You are on page 1of 1

 

Ang dalawang karakter sa pelikula ay naging batang magulang ni Baby Arjan. Pinagsamang Aries at Jane
ang pangalang ibinigay sa batang wala pang tatlumpung araw mula nang isilang. Mga karaniwang batang
lansangan na nagkalat sa kalakhang Maynila, kadalasang pinandidirihan, kinatatakutan, minamaliit at
nilalait. Mga batang kalyeng walang ibang alam gawin kundi ang tumakbo nang tumakbo upang hindi
makuha ng awtoridad at hindi mailagak sa DSWD. Nabubuhay sa mga ilegal na gawain gaya ng
pagnanakaw. Gumagamit ng mga ipinagbabawal gaya ng rugby upang maibsan ang kalam ng sikmura.
Tipikal na batang Quiapo sina Aries at Jane Ordinaryo.

Nagsimula ang kwento sa isang karaniwang pangyayari sa Quiapo, isang batang naglalaro sa kalsada ang
na-Hit-and-Run. Si Jane, karga ang anak na wala pang tatlumpung araw ay naglakad papalayo sa
pangyayari nang makasalubong niya ang asawang si Aries at nakipagbati dito. Parang ordinaryong
magkasintahan na nag-aaway-bati lamang, ngunit ang kaibahan ay mayroon ng Baby Arjan na kailangan
nilang pakaisipin. Sa gilid lamang ng isang abandonadong building natutulog ang dalawa, doon na rin nila
ginagawa ang halos pang-araw-araw na pagsisiping upang mapunan ang tawag ng laman ni Aries.
Pasimple, upang hindi mapansin ng mga taong nagdaraan. Bastos, palamura, walang galang at walang
disiplina, ilan sa mga katangian nilang dalawa. Walang duda, nagampanan nila ang karakter ng isang
tipikal na batang kalye sa Quiapo, batang hamog sa kalsada, silang-sila ang karakter ng bawat batang
hindi naging bata dahil nabiktima ng kahirapan ng buhay.

You might also like