You are on page 1of 20

KAHULUGAN, KAHALAGAHAN, PINAGMULAN AT

1 MGA KATANGIAN NG WIKA

Ang wika'y kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan. Nagagamit ito sa
iba't ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang-ekonomiya, panrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon
at panlipunan. Ang wika'y nawawala at namamatay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na
gumagamit ng nasabing wika ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad at nagbabago kasabay
ng pag-unlad ng mayoryang pangkat na gumagamit nito.

Masasabing mahigit pa sa isang mirakulo ang pagkakalinang ng wika. Ito'y nagbuhat sa isang di-
pangkaraniwan, kahanga-hanga at masalimuot na sistemang sumasabay sa tao sa kanyang pag-unlad.
Habang umuunlad ang tao, nalilinang ang wikang bumabagay sa kanyang mga pangangailangan sa
buhay. Maraming paraan ng pakikipagtalastasan ngunit pinakamabisa at pinakamahalaga ang wika
sapagkat buong linaw na naipahahayag ng tao ang lahat ng kanyang nasa isip at nadarama.

Pinauunlad ng tao ang wika at wika naman ang nagpapaunlad sa tao. Bawat bansa sa lahat ng
bahagi ng daigdig ay may sariling wikang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Ang isang bansang malaya
at maunlad ay may wikang maunlad at malaganap. Sa tulong ng wika, ang isang tao'y makapamumuhay
nang maayos at maiaagpang niya ang kanyang sarili sa kanyang kapaligiran.

Lubhang mahalagang papel ang ginagampanan ng wika sa isang bansa. Malaking tulong ito sa
larangan ng edukasyon upang hubugin ang kabuuang pagkatao ng isang nilalang; na siya'y maging isang
taong maka-Diyos, makabayan, makatao at makakalikasan. Ito'y makatutulong din sa isang tao sa
kanyang pakikisalamuha sa kanyang mga kapwa tao sa lipunang kanyang ginagalawan. Sa tulong ng
mabisang paggamit ng wika, magtatagumpay sa kanyang propesyon o hanapbuhay ang isang
mamamayan.

Ang wika'y isa sa mahahalagang salik na makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa. Ito'y isang
mabisang instrumento sa pambansang pagkakaunawaan at pagkakaisa.

1
Tinatawag na linggwistika ang agham ng wika. Ang taong dalubhasa sa wika ay tinatawag na
dalubwika o linggwista. Ang dalubwika ay nagtataglay ng di-pangkaraniwang kaalaman at kakayahan sa
pagsusuri ng wika. Ang isang tao namang marunong ng maraming wika ay tinatawag na polyglot. Hindi
maaaring tawaging dalubwika ang isang polyglot kung hindi siya nagpakadalubhasa sa wika.

May paniwala ang mga antropologo na kung mayroon mang wika ang mga kauna- unahang tao
sa mundo, ang naturang wika ay masasabing kauri ng wika ng mga hayop. Ang paniwalang ito'y hindi
mapasusubalian kung may katotohanang ang mga unang tao'y namuhay noong panahong iyon na katulad
ng mga hayop. Ang kaibahan lamang ng tao sa hayop ay ang kanyang angking talino na higit na mataas
kaysa hayop.

Sa tulong ng taglay niyang katalinuhan, tuluyan na niyang naibukod ang kanyang sarili sa mga
hayop. Nagawa niya ito sa pamamagitan ng kanyang pagkontrol sa iba't ibang bahagi ng kalikasan.
Nagawa niyang malinang ang wika at kultura na kung ihahambing sa wika at kultura ng kanyang mga
ninuno ay talagang ibang-iba na.

Sa kasalukuyang panahon, ang lahat halos ng wika ay masalimuot. Nagagamit ito sa


pagpapahayag ng kahit anong diwang nakapaloob sa kultura ng tao. Lahat ng sibilisadong tao ay may
sariling wika at ang mga hayop ay walang wikang katulad ng ginagamit ng mga tao.

Kung pagbabasehan ang mga nahukay na mga labi (artifacts) na ginawa ng mga naunang tao sa
mundo masasabing mayroon nang humigit-kumulang sa isang milyong taon ang paggamit ng wika. Ang
wika at kultura ay kapwa nagsimula sa pinakapayak na nagpatuloy sa pag-unlad sa paglipas ng mga taon
hanggang sa maging masalimuot.

