You are on page 1of 7

BAUAN NATIONAL AGRICULTURAL AND VOCATIONAL HIGH SCHOOL

2019-2020

Isang Suring Pelikula sa Pelikulang:


Mga Munting Tinig

Isang Komplisyon sa Ikaapat na Markahan sa Asignaturang Filipino II

Isinumite kay:
Gng. Romelyn A. Sanchez

Ipinasa ni:
Yokimura Dimaunahan
STEM 11 Emerald

Petsa:
I. Panimula

Ang Pamagat ng pelikula ay ang mga munting tinig ito ay produksiyon ng


Teamwork production. Ang mga artistang nagsipagganap ay sina: Alessandra de Rossi
(Melinda), Dexter Doria (Mrs. Pantalan), Gina Alajar (Chayong), Amy Austria (Luz), Bryan
Homecillo (Popoy), Piero Rodriguez (Obet), Irma Adlawan (Fe deluz), Malou Crisologo
(Solita), Nonie Buencamino (Fidel), Tony Mabesa (Mr. Tibayan), Lailani Navarro (Pilar).
Ang Pelikula ay isang Art film. Ang Production designer ng pelikula ay si Gil Portes. Ang
director ng photograpiya ay si Ely Cruz. Ang mga producer ay sina Rey Cuerdo at Gil
Portes. Ang mga executive producer naman ay sina Crecensio Bendijo, Marissa Dames
at si Eric Manlunas. Ang direktor naman ay si Gil Portes. Ang pelikula ay base sa buhay
ng mga tao sa bundok ng malawig na ang kinabubuhay lamang ay ang pag-aani. Ang
senaryo ng isang lalawigan o bansang pinanggalingan ng pelikula ay isang bukid at
mahirap ang buhay ng mga tao dito sa lugar na ito. Ang layunin ng pelikula ay iparating
sa mga manonood ang sakripisyo ng nga guro at mga estudyanteng gusto mag aral
upang sa ikakabuti ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagaaral at
pagpupursige ng mga taong ito. Ang aking hinuha ay napakaganda ng layunin ng
pelikulang ito sapgkat na ipakita dito ang kapangyarihan ng edukasyon at kagandahang
asal.

II. Pamagat

Ang Ipinapahiwatig ng mga munting tinig ay ang sakripisyo sa pagaaral at


sakripisyo sa pagpupursige na may karapatang tagumpay at kaginhawaan. Ang mensahe
ng pamagat ay ang munting mga tinig ng mga batang nagpupursige sa pagkanta at
paggawa ng ikakabuti ng kanilang sarili at ng paaralan. Hindi hadlang sa mga batang
bukid ang kahirapan sa pagpasok ng paaralan upang matuto at makamtan ang
karunungan na sinumang walang karapatang kumuha o nakawin. Naging tulay sa
kanilang pagpupursige ang pagkanta at pagaaral upang maging maligaya at produktibo
sa kabila ng gera at kahirapan.

III. Karakterisasyon at Pagganap

A. Pangunahing Tauhan

 Melinda Santiago
Si Melinda ay payak na isang guro at maalagain sa kaniyang eskwela. Siya ay
bida sa pelikula na magbabago sa pananaw ng mga estudyante at guro na kaniyang
kasama sa paaralan ng malawig. Ang artistang gumanap ay si Alesandra de Rossi.
Mahusay niyang ginanapan ang pelikula dahil ipinakita niya ang nararapat na
emosyon ng pelikula. Nagpakita siya ng kahusayan sa lahat ng senaryo ng kaniyang
ginanapan. Hindi naman siya nagpakita ng kahinaan sa pelikula total pinakita niya
ang kahusayan at kagalingan sa pagarte.
B. Katuwang na Tauhan

 Mrs. Pantalan
Siya ang pinakamataas na guro sa paaralan ng malawig. Siya ang taga pangsiwa
sa pangangalaga ng mga estudyante. Siya ay napakasipag sa pagtuturo at siya din
ang malimit nagbebenta ng ice candy sa paaralan. Ang artistang gumanap ay si
Dexter Doria. Napakahusay niyang nagampanan ang pagiging isang guro. Malimit
siyang nagpapakita ng kahusayan sa pagganap. Hindi ko Nakita ang kahinaan niya
sa pagganap.

