You are on page 1of 1

Milana Angeline M.

Santos
12- Kepler

Ang Kalupi

“Ang Kalupi”. Ito ay isang maikling kwento na isinulat ni Benjamin Pascual. Ito ay tungkol sa isang
tao na gumawa ng maling desisyon na hindi muna pinag-isipan nang mabuti. Isang araw,
mamimili si Aling Marta ng kanilang kakainin sa pananghalian dahil hindi lang ito pangkaraniwang
araw lamang, kundi ito ay ang araw ng pagtatapos ng highschool ng dalagang anak ni Aling Marta.
Habang patungo si Aling Marta sa pamilihang bayan sa Tundo, aksidenteng nabangga siya ng
isang nagmamadaling batang lalaki. Nainis si Aling Marta at pinagalitan niya ang bata. Humingi
ng pasensya ang bata, at pinabayaan na lamang ni Aling Marta. Nang siya ay bibili na ng mga
tuyong isda at ilang kartong mantika, napansin niya na wala sa bulsa ang kanyang kalupi. Agad
niyang natandaan na binangga siya ng isang batang lalaki at tiniyak niya na ang batang lalaki ang
nagnakaw ng kanyang kalupi. Nagmadaling naglakad si Aling Marta upang mahuli ang batang
lalaki na sa tingin niya ay kumuha ng kanyang kalupi. Nang makita niya ang batang madungis sa
labas ay agad niyang hinablot ang damit ng bata. Pilit na pinaamin ang inosenteng bata sa
pagkuha ng kanyang kalupi. Ngunit ang batang lalaki ay panay ang tanggi kahit na pilit na
pinapaamin ni Aling Marta. Marami na ang nakapaligid sa kanila dahil sa pagsigaw nito sa bata.
Dahil sa dami na ng tao na nakapaligid kina Aling Marta at sa batang lalaki, nakakuha ito ng
atensyon ng pulis. Nagtanong ang pulis upang malaman kung ano talaga ang nangyari.
Sa daming akusa ni Aling Marta, tiniyak pa rin ng bata na hindi siya ang kumuha ng kalupi.
Nagtanong na ang pulis kung saan nakatira ang bata, pero sinabi ng bata na wala siyang bahay,
at palipat-lipat lang siya ng bahay. Dinala ng pulis si Aling Marta at ang bata upang masolusyonan
ang problema. Naghintay sa labas ang dalawa habang naghihintay pa sa isa pang kasama na pulis.
Habang naghihintay sa labas, naiinis pa lalo si Aling Marta dahil sa abala na ginawa ng batang
lalaki at siya ay dapat nakauwi na agad para maghanda. Hindi na napigilan ni Aling Marta at
sinimulan niyang saktan ang batang lalaki. Nagkaroon ng pagkataon makatakas ang bata at agad
siyang tumakbong palayo. Ngunit sa di-inaasahang pagkataon, habang palayo ang bata, sabay
siyang nabangga ng isang sasakyan. Bago pumanaw ang batang lalaki, ay inigiit niya na wala talaga
siyang ninakaw. Pumunta nalang siya sa pamilihan nagpautang na lang siya sa tindera upang
makakain sila ng panghapunan. Habang pabalik na sa bahay si Aling Marta, naisip niya na ang
nangyari sa bata ay kapalit sa pagkuha ng kanyang kalupi. Pagkauwi ni Aling Marta, laking gulat
niya nang tinanong ng kanyang asawa kung saan niya nakuha ang kanyang bitbit na ulamin at
pangluto para sa kanilang hapunan at sinabi na iniwan ni Aling Marta ang kanyang kalupi sa
bahay. Sa pagkarining sa sinabi mula sa kanyang asawa, umikot ang paningin ni Aling Marta at
tuluyan nang nawalan ng ulirat.

You might also like