May magkakaibang paniniwala ang mga paham tungkol sa pinagmulan ng wika sa mundo
katulad din ng magkakaibang paniniwala sa pinagmulan ng tao. Kung may paniniwalang ang mga tao sa
buong daigdig ay nagsimula sa iisang angkan, maaari ring paniwalaang ang mga wika sa buong mundo
ay nagmula sa iisang angkan ng wika. Ngunit kung ang kabalintunaan nito ang ating paniniwalaan,
masasabing hindi iisa ang pinanggalingan ng iba't ibang wikang ginagamit ng mga tao sa buong mundo.

2
May mga aklat na naglalaman ng mga teoriya sa pinagmulan ng wika, katulad ng mga
sumusunod: teoriyang Ding-dong (Ito'y hakang ang bawat bagay sa mundo ay may kasama o kaugnay
na tunog.), teoriyang Bow-wow (Ginagagad daw ng tao ang mga tunog na likha ng kalikasan.),
teoriyang Pooh-pooh (Ang tao'y lumilikha ng mga likas na tunog at pakahulugan sa mga ito sapagkat
siya ang lumikha.) at teoriyang Yum-yum (Nagsasaad na ang tao'y tutugon sa pamamagitan ng
pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksyon).

May pangunahing angkan ang wika na hindi kukulangin sa 5,000 wika sa mundo nang naaayon
sa kanilang pinagmulan. Sa mga pag-aaral na isinasagawa ng mga dalubwika at antropologo ay
pinaghahambing nila kung may pagkakahawig man lamang ang iba’t ibang wika kung hindi man
tandisang magkakatulad. Kung nasakop ang isang bansa, isang katotohanang ang bansang nanakop ay
magpapairal ng wika nito sa isang bansang naalipin. Katulad ng naganap sa Pilipinas, iba’t ibang
dayuhan ang nanakop sa atin kaya’t nagkaroon ng impluwensya ang mga dayuhan sa ating wika.

Ang Southern Philippines Family ay nahati sa mga sumusunod na pangkatin ng wika: Sambal,
Kapampangan, Tagalog, Cebuano, Bicol, Maranao, Surigao, Mansaka, Kalagan, Western Bukidnon
Manobo, Southern Bukidnon Manobo, Binukid, Dibabaon, Cuyonon, Subanun, Magindanao, atbp.

Dinamiko ang wika. Nagbabago ito kasabay ng pagbabago ng panahon at pagdaigdig ng


pagbabagp. Ang wika’y may mahalagang bahagi sa pagsulong ng kabihasnan sa alinmang panig ng
daigdig. May sariling kakanyahan ang bawat wika. Hindi mahahanap sa ibang wika ang mga katangian
ng isang wika.

2 PAGBASA

3
Ang pagbabasa ay ang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng inimbak o nakasulat
na impormasyon o ideya. Kadalasang kinakatawan ng ilang uri ng wika ang mga ideya na ito, bilang
mga simbolo na sinisuri ng paningin, o hipo (halimbawa Braille). Maaari na di nakasalig sa wika ang
ibang uri ng pababasa, katulad ng notasyon sa musika o piktogram. Sa paghahambing,
sa pangkompyuter, tinatawag na pagbabasa ang pagkuha ng datos mula sa ilang uri ng imbakan ng
kompyuter.

Kahit na ang pagbabasa ngayon ay isang pangunahing dahilan sa karamihan nga mga tao upang
makakuha ng impormasyon, naging ganito lamang ito noong nakalipas na 150 na taon o mahigit pa, na
may unting eksepsiyon, tulad ng mga kolonya ng Amerika, na may maliit na bilang ng populasyon sa
ibang bansa na muwang na bago pa ang rebolusyong industriyal.

LIMANG DIMENSYON SA PAGBASA

Ang pagbabasa ng guro sa mga mag-aaral ng mga aklat, magasin, pahayagan at iba’t ibang
akdang pampanitikan ay may layuning hindi lamang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagbasa kundi magkaroon sila ng mga kaalamang kaugnay ng pagmamahal sa Diyos, bayan, kapwa tao
at kalikasan, mga kagandahang-asal, kahalagahang pantao, mabuting saloobin, pagiging mabiting
mamamayan at mga karanasang maiuugnay nila sa katotohanan ng buhay.