 Chayong
Siya ang ulirang ina ni Pilar. Siya ang may ari na inuupahan ni Melinda sa Malawig.
Napakabait niya kay Melinda dahil itinuring na din niya itong anak. At siya ang malimit
magbigay ng payo kay Melinda. Ang artistang gumanap ay si Gina Alajar. Naipakita
niya ang kaniyang kagalingan sa pag arte noong nalaman niyang na loko ang
kaniyang anak sa Singapore. Wala naman siyang kahinaan sa pag arte.

 Fe Deluz
Siya daw ang pinakamahina ang ulo sa kanilang magkakapatid kaya pinag guro
nalang siya ng kaniyang ama. Siya ay mabait at maasahan sa pagtuturo ng English.
Ang artistang gumanap sa karakter ni Fe ay si Irma Adlawan. Ipinakita niya ang
kaniyang pag arte na isang guro na hindi gaanong magaling sa pagtuturo at na gawa
niya itong tama at napakahusay. Wala naman siyang kahinaan sa pagarte.
 Luz
Siya ang ina nina Popoy at Obet. Siya ay napakabait at bukal sa puso niya ang
pagiging isang ina. Siya ay gumanap na luz at sa totoong buhay ay si Amy Austria.
Magaling niyang ginanapan ang pagiging isang ina. Wala siyang kahinaan sa pagarte.

 Popoy
Siya ay kapatid ni Obet at ina niya si Luz. Siya ay isang masayahin at magaling
umawit. Ngunit sa kabilang banda namatay siya dahil sa mga kaguluhan nagngyari
sa bundok ng malawig. Ang artistang gumanap ay si Bryan Homecillo. Napakagaling
niyang ginanapan ang pagiging isang masayahing bata sa kabila ng kaniyang hirap
sa buhay. Wala naman siyang kahinaan sa pagarte.
 Obet
Siya ay kapatid ni Popoy. Mabait siya sa mga kaniyang kamag aaral at kaniyang
guro. Subalit galit siya sa kaniyang tatay dahil mas inuuna ng kaniyang tatay ang
pagsali sa NPA kaysa daw alagaan silang magkakapatid. Ang tunay niyang katauhan
ay si Pierro Rodriguez. Mahusay niyang ginanapan ang pagiging ulirang kapatid sa
pelikula. Wala siyang kahinaan sa pag arte.

 Solita Samaniego
Siya ay guro sa paaralan ng malawig. Siya ay malimit nagpapalinis ng kanyang
bahay sa pamamagitan ng kaniyang estudyante. Ang tunay niyang katauhan ay si
Malou Crisologo. Magaling ang pagganap niya bilang isang guro. Wala siyang
kahinaan sa pag arte.
 Fidel
Siya ang tatay nina Obet at Popoy. Siya ay kasapi sa mga NPA. Napatay siya dahil
sa pakikipaglaban sa mga sundalo. Napakagaling niyang naipakita ang pagiging tatay
ng dalawa niyang anak. Siya sa tunay na buhay ay si Nonie Buencamino. Wala siyang
kahinaan sa pag arte.
 Mr. Tibayan
Siya ay dating guro ni Melinda at siya ay mapagbirong guro. Siya ay sa tunay na
buhay ay si Tony Mabesa. Naipakita niya ng pagiging isang guro kahit na sa
katandaan. Wala siyang kahinaan sa pag arte.
 Pilar
Siya ay dating guro sa malawig. Umalis siya sa malawig para maghanap ng
trabaho sa Singapore. Anak siya ni Chayong. Siya ay naloko sa Singapore ng mga
illegal encruetor. Siya sa totoong buhay ay si Lailani Navarro. Napakabuti ng knayang
pagganap bilang isang ulirang anak. Wala naman siyang kahinaan sa pag arte.

 Adong
Siya ay kasama sa choir ng kaniyang paaralan at isa siya sa pinakamabait na
eskwela ni Ms. Melinda. Si Adong ay ginanapan ni Kedo Agaro. Mahusay niyang
ipinakita ang pagiging isang estudyante. At napakagaling niyang umarte. Wala naman
siyang kahinaan sa pag arte.
 Gela
Siya ang pursigidong mag aaral at siya ay napakaraming magkakapatid. Ang tunay
niyang katauhan ay si Sining Blanco. Napakahusay niyang umarte lalo nang sinabi
niya ang katagang “Bakit kasi kayo anak ng anak”. Wala naman siyang kahinaan sa
pagarte.
 Lino
Siya ay iyong lang napapagtawanan sa kadahilanan na siya’y mahilig umutot sa
klase. Ang katauhan niyay si Christian Galindo. Napakagaling niyang ipakita ang
emosyon niya sa pag arte. Wala naman siyang ipinakita na kahinaan.

