You are on page 1of 4

CLASS WILL AND TESTAMENT

 Daniella Mikah Agustin (Class 2022-2023)

Sa ating ginagalangang ulong-guro, Ginoong Irvin Carlo A. Noble, sa ating


magigiting na mga guro, mga bisita’t panauhin, mga sumusuportang magulang, at sa
aking naggagandahan at matitipunong mga kapwa kamag-aral. Isang mapagpalang
gabi sa ating lahat.
Tunay ngang napakasaya ng High School life sa kabila ng mga hamon ng buhay.
Iba’t ibang mga karanasan ang aming nalagpasan at napagtagumpayan. Hitik sa mga
aral ang aming natutuhan mapa-academics man o sa kagandahang asal. Sa paglipas
ng panahon darating ang katapusan ng aming naparoroonan sapagkat sa mga nalalapit
na buwan ay kami’y magsisipagtapos na sa Junior High School.
Sa loob ng ilang buwan na kami'y nagkasama-sama, aking nasilayan ang iba’t
ibang mukha ng aking mga kamag-aral, mga talento, kakayahan, at katangian. Nabuo
rin ang isang matatag na samahan na tiyak na pagtitibayin pa kahi’t kami’y magsitapos
na. Sinubok man ng panahon ngunit pinatatag naman ng pagkakataon.
Buong pagpapakumbaba at taos puso kong inihahayag, na kami, ang mga
magsisipagtapos ng sa taong panuruan dalawang libo dalawampu’t dalawa hanggang
dalawang libo dalawampu’t tatlo (2022-2023), ay ilalahad sa inyo ang huling habilin at
handa ng ipasa ito sa mga susunod na lupon ng mga mapagkakatiwalaan at
maasahang kabataan, ang aming mga kaalaman ,kakayahan at talento, mga pangarap,
mga ambisyon na aming namana sa sinundang henerasyon at ngayo’y ipapasa namin
sa mga tagapagmana.
Ang kakayahan sa pamumuno ng isang organisasyon, mahusay at walang
inuurungang katangian ni Anna Luisa Marie Bislumbre ay nais maipamana kay Jonna
Marie Nabor.
Lubos akong namamangha sa kamay na mayroon siya. Ang mumunting mga
daliri na nakakalikha ng iba’t ibang obra. Taglay ni Bently Malate ang talento sa
pagguhit at pagkamalikhain at ito’y iiwanan niya kay Kent Brylle R. Evidor.
Sa loob ng silid, habang ang guro ay pana’y ang leksyon, may mga mag-aaral
naman na nanaginip na at kung saan-saan na umaabot ang imahinasyon. Sila Wendell
Jay Vargas, Prince Rowell Morillo, Manny Sesno, Ninio Tolete, Mark Kenneth
Taburnal, Francis Luzon. Ipapamana nila ito kanila, Charlie Gabarda, Mark Joseph
Sindac, Rone Andales, Rome Andales, Nikko Dilla, Charlo Tabornal, at Jeorge
Regadillo.
Diyosang diyosa ang ganda at napakababae ng asta. Ang kagandahang taglay
at galing sa majorette ni Tricia Mae Garrote ay ipagbibigay alaga niya kay Baby Jane
Barela.
Nito lamang mga nakaraang araw, aking nabatid na mayroong tatlong apo sa
talampakan si Maria Clara na naririto sa ating paaralan. Sila ay sina Razelle Ann
Rojas, Anne Realyn Hermo na taglay ang katangian ng isang binibining dapat na
mahinhin ang galawan, nais nilang iwanan ito kina Yrrah Kim Quiaño, Elca Jane S.
Basagre.
Ang bagsik ng bibig ni John Michael Bislumbre sa pagdating sa pagsasalita sa
harap ng tao ay iiwanan niya kay Elaiza Bermido.
Matitibay sa biritan na parang sina Angeline Quinto at Jonaline Viray. Ang
natatangi at di-mapantayang galing sa pagkanta nina Candice Almazan at Princess
Ballester ay kanilang ipapamana kina Krizel Angela Evidor at Rowena Lomapag.
Sa panahon ngayong 21st century, tumawag pansin ang mga pormahang kung
tawagin nila ay aesthetic. Sila'y hindi magpapahuli rito. Ang mga pormahan nina Ellysa
Bagasbas, Chariz Tabornal, Angela Genie Follero, at Rea Ashlie Moca ay kanila
raw na ibibigay kina Maria Almira Ruiz, Elaiza E. Bermido, Rexsie Mae S. Balindan,
at Erica Jane Gabarda.
Sa paghawak sa bola sila naman ang ibibida. Ang mga makikisig na manlalaro
na sina Rommel Loloy bilang varsity captain ng Team Dimagiba at mga kasapi na sila
Dave Ricafrente, Shawn Angelo Bascon, Jay Fermante, Wellson Lavilla, Tristan
Jay Cañega, Angelo Pastoral, Christian Paul Laynesa ,Nolito Lomeda, Andrei
Fetil, Jhon Paul Magistrado, Vincent Toldanes ang ipapamana kanila John Carlo
Abanes, Anatalio Ballester, Tairon James Cañega, Anthony Toldanes, Gerald
Rumbines, Joshua Bermido, Jhon Lorenz Plotado, Chris Angelo Vargas, Justin
Espanto, John Salvador Tolidanes, CJ Abinal at ang papamanan ng pagiging kapitan
ni Rommel Loloy ay si Darwin Soliman.
Mahusay sa pag-spike ng bola ang kanilang talento. Bagsik sa paglalaro ng
volleyball ang iiwanan nina Emmanuel Floriano, Jorry Estabillo, Willam Balindan,
Fatima Balindan, ay ipapamana nila kina Ma. Elena Gardon, John Rodgie Ortanes,
Ryan Rey Pinto, Angel Tormes, Melinda Taburnal.
Aasahan nina Jae-Ann Delgaco, Princess Joy Lavilla at Bea Morillo na ang
pagiging palakaibigan nila ay mas mapapaigting sa kamay nina Angelica Joy Lavilla,
Erika Toldanes, at Jhamellie Anne Vargas.