1. PANG-UNAWANG LITERAL
A. Kahulugan
 Pagkuha ng pangunahin, literal at tuwirang kahulugan ng salita, o pagkuha nito ayon sa
pagkakagamit sa pangungusap.
 Pagsasalin ng kaisipan ng may akda sasariling pagkakaunawa ng bumabasa
B. Mga Kasanayang Napapaloob
 Pagkilala(recognizing)
1. Detalye o nilalaman ng kwento
2. Pangunahing Kaisipan ng talata
3. Paghahambing (Comparison)- pagkakapareho o pagkakaiba
4. Sanhi at Bunga (Cause and Effect)

4
5. Mga katangian ng Tauhan (Character Traits)
 Paggunita(Recalling)
 Pagbubuo ng Kaisipan(Reorganization)
a) Pagbubukud-bukod ayon sa kategorya (Classifying)
1. tao 2. bagay 3. pook 4. pangyayari
b) Pagbabalangkas (Outlining) Pagsasaayos ng akda ayon sa balangkas ng:
 Tuwirang pagpapahayag
 Pagpapakahulugan sa mgapahayag sa loob ng akda
c) Paglalagom (Summarizing)
d) Pagsasama-sama (Synthesizing)
2. INTERPRETASYON
A. Kahulugan
 Pagkuha ng malalalim na kahulugan, bukod sa mga nakuha ng literal na kahulugan. Paglalahad
ng tunay na kaisipan ng may akda kasama pati ang mga implikasyon at karagdagang kahulugan
nito.
 Pagkilala sa tunay na hangarin at layunin ng may akda.
 Mabigyan ng kahulugan ang kaisipan ng may akda.
 Makilala at mabigyan ng kahulugan ang mga pamamaraan sa pagsulat at paggamit ng mga
tayutay.
 Pagbibigay ng kabuuan ng kwento na hindi malinaw na ipinapahayag ng may akda.
 Pagsasaayos sa panibagong balangkas ng kaisipan ng may akda, pinalalawak ang kaisipang ito
at isinasama sa mga ideyang nakuha ng bumabasa sa pagbasa.
 Pagbibigay ng opinion at pala-palagayayon sa mga kaisipan at impormasyong malinaw na
isinasaad ng akda.
 Pag-aanalisaatpagsasama-samaupang magkaroon ng panibagong pananawo mataas na
pamantayan ng pag-unawa upang bayaan angbumabasanamakapag-isipsanais naipakahulugan
sa mahahalagang kaisipan ng may akda.
B. Mga Kasanayang Nakapaloob
 Paghihinuha (Inferring)
 Pagkasunod-sunod (Sequence)
 Paghahambing (Comparison)

5
 Pagkakaugnay ng Sanhi at Bunga
 Katangian ng Tauhan
3. MAPANURING PAGBABASA
A. Kahulugan
 Pagbibigay-halaga sa katumpakan ng pagbabasa.
 Tiyakin ang kaugnayan nito sa isang partikular na suliranin.
 Pagbibigay ng sariling pasya tungkol sa: katangian, kabuluhan, katumpakan,
pagkamakatotohanan.
 Pag bibigay ng sariling reaksyon tungkol sa akdang nabasa.
 Gumawa ng tiyak na pagpapasya sa pamamagitan ng paghahambing ng ipinahayag na mga
kaisipan sa loob ng akda.
 Paghatol at pagbibigay-pansin sa katangian ng materyal na ginagamit ayon sa: katumpakan,
pagiging kasiya-siya, kung ito’y kinalulugdan, at kalimitan ng pangyayari.
B. Mga Kasanayang Napapaloob
 Pagpapasya kung ito’y maaaring tunay na mangyayari o pantasya lamang batay sa karanasan ng
bumabasa.
 Pagpapasya kung ito’y katotohanan o opinyon lamang, analisahin o tantyahin.
 Pagpapasya sa katumpakan at kasapatan
 Pagpapasya sa kaangkupan
 Pagpapasya sa pagpapahalagang moral
4. APLIKASYON NG MGA KAISIPANG NAKUHA SA PAGBABASA
A. Kahulugan
 Malaman ang kahalagahan ng nilalaman ng binabasa sa karanasan ng bumabasa.
 Maragdagan ang pansariling pang-unawa sa sarili.
 Pagpapahalaga sa ibang tao, pag-unawa sa daigdig na kanyang tinatahanan at ang mga bagay sa
mundo na nagpapakilos sa tao upang siya’y mag-isi, makadama at umasal ng kanyang ikinikilos
B. Mga Kasanayang Napapaloob
 Pag-uugnay ng nilalaman sa personal na karanasan. (Naranasan mo rin ba ang katulad ng
nangyari sa tauhan sa loob ng kuwento? Ano ang ginawa mo?)
 Aplikasyon ng mga kaisipan sa binasa sa kasalukuyang isyu at mga problema. (Kung ika ang
tauhan, ano ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa sitwasyon ng istorya?)

