You are on page 1of 50

FILI 213 PANIMULANG LINGGWISTIKA

MORPOLOHIYA
-ANYO
-KAHULUGAN
uri ng morpema
PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO
PRESENTATION

LEON GUINTO MEMORIAL COLLEGE INC.


•Kung ang PONOLOHIYA ay
siyentipikong pag-aaral ng mga tunog na
bumubuo ng mga salita sa isang wika.
Ano naman ang pag-aaral sa pagbuo ng
mga salita sa pamamagitan ng iba’t-ibang
MORPEMA?
AMBAT, KHIM ARTHUR R.
BSED FILIPINO 2 IRREGULAR
MORPOLOHIYA O
PALABUUAN
MORPOLOHIYA O PALABUUAN
• Nagmula sa salitang Griyego na “morph” na
nangangahulugang porma at hugis;at “logia” o
diskurso, teorya o siyensiya.

Pag-aaral o pagsusuri sa kahalagahan ng morpema


sa isang wika at pasasama-sama nito upang
makabuo ng isang salita.
morpema
•Galing sa katagang morpheme sa ingles
na kinuha naman sa salitang Griyego-
Morph (anyo o yunit)+ eme (kahulugan).
Sa payak na kahulugan, ito ang
pinakamaliit na yunit ng isang salita na
nagtataglay ng kahulugan.
halimbawa:

• Ang salitang makahoy ay may dalawang


morpema: (1) ang unlaping [ma-] at ang
salitang-ugat na [kahoy]. Taglay ng unlaping
[ma-] ang kahulugang “marami” na
isinasaad ng salitang-ugat. Sa salitang
makahoy, maaring masabi ang ibig sabihin
nito’y “maraming kahoy”.
morpema
I. Anyo ng Morpema
II.Uri ng Morpema ayon sa Kahulugan
III.Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
anyo ng morpema
1. Morpemang binubuo ng isang (1) ponema o
morpemang ponema
2. Morpemang binubuo ng panlapi o di-malayang
morpema
3. Morpemang binubuo ng salitang-ugat o
malayang morpema
1.morpemang binubuo ng isang (1) ponema o
morpemang ponema
Ito ang anyo ng morpema na may
kahulugang taglay na nagsasaad ng kasarian
kapag naikabit sa salitang-ugat.
Halimbawa nito na ang /a/ namay kahulugang
ukol sa kasariang pambabae at /o/ na panlalaki.
Doktor-Doktora
Senyor-Senyora
• Hindi lahat ng mga salitang may inaakalang
morpemang /a/ na ikinakabit ay may morpema
na. Tulad ng salitang maestro na naging maestra.
Ang ponemang /o/ at /a/ na ikinakabit ay hindi
mga morpema. Dahil wala naman tayong mga
salitang (maestr).
Halimbawa:
Bombero- na hindi (bomber) at /o/ at /a/
Kusinero- na hindi (kusiner) at /o/ at /a/
Abugado- na hindi (abugad) at /o/ at /a/
anyo ng morpema
1. Morpemang binubuo ng isang (1) ponema o
morpemang ponema
2. Morpemang binubuo ng panlapi o di-malayang
morpema
3. Morpemang binubuo ng salitang-ugat o
malayang morpema
2.Morpemang binubo ng panlapi o di-
malayang morpema
• Ito ang anyo ng morpema na hindi nakatatayong
mag-isa. Ito ay kailangang maikabit sa salitang-
ugat upang magkaroon ng ganap na kahulugan
(panlapi). Ang mga inglitik gaya ng
ba,po,pa,ho,na,nga,din,rin,man,daw at raw ay
kabilang din dito.
halimbawa:
Ang panlaping:
• um - gawi o ginagawa
(sumayaw,umalis,humiyaw)
• ma - pagkamayroon
(masipag,matalino,mayaman)
• ka - kapangkat (kasama,kabaranggay,kahati)
• mala - may hawig na katangian (mala-rosas,
mala-prinsesa,mala-agila)
Morpemang Kahulugan Salitang-Ugat Bagong
Morpema
Panlapi
Pagkakaroon ng Bait
Ma- katangiang taglay Mabait
ng salitang-ugat

