You are on page 1of 6

May nalalaman ang puso na di kayang isulat at di kayang basahin, Ngunit kayang unawain ng isang ina.

ABaKaDa Ina
ikaapat grupo

________________________________

REBYU NG PELIKULA: ABaKaDaIna ni Eddie Garcia 2002

________________________________

Ipinasa ng: Ikaapat na Grupo Vincent Diophantus G. Frias Eden Christiene Ocampo Paragas Andrea Ancheta Alvarez Katrina Sison Sabangan Divina Marie O. Villanueva Marie Christine V. Bautista Kris Jenine DM. Junio Marc Brando Cayabyab

ABAKADA INA directed by: Eddie Garcia

BUOD NG PELIKULA:

May nalalaman ang puso na di kayang isulat at di kayang basahin, Ngunit kayang unawain ng isang ina.

Ang pelikulang ito ay tungkol sa isang iliteradang ina na hinaharap ang bawat pagsubok sa buhay niya at ng kanyang pamilya. Ang istorya ay umiikot sa pangunahing karakter na si Estela (Lorna Tolentino). Lumaki siyang hindi natututong magbasa man o magsulat, maliban na lamang ang kanyang pangalan, dahil na rin sa hirap ng kanilang buhay. Sa kadahilanang iyon, ikinahihiya siya ng kanyang biyenan na si Miling (Alicia Alonzo) pati na rin ng kaniyang mga anak na sina Gina (Matet de Leon), Beth (Aiza Marquez) at si Joan (Hannah Camille Bustillos).

Ang kanyang asawa namang si Daniel (Albert Martinez) ay isang marino. Makailang beses na rin siyang nakasampa sa barko ngunit bilang isa lamang tagatanggal ng kalawang. Lumuwas siya ng Maynila kasama ang kanyang asawa at mga anak para mapaghandaan ang kanyang pagkuha ng pagsusulit upang tumaas ang kanyang ranko bilang isang marino. Sa kanilang pamamalagi doon ay humarap sila sa ibat ibang problema gaya ng minsang pagtangkaang pagsamantalahan ang kanilang mga dalagang anak.

Sa kagustuhang makapasa ni Daniel sa kanyang kinuhang pagsusulit ay gumamit siya ng ibat ibang mga kodigo. Dahil na nga sa walang patutunguhan ang pandaraya, nahuli siya sa akto habang tinitignan ang kanyang kodigo. Isa nanamang dagok ito na nagresulta sa pagbalik nila sa kanilang probinsya at nagbunsod na rin ng kanilang di pagkakaunawaan na nagdulot sa paghihiwalay nilang dalawa at ang pag-alis ni Estela sa puder ng kanyang biyenan.

Sa paglipas ng panahon ay napag-isip ni Estela na nagkamali rin siya sa kanyang desisyon na umalis. Kaya naman napagpasyahan niyang bumalik sa kanyang biyenan at mag-aral muli kasama ni Joan para umpisahan ang pagtupad ng kanilang mga di nabuong mga pangarap. Tunay ngang ang kakulangan ng kaalaman ay nagiging dahilan ng pagkasira ng ating bayan.

TEMA/PAKSANG DIWA

Ang Abakada... Ina, na likha ng mga manunulat ng Tanging Yaman, ay isang pelikulang ipinalabas noong 2001 at idinirihe ng aktor na si Eddie Garcia. Tinalakay ng pelikula ang hinggil sa di-pagkakaunawaan nina Estella at ng kanyang biyenan na si Miling, na ang anak na si Daniel ay hindi pinapalad na makakita ng trabaho.

Ipinakita sa pelikula na ang pagkakaroon ng kaalaman ay isang mahalagang elemento ng ating pagkatao. Sa aming nasaksihan sa pelikula, naging dulot pa ng pagbagsak ang kawalangkaalaman, gaya ng nangyari kay Joan. Gayundin ang kinalabasan ng sila ay lumuwas sa Maynila ng pati simpleng Ingles ay hindi niya maunawaan.

Ipinamalas ng Abakada... Ina na ang nakaraan ng isang tao ay hindi sapat upang masukat ang tunay niyang halaga. Pinatotohanan din ng istorya ang kadakilaan ng mga ina at ang kanilang di-masukat na pag-ibig at pagsasakripisyo upang mapalaki nang maayos ang kanilang mga anak.

PAMAGAT NG PELIKULA

Ang pamagat ay akmang-akma sa kabuuan ng pelikula. Ang ABAKADA ay nagpapahiwatag ng mga unang kaalaman na ating natutunan na nagsilbi na ring pundasyon ng ating kaalaman na siya namang nagkulang sa ating pangunahing tauhan na isa namang INA. Kaya naman sa aming palagay ay totoo ngang ito ay akmang-akma sa nasabing obra maestra.

PAGGANAP NG MGA TAUHAN

Ang pagganap ni Lorna Tolentino sa pelikulang ito bilang si Estela ay nagpanalo sa kanya bilang isang Best Actress sa Film Academy of the Philippines (FAP) noong 2002. Lumutang ang kanyang natatanging galing at husay bilang isang aktres. Nabigyang hustisya niya ang kanyang papel sa kanyang mga ekspresyon at galaw bilang isang mangmang at eliterada. Kahangahanga rin ang pagganap ng ilan pa sa mga karakter tulad ni Daniel (Albert Martinez), Matilda (Alicia Alonzo) at ang batikang aktres na si Nida Blanca bilang si Miling. Kahangahanga rin ang nagging pagganap ng child star na si Hannah Camille Bustillos bilang isa sa mga anak ni Estella na si Joan.

DIYALOGO

Ang bawat script ng mga tauhan ay akma sa bawat isa. Naging makatotohanan ito dahil sa ang mga salitang ginamit ay naayon sa bawat karakter sa pelikula. Masasabi na malaking panahon ang iginugol sa paggawa ng script dahil maganda ang kinalabasan nito sa pelikula.

CINEMATOGRAPHY

Naging maganda ang cinematography ng pelikula mula umpisa hanggang sa matapos. Nag-umpisa ang pelikula na ipinakita si Estella noong siya ay bata pa, na naglalakad sa tulay papuntang eskwelahan. Isang bagay naman na dapat pa nilang pagbutihin ay ang tamang paglalagay ng ilaw sa bawat eksena. Sa ilang parte ng pelikula ay masyadong madilim, ang ilan naman ay masyadong maliwanag. Maliban doon ay naging maganda ang cinematography ng pelikula sa kabuuan.

You might also like