 Ida
Siya ay miyembro ng choir at siya ay mabait na bata. Ang gumanap na Ida ay si
Hazel Logan. Napakagaling niyang umarte at magaling din kumanta. Wala naman
siyang kahinaan sa pag arte.

 Tatay ni Adong
Siya ay malupit at ayaw niyang pagaralin si Adong dahil mas gusto niya itong
magtrabaho nalang sa bukid. Ito ay ginanapan ni Nanding Josef. Napakagaling niyang
umarte lalo na noong nagalit siya sa guro ni Adong. Wala naman siyang kahinaan sa
pag arte.
 Nanay ni Gela
Siya ay lagging stress sa kaniyang napakaraming anak at ayaw niyang papasukin
si Gela dahil gusto niya itong mag alaga ng kaniyang kapatid. Ito ay ginanapan ni
Connie Chua. Napakagaling niyang umarte bilang matapang na ina ni Gela. Wala
naman masyado siyang ipinakita na kahinaan sa pag arte.
 Mr. Singh
Siya ay mabait na arabo na nagbibigay ng sweldo at serbisyo sa mga guro sa
paaralan ng malawig. Siya ay ginanapan ni Hamid Eton. Napakagaling niyang
umakting sapagkat tamang-tama siya sa role na binigay sa kanya. Wala naman
siyang ipinakita na kahinaan sa pag arte.
 Tatay ni Melinda
Siya ay tatay ni Melinda na nag papatawa sa kanya. Siya lang ang nakakaintindi
sa kanya at sumusuporta sa anumang gusting tahakin ni Melinda. Itoy ginanapan ni
Jess Evardore. Napakagaling niyang umakting bilang ama ni Melinda lalo na noong
sila’y naglalaro. Hindi ko masyado nakitang kahinaan niya sa pag arte dahil maikli
lamang kaniyang ginanapan.

IV. Uri ng Genre ng Pelikula

Ang genre ng pelikula ay drama at may halong komedi.

V. Tema o Paksa ng Akda

Nais iparating ng istorya ay ang kagandahang asal at tiyaga ng bawat is ana


harapin ang bawat suliranin sa buhay maliit man o malaki. Makikita ditto ang
pagkakapantay pantay ng bawat tao kahit maliit man o malaki. At ang pagmamahal ng
isang guro sa kaniyang pangalawang anak.

VI. Sinematograpiya

Ang shot ay ang kilos o aksyong nakunan ng kamera. Una sa lahat ang Longshot
ang unang Nakita dito, pinakita na ang kamera ay malayo sa tao at patinarin sa
kapaligiran. At Medium shot na hanggang baywang ng isang tao at ang huli ay Close up
shot dito pinakita ang maliit na distansiya ng pagitan ng tauhan at ng kamera. Nakatulong
itong ibat-ibang shot para bigyang buhay ang pelikula at para pagandahin din ang angulo
ng kamera at ng tao sa video. Nailarawan din sa shot ang kabuoan ng kwento sa pelikula
dahil mas maliwanag na naisabuhay ang salita ng karakter sa kwento.

VII. Paglalapat ng Tunog at Musika

Ang pelikulang “Mga munting tinig” ay napakadaming musika at tunog. Ang Editor
ng musika ay si Joy Marfil at ang tunog ay kay Noel Cruz Bruan at Aritrofeo. Ang pelikula
ay napakaayos ng kanilang paglalapat ng musika at tunog. At walang mali sa pag eedit
ng musika at tunog. Napakaganda ng paglapat sa tunog kapag may sitwasyong
kagimbal-gimbal o kalungkutan. Lumitaw talaga ang boses ng mga choir at tunog na
ginamit. Sa ibang parte ng pelikula ay minsan mahina ang boses at hindi ko masyado
maintindihan. Pero maganda at kaakit-akit naman ang resulta.
VIII. Editing

Napakahusay ng pagkakaedit sa pelikula meron iba na senaryo na bigla kanalang


magugulat dahil akala mo walang mangyayari ngunit na bigyan naman ito ng karapatang
ganda sa huli ng pelikula.