Um- Pagganap sa kilos Awit


Umawit
-an Lugar na Aklat
pinaglalagyan Aklatan
Ma- Nagsasaad ng Pera
pagkakaroon Mapera
anyo ng morpema
1. Morpemang binubuo ng isang (1) ponema o
morpemang ponema
2. Morpemang binubuo ng panlapi o di-malayang
morpema
3. Morpemang binubuo ng salitang-ugat o
malayang morpema
3. Morpemang binubuo ng salitang-ugat o
malayang morpema
-Ang morpemang ito ay nagtataglay
ng kahulugan sa gang sarili. Binubuo
ng salitang-ugat na may salitang
payak, mga salitang walang panlapi.
Halimbawa:

bata,talon,ganda,saya,tao,tuwa,
liit,taas,basa,laro,kain,sulat,aral.
morpema

I. Anyo ng Morpema
II.Uri ng Morpema ayon sa Kahulugan
III.Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
URI NG MORPEMA AYON SA
KAHULUGAN
1.Morpemang may Kahulugang
Pangnilalaman o Morpemang Leksikal
2.Morpemang may Kahulugang
Pangkayarian o Morpemang
Pangkayarian
morpemang may kahulugang pangnilalaman o
morpemang leksikal
May tiyak na kahulugan at binubuo ng nominal na
pangngalan,pandiwa, at mga panuring na pang-abay at
pang-uri.
Ito ang mga morpemang tinatawag ding
pangnilalaman sapagkat may kahulugan sa ganang
sarili. Ito ay nangangahulugan na ang morpema ay
nakatatayo ng mag-isa sapagkat may angkin siyang
kahulugan na hindi nangangailangan ng iba pang salita.
Magaling sumayaw si
Jodie kaya siya ay nanalo sa
dance contest.
ang mga salitang may kahulugan:

Magaling sumayaw si
Jodie kaya siya ay nanalo sa
dance contest. PANGNGALAN PANDIWA

Ito ay dahil sa:


PANG-URI PANG-ABAY
PANDIWA
PANGNGALAN
Ito ay nagsasaad ng
kilos o galaw ng
Ito ang mga salitang Morpemang may simuno ng
nagsasaad ng Kahulugang pangungusap. Ito ay
pangalan ng tao,
Pangnilalaman o maaring kilos o galaw
bagay, hayop, pook,
pangyayari at marami Morpemang ng tao, hayop, o
Leksikal bagay.
pang iba.
Halimbawa:
Halimbawa:
sumayaw, nanalo,
Jodie, dance, contest,
mag-
aso,tao, paaralan.
aral,gumuguhit,naglili
nis
PANG-URI
PANG-ABAY
Ito ay nagbibigay
deskripsyon o turing sa
Morpemang may
ngalan ng hayop, Kahulugang Ito ay naglalarawan o
nagbibigay-turing sa
pangyayari, lugar, kilos, Pangnilalaman o
oras at iba pa. Kadalasan, pandiwa, pang-uri, at
ginagamit ito upang mas Morpemang kapwa pang-abay.
bigyang linaw ang isang Leksikal
pangngalan.
Halimbawa:
Halimbawa: kahapon,kanina,
maligaya, palaaway, magaling,doon
balat-sibuyas, marami
morpemang may kahulugang pangkayarian o
morpemang pangkayarian

Walang kahulugang taglay hangga’t


hindi naisasama sa iba pang morpema;
binubuo ng mga pananda at pang-ugnay.
Ito ang mga salitang nangangailangan ng
iba pang mga salita upang mabuo ang
kanilang gamit sa pangungusap.
Magaling sumayaw si Jodie kaya
siya ay nanalo sa dance contest.

Si kaya

ay sa
PANGATNIG
PANG-ANGKOP
Ito’y nagpapakita
Ito ay ginagamit Morpemang may
ng pagbubukod,
para pag-ugnayin Kahulugang
pagsasalungat o
ang mga panuring Pangkayarian o
paglilinaw.
at mga salitang Morpemang
binibigyan nito ng Pangkayarian
Halimbawa:
turing.
at, ngunit,
Halimbawa:
datapwat, subalit,
na, ng, -ng at -g
kaya, saka, pati
PANG-UKOL PANANDA
Ito ay nag-uugnay sa Morpemang may Ito ay nagpapakilala o
pangngalan, pandiwa, Kahulugang
panghalip, o pang-abay sa nagsisilbing tanda ng
iba pang mga salita sa Pangkayarian o gamit ng isang salita
loob ng pangungusap, ito Morpemang sa loob ng
ay maari ding magturo ng pangungusap.
lugar o layon. Pangkayarian

