You are on page 1of 2

Pampamahalaang Pamantasan ng Kanlurang Mindanao

Kolehiyo ng Malalayang Sining


Departamento ng Filipino

BASAHIN
ARALIN 1 – ETIMOLOHIYA,KAHULUGAN AT
KALIGIRAN NG EKOKRITISISMO

1.0. ANG EKOKRITISISMO

Ayon kay Prof. Cheryll Burgess Glotfelty (1996), ang unang nagtambal sa dalawang
salitang nabanggit na nagpapahalaga sa kaugnayan ng panitikan at kalikasan, tinukoy niya rito ang
maraming mga sanaysay na tumatawag ng pansin sa mga tao patungkol sa importansya ng
pangangalaga sa kalikasan . Nang dahil dito, siya ay namuno sa pagkatatag ng “ Samahan para sa
pagsusulong ng pag-aaral sa panitikan at kalikasan.”

Kasama din sa taong ito si Harold Fromm sa paglalathala ng kauna-unahang “Klasikong


anotolohiya ng mga piyesang pampanitikan” na may pagtuon sa kalikasan. Mula rito, ang teorya
ng ekokritisismo ay sumibol. Maituturing itong bagong teorya ng panitikan, kultura at kalikasan.
Binigyang-tuon dito ang pandaigdigang krisis sa kalikasan sa pamamagitan ng panitikan na
naglalahad ng detalyeng mga di kanais-nais na kaganapan sa kultura at pisikal na kapaligiran dahil
walang pakundangang pagpapalalo ng tao sa ating kalikasan.

1.1. MGA BATAYANG KAALAMAN SA EKOKRITISISMO

Sinasabing, mahalagang ugnayan ang relasyon ng tao at ng kalikasan. Ang mga ito ay
maihahalintulad sa iisang katawan, na kung ang isang bahagi nito ay masasaktan, ang ibang
bahagi nito ay maaapektuhan din. Sa totoo lang, ang tao at ang kalikasan ay tuwirang
magkakaugnay dahil sa mga panitikang umiiral, pasalita man o pasulat. Ang panitikang ay
maituturing na repleksiyon ng lipunan at umiiral na kultura. Ang umiiral na lipunan at kultura nito
ay kasama sa pisikal na kapaligirang humuhulma ng panitikan. Samakatuwid, hinuhulma ng
panitikan ang lipunan at kultura kung kaya, dapat ang lipunan ay matututo mula sa panitikan.

Ang ekokritisismo ay isang dulog na nakaangkla sa paghihinuhang may ugnayan ang pisikal
na kapaligiran sa panitikan. Sa pagsusuri maging sentro ang kalikasang nasa mundo sa halip na sa
tao lamang. Ayon kay Glotfelty (1996), tinatawag ding Green Studies ang ekokritisismo na
parehong nangangahulugang isang kritikal na dulog sa pagbasa ng panitikan. Bilang isang bagong
kilusan, ang ekokritisismo ay nagsimula sa Estados Unidos noong huling taong 1980 at noong
1990, sa United Kingdom umusbong ang Green Studies (Barry, 2009). Si Glotfelty ang kanilang
nakilalang tagapagtatag nito kasama si Harold Fromm, isang editor sa kanilang koleksiyon ng mga
sanaysay na pinamagatang, “ The Ecocriticism Reader: Landmarks in Literary Ecology”.

Pahina 1 ng 2
Pampamahalaang Pamantasan ng Kanlurang Mindanao
Kolehiyo ng Malalayang Sining
Departamento ng Filipino

1.2. BAGONG TEORYANG PAMPANITIKAN

Ang ekokritisismo ay pinaikling anyo ng Ecological Literary Criticism na nagtatanghal


sa kalikasan hindi lamang bilang teksto, kundi isang indibidwal na may sariling entidad at may
malaking papel bilang protagonist ng akda. Nagmula ito sa mga salitang Griego na oikos at
kritos. Ayon kina Glotfelty at Fromm, ang oikos ay kalikasan na siyang pinakamalawak na
tahanan at ang kritos ay ang tagapaghatol sa kaladad at integridad o karangalan ng akda na
nagtataguyod sa kanilang diseminasyon (Freen, 2015).

Ayon kay Fenn, ang pinakatungkulin ng ekokritisismo ay ang preserbasyon ng kalikasan


para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Dito, ang pagsusuri ay nakatuon sa pagkakaisa ng ugnayan
ng kalikasan at sangkatauhan na ipinapaksa sa isang akda. Ang mga mambabasa ay hinihikayat
ng mga ekokritiko na pag-iisipan nang masinsinan ang astetiko at etikal na suliraning dulot ng
pangkapaligirang krisis at kung paano ipinahahayag ng wika at panitikan ang mga
pagpapahalaga ng kalikasan. Ang pag-unawa sa ugnayan ng kalikasan at panitikan ay naging
batayan din ng dulog-ekokritisismo ayon sa iba’t ibang bahagi ng kapaligiran.

Ang pinakamahalagang element ng isang akda para kay Aristotle, partikular na ang
maikling kuwento, ay ang mga tauhan at ang aksyon. Dito, nakikilala ang tauhan batay sa
kanyang mga kinikilos at diyalogo. Ang tatlong elemento ng banghay ng alinmang kuwento ay
ang siyang kinikilala ni Aristotle; ang hamartia na nagsisiwalat ng kasalanan ng tauhan, ang
anagnorisis o ang reyalisasyon o pagtuklas ng sarili sa kasalanan at ang peripeteia o
pagbabalintuna ng tauhan kumbaga, guhit ng tadhana (Barry, 2009). Ayon pa sa kanya, ang
tatlong elementong ito, sa tulong na rin ng mga tungkulin ng banghay na itinala ni Propp, ang
mga batayan sa pagtasa ng lalim ng ugnayan ng panitikan at kalikasan.

Pahina 2 ng 2

You might also like