You are on page 1of 1

My Beautiful Woman

(Replektibong Sanaysay)

“She is neither beautiful nor outstanding, but the she has


for Jane makes her the most beautiful woman.” Ito ang linyang
nagpapatunay sa kagandahang loon ni Jane.Hindi nasusukat ang
kagandahan ng kanyang kalooban. Ang kanyang kabutihan ang
natatangi sa lahat.

Sa ating paglalakbay sa mundong ito, marami na tayong


nakasalamuha. Lahat sila ay iba’t ibang kwento sa buhay kaya’t
hindi tayo maaring maghusga sa kanila. Si Jane ay isang
karaniwang mag-aaral. Bagama’t hinuhusgahan hindi niya iniinda
ang mga kwentong naririnig. Si June, siya ang batang nagbibigay
sa kanya ng isang magandang ngiti.

Ang batang kanyang inalagaan at sinilba sa isang basurahan.


Ang batang kanyang kinupkop at binihisa, pinakain at pinag-aral,
inaruga at minahal. Mga luhang pumatak sa matang nangungusap at
ngiting hindi maluluma ng panahon galling sa isang babaeng walang
hinangad kundi ang kapakanan ng isang walang makuwang-muwang na
sanggol.

Hapon iyon ng madatnan ko ang aking kaibigan na nakatingala


sa kawalakan na malalim ang iniisip. Nilapitan ko siya at
nagtanong kung ano ang problema. Sinabi niya na may nakasalamuha
siyang isang matandan na humihingi ng pagkain sa isang karinderya
sa edad na apat na taon. Inakala niya na kukutyain niya ang
matanda pero taliwas ang ginawa ng bata at halip ay binigyan niya
ito ng tinapay.

May mga pagkakataong inakala natin na ang isang tao ay


napakasama pero may mga taong nagtatago ng kabutihan sa kanilang
puso. Mga taong nagmamalasakit sa kapwa. Mga taong may magandang
kalooban na halos balewalain ang sariling kapakanan at unahin ang
kapwa. Mga mga taong katulad ni Jane na may busilak na puso.

You might also like