Halimbawa: Halimbawa:
Sa,ukol sa/kay, hinggil Si, sina, ni, nina,
sa/kay, ayon sa/kay ang ,ang mga, ay
URI NG MORPEMA AYON SA
KAHULUGAN
1.Morpemang may Kahulugang
Pangnilalaman o Morpemang Leksikal
2.Morpemang may Kahulugang
Pangkayarian o Morpemang
Pangkayarian
morpema

I. Anyo ng Morpema
II.Uri ng Morpema ayon sa Kahulugan
III.Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
alomorp ng morpema

Pwedeng magbago ang anyo ng isang morpema dahil sa


impluwensya ng kaligiran at ito’y tinatawag na
alomorph.
Ang morpemang [pang-] ay may tatlong
alomorph.:
[pang-],[pam-]at [pan-]
• Alomorp ng wikang Filipino
• Ang Filipino ay may apat na panlapi na may mga alomorp.
At ang bawat isa’y may mga tuntuning sinusunod. Ang
panlaping [pang] ay may tatlong alomorp. Ito ay ang mga
panlaping unlaping [pang-], [pam-] at [pan-]. Ginagamit ang
[pang-] kung ang inuunlapiang salitang-ugat ay nagsisimula
sa mga patinig na /a, e,i,o,u/ o alinman sa mga ponemang
katinig na /k,g,ng,m,n,w,y/; samantala ginagamit naman ang
[pam-] kapag ang salitang-ugat na inuunlapian ang
nagsisimula sa /b/ o /p/, habang ang [pan-] naman ay
ginagamit kapag ang salitang-ugat na inuunlapian any
nagsisimula sa alinmang mga ponemang /d,l,r,s,t/.
halimbawa
• Halimbawa ay ang mga sumusunod:
• [pang-] [pam-] [pan-]
• pang-ihaw, pampito, panluto
• pang-ulo,pambati,pandaliri
• pangngalan, pambansa,pandikit
• pangwalis, pampuso,pantali
Katulad ng [pang], ang unlaping panlaping [sang]
at [sing] naman ay [sang-], [sam-], [san-] at
[sing-], [sim-], [sin-]. Ang mga ito ay sumusuod sa
tuntunin ng panalaping [pang]. Narito ang
balangkas upang lubasang maintindihan.
[pang-] [pam-] [pan-]
[sing-] [sim-] [sin-]
uri ng pagbabagong morpoponemiko

1. Asimilasyon
2. Pagkakaltas ng Ponema
3. Pagpapalit ng Ponema
4. Metatesis
5. Paglilipat ng diin
6. Reduplikasyon
7. Reduksyon
asimilasyon
• Ito ay tumutukoy sa pagbabagong anyo ng
morpema dahil sa impluwensya ng mga
katabing tunog nito.
• Panlaping nagtatapos sa -ng katulad ng sing-
na maaring maging sin o sim.
• Pang- na maaring maging pan- o pam- dahil
sa impluwensya ng kasunod na katinig.
• Ang mga salitang nagsisimula sa d,l,r,s,t ay iuunlapian ng (sin-) at
(pan-)

Halimbawa:
• sing + tindi = sin + tindi = sintindi
• pang+laban = pan + laban = panlaban

• Ang mga salitang b, p ay iuunlapian ng (sim-) at (pam-)

• Halimbawa:
• pang + pilosopiya = Pam + pilosopiya = pampilosopiya
• Ang mga salitang nagsisimula sa patinig na / a,e,i,o,u/ at
katinig na /k,g,h,n,w,y/ ay inuunlapian ng (sing-) at (pang-).
Dito ay walang magbabagong nagaganap sa mga salita

• Halimbawa:
• sing + ganda = sing + ganda = singganda
• pang + kaisipan = pang + kaisipan = pangkaisipan.

• Ang Asimilasyon ay may dalawang uri.