6
 Pagbalangkas ng mga prinsipyo o pamamaraan sa pagkilos. (Mula sa sitwasyon sa loob ng
istorya, kunin ang tamang tuntunin o pamamaraan ng bumabasa.)
 Pag samahin ang mga kaisipang natutuhan sa binasa sa kabuuan ng karanasan ng bumabasa.
(Bilang isang isang estudyante, ano ang maari mong gawin)Ayon sa sitwasyon sa loob ng
kuwento.
5. PAGPAPAHALAGA (Appreciation)
A. Kahulugan
 Pagdama sa kagandahan ng ipinahihiwatig ng nilalaman ng kuwento.
 Maipahayag ang mga damdamin (kasiyahan, kagalakan, kalungkutan, pagkabigo, pagdakila, o ang
kabaligtaran ito) ayon sa pamamaraan ng may-akda sa kanyang:
a. mabisang pagpapahayag
b. pamamaraan ng pagbibigay ng mga katangian ng
mga tauhan.
B. Mga Kasanayang Napapaloob
Pagdama sa nilalaman ng seleksyon. Masabi ang mga damdaming napapaloob sa seleksiyon
ayon sa: a. interes; b. kagalakan; c. pagkainip; d. pagkatakot; e. pagkayamot; f. pagkagalit; g.
pagkasuklam; h.kalungkutan atbp.

3 PAGSULAT

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na


mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998). Isang paraan ng pagpapahayag ng mag
saloobin, damdamin at kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang
pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap
matutuhan. Di tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong ginagamit ng

7
manunulat upang makapagpahayag. Bumubuo siya ng makahulugang salita mula sa mga titik, at ng mga
pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita. Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng
isipan at emosyon ng tao. Ang mga bagay na hindi kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang
pasulat. Maaaring sumulat ng pansarili o personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa
sarili at karanasan. Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa pagpapabuti ng kasanayang ito
sapagkat ang paksang isinusulat ay pinakamalapit sa interes mo. Nagsusulat ang isang tao upang
makapag-ambag ng kaalaman o kaisipang maaaring mang-uudyok sa mambabasang sumulat nang
makabuluhan.

MGA KAILANGANG GAWIN SA PROSESONG PAGDULOG AT PAGSULAT

A. PANANALISIK
 Mahalaga ang pananaliksik upang makasulat nang wasto at mabisa ang isang tao.
 May iba’t ibang depinisyon ang pananaliksik gaya ng mga sumusunod .
1. Ito’y isang pamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at
wasto sa pamamagitan ng matiyaga at hindi apurahang pagkuha ng mga datos sa mga pangunahing
maaring pagkuhanan, inaayos ang mga ito pagkatapos ay sinusulat at iniulat.
2. Isa itong maingat na pagsusuri sa isang suliranin.
3. Isa itong may sistemang pag-uusisa upang mapatunayan ang kaalaman.
4. Ito’y isang puspusang pagsisikap upang makakuha ng mga impormasyon sa agham, literatura o
panatikan, kasaysayan at iba pang disiplina. Maaring gumamit ng experimento upang mapatunayan
ang nais tuklasin.

