You are on page 1of 16

MORPEMANG MALAYA

AT DI-MALAYA

TAGA-ULAT: ANGEL ARNEJO


HEART OGOY
MORPOLOHIYA
Ang makaagham na pag-aaral ng mga
morpema o makabuluhang yunit ng mga
salita.
Ito ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga
salita sa pamamagitan ng iba’t ibang
morpema.
MORPEMA
Galing ang salitang morpema sa katagang
morpheme sa Ingles na kinuha naman sa
salitang Griyego na ‘morph’ (anyo o yunit) +
‘eme’ (kahulugan).
Ito ay itinuturing na pinakamaliit na yunit ng
isang salita na nagtataglay ng kahulugan.
Ito ay maaaring salita o bahagi lamang ng
salita.
Ito ang tawag sa nabuong salita.
Ito ay laging may kahulugang taglay sa sarili.
Uri ng Morpema sa wikang Filipino

1. Morpemang Ponema

2. Morpemang Salitang-Ugat

3. Morpemang Panlapi
Morpemang Ponema /a/ at /o/
Kung nagbabago ang kahulugan (kasarian) dahil
sa pagdagdag ng ponemang /a/ o kontradiksyon
ng /o/ sa /a/, ang /a/ o /o/ ay itinuturing na
ponema.

Halimbawa:
Gobernador - Gobernadora
Konsehal - Konsehala
Kapitan - Kapitana
Abogado - Abogada
Morpemang Salitang-Ugat
 Ito ay uri ng morpema na walang panlapi. Ito ay
ang payak na anyo ng isang salita.
 Malayang morpema. Ito ay maaaring makapag-isa
o may taglay na kahulugan kahit walang
kasamang panlapi.

 Halimbawa:
Indak sayaw sulat
Ganda sipag bata
Buti payat bunso
Morpemang Panlapi
Ito ay uri ng morpema na idinurugtong sa
salitang-ugat na maaaring makapagpabagong
kahulugan ng salita ngunit hindi nakakatayong
mag-isa ang mga panlapi at kailangan idugtong
sa salitang-ugat upang magkaroon ng
kahulugan.
Ang morpemang panlapi ay nagtataglay ng
kahulugan.
Di-malayang morpema. Hindi makikita ang tiyak
na taglay na kahulugan hanggang hindi
naisasama sa ibang morpema.
Ang mga panlaping Filipino ay maaaring
ikabit sa mga pangngalan at tinatawag itong
panlaping makangalan; sa pandiwa ay
tinatawag naman itong panlaping makadiwa
at sa pang-uri ay tinatawag itong panlaping
makauri.

Kilala rin ang morpemang panlapi bilang di-


malayang morpema. Bagamat may
kahulugan, hindi makikita ang tiyak na taglay
na kahulugan hangga’t hindi naisasama sa
isang salitang ugat.
Morpemang Kahulugan Salitang-ugat Bagong
Panlapi Morpema

ma- Pagkakaroon Bait Mabait


ng katangiang
taglay ng
salitang-ugat

um- Pagganap sa Awit Umawit


kilos

-an Lugar na Aklat Aklatan


pinaglalagyan

ma- Nagsasaad ng Pera Mapera


pagkakaroon
Mga Uri ng Morpema

1. Morpemang Leksikal

2. Morpemang Pangkayarian
Mga Uri ng Morpema
Morpemang Leksikal
 May tiyak na kahulugan at kabilang dito
ang mga pangngalan, panghalip,
pandiwa, pang-uri at pang-abay.

Halimbawa:
Dahon
Lakad
Ganda
Karunungan
Mga Uri ng Morpema
Morpemang Pangkayarian
 Walang tiyak na kahulugan at
kailangang makita sa isang kayarian
o konteksto ang mga ito upang
magkaroon ng kahulugan.
Halimbawa:
Ang Dahil
Si Kung
Ng Kahit
Pero Sa
Halimbawa ng mga konteksto na nailalapat
ang mga uri ng morpema:

Naghihintay nang pagkatagal-tagal si Pedro sa


kanyang mga kaklase.

 Ang nang, si, sa, at mga ay walang tiyak na


kahulugan subalit ito ay nag-uugnay sa
mga morpemang leksikal na Pedro,
kaklase, naghihintay, at pagkatagal-tagal
upang magkaroon ng kahulugan ang
pangungusap.
Halimbawa ng mga konteksto na nailalapat
ang mga uri ng morpema:

Nahihintay nang pagkatagal-tagal ang


mga kaklase ni Pedro.

 Nagbago ang kahulugan ng


pangungusap. Sa unang pangungusap,
si Pedro ang naperwisyo samantalang
sa pangalawang pangungusap, ang
kaniyang mga kaklase ang naperwisyo.
Mga Sanggunian:

https://www.slideshare.net/nathalielovitos/morp
olohiya

https://www.slideshare.net/cayyy/morpolohiya-
at-pagbabagong-morpoponemiko
∞WAKAS∞

You might also like