• Asimilasyong Parsyal o di-ganap
• Asimilasyong Ganap
asimilasyong parsyal (m)
pagbabago sa unang morpema
Ang ponemang /ng/ ay nagiging /n/ o /m/ o
nananatiling /ng/ dahil sa kasunod na
tunog.Kapag kinakabit sa isang salitang-ugat
na nagsisimula sa /p/ o /b/, ang /ng/ ay
nagiging /m/. Nagiging /n/ naman ang huling
ponemang /ng/ kung ang kasunod ay alinman
sa mga sumusunod na ponema: /d/l/r/s/t/.
HALIMBAWA:
• sing + tindi = sin + tindi = sintindi
• pang + laban = pan + laban = panlaban
• pang + pilosopiya + pam + pilosopiya = pampilosopiya
Asimilasyong ganap
pagbabago ng kapwa panlapi at salitang-ugat
Nagaganap ang asimilasyong ito kapag matapos na
maging /n/ at /m/ ng panlapi dahil sa pakikibagay sa
kasunod na tunog ay nawawala pa ang sumusunod na
unang titik ng salitang-ugat at nananatili na lamang
na /n/ o /m/.
HALIMBAWA:
• pang + baril = pam + baril = pamaril
• pang + takot = pan + takot = panakot
pagkakaltas ng ponema
Ito ay nangyayari kapag kinakaltas ang isang ponema
o morpema sa unahan o gitna ng isang salita.
Halimbawa:
• Takip+ -an = takpan
• Tikim+ -an = tikman
• Sara + -han= sarhan
• Laba + -han= labhan
• Dala + -hin= dalhin
Pagpapalit ng ponema
Ito ay nagaganap kapag nagbabago ng anyo ang isang
ponema sa pagbuo ng isang salita.
Halimbawa:
/d/ ay nagiging /r/ lakad+-an = lakadan > lakaran
/h/ ay nagiging /n/ tawa+-han= tawahan > tawanan
/e/ ay nagiging /i/ ka+babae+-han =kababaehan >
kababaihan
/o/ ay nagiging /u/ payo+-han = payohan > payuhan
• /o/ at /u/ . Sa ngayon, ayon sa Ortograpiyang Pambansa 2013, sa pag-
uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa /o/ hindi ito pinapaltan ng
letrang /u/. Kinakabitan ng pang-ugnay/linker (-ng) at ginagamitan ng
gitling sa pagitan ng salitang-ugat. (tuntunin 7.5, pp. 31 at 32)
• Halimbawa: Linggo-linggo / ano-ano

• /e/ at /i/. Ganoon din sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa /e/,


hindi ito pinapalitan ng letrang /i/. Kinakabitan ng pang-ugnay/linker
(-ng) at ginagamitan din ito ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.

• Halimbawa:
• babae - babaeng-babae
• salbahe - salbaheng-salbahe
metatesis
Kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay
nilalagyan ng panlaping -in ang /i/ at /n/ ay nagkakapalitan ng
posisyon.
Halimbawa:
-in- +lipad =nilipad
-in- + yaya =niyaya
May mga salitang nagkakaroon pa ng pagkakaltas ng ponema
bukod sa pagkakapalit ng posisyon ng dalawang morpema.
Halimbawa:
Tanim + -an = tamnan
paglilipat ng diin
Nangyayari ito kapag nalilipat ang diin ng
morpema kung ito ay nalapian. Kapag ang
salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi, nagbabago
ang kahulugan nito.
Halimbawa:
• Linis + -an = linisan
• Laro + -an = laruan (lugar/bagay)
• Dugo = -an + duguan
reduplikasyon
Nangyayari ito kapag may pag-uulit sa pantig ng
salitang-ugat. Ang pag-uulit na ito ay maaring
magpahiwatig ng kilos ng ginagawa o gagawin
palamang, tagagawa ng kilos o pagpaparami.
Halimbawa:
Pamalo - Pamamalo
Panali - Pananali
reduksyon
Nangyayari ito kapag pinag-isa ang dalawang
(2)salita,ngunit may pagkakaltas ding kasama.
Halimbawa:
Winika ko = ikako,kako
Hintay ka = tayka,teka
Maraming
salamat po
Reference: Sir Anrence
Laban Galvez, LPT
https://youtu.be/
CRRRH3XIP0?
si=5w2wkROeCWQtgsGy

You might also like