IBA’T IBANG URI NG PANANALISIK


1. Palarawan (Descriptive) - Sinasaklaw nito ang kasalukuyang, pinag-aaralan ang mga pangkasaluyan
ginagawa, pamantayan at kalagayan. Maibibigay na halimbawa ang pag aaral sa mga opinyon ng
mga babaeng may-asawa tungkol sa pagpaplano ng pamilya.
2. Eksperimental - Ang pinago-ukulan dito ng pansin ay ang hinaharap at kung ano ang mangyayari.
Ang halimbawa nito ay ang eksperimentong gagawin ng isang guro upang malaman niya kung aling
paraan ng pagtuturo (method) ang gagamitin niya upang madaling matuto ang kanyang mga mag-
aaral.

8
3. Pangkasaysayan (Historical) - Sinasaklaw ng uring ito ang nakalipas.Binabakas dito ang mga
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, ang pag-unlad , ang mga dahilan ng bagay-bagay at sanhi
at bunga. Ang isang halimbawa ng pananalisik na ito ay ang pag-aaral sa pag-unlad ng ating
Wikang Pambansa.
4. Pag-aaral sa Isang Kaso (Case Study) - Ito’y isang malawak na pag-aaral sa isang aklat, pangyayari,
karanasan,isang pasyente, isang usapin o kaso sa hukuman, o kaya’y isang mabigat na suliranin.
Ang isang halimbawa nito ay pag-aaral sa kaso ng isang sugapa sa ipinagbabawal na gamot na
naging dahilan ng pagkakapasok niya sa Rehabilitation Center.
5. Genetic Study - Pinag-aaralan at sinusuri nito ang pagsulong at pag-unlad ng isang paksa.
Maibibigay na halimbawa nito ay ang pag-aaral sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata ng isang tao.
6. Pamamaraang Nababatay sa Pamantayan (Normative) -Dito’y inihahambing ang resulta ng isang
umiiral na pamantayan. Isang Halimbawa nito ay paghahambing ng nagampanan sa Matematika ng
Ikaapat na Baitang ng mga Mag-aaral sa Elemtarya sa isang dibisyon sa Pambansang Pamantayan
sa Matematika ng mga nasa Ikaapat na Baitang.
7. Hambingan Pamaraan (Comparative) - Ginagamitan ito ng mga talahayan ng paghahambing ng mga
datos. Ang halimbawa nito ay ang pag-aaral ng resulta o bunga ng edukasyon sa mga mag-aaral ng
paaralang publiko at paaralang pribado.

MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK:


1. PASIMULA
2. KATAWAN O NILALAMAN
3. WAKAS O KONKLUSYON

B. PAKIKIPANAYAM
Ang pakikipanayam ay isang paraan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nang haharap-harapan.
Kung nais nating makuha ang kina kailangan nating kabatiran ay pumili ng mga dalubhasa sa kanilang
larangan na nagtataglay ng ganap na kaalaman sa nais nating mabatid. May mga uri ng
pakikipagpanayam ayon sa bilang ng taong kasangkot sa pakikipanayam gaya ng mga sumusunod:
1. Isahan o Indibidwal na Pakikipanayam

9
Ito’y paghaharap ng dalawang tao, ang isa’y nagtatanong na siyang kumakapanayam
(interviewer) at ang isa’y kinakapanayam (interviewee). Ang halimbawa nito ay ang pakikipanayam ng
isang Guidance councelor sa isang mag-aaral upang malaman ang personal na datos tungkol sa kanya.
2. Pangkatang Pakikipanayam
Higit sa isa ang kumakapanayam o kinakapanayam sa uring ito. Ang halimbawa nito ay ang
isang mananalisik na nagnanais makapanayam ang mga tao sa isang nayon tungkol sa kanilang
hanapbuhay. Maaari niyang pakiusapan ang kapitan ng barangay na tipunin ang mga tao sa pook na iyon
upang kanyang makapanyam sapagkat kung isa-isa niyang pupuntahan angmga iyon sa bahay-bahay ay
malaking panahon ang kanyang aaksayahin. Isa lamang ang kumakapanayam at marami ang kanyang
kinakapanayam.
Maaari namang isa lamang ang kinakapanaya at marami ang kumakapanayam katulad ng isang
artistang nagbibigay ng isang press conference, maraming mamamahayag ang kumakapanayam sa
kanya.
3. Tiyakan at Di-tiyakang Pakikipanayam
Sa tiyakang pakikipanayam ang mga tanong ang sasagutin nang tiyakan ng kinakapanayam.
Kapag nagbibigay lamang ng ilang patnubay na katanungan ang kumakapanayam sa kinakapanayam at
nagsasalita nang mahaba ang kinakapanayam, ito’y di tiyakang pakikipagpanyam.
4. Masaklaw na Pakikipanayam
Sa uring ito, ang kumakapanayam ay nagbibigay ng mga tanong na ang kasagutan ay mga
opinyon, paniniwala, saloobin at pilosopiya sa buhay

IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPALAWAK NG


4 BOKABULARYO

Mahalaga sa iba’t ibang propesyon ang pagkakaroon ng malawak na bokabularyo sapagkat


maipaliliwanag nilang mabuti sa mga taong kausap o kasalamuha ang mensaheng nais nilang ipahatid.
Magiging matagumpay sila sa kanilang piniling propesyonkung malawak ang kanilang bokabularyo
sapagkat magiging mabisa ang kanilang pagpapahayag.

MGA PARAAN NG PAGPAPALAWAK NG BOKABULARYO


A. Pormulasyon Ng Mga Salita

10
1. Paraan ng Paglalapi
a. Inunlapian/Unlapi – ikinakabit sa unahan ng salitang – ugat.
Hal:
Unlapi Salitang Ugat Nabuong Salita
um -asa umasa
I -tanong itanong
mag -laro maglaro
2. Ginitlapian/ Gitlapi – ikinakabit sa gitna ng salitang ugat.
Hal:
Gitlapi Salitang Ugat Nabuong Salita
um tawa tumawa
in saing sinaing
3. Hinunlapian/ Hulapi – ikinakabit sa hulihan ng salitang ugat.
Hal:
Hulapi Salitang Ugat Nabuong salita
an sulat sulatan
han takbo takbohan
hin sabi sabihin
4. Kabilaan – ikinakabit sa unahan at hulihan ng salitang ugat.
Hal:
Panlaping Kabilaan Salitang ugat Nabuong salita
mag – an hiram maghiraman
pa – in kilos pakilosin
pa – hin takbo patakbuhin
5. Laguhan – ikinakabit sa unahan , gitna at hulihan ng salitang ugat.
Hal:
Panlaping Kabilaan Salitang ugat Nabuong salita
pag – um – an sikap pagsusumikapan
mag – in – an gata magginataan
ipag – um – an sigaw ipagsumigawan
Paglikha ng mga Salita

11
1. Panlaping makangalan
2. Panlaping makauri
3. Panlaping makadiwa
B. Paggamit ng Contextual na clue – ay pahiwatig ng konteksto na matatagpuan sa loob ng isang
pangungusap, talata, o daanan na maaaring magamit. Ang kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon sa
pagkakagamit nito sa pangungusap.
Mga halimbawa:
 Nagliwanag ang nadirimlang isip ng anak sa paliwanag ng ina.
 Nagliwanag ang paligid sa pagsikat ng araw.
 Natinik siya nang kumain siya ng isda.
 Natinik siya nang ituro siya ng itinuturing na kaibigan sa mga alagad ng batas na naghahanap sa
kanya.
C. Pagsusuri sa Ugnayan ng mga Salita - Dapat na pag–ukulan ng masusing pagsusuri ang mga
salitang magkakasing kahulugan ngunit ang bawat isa ay may tiyak na gamit at hindi maaring pagpalitin.
Mga halimbawa:
 Matayog ang lipad ng saranggola.
 Mataas ang pader ng kanilang baboy.
 Matangkad ang kanyang kapatid na lalaki.
 Maliit ang pagtingin niya sa mga lalaking tamad.
 Pandak ang babaeng kausap niya kanina.
 Bansot ang halamang iyan, hindi lumalaki.
D. Paghihiram ng mga Salita
Mga halimbawa;
Kastila Intsik Ingles Hapon Arabic Italyano
silya ate titser kimono alkohol makaroni
mesa pancit bag karate kendi opera
kutsara madyong basket sukiyaki algebra piyano

E. Paggamit ng Diksyunaryo
Ang Diksyonaryo ay nagpapakita ng wastong bigkas ng salita, pagpapantig, uri ng bahagi ng
pananalita, ang salitang – ugat, mga kahulugan at kasingkahulugan.

