You are on page 1of 2

'Diskarteng Bata'

I-Witness [ Kara David ]

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-----------------

Marahil na ang mga iba't ibang bata ay hindi ginagabayan ng mga mabuti at nagiging resulta ito sa gawi
ng isang bata. Hindi tinuruan ng mga bata ang kanilang sarili na maging masamang tao. Ang kapaligiran,
lipunan, at ang kanilang buhay sa pangkalahatan ang nagturo sa kanila. Dapat nating itaas ang kamalayan at
ipaglaban sila, iyon ang pinakamaliit na magagawa natin. Tingnan natin ang sitwasyong ito sa mas malaking
pananaw. Ang mga batang ito ay hindi mga kriminal, sila rin ay biktima. Pera ang mga nagbibigay
pangangailangan sa atin, subalit magkakaroon lamang ng legal na pera kung mayroong trabaho o negosyo ang
isang tao, bata pa lamang sa dala ng kahirapan sila ay naligaw na ng landas. Aminin man natin o hindi, ang
mundo ay puno ng trahedya at kahirapan. Nasa atin na lamang kung paano natin ito masosolusyonan sa
tamang paraan.

Paksa:

Kahirapan, Batang Hamog, Pagnanakaw, Kulungan

Tauhan:

Roy, Dodong, Jocelyn, Kara David

Layon:

Hangad ng dokumentasyon ito na ipagbigay alam ang mga kabuhayan ng mga batang hamog at ang
kanilang mga nararanasan. Nagpaalam din rito ang mga kahahantungan ng mga bata at ang mga masaklap na
tadhana. Pagsasaliksik narin sa mga ugat ng problema at dahilan ng mga nangyayari. Sa pagsusuri sa
kabuhayan ng mga bata o ang kanilang mga 'Diskarte' sa kalye, dito makakahanap ng mga solusyon o malutas
ang problema at pagsusuri ng mabuti ang suliranin. Ginigising ang isip at damdamin ng mga tao o
naimpluwensiyahan ng mga tao tungkol sa isang partikular na isyu.

Tono:

Habang si Kara David ay nagsasaliksik sa mga batang kalye na dati niyang nakilala, natanggap niya ang
mga balita na marami nakulong at namatay. Labis na malungkot ang kanyang pagsasalita. Tinanong din niya
si "Roy" at pinya kwento kung ano ang nangyari sa kanya sa nakalipas na walong taon. Seryoso ang usapin
pagdating sa buhay at kinabukasan ng mga bata. Maraming mga nakakalungkot na trahedya ang nangyari.
Malungkot at seryosong naihatid ni Kara David ang kanyang dokumentaryo.

Buod ng Kwento:

Sa dating dokumentaryo na "Anak ng Kalye" natagpuan ni Kara si 'JM'. Namatay si JM at binisita ni Kara ngayon
pagkalipas ng walong taon. Sabi ng babae na namatay at nakulong na ang karamihan sa mga batang hamog sa
lugar na iyon. Hinanap niya ang kaibigan ni JM na si 'Roy'. Ikinwento iya ang mga nangyari dati. Mga batang
kriminal o mga biktima ng kapalaran. Ang pokus nito ay ang dalawang bata na sina “Dodong” at “Jocelyn,”
nabihasa sa pagnanakaw at pandurukot sa murang edad pa lamang. Sila ang mga bagong sibol ng mga batang
hamog noon. Si Dodong at si Jocelyn ay mga bata na nagdurukot at nagnanakaw upang magkaroon lamang ng
pera. Madami ang problema pagdating sa paggagabay sa mga kabataan. Dulot sa kahirapan ng mga bata,
napariwala ang kanilang buhay at napunta sa pagnanakaw, hindi rin daw mapigilan ng mga magulang ang
kanilang mga anak kahit na alam nila ang mga ginagawa ng mga ito.

Mensahe:

Sa bawat kahirapan at trahedya sa mundo, pera ang pangunahing pangangailangan ng mga bawat
pamilya. Minsan dahil dito ay napapariwala ang mga bata at minsan gumagawa ng mga mali para lamang
kumita. Ang mensahe dito ay gaano man kahirap ang buhay, ikaw ay magiging sagana kung ang iyong
pamamaraan ay tama. Hanggat ang ating ginagawa ay tama tayo ay lalong magiging sagana. Huwag rin tayong
maging mapaghusga pagdating sa mga tao o batang hamog. Lahat ng mga tao ay may kanikanilang mga storya
para humantong sa posisyon na iyon. Pahalagahan natin ang mga bawat kinikita at ating mga
pinagsasakripisyo dahil ito ang bumubuhay sa atin.

You might also like