You are on page 1of 19

Isang Suring basa sa

Ang Kalupi
Isinulat ni Benjamin P. Pascual
I.
Pamagat ng
Akda
Ang Kalupi
II
May-akda
Benjamin P. Pascual
Si Benjamin P. Pascual ay isang nobelista na nagmula
sa Laoag, Ilocos Norte. Si Benjamin ay kilala sa kaniyang
mga maikling kwento at nobela na kaniyang nailimbag sa
wikang Ilokano. Ang kaniyang talento sa pagsulat ay
nagbunga ng ilang kilalang mga limbag tulad ng Babaeng
Misteryoso, Lalaki sa Dilim, Landas sa Bahaghari at isa na
rito ang ating bibigyang pagsusuri, “Ang Kalupi.” Sa
maikling kwento na ito nais ilabas ng manunulat ang
sitwasyon nangingibabaw sa ating lipunan sa kasalukuyan
ang ugaling mapanghusga ng mga tao, kasabay ng kawalan
ng hustiya ay nagdudulot ng isang pangyayari puno ng
pighati. Ang masakit na katotohanan ginagawa ng lipunan
puno ng maling akala at panghuhusga.
III
Buod
Sa umaga ng araw ng pagtatapos ng
kaniyang anak, Si Aling Marta ay lumabas
sa kanilang maliit na tirahan upang
mamalengke para sa kaniyang lulutuin Ang
bilang pagsasalo sa okasyon na iyon.
Nang makarating na sa palengke si Aling
Kalupi
Marta, nagtungo ito sa pangntinang
pasilyo at humakbang papasok nang
biglang lumabas ang tumatakbong batang
lalaki nakasuot ng maruming pantalon at
damit pang itaas.
III. Buod
Siya ay nakasuot ng marumi at punit – punit na kamiseta na nag pakita ng kaniyang buto’t balat na
pangangatawan. Nabangga ng bata si Aling Marta na agad naman nitong ikinairita, “Ano ba naman yan? Ang sikip sikip
na nga ng daanan ay tumatakbo ka pa.” sigaw nito”

“Nako, pasensya na po kayo! Hindi kop o sinasadya, nagmamadali lang ho ako.” Hingi ng tawad ng bata na may
hawak ng bangos na halatang mura ang presyo dahil sa liit nito.

Tumalikod si Aling Marta para magpatuloy sa pamamalengke. Siya ay nagtungo sa pamilihan ng tuyong paninda
at kumuha ng mantika. Siya ay tumungo sa tindera upang magbayad nang kapain ang bulsa ng kaniyang bestida nabatid
niya na wala na ang kaniyang kalupi. Sa kaniyang pagtataka, naalala niya ang batang kaniyang nakabangga sa kaniyang
pagdating sa palengke at naisip na ito ang kumuha ng kaniyang kalupi. Siya ay tumungo sa labas upang hanapin ang
batang ito. Nang makita ang bata sa isang tindahan ng gulay ay hinila niya ito sa liig.

“Ikaw na bata ka! Asan ang aking kalupi? Ikaw ang kumuha ng aking kalupi ano?” sambit ni Aling Marta. “Ho?
Ano pong kalupi ang sinasabi niyo? Wala po akong kinukuha sa inyo?” Ang bata ay takot na takot at mangiyak ngiyak
na, ang kaniyang laway at uhog ay tumutulo na sa kaniyang liig at balikat. Isang nanunuod ang nagsabi na dapat ay sa
pulisya na lamang ito pagusapan. Agad naman na sumunod si Aling Marta kasama ang bata. Nang makarating sa pulisya,
sinabihan sila na maghintay na lamang muna sa isang tabi. Punong puno ng galit si Aling Marta at hinablot bigla ang bata
at ito ay sinaktan.
III. Buod
"Kahit kapkapan niyo pa ako ay wala kayong makikita sa akin!" Sabi ng bata sabay takbo. Sa sobrang takot at pagmamadali ay
hindi naalintana ang humarurot na sasakyan at nasagasaan ito.
Nagulat si Aling Marta sa nangyari at kaniyang naalala ang mga huling salita ng bata, hindi niya maitanggi ang kaniyang
naging partisipasyon kaya nangyari ang aksidente. Ngunit kaniya din inisip na iyon ay nararapat lamang sa bata dahil sa masamang
ginawa nito na pagnanakaw. Pagkatapos ng pangyayari na iyon ay nagpatuloy na sa kaniyang pamamalengke si Aling Marta sa pag
iisip na naghihintay ang kaniyang mag ama sa kanilang tirahan. Naisip niya na umutang na lamang muna sa tindera.
Sa kaniyang paguwi at pagpasok sa kanilang tahanan tila nagtataka ang kaniyang anak sa kaniyang dala dalang mga plastic,
“Inay, paano po kayo nakapamalengke, saan po kayo kumuha ng pambayad?” tanong ng kaniyang anak.

“Aba, edi sa kalupi.”

“Ha? Eh, naiwan mo ang iyong kalupi.” Sambit naman ng kaniyang asawa na hawak hawak ang kaniyang kalupi.

Sa sandaling iyon ay hindi mapigilan ni Aling Marta na maalala ang mga salitang.

"Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin.“

Ang huling mga sambit ng batang inosenteng kaniyang pinagbintangang magnanakaw.


iv
Pagsusuring
Panitikan
1 Uri ng Akdang Pampanitikan
Ang Kalupi ay isang maikling
kuwento. Ito ay nagpapakita ng realidad na
may mga bagay na hindi nabibigyang
hustisya sa lipunan. Ang maikling kuwento
ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan
ng isa o ilang tauhan at may iisang
kakintalan o impresyon lamang. Isa itong
masining na anyo ng panitikan. Tulad ng
nobela at dula, isa rin itong paggagad ng
realidad, kung ginagagad ang isang momento
lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan.
MAIKLING
2 Kahulugan ng
Pamagat
Sa Kalupi o Pitaka ni Aling Marta umikot
ang buong kwento. Ito ay tungkol sa
pagkawala ng kalupi ng Ale at pagbibintang
nito sa batang si Andres.
Mga Tauhan
3
Aling Martha
Siya ay isang pangkaraniwang nanay at asawa na
nagsusumikap para sa kinabukasan ng mahirap nilang
pamilya. Mayroon siyang dalagang anak na magtatapos na
ng sekondarya. At bilang regalo rito ay surpresa niya itong
hahandaan ng maramig pagkain at paborito nitong
garbansos. Ang tanging pangarap niya ay makapagtapos ng
kolehiyo ang kanyang dalaga at umunlad ang kanilang
buhay. Siya ay may katandaan na at medyo mainitin na ang
ulo, mapagmarunong sa awtoridad at makakalimutin
minsan. Minsan may pagkasinungaling din at mapanghusga
sa ibang tao. Sinisimbolo niya ang isang mapanghusga at
tusong tao na gagawin ang lahat upang makuha ang
kanyang gusto, sa mabuti man o sa masamang paraan.
3
Mga Tauhan
Andrea Reyes

Siya ang gusgusing batang aksidenteng


nabangga si Aling Martha at napagbintangang
nagnakaw ng kanyang pitaka. Siya ay walang
permanenteng tirahan, minsa’y tumutuloy sa kanyang
tiyahin o di kaya’y sa kanyang lola. Kahit na anak-
mahirap, hindi ito magnanakaw. Siya ay nasagasaan
habang tumataka kay Aling Marta at yumaon ay
binawian ng buhay. Literal niyang sinisimbolo ang
mga inosenteng tao na nadadamay sa masasamang
bagay na gawa ng ibang tao.
3 Mga Tauhan
Dalagang anak ni Aling
Martha
Ang magtatapos sa hayskul at
paghahandaan ni Aling Marta ng
garbansos na siyang paborito nito.
sinisimbolo niya ang isang bagay
na hinahangad ng marami, ayon na
ring sa kwento, hinahangad ni
Aling Marta ang kanyang
pagtatapos sa sekondarya.
Mga Tauhan Asawa
Matiyagang naghahanap buhay
para sa kanyang pamilya. Siya
ay mahilig manigarilyo at
Aling Godyang siyang kumuha sa kalupi ni
Aling Marta ng walang paalam
kaya niya ito nalimutan.
Ang tinderang
Mga Pulis inutangan ni Aling
Marta ng pambili ng
Sila ang humuli at nag- panghanda.
imbestiga sa inaakusang
pagnanakaw ng kalupi ni
Aling Marta.
4 TEORYANG Pampanitikan
Ang Kalupi ay isang teoryang
realismo dahil layunin nito na ipakita ang
mga karanasan at nasaksisan ng may-
akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid,
ang panitikan ay hango sa totoong buhay
ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang
sinulat.

TEORYANG
Bisang
v
Pampanitikan
Bisa sa Isip
Matapos naming basahin ang akda ay
nakita naming ang panghuhusga ay isa pa
ring sakit ng lipunan na hindi pa
nagagamot. Binibigyan pa rin ng
diskriminasyon ang mga tao base sa
kanilang kaayusan, pananamit, at estado sa
buhay. Bilang mga mag-aaral, ang maikling
kuwentong ito ay mayroong malaking papel
ang edukasyon upang matuligsa ang
napakatagal ng sakit na ito ng ating lipunan.
Bisang
v
Pampanitikan
Bisa sa damdamin
Habang binabasa ang maikling kwento ay nakaramdam
kami ng magkahalong awa at galit sa mga tauhan ng kwento.
Nakaramdam kami ng awa sa bata si Andres sapagkat
napakalungkot ng kanyang sinapit. Nakakaawa na nga ang
kaniyang sitwasyon, pagkatapos ay nasawi pa siya dahil lamang
napagbintangan. Naramdaman naman namin ang galit kay Aling
Marta dahil naging mapanghusga siya na siyang naging dahilan sa
pagkamatay ni Andres. Nagalit din kami sa mga taong nasa paligid
sapagkat lahat sila ay walang ginawa upang tulungan ang bata at
sa paraang iyon ay parang hinusgahan na rin nila ito at hindi man
lang binigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang kaniyang sarili.
Bisang
v
Pampanitikan
Bisa sa kaasalan
Habang binabasa ang maikling kuwento ay
nakita namin ang sarili namin kay Aling Marta
dahil minsan na rin kaming nanghusga base sa
kaanyuan at kaayusan ng isang tao.
Nakakalungkot at nakakahiya lang na isang beses
sa buhay namin ay naging ganun din pala ang
aming asal.
Bisang
Pampanitikan
Bisa sa lipunan
Ang maikling kuwento ay isang
mahalagang repleksyon ng lipunan natin
ngayon. Laganap pa rin sa ting lipunan
ang pagiging mapanghusga ng mga tao
base sa itsura at kaayusan ng iba. Kung
mababasa ito ng ating lipunan, tiyak na
marami ang matatamaan sa nais iparating
ng maikling kuwento at sana ay ito ang
maging dahilan ng kanilang pagbabago.
END
Submitted by
● GATO, Deborah Claire H.
● ENGUANZO, John Paulo P.
● MERCINES, Chelsea
Trinidad C,
● MONOCAY, Marcus Lanz
Roel
● ROLLON, Myka Janilla R.

THANK YOU BSA 1-6

You might also like