12
Mga halimbawa;
Abbreviate - daglatin
Abode – tirahan
Abridge – paigsiin
Absolution – kapatawaran
Absain – mangilin
Abundance - sagana
Barracker - tagakantiyaw
Baseless - walang saligan
Bask - magpainit
Beholden - may utang na loob
Caldron - kaldero, kawa
Castaway - padpad
Civilization - kabihasnan
Cliff - matarik na
Cleave - biyakin

5 WASTONG GAMIT NG MGA BANTAS

Ang bantas ay mahalaga sapagkat ito ay nakatutulong upang lubos nating maintindihan at
malinaw ang mga pahayag o pangungusap na ating binabasa.

1. TULDOK (.)
- Ang tuldok ay ginagamit na pananda:
A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos.
Halimbawa:
Igalang natin ang Pambansang Awit.
B. Sa pangalan at salitang dinaglat
Halimbawa:
Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo.

13
Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang “Basic Christian Living”
C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa’t hati ng isang balangkas, talaan.
Halimbawa:
A. 1.
2. PANANONG (?)
- Ginagamit ang pananong:
A. Sa pangungusap na patanong.
Halimbawa:
Ano ang pangalan mo?
Sasama ka ba?
B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng
pangungusap.
Halimbawa:
Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas.
3. PADAMDAM (!)
- Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala pangungusap na
nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
Halimbawa:
Mabuhay ang Pangulo!
Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.
Aray! Naapakan mo ang paa ko.
4. KUWIT (,) - Ginagamit din ang kuwit sa paghihiwalay ng isang sinipi
A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri.
Halimbawa:
Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungangkahoy.
Shana, saan ka nag-aaral ngayon?
B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-pangkaibigan.
Halimbawa:
Mahal kong Marie,
Nagmamahal,
Sa iyo kaibigang Jose,

14
Tapat na sumasaiyo,
C. Pagkatapos ng OO at HINDI.
Halimbawa:
OO, uuwi ako ngayon sa probinsiya.
HINDI, ayaw niyang sumama.
D. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno.
Halimbawa:
Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo.
Si Pastor Arias, isang mahusay na tagapagtanggol, ay isang Manobo.
E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalawigan sa pamuhatan
ng isang liham.
Halimbawa:
Nobyembre 14, 2008
Project 8, Quezon City
F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap.
Halimbawa:
Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang
isda”.
5. TUTULDOK - KUWIT( ; ) - Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad
sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig
A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng liham
pangalakal.
Halimbawa:
Ginoo;
Bb;
B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng
pangatnig.
Halimbawa:
Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa katawan.
Naguguluhan siya sa buhay; iniisip nya ang magpatiwakal.

15
C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang
paliwanag o halimbawa.
Halimbawa:
Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng pansin; gaya ng
kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.
6. TUTULDOK( : ) - ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag.
A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.
Halimbawa:
Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids,
Sampaguita, Santan at iba pa.
B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal.
Halimbawa:
Dr. Garcia:
Bb. Zorilla:
C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng
Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.
Halimbawa:
8:00 a.m Juan 16:16
7. PANIPI (“ ”) - Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita
A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi.
Halimbawa:
“Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.
B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba’t ibang mga
akda.
Halimbawa:
Nagbukas na muli ang “Manila Times”.
Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”.
Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang “Anak Dalita”.
C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.
Halimbawa:
Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong “Computer Programming”.

16
8. PANAKLONG ( () ) - Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi
direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangungusap na ito.
A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.
Halimbawa:
Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere.
B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan.
Halimbawa:
Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang Turkey ay humigit kumulang sa
labindalawang libong (12,000) katao.
C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon.
Halimbawa:
Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )
9. PAGGAMIT NG GITLING(-) - Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na
pagkakataon:
A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa:
araw-araw isa-isa apat-apat dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila masayang- masaya
B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na
kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan
Halimbawa:
mag-alis nag-isa nag-ulat pang-ako mang-uto pag-alis may-ari tag-init pag- asa
C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa:
pamatay ng insekto - pamatay-insekto
kahoy sa gubat - kahoy-gubat
humgit at kumulang - humigit-kumulang
lakad at takbo - lakad-takbo
bahay na aliwan - bahay-aliwan
dalagang taga bukid - dalagang-bukid
D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan,
sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling

