You are on page 1of 1

“ANG KALUPI”

(BENJAMIN PASCUAL)

Reaksyon paper sa araling filipino

Ang kalupi ay isang uri ng maikling kwento na isinulat ni Benjamin Pascual. Angkwento ay
patungkol sa isang ale at isang bata ang pangalan ng ale ay aling Marta at ang bata naman ay si
Andres Reyes. Pinagbintangan ni aling Marta Ang bata na kinuha daw ng bata ang kanyang
kalupi kahit wala pa siyang patunay na kinuha nga ito ni Andres Reyes. Ang pangunahing
suliranin sa kwento ay ang pagkawala ng kalupi ni aling marta. Sumunod na suliranin ay ang pag
takas ni Andres na siyang ikinapahamak nito.

Para sa akin hindi tama ang ginawa ang ginawa ni Aling Marta nag padala siya sa kanyang galit
at hinusgahan niya ang batang si andres dahil sa pag kakamali ni Aling Marta napahamak ang
batang si Andres dahil sa maling akala at desisyon ni Aling Marta namatay ang bata. Kung ako
ang nasa kalagayan ni Aling Marta magiging mahinahon ako at tatanungin ko si Andres Reyes
kung siya ang kumuuha ng aking kalupi at iimbestigahan munang mabuti ang pangyayari para
walang mapahamak at hindi tayo makasakit ng damdamin ng ating kapwa para walang naapakan
at higit sa lahat ay magiging pantay an gating pagtrato sa isat-isa

Napaka ganda ang gustong ipahiwatig o iparating ng kwentong “Ang Kalupi”ang


ipinapahiwatig nito na hindi lahat ng madungis o hindi maayos ang kanyuan ay magnanakaw o
masama marami rin ang mabubuting tao na tulad nila. Oo minsan nahuhusgahan natin sila pero
panhon na para baguhin ang ating mga maling kasanayan o kaugalian. Naniniwala ako sa
katagang hindi lahat ng nakikita ng ating mata ay mabuti meron ding mabuti na ang ating puso
lang ang makakakita.

You might also like