You are on page 1of 1

BANGHAY

SIMULA:
Nagsimula ang kwento sa isang karaniwang pangyayari sa Quiapo, na hit and run ang isang batang
naglalaro sa kalsada. Ipinakilala ang dalawang menor de edad na magkasintahang sina Aries at Jane
na dumidiskarte sa mga lansangan ng Quiapo upang buhayin ang kanilang bagong silang na sanggol.
Baby Arjan, pinagsamang Aries at Jane ang pangalang ibinigay sa batang wala pang tatlumpung
araw mula nang isilang. Sila ay nakatira sa gilid ng abandonadong buliding sa Maynila. Mga
karaniwang batang lansangan na nagkalat at kadalasang pinandidirihan, iniiwasan, kinatatakutan,
minamaliit at nilalait. Sila ang batang bastos, palamura, walang galang, walang disipilina at
nabubuhay sa mga ilegeal na gawain gaya ng pagnanakaw. Sila ay dumidiskarte sa pamamagitan ng
pagnanakaw ng mga wallet at iba pang gamit. Agad nilang ibinebenta ang mga nakaw na gadget sa
mga dealer upang kumita ng pera, makabili ng mga pagkain at pangangailangan ng kanilang anak.
GITNA:
Nakilala ni Jane ang isang bakla nagngangalang Ertha na nagpanggap bilang isang kaibigan. Nagpapa
utang ito, lagi siyang inaalok at pinag didiskitahan ang kanyang anak. Nang napapayag na ni Ertha si
Jane na bilhan ng gamit si Baby Arjan, itinakbo ni Ertha ang kanyang anak. Halos ay lahat ay gawin at
halughugin nila mahagilap lang ang nawawalang sanggol. Ipinakita na dito ang pang aabuso at pag
sasamantala ng guwardiya at pulis sa walang alam at mahirap na tao. Kaya lamang sila natulungan
ng guwardiya ay dahil inabutan ito ng pera ng isang babaeng may kaya sa buhay na naawa sa mag
asawa. Ang pulis na dapat gumawa ng serbisyo para sa ikabubuti ay sinamantala ang kahinaan ni
Jane, imbis na tulungan ay binastos pa ito.
WAKAS:
Napapagod na si Aries sa kakahanap sakanilang anak at sinabi niya sakanyang asawa na hayaan
nalamang ang bata dahil nasa mas maayos na buhay na ang kanilang anak. Madami nang tumawag
at nag text pero sila ay niloloko lamang. Hindi parin sumusuko si Jane sa paghahanap sa nawawala
niyang anak. Para sakanya ang anak niya’y hindi kailanman magiging anak ng iba tumbasan man ito
ng yaman. Kahit tutol na si Aries sa kagustuhan ng asawa, hindi niya parin ito iniwan at sinisigurado
niyang ligtas si Jane.
TEMA

Mapangahas ang Pamliya Ordinaryo sa pagtatalakay ng mga temang tungkol sa kahirapan. Ipinapakita dito kung paano
pinabababa ng kahirapan ang halaga ng dignidad ng tao. Sa pelikulang ito ay matutuklasan mo ang iba’t ibang isyung panlipunan
na kinahaharap ng mga tao. Ang kahirapan na isang kumunoy na lumalamon sa tao, ang pang aapi ng mga pulis kay jane ay
sumasalamin sa pang aabuso ng mga taong nasa kapangyarihan sa kanilang posisyon, mapagsamantalang katangian ng midya,
pag gamit ng mga pinagbabawal na gamut at rugby, ang pagnanakaw na ginawang diskarte upang mabuhay, kalusugang
sekswal, krimen, kakulangan sa reproductive health awareness, kapalpakan ng hustisya at mga sebisyo sosyal, mga batang
lansangan at sinayang na yamang tao sa bansa. Makikita mo rin dito na ang mayayaman lamang ang binibigyan ng pansin.
Talagang nakakalungkot isipin na madaming bata na mulat agad sa mga maling gawain, huwag nating hayaan na magpatuloy ito
sa mga susunod na henerasyon.

TAUHAN

 Ronwaldo Martin bilang Aries (Asawa ni Jane)


 Hasmine Kilip bilang Jane (Asawa ni Aries)
 John Kenji Montoro nilang Baby Arjan (Anak ni Aries at Jane)
 Raymond Lee bilang Ertha (Baklang nagpaggap bilang kaibigan)
 Maria Isabel bilang Cess (Nanay ni Jane)
 Erlinda Villalobos bilang Helen (Nanay ni Ertha) Kierstin Kyle Riego
 Sue Prado bilang Alma (Kaibigan ni Jane)
 Menggie Cobarrubias bilang Vergara (Pulis) 12 – ABM A
 Lao Rodriguez bilang Head Guard
Ms. Bacolcol

You might also like