17
Halimbawa:
maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique mag-pal
maka-Johnson mag-Sprite mag-Corona mag-Ford mag-Japan
E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng
inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan
Halimbawa:
mag-Johnson magjo-Johnson
mag-Corona magco-Corona
mag-Ford magfo-Ford
mag-Japan magja-Japan
mag-Zonrox magzo-Zonrox
F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.
Halimbawa:
ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina
ika-3 revisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata
H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa.
Halimbawa:
Gloria Macapagal-Arroyo
Conchita Ramos-Cruz
Perlita Orosa-Banzon
10. TUTULDOK( : ) - ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag.
A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.
Halimbawa:
Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita,
Santan at iba pa.
B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal.
Halimbawa:
Dr. Garcia:
Bb. Zorilla:
C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng
Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.

18
Halimbawa:
8:00 a.m Juan 16:16
11. PAGGAMIT NG KUDLIT(‘) - Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina-kaltas:
Halimbawa:
Siya’t ikaw ay may dalang pagkain.
Ako’y mamayang Filipino at may tungkulin mahalin at pangalagaan ang aking bayan.

6 REPLEKSYON

Ang wika, bantas, at bokabularyo ay mga pangunahing elemento na bumubuo sa kahulugan at


halaga ng pagbasa at pagsulat. Ang mga ito ay tila magkakaugma, nagtataglay ng malalim na
kahalagahan sa pagbuo ng komunikasyon at pag-unlad ng isang indibidwal.

Para sa akin, napakahalaga ng wika sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Isa itong


instrumento na nagbibigay-daan sa atin na maipahayag ang ating mga saloobin, kaisipan, at damdamin.
Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon tayo ng paraan upang makipag-ugnayan, magbigay at
makatanggap ng impormasyon, at maging bahagi ng mas malawak na lipunan.

Sa pagbasa, ang wika ay susi sa pag-unawa ng nilalaman ng teksto. Ito ang masusing
instrumento na nagdadala ng mensahe mula sa awtor patungo sa mambabasa. Ang pagiging bihasa sa
wika ay nagbubukas ng pinto tungo sa masusing pag-analyze ng teksto at pagsusuri sa mga ideya na
ipinapahayag. Ang mga pagkakamali sa wika ay maaring maging sagabal sa tamang interpretasyon ng
teksto, kaya't ang wastong paggamit nito ay naglalagay ng pundasyon sa masusing pag-unawa.
Bantas, sa kabilang dako, ay nagbibigay ng kaayusan at tibay sa pagsusulat. Ito ay ang sistema ng mga
tuntunin na nagbibigay-daan sa tamang pagkakabuo ng pangungusap at pagsasanib ng mga ideya. Ang
pagiging mahusay sa bantas ay nagpapadali sa proseso ng pagsusulat at naglalagay ng linaw sa layunin

19
ng manunulat. Kapag maayos ang bantas, mas mabilis na nauunawaan ng mambabasa ang ipinapahayag
na mensahe.
Sa bokabularyo naman, nakakamit ang pagpapahayag ng ideya nang mas eksaktong paraan. Ang
pagiging mayaman sa bokabularyo ay nagbibigay-daan sa manunulat na pumili ng tamang salita na
nagdadala ng mas mabisang epekto sa mambabasa. Ito rin ang nagbibigay ng kakaibang kulay sa
pagsulat at nagpapakita ng kahusayan sa pagpili at paggamit ng mga salita.

Sa aking pananaw, ang wika, bantas, at bokabularyo ay nagkakatuwang nagtatrabaho upang


palakihin ang kakayahan ng isang tao sa pagsulat at pagbasa. Ang tamang paggamit ng wika ay
nagbubukas ng daan tungo sa masusing pag-unawa, ang maayos na pagkakabuo ng mga pangungusap at
pagpili ng tamang bantas ay nagbibigay ng kaayusan, at ang mayamang bokabularyo ay nagdadagdag ng
kakaibang ganda at lakas sa pagsusulat.

Sa pangwakas, mahalaga ang pag-unlad at pagsasanay sa wika, bantas, at bokabularyo sa buhay


ng isang mambabasa at manunulat. Ito ang mga pundamental na yaman na nagbubukas ng malawakang
mga pintuan patungo sa mas mataas na antas ng kaisipan at masining na pagsulat.

20

You might also like