You are on page 1of 13

ANG KALUPI

Benjamin P. Pascual
TUNGKOL SA MAY AKDA
◦ Si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa Laoag, Ilocos Norte
◦ Nagsimulang magsulat noong 1950’s.
◦ Sa Comics siya unang nagtrabaho bilang staff sa Liwayway Magazine
◦ Nanalo siya ng Palanca Awards noong 1965 dahil sa kanyang isinulat na maikling kwento:
Landas sa Bahaghari at noong 1951 dahil sa: DI ko Masilip ang Langit.
◦ Nanalo rin ang kanyang nobelang Utos ng Hari sa Cultural Center of the Philippines noong
1975.
◦ Ang pinakakilalang maikling kwentong kanyang naisulat ay Ang Kalupi (The Wallet).
MGA ELEMENTO SA ANG KALUPI
I. MGA TAUHAN/KARAKTER
1. Aling Marta
Isang pangkaraniwang nanay at asawa na nagsusumikap para sa kinabukasan
ng mahirap niyang pamilya.
Mayroon siyang dalagang anak na magtatapos ng hayskul. Ang tanging
pangarap lamang niya ay makapagtapos ng kolehiyo ang kanyang anak.
Si Aling Marta ay may katandaan na at mainitin ang ulo, mapagmarunong at
makakalimutin. May pagkasinungaling din at mapanghusga sa ibang tao.
MGA ELEMENTO SA ANG KALUPI
I. MGA TAUHAN/KARAKTER
2. Andres Reyes
Ang gusgusing batang naaksidenteng nakabangga kay Aling Marta at
napagbintangang nagnakaw ng kalupi o pitaka nito.
Siya at ng kanyang pamilya ay walang permanenteng tirahan.
Kahit na anak mahirap ay hindi niya magagawang magnakaw.
Namatay siya dahil sa bintang sa kanya ni Aling Marta.
MGA ELEMENTO SA ANG KALUPI
I. MGA TAUHAN/KARAKTER
3. Pulis sa outpost ng palengke
Siya ang nag-imbestiga sa inaakusahang pagnanakaw ng kalupi ni Aling Marta

4. Aling Godyang
Ang tindera na unang pinagbilhan ni Aling Marta at ang inutangan niya ng
pera.
MGA ELEMENTO SA ANG KALUPI
I. MGA TAUHAN/KARAKTER
5. Dalagang anak ni Aling Marta
Ang magtatapos ng hayskul at ipagluluto dapat ni Aling Marta ng paborito
nitong minatamis na garbansos.

6. Asawa ni Aling Marta


Matiyagang naghahanap-buhay para sa kanyang pamilya. Siya ay mahilig
manigarilyo at siyang nagbigay ng pamalengke ni Aling Marta. Siya rin ang
kumuha sa pitaka nito at nakalimutang ibalik.
TAGPUAN
1. Maliit na barung-barong
Ang bahay na tinitirhan nila Aling Marta. Dito naiwan ni Aling Marta ang kanyang kalupi na
pinaniniwalaang kinuha ni Andres Reyes.

2. Pamilihang bayan ng Tondo


Dito palaging namimili si Aling Marta. Dito rin niya natuklasan na nawawala ang kanyang kalupi.

3. Kalsada malapit sa outpost


Dito kinausap ng pulis ang bata. Sa lugar din na ito binawian ng buhay ang bata.
BANGHAY
1. SIMULA
Naganap ang panyayari nang nagpunta sa palengke si Aling Marta siya’y
mamalengke ng handa ng kanyang anak na magtatapos sa hayskul.

2. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Habang naglalakad si Aling Marta ay nabangga siya ng isang gusgusing bata,
na si Andres Reyes. Humingi ng tawad ang bata, pinagpasensyahan naman siya
ni Aling Marta at pinag-iingat sa susunod.
BANGHAY
3. KASUKDULAN
Nang nalaman ni Aling Marta na nawawala ang kanyang kalupi at ang
pamimintang niya sa bata.
Nang nag-imbestiga ang pulis at tinanggi ng bata ang paratang sa kanya.
Nang pilit na lumalaban at kumakawala si Andres sa pagkakahawak ni Aling
Marta.
BANGHAY
4. KAKALASAN
Nabunggo ang bata ng isang jeepney drayber at ito ang sanhi ng pagkamatay
nito. Dahil dito nakauwi na si Aling Marta at sinabi ng pulis na wala siyang
kinalaman dito.

5. WAKAS
Nang makauwi na si Aling Marta, napag-alaman niya na naiwan pala niya ang
kanyang kalupi o pitaka sa kanilang bahay.
KAISIPAN SA KWENTO
Ipinapakita sa kwento ang pagiging mapanghusga ng lipunan dahil lamang sa
panlabas na kaanyuan ng isang tao. Ipinapahayag ng manunulat na hindi dahil
gusgusin at mahirap ang isang tao, ay magnanakaw na ito o di kaya’y
masamang tao.
Sinasalamin din ng kwetong ito na mahirap makamit ang hustisya para sa mga
dukha.
Bago tayo manghusga sa kapwa natin, kailangan tayong magkaroon ng
batayan o pruweba at huwag magpadalos-dalos.
SULIRANIN AT TUNGGALIAN

Ang pangunahing suliranin sa kwento ay nang nalaman ni Aling


Marta na nawawala pala ang kanyang kalupi at ang pamimintang
nito sa batang kanyang nakabunggo.

Ang tunggalian sa kwento ay tao laban sa tao, tao laban sa sarili,


tao laban sa lipunan.
PAKSANG DIWA
Ang paksang diwa ng akda ay nagpapamulat sa mga mambabasa
kung ano ang magiging epekto ng mapanghusgang isipan ng tao
dahil lamang sa pisikal na anyo at kalagayan o estado ng isang tao.
Pinapamulat din ng akda na maraming mahihirap o pobre na
namamatay at hindi pa rin nakakamtan ang hustisya na inaasam.

You might also like