You are on page 1of 2

BSED FIREFOX: DINOMINA ANG SPORTSFEST 2015

Nagpakitang gilas ang bawat koponan sa taunang sporstfest ng Dalubhasaan noong Setyembre
16-1, 2015 sa pangunguna ng CSSC, na may temang “Makilaro...Makisaya... Sa Palakasan Ipakita ang
Pagkakaisa.”

Sinimulan ito ng parada kung saan ang bawat koponan ay may kani-kaniyang musa. Sa LGMC
Gymnasium, nagtipon-tipon ang mga mag-aaral para sa pagbubukas ng palakasan. Nagbigay naman ng
mensahe ang “Tournament Speaker” na si G. Medardo L. Hernandez at pormal namang binuksan ang
palaro ni Engr. Nestor M. Parafina. Sinundan ito ng pagtataas ng penants ng bawat koponan. May
kasabihan na “ ang unang makapagtataas ng bandera ang siyang magiging kamyon sa nasabing palaro”.
Halos mabingi ka sa tilian at sigawan ng mga mag-aaral sa kanilang cheers at yell bilang suporta sa
kanilang manlalaro.

Sa ikatlong bahagi ng unang araw ay naglaban-laban ang apat na koponan sa chess, table tennis,
badminton at dart.

Naging madali kina Roi Venson Fajardo at Jan Sam Leal ipanalo ang board 1 at 3 ng chess mens
division, gayundin sina Charlene Gatla (board 1) at Mary Jessa Tamares (board 2) ng womens division na
kapwa galing sa koponang BSA Magnates. Sa board 4 naman ay inangkin nina Asalem Belbes (BEED
Warriors) at Marbie Buerano ng (BSBA Tycoons). Na Mate naman nina Rey Hernadez at Jamela Garcia
ang mga katunggali sa board 2 ng mens at board 3 ng womens division na parehong nagmula sa BSED
Firefox.

Nagpakitang gilas naman si Dexter Alegre (BSBA Tycoons) at Jessa Mae Avellandres (BSED
Firefox) upang makuha ang panalo sa single A. Sina Roland Corfuz (BSA Magnates) at Nica Compendio
(BEED Warriors ang pumalo sa single B, at sina Julius Martinez, Marc Francis Tamor (BSA Magnates),
Jessa Mae Avellandres, Reina Jomelle Magtibay (BSED Firefox) ang nagwagi sa doubles ng table tennis.

Hinataw nina Ernest Inoy (single A), Jomar Latonero (single B), Jerryco Liwanag at Jhun Rold
Alpay (doubles) ang shuttle cock upang pagharian ang Badminton mens division n alahat nagmula sa
BSED Firefox. Sa womens division naman, kinuha ni Raxane Jade Ravano (BSBA Tycoons) ang panalo para
sa single A, si Anna Sussel Pauli (BSA Magnates naman sa single B at tambalang Vergenia Ramos at
Michelle Magdaong (BSED Firefox) para sa doubles.

Inasintang mabuti nina John Beder Alva at Maureen Joy Dela Torre ang Dart board upang ibulsa
ang panalo sa single A. Sina John Derrick Borlaza (BSBS Tycoons) at Jezerelle Magsalin (BSA Magnates)
para sa single B. At mula naman sa BEED Warriors ang nanalo sa doubles ng Dart event.

Sa ball games, ipinakita ng Bsed Firefox ang team work upang ibuslo ang panalo sa basketball at
volleyball ng mens division, samantalang BEED Warriors naman ang nagkampeon sa womens division.
Tinanghal sian Raniel Mark Altamira (BSED Firefox) at Nica Compendio (BEED Warriors) ng Most
Valuable Player ng larong basketball. Hinirang ding MVP sina Christian Ortiz (BSED Firefox) at Anfhel
Manrique para sa volleyball. Binuo naman nina Raniel Mark Altamira, Reynaldo Regodon, Moises
Aguado, Asalem Belbes at Fajie Fajardo ang Mythical 5 ng Mens Basketball. Sina Nica Compendio, Anfhel
Manrique, Juvylyn Pantua, Rafunzel Avila at Anna Sussel Pauli naman para sa Mythical 5 ng Womens
Division.

Sa huling araw ng kompetisyon, ipinakita ng mga manlalaro ng koponan ng BSED Firefox ang bilis
upang dominahin ang Athletics Mens Division. Tinakbo nina Christian Ortiz (100m), Jomar Latonero
(200m), Kirven Lopez (800m) ang finish line para makuha nag gintong medalaya. Tanging ang 400 m
event lang hindi nila nakuha, kung saan napanalunan ito ni Norvin Santander ng BSA Magnates. Sa
womens division naman ay napanalunan nman nina Janiña Angara ng BSED Firefox ang (100 m),
Stephanie Mae Castillo (200m), Pamela Dele Peña (400m), Nrlidge Balino (800m) ng BSA
Magnates,samantalang Tanging si Junielyn Latonero ng (BSBS Tycoons) ang nakakuha ng medalya na
tumakbo ng 1500m. Ang 4x4 relay mens at womens division naman ay pinagwagian ng BSED Firefox na
kianbibilangan nina Christian Ortiz, Jomar Latonero, Kirven Lopez, Jester Rio Javier, Janiña Angara, Ellen
Estal, Mabel Amparo at Judith Rosalado.

Masayang tinapos ang palaro sa isang Victory Party kung saan hinirang muli ang BSED Firefox na
Over-All Champion na kumolekta ng 685 puntos, sinundan ng BSA Magnates (550), BEED Warriors (533),
at ng BSBS Tycoons (490) na puntos.

Humataw din ang Firefox sa Special Events kung saan ang vocal solo at Samba /Rumba ng
Dancesport lamang ang di napagwagian ng koponan.

You might also like