You are on page 1of 1

Marifer M.

Naz
BSN 2B

Repleksyon tungkol sa akdang “Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual

Ang kalupi ay isang uri ng maikling kwento na isinulat ni Benjamin Pascual. Ang
Kwento ay tungkol sa isang ale at isang bata ang pangalan ng ale ay aling Marta at ang
bata naman ay si Andres Reyes. Pinagbintangan ni aling Marta Ang bata na kinuha daw
ng bata ang kanyang kalupi kahit wala pa siyang patunay na kinuha nga ito ni Andres
Reyes. Ang pangunahing suliranin sa kwento ay ang pagkawala ng kalupi ni aling
marta. Sumunod na suliranin ay ang pagtakas ni Andres na siyang iki napahamak nito.

Para sa akin hindi tama ang ginawa ni Aling Marta nag padala siya sa kanyang
emosyon hinusgahan niya ang batang si andres, at inakusahan itong magnanakaw.
Dahil sa maling desisyon at maling akala ni Aling Marta napahamak ang batang si
Andres, namatay ito dahil sa aksidente. Kung ako ang nasa kalagayan ni Aling Marta
magiging mahinahon ako. Iisipin at bubusisiin ko kung saan ko nailagay ang aking
kalupi bago man ako mag akusa sa ibang tao. O kaya’t tatanungin ko si Andres Reyes
kung siya ang kumuha ng aking kalupi at iimbestigahan munang mabuti ang pangyayari
para walang mapahamak at hindi tayo makasakit ng damdamin ng ating kapwa para
walang naapakan at higit sa lahat ay irespeto natin ang isa’t-isa at maging pantay ang
ating pagtrato sa isa't-isa.

Napaka ganda ng mensahe nitong maikling kwentong .Sa mga panahon na tayo
ay nasa sitwasyon na katulad ni aling marta maging mahinahon at kalmado pa rin tayo.
Unawain at imbestigahan natin ang mga bagay bagay bago tayo mag desisyon sa kung
ano man bago mag akusa ng isang bagay sa tao. Tandaan natin na bago tayo
magsalita o gumawa ng aksyon busisiin muna natin ang pangyayari at kung tama ba
ang ating sasabihin o gagawin. At isa pa na aking natutunan mula sa kwento ay huwag
humusga ng tao base sa katayuan or hitsura. Magbigay respeto sa isa’t isa.

You might also like