagkakaugnay ng usapang nagaganap sa uri ng pangyayari.

KEYS
(Pormal ba o impormal ang usapan.)
- Dapat isaalang alang ang pormalidad ng isang okasyon o pangyayari sa pakikipag-uspap. Ito rin ang paraan
ng iyong pagsasalita at ang mga salitang iyong ginagamit.

INSTRUMENTALIES
(Midyum ng usapan , pasalita ba o pasulat)
-Ito'y gamit o daluhan ng komunikasyon.

NORMS
(Ano ang paksa ng usapan)
-Mahalagang isaalang alang din ng isang tao ang paksa ng usapan.

GENRE
(Ano ang uri ng pagpapahayag, pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad)Isinasaalang alang ang layunin ng
participants.

Ayon Kay DELL HYMES, kaylangang isaalang alang ang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang.

Modelo Ni Berlo,
A. Mensahe. B. Daluyan
C. Sagut/tugon
Tagapagdala
Tagatanggap

Ang modelo Ni Shanon at Weaver


1. Pinagmulan ng mensahe. 2. Tagahatid
3. Senyas o kodigo. 4. Taga-tanggap
5. Destinasyon

*Ang Modelo Ni Schramm


1.Mensahe. 2. Lawak ng karanasan Decoder
3. Mensahe. 4. Lawak ng kaisipan Encoder

Mga Sagabal sa Komunikasyon

1. Mahinang Memorya
Ito ay sagabal sa komunikasyon lalo na kung hindi maaalala ng tumatanggap ng mensahe, hindi siya ganap na
nakinig, di magaling makinig at mahina ang pandinig.
2. Kondisyon ng katawan
Nararapat din nating isaalang alang ang ating pangangatawan na siyang magiging daluyan ng komunikasyon.
Mahinang mata, masakit na katawan, mahinang pandinig at personal na discomfort ay halimbawa nito.
3. Presentasyon ng informasyon
Kapag magulo at mahirap intindihin ang mensahe mula sa pinagmumulan mahihirapan din ang daloy ng
komunikasyon.
4. Pisikal na Balakid
lugar, teritoryo at espasyo
5. Perseptwal na Balakid
Iba't-ibang pananaw ng tao sa mensahe na makukuha nila.
6. Kultural na Balakid
Mga gawi, kilos, tradisyon. "Taboo" o praktis na 'di tama sa ibang kultura.
7. Balakid sa Wika
Mga ekspresyon, jargon, salita ng bawat wika. Dapat isaalang-alang ang kahulugan ng bawat salita para sa
maayos na komunikasyon.
8. Emosyonal na Balakid
Ito ay dulot ng takot, hindi pagtitiwala at paghihinala ng masama sa ibang tao.
9. Kasarian bilang Balakid
Ito ay sa vocabularyo at pagsasalita ng babae at lalaki.
Pagtanggi- walang interpersonal na kontak.
Ritwal- paulit-ulit na gawain
Pastime- hilig ng tao
Laro- gawain na may panalo at talo
10. Interpersonal na Balakid
Paglalapit/Pagmamabutihin- mataas na interaksyon sa mga taong sangkot sa gawain.

Mga Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon

Apat Na Uri ng Sagabal sa Komunikasyon:


 semantikong sagabal
 pisikal na sagabal
 pisyolohikal na sagabal
 sikolohikal na sagabal

Halimbawa ng Semantikong Sagabal


Ang pagkakaroon ng isang salita na dalawa o higit pa ang kahulugan.
Mga Halimbawa ng Pisikal na Sagabal
Ingay sa paligid, distraksyong biswal, suliraning teknikal na kaugnay ng sound system, hindi mahusay na
pag-iilaw, hindi komportableng upuan

Halimbawa ng Pisyolohikal na Sagabal


Hindi maayos na pagbigkas sa mga salita, hindi mabigkas ang mga salita, may kahinaan ang boses

Mga Halimbawa ng Sikolohikal na Sagabal


Pagkakaiba-iba ng mga kinalakhang paligid at pagkakaiba-iba ng mga nakagawiang kultura na maaaring
magbunga ng misinterpretasyon sa kahulugan ng mensahe
Ika-labing apat na pangkat

Assessment

To be scheduled

You might also like