Ang talas sa isip ni Erica Estrebillo sa pagsusulat ng masisining na tula ay
kanyang ipapamana kay Franchesca Eunice Estallo.
Sila'y mababait mula sa paggising hanggang sa pagtulog. Ang kabaitang taglay
nila Salve Juanillas, Kenretch Kyle Billiones, Reca Mae Lerio, Jake Zubia, ay
nararapat daw na mapa kina Kimberly Ballester, Amaro Jassim, Marivel Madera,
Andrea Cabantug, Marjay Parañal.
Ang tibay ng mga daliri ni Ryan Fetil sa paggigitara ay kaniyang iiwan kay
Christian Vasquez.
Kaibigan niya ang mga tanim na halamang gulay, ang kagalakan at ang
pagmamahal ni Lyka Kasizea, Jane Barela sa mga halaman ay nais niyang makuha
ito ni Cherry Angelyn Taburnal.
Ang pagiging tahimik nina Jasmine Plotado, Lee Herry Flores, Angie Laynesa,
Sheena May Luzon, at Jessa Luzon, Ciello Jane Soliman ay nais nilang maiwan
kina Rica Acurin, Merry Claire Elcano, Jimbo Traya, at Rose Ann Niar,
Ang kakayahan nina Ken Adrian Balindan at Ginel Camo sa pagluluto ng
napakasarap ay kanilang ipapamana kina Glorilyn Goyena, Val Estadilla.
Magigiting na cadete tiger look ang bagsik ng mga mata. Ang pagiging
disiplinado at tapat nina Ralph Lawrence Bermido, James Joseph Trinidad, Mark
Anthony Tormes at Mark Francis Lorzano sa kanilang duty bilang CAT ay siniguro
nilang maipagpapatuloy ito sa kamay nina Ryan Rey Pinto, Clarence Rojo, Charlo
Tabornal, at John Paul Regadillo.
Minu-minuto nagpapaganda upang laging fresh. Ang liksi nina Angela Abinal,
Mea France De Asis, Sharmaine Cuarteros, Kristine San Juan, Maria Isabel
Cabrera, at Katrina Cereno sa pagli-liptint at pagsusuklay ay ipapamana nila kina
Jessa Mae Sernal, Ma. Carmela Gabarda, Janna Mae Pastoral, at Rosemarie Cruz.
Ang pagiging matulungin nina Francis Kein Gallarte, Ralfh Lurence Prades, ay
kanilang ipapamana kina Jollie Anne Tolete, Aira Shane Tabornal.
Nais ni John Kenneth Acbang na maipagpatuloy ni Mary Jane Bermido ang
liksi niya sa paglalaro ng badminton.
Ang kakayahang taglay nina Janno Tanamor, Jay Villaflor, Justin Delgaco,
Jhon Lou Ballester, sa mga gawaing may kaugnayan sa pagkakarpentiro at ipapasa
nila kina Ronnel Saniel, Jhon Michael Elcano, Ronnel Talagtag, Mark Justin
Gabarda at Joseph Arjay Caunte.
Iiwan ni John Rodel Lavilla ang Baby Face niya kanila, Benz Benidict
Delgaco, at Paul Justin Agustin,
Kasipagang mahalagang susi sa pagpapaunlad ng ating kapaligiran ay nasa
kamay nila Irish France Tañamor, Rachelle Niar, Ma. Theresa Sabido, Shane
Regadillo ay maipapamana kina Bambie Balindan, Ella Mae Bermido, Jammel
Gesoro at Kristy Bagasbas.
Pagpasok mo sa eskuwela, matutunghayan ang kanilang maaliwalas na mukha
at maamong mga ngiti nina Lenneth Palero, Loraine Jane Pastoral, Hannie Mae
Veridiano at Cristel Anne Bermido, at Elaizha Dela Cruz at ito'y kanilang iiwan kina
Alaiza May Delgaco, Princess Joy Gabarda, Frenz Andrei De Gala, Vinz Ardenaso
at Franchesca Calusor.
Ang pagiging masigasig nila Mary France Acurin, Angeline Balderas, Kristine
Celleza, Mary Grace Bagasbas ay iiwanan nila kay Janelle Bermido.
Kilalang-kilala siya sa kaniyang galing sa pag-indak ng katawan. Ang tibay sa
pagsayaw ni Robhe Franz Prades ay kaniyang iiwanan kanila Ruby Ysabel Prades,
Ruby Kate Prades.
Nais ni John Kyle Palero na mamana ni Gian Carlo Bermido ang kanyang
ugali na mapagpasensya.
Ang tangkad ni Princess Bernadeth Sanico ay iiwan na niya kay Apolinar
Laynesa.
Ang pagiging isang simpleng mag-aaral nina Russel Ann Sendon, Princess
Mae Dalgos, Ashley Labordo, Missy Obis, Kathlene Mae Tormes, Anmarie
Bagasbas ay kanilang ibibigay kanila Marianne Decrito, Kate Zubia, Rian Shane
Nardo, Lea Barela.
Ang galing sa pagtugtog ng xylophone ni Ella Mae Panton ay iiwanan niya kay
Jessa Mae Balindan.
Ang katapangan ni Beverly Soliman ay iiwanan niya kay Jane Ashley De Vera.
Ang pagiging mapagbigay nina Kate Ashley Bergado, Miricris Soliman,
Angela Jenne Follero, Ma. Lera Toraldo ay maipapaman nila kina Reymark Basagre
at Jean Joy Floriano.
Ang mapormang galawan ni Adreil Nash Jose ay iiwanan niya kay Leviner
Escobal.
Nais iwan ni Gerose Zorca ang kanyang pagiging mulat sa social media lalo na
sa mga trending Online kay Rocelle Balandra.
Iiwan ni Jemarie Balindan ang kanyang pagiging astig kay Nicole Ricafrente.
Mahusay sa pangunguna pagdating sa mga pangkatang gawain ang taglay na
kakayahan ni Reyzel Jenne Pontanares at nais niyang maiwan ito ay Marriane
Bitonio.
Ang mga abilidad ng mga computer wizards ni Jordan Kenji Alto sa Information
Communication and Technology ay kanyang iiwanan kay Jared Stephen Aballa.
Kung pag-uusapan ay pagkakalikot sa anumang mga de-kuryenteng kagamitan,
may kakayahan riyan si Vincent James Morasa at ito'y kaniyang ipapamana kay Ajay
Bandalis.

