You are on page 1of 9

Lecture 2: Etimolohiya ng

Ekokritisismo
Bb. Johanna Rania U. Salic - Tampi
Etimolohiya ng Ekokritisismo
Unang pinagtambal ni Propesor Cheryll Burgess Glotfelty ang
dalawang salitang “Eco” + “Critisism” na nagpapahalaga sa
kaugnayan ng panitikan at kalikasan noong 1996.
Dahil dito, namuno siya sa pagtatag ng “Samahan para sa
pagsusulong ng pag-aaral sa panitikan at kalikasan.”
Noong 1996 din Inilathala nila Propesor Cheryll Burgess
Glotfelty & Harold Fromm ang kauna-unahang “Klasikong
Antolohiya ng mga Piyesang Pampanitikan.”
ECO-POETICS / EKO-TULA

Ipinakilala naman ni William Rueckert noong 1978 ang salitang


“eco-poetics” binantog ng larangang ito ang tula gamit ang
element ng kalikasan. Ang kadalasang atake nito ay harapang
pagpapakita sa kalagayan ng kalikasan at ang kahalagahan ng pag-
alaga nito.
Ang ekokritisismo ay isang pagdulog na nagpapakita na may
ugnayan sa pagitan ng tao at kalikasan. Nakilala ito sa Estados
Unidos noong 1980 at sa UK noong 1990 bilang GREEN
STUDIES.
Ang ekokritisismo ay isang teoryang pampanitikan na
pinaikling anyo ng Ecological Literary Criticism na nagtatanghal s
a kalikasan hindi lamang bilang teksto kundi isang indibiduwal na
may sariling entidad at may malaking papel bilang protagonista ng
akda.
Ecocritisism – Nagpapakita ng kagandahang dulot ng kalikasan.

Green Studies – Nagbibigay-tuon sa mga distraksyon o


pangambang dala ng tao sa kalikasan.
Tandaan:
Ang Ekokritisismo ay isang pagdulog kung kaya may ugnayan ito
sa iba’t ibang larang gaya ng kultural-antropolohiya, sosyolohiya,
araling pampanitikan at iba pang disiplina. Samakatuwid, ang mga
akdang nag-ugat sa kanunu-nunuan at manatiling buhay sa bagong
salinglahi ay nagtataglay ng mga kaalamang patungkol sa lipunang
pinag-ugatan nito at gayoon din naman ng kariktan at may dalang
kaalaman na kailangan sa lipunan sa patuloy nitong pakikipamuhay
sa mundo.
Henry David Thoreau

“Kapag ang tao ay


nabigong matuto mula sa
kanyang kalikasan, siya ay
hindi lubos na nabubuhay”
ACTIVITY 1:

“Kapag nilapastangan ng tao ang kalikasan, ang


kalikasan ay may sariling paraan sa pagbabalik sa
sangkatauhan ng alinmang kalapastangang kaniyang
natamo mula sa sangkatauhan”

You might also like