IX. Production Design

A. Ang mga props sa pelikula ay talagang sapat na sa pelikula at naipakita talaga


kung sino ang karakter at sino ang masasabi mong guro at estudyante. Naipakita
din dito ang makukulay na damit ng mga sumaling ibang paaralan at lalo na sa
malawig. Talagang naipakita ang kalagayan ng mga magsasaka at mahihirap dahil
sa kanilang props na suot.

B. Makikita mo talaga ang linis ng itsura at makeup na ginamit sa mga taong nakatira
sa bukid at sa mga napatay ng sundalo talagang kitang kita ang sugat at dugo.
Makikita mo din ang putla ng bangkay ng mga patay sa gera. Kaya masasabi ko
na maganda ang pag mamakeup ng mga mga taong kasangkop.

C. Ang lugar ay akma naman sa nasabing kwento. Makikita mo talaga at


mararamdaman mo ang hirap ng mga magsasaka sa malawig. At lalo na ang
buhay ng mga estudyante doon.

X. Direksyon

Si Gil Portes ang direktor sa pelikulang “Mga Munting Tinig” siya ay isang mahusay
na direktor. Kaya siya ay ginantimpalaan ng best director. At ang iskrip ay tugma sa mga
pangyayari sa reyalidad ng buhay at sa lugar na ginampanan. Masasabi ko na ang
direktor ay napakahusay sa paggawa ng pelikulang may parangal at may kahulugan na
kung ano talaga ang buhay ng mga taong nakatira dapat doon.

XI. Buod o Synopsis

Noong pumunta si Melinda sa baryo ng Malawig. Ang baryo na ito ay nababalot


ng kawalan ng pagasa sa kadahilanan ay ang kahirapan ang lumalamon sa mga taong
ito. At tila wala nang pagasa sa buhay. Dahil sa kahirapan na tutong maging tamad ang
mga tao na subukan ang pagaaral at pagpupursige sa pagkuha ng edukasyon. Lagi
nilang iniisip na ang mayayaman lang ang maaaring mangarap, at tayong mga mahihirap
ay hindi. Kaya napilitan si Melinda na ipaliwanag sa mga estudyante at mga magulang
nila na hindi hadlang ang kahirapan sa pagtupad ng pangarap. Dahil sa mga ganitong
pangyayari isinali ni Melinda ang mga estudyante sa isang paligsahan sa pagkanta upang
patunayan na ang munting tinig na kanilang ikinakanta ang tatayo sa kanila sa kadiliman
ng kahirapan, kamatayan, at kalungkutan. Sa kanilang awit silay natutong tumayo at
mangarap ng malayo na parang ibon kung lumipad. Ngunit sa paglisan ni Melinda
kailangan parin nilang itayo ang kanilang pangarap at para sa ikakabuti ng kanilang
kalagayan sa buhay.
XII. Kuwento

Ang manunulat ay inakma ang nangyayari sa lugar iyon at kung anong hirap at
sakripisyo ang nangyayari sa lugar ng Malawig. Ang sentro ng tagpuan ay sa baryo ng
Malawig at sa eskwelahan. Ang nagging malimit na suliranin ng kwento ay ang kahi rapan
at kawalan ng pagasa. Nalutas ito sa pamamagitan ng kanilang pagpupursige sa
pangarap nila. Ang nais na iparating ng pelikula ay kahit mahirap ka lang may munting
pangarap na naghihintay sayo. Ang estilong na aking malimit na Nakita ay ang pagiging
makatotohanan ng manunulat. Nakatulong ito upang ipamulat sa Pilipino na kahit
mahirap ang buhay huwag kalimutan ang mumunting pangarap. Nagtapos ang pelikula
ng masaya dahil nanalo ang mga bata sa kompetisyon. Sa tingin ko nakamit ang layunin
ng pelikula dahil napahiwatig dito ang tagumpay at kasiyahan.

XIII. Mga Kasipan o Aral ng Pelikula

Ang aral ng pelikula ay huwag kang susuko sa mga problema dahil ito’y may
solusyon at ito’y inspirasyon mo sa magandang araw ng bukas.

XIV. Konklusyon at Rekomendasyon

Ang aking konklusyon sa kwento o pelikula ay malimit kung masuri ang


kagandahan at kalinisan ng kwento o pelikula. At sana ang kwento ay magkaroon ng
remaster para lalo pa mabusisi ang kwento at mabigyan pa ng ekspresyon. Ang
Rekomendasyon ko naman ay sana mas mahaba pa ang istorya at nabigyan ng pagasa
ang taga malawig.

You might also like