Ang kompiyansa ni John Eric Tañamor ay kaniyang iiwanan kay Mark Renie
Boy Gabarda.
Ang aking taglay na talento at lakas ng loob sa pagsasalita sa harap ng
maraming tao at ang aking kagandahan ay nais kong iwanan kay Raisa Benn Villaflor.
Naririto din siyempre ang matitipuno't brusko na maituturing na heartthrob ng
Victor Bernal. Bukod sa kanilang kaguwapuan, masasalamin din sa kanila ang
pagkakaibigan nang tapat. Sa pangunguna ni Jhon Andre Lanuzo, Jaybee Silang,
Bryan Jester Labrador, Julius Sarto, Dhen Mark Cuarteros, Jhun Jhun Tolidanes,
Jhon Gabriel Timado ay kanilang ipapamana ang mga katangiang ito kanila Mark
Joseph Bermido, Jhulian Tolidanes, Christian Lanuzo at Rico Nallatan
At sa wakas, nawa’y mag-iwan ng marka ang mga nakamit ng mga mag-aaral na
magsisipagtapos sa taong dalawang libo’t dalawampu’t dalawa hanggang dalawang
libo’t dalawampu’t tatlo sa paaralan ng Victor Bernal High School at mga
tagapagmanang mag-aaral upang mas higitan at ipagpatuloy ang karangalan ng
paaralan. Palaging humingi ng gabay sa Diyos sa lahat ng laban at pagsubok na
haharapin.
Kami, ang mga magsisipagtapos, bilang pamamaalam sa paaralang naging pook
ng karunungan sa nakaraang apat na taon ay handa nang ipasa ang liwanag ng apoy
na pinaliyab ng mga guro na naglinang at nagpaunlad ng mga kaalaman at kakayahan
bilang paghahanda sa makabagong mundo sa labas ng paaralan ay handa ng ipasa sa
mga bagong bituin na magdadala ng pangalan ng paaralan.
Muli, isang mapagpalang gabi sa bawa’t isa.

You might also like