You are on page 1of 18

ANG KALUPI

ni Benjamin Pascual
BENJAMIN PASCUAL
BENJAMIN PASCUAL
• Ipinanganak sa Laoag, Ilocos Norte
noong Enero 16, 1928.
• Isa siyang kwentista at nobelista.
• Nagtrabaho siya sa Liwayway bilang
comic editor at copy editor simula 1956-
1981
• Isinulat niya ang Kalupi na iniambag sa
Liwayway.
PRESENTASYON NG
PAGSUSURI
LAYUNIN NG MAY-AKDA

Ang layunin ng may-akda ay maipakita


ang realidad at mamulat ang mga tao sa
tunay na pangyayari sa lipunan.
Sinasalamin nito ang katotohanan na
hinuhusgahan ang isang tao base sa anyo
at estado nito sa buhay.
ANYO AT URI NG LITERATURA

Ang kalupi ay isang tuluyang maikling


kwento ay Di-piksyon dahil nagpapakita
ito ng realidad na may mga bagay na
hindi nabibigyan ng hustisya sa lipunan.
TEORYANG LITERATURA
Teoryang Realismo
Ang kalupi ay isang realismo dahil
layunin nito na ipakita ang mga karanasan
at nasaksihan ng may-akda sa kanyang
lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay
hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang
ng may-akda ang kasiningan at
pagkaepektibo ng kanyang sinulat.
BAHAGI NG KWENTO
SIMULA:
Umalis si Aling Marta papunta sa palengke
dahil magtatapos ang kanyang anak na dalaga.

SAGLIT NA KASIGLAHAN:
Nabangga si Aling Marta ni Andres Reyes.
Napansin ni Aling Marta na nawawala ang
kanyang kalupi.
SULIRANIN O TUNGGALIAN:
Ang pagkawala ng kalupi ni Aling Marta at pag-
aakusa kay Andres na nagnakaw nito.

KASUKDULAN:
Hinanap ni Aling Marta si Andres, at hinatak ang
kanyang leeg, hinihingi ang kanyang nawawalang
kalupi.

KAKALASAN:
Tumakbo si Andres dahil nasaktan siya. Nabangga
siya ng isang humaharurot na sasakyan, at namatay.
WAKAS:
Pag-uwi ni Aling Marta sa bahay
natuklasan niya na naiwan niya pala ang
kanyang kalupi. Sinabi ng kanyang asawa
na kinuha niya ang pambili ng tabako
mula sa kalupi ng nasa bulsa ng bestida ni
Aling Marta, ngunit nakalimutan niya ng
isauli.
MAHALAGANG SANGKAP

TAGPUAN:

Pamilihan o Palengke-Dito namimili si Aling Marta.


Dito rin niya natuklasan na wala sa kanyang bulsa
ang kanyang kalupi.

Kalsada malapit sa outpost-Dito kinausap ng Pulis


ang bata. Sa lugar na ito nabangga ang bata.
Maliit na barong-barong- isang bahay
tinitirhan ng pamilya ni Aling Marta. Dito
naiwan ang kanyang kalupi na
pinaniniwalaang kinuha ni Andres Reyes
TAUHAN
Aling Marta
Pangkaraniwang Ina at asawa na
nagsusumikap para sa kinabukasan ng
mahirap nilang buhay.
Andres Reyes
Napagbintangan na kumuha ng kalupi.
Walang permanenteng tirahan, mahirap,
walang pinag aaralan ngunit mapagmahal sa
pamilya.
Asawa ni Aling Marta
Matiyagang nagtatrabaho para sa
kanila, magaling manigarilyo at siyang
kumuha sa kalupi ni Aling Marta na walang
paalam kaya ito nakalimutan.

Mga Pulis
Humuli at nagimbestiga sa inaakusang
pagnanakaw ng kalupi ni Aling Marta.
ELEMENTONG LUMIHA SA MAY-
AKDA
Ang elementong lumikha sa may-akda ay
karanasan dahil ang maikling kwento ng “Ang
Kalupi’’ ay nakakapulot ng mga pangyayari
tulad ng pagbangga ng batang pulubi na si
Andres. At ang sitwasyon ni Aling Marta na
pinagbintangan ang batang pulubi, kahit na ito’y
walang sapat na ibedensiya. At ang
makabanghay na pangyayari sa maikling kwento
na maaaring ibinase sa karanasan ng may-akda.
BISA SA ISIP
Habang binabasa natin ang maikling kwento
ang kalupi ay marami na agad tayo maiisip na
katanungan o opinyon base sa mga sitwasyon at
pangyayari sa kwento. Maaaring nahuhusgahan
natin ang mga tauhan sa kwento lalo na si Aling
Marta. Maiisip natin na bakit pinagbintangan
kaagad ang batang pulubi na ng walang
ebidensiya at iyon na nga ang dahil nang
kanyang pagkabangga. Ngunit isa lamang ang
aking masasabi, ang maikling kwentong kalupi ay
tatatak sa ating isipan dahil sa aral na ating
BISA NG DAMDAMIN
Maraming bisa ng damdamin ang ating
nararamdaman habang ating binabasa ang
maikling kwento. Nagkaroon ng masidhing parteng
suliranin, kasukdulan, kakalasan at wakas. Sa bawat
tauhan ng kwento ay may ibat-ibang emosyon
tayong nararamdaman na diyan ang pagkainis,
pagkamuhi, at pagkagalit kay Aling Marta at ang
pagka awa at pagkalungkot sa batang pulubi na si
Andres. Bawat tauhan ng kwento ay sumisimbolo sa
bawat uri ng tao ang mayroon tayo sa lipunan.
BISA NG KAASALAN

Ang natutunan kong kaasalan sa maikling


kwentong Ang Kalupi ay huwag manbibintang
ng basta basta ng walang mapahamak. At
huwag manghusga ng mga tao base lamang
sa kanyang panlabas na kaanyuan. Lagi natin
tatandaan na sa bawat pagbigkas ng ating
bibig maaaring makasakit tayo sa kapwa.

You might also like