You are on page 1of 5

Magandang umaga sa inyong lahat.

Narito ako ngayon upang ibahagi sa inyo ang aking ginawang pagsusuri sa
akda na pinamagatang Ang Kalupi. Ang sumulat nito ay si Benjamin P.
Pascual.

Ang buod ng kwento ay …

Isang araw, pumunta si Aling Marta sa palengke upang bumili ng ulam


pananghalian ng kaniyang pamilya sapagkat araw noon ng pagtatapos ng
kaniyang anak na dalaga. Nang magbabayad na siya sa tindera ay wala ang
kaniyang pitaka. Bigla niyang naalala na bago siya makarating sa tindahan na
kaniyang laging binibilhan ay nabangga siya ng isang batang lalaking may
maruming maong at punit-punit na kamiseta. Dali-daling umalis si Aling Marta
upang habulin ang bata at inakusahang nagnakaw.
Dinala niya ang bata sa isang pulis at wala dito ang kaniyang kalupi.
Ngunit, patuloy pa ring iginigiit ni Aling Marta na ninakaw ito ng bata. (lipat
slide)
Pumunta sila sa outpost ng pulis upang ang isyu nila ay masuri ng
maigi. Habang nag-iintay ng iba pang pulis ay naisip ni Aling Marta na baka
hapunin siya kaya ang ginawa niya ay pinilit na paaminin ang bata sa
pagnanakaw habang sinasaktan dulot ng kaniyang pagkayamot. Dahil sa
sobrang sakit ng naramdaman ng bata ay kinagat nito si Aling Marta upang
makatakas. Nang makawala ay dumiretso ito sa isang maluwang na daan
ngunit siya ay nabangga ng isang mabilis na sasakyan. Matapos ang ilang
sandali, bago mamatay ang bata ay sinabi nito na kahit kapkapan ito ay wala
sa kaniya ang pitaka ni Aling Marta.
Matapos ang aksidente ay bumalik si Aling Marta sa tindahan na lagi
niyang binibilhan at umutang na lamang. Nang makauwi siya ay sinalubong
siya ng kaniyang anak at tinanong siya nito kung saan galing ang pinambili.
Nagsinungaling siya at sinabi na sa kaniyang pitaka. Dito na sumingit ang
kaniyang asawa at sinabi na naiwan nito ang kaniyang pitaka. At dahil sa
gulat, nahimatay si Aling Marta habang paakyat sa kanilang hagdan. (lipat
slide)

Ngayon ay dadako na tayo sa aking ginawang pagsusuri.

Para sa tagpuan makikita niyo ang aking ginawang concept map.

Maingay, magulo at maraming tao o mamimili ang paglalarawan ng may akda


sa pamilihang-bayan ng Tondo na tagpuan sa kwento. Dito naganap ang
kalagim-lagim na pangyayari sa buhay ni Andres Reyes. Isang batang
gusgusin na napagbintangan na magnanakaw. Sa pamamagitan ng mga
pangyayari, nailahad ng may-akda kung gaano kalupit ang mga tao pagdating
sa panghuhusga base lamang sa panlabas na anyo at estado sa buhay ng
isang tao.

Ngayon naman ay ating kilalananin ang mga tauhan sa kwento.(lipat slide)


Makikita sa inyong screen ang ating unang tauhan at maging ang kanyang
character profile. Si Aling Marta ay isang tauhang bilog. Isa siyang
pangkaraniwan na ina na mapagmahal sa anak. (lipat slide) Makikita ito sa
talata na nasa inyong screen ngayon.

Ang pahayag o talata na nasa inyong screen ay nagpapatunay ng pagiging


mapagmahal na ina ni Aling Marta na isa sa kaniyang magandang ugali sa
kwento. Ngunit ang kabaitan ng isang tao ay may kasalungat na ugaling
pangit at ito ay ang pagiging mainitin ng kaniyang ulo na makikita natin sa
talatang ito. (lipat slide)

Makikita sa pahayag ang kaniyang pagiging mainitin ang ulo dahil sa


pagkabangga sa kaniya ng bata. Maituturing din siyang mapanghusga dahil
nang nakabangga niya ang bata ay agad niya itong nahusgahan na isang
mahirap, walang modo, walang pinag-aralan at gusgusing bata. Makikita ito
sa susunod na slide (lipat slide)

Ang pahayag ay nagpapakita ng panghuhusga ni Aling Marta sa bata dahil sa


panlabas na anyo nito. Ang ikalawa pa niyang panghuhusga ay noong
magbabayad na siya at wala ang kaniyang kalupi ay naisip niya agad na ang
batang nakabangga niya ang kumuha nito. Makikita uli ito sa susunod na slide
(lipat slide bibilang ng 54321 bago uli magsalita)

Nalantad sa kwento ang pagiging mabait at mapagmahal na ina ni Aling


Marta sa simula ng kwento ngunit nagbago ang kaniyang ugali nang mangyari
ang pagkawala ng kaniyang kalupi na sa tingin niya ay kinuha ng gusgusing
bata. Si Aling Marta rin ang larawan ng mga taong mapanghusga sa ating
lipunan. (lipat slide)

Ang ating pangalawang tauhan ay si Andres Reyes at makikita sa tabi ng


kanyang larawan ang kaniyang character profile.

Si Andres Reyes ay isang tauhang lapad. Kitang-kita sa paglalahad ng may


akda na ang katangian ni Andres ay isang batang mahirap, inosente,
handang ipaglaban ang sarili at masunurin. Ang mga katangian na ito ay
nanatili sa kaniya hanggang sa siya ay binawian ng buhay. (lipat slide)

Makikita sa talata na ang bata ay mahirap sapagkat wala silang tirahan at


mapapansin din na hindi siya nakapag-aral sapagkat hindi siya maalam
bumasa. Dito rin sa talata makikita na siya ay isang batang masunurin
sapagkat sumunod siya sa utos ng kaniyang tiyahin na bumili ng kanilang
pananghalian. (lipat slide)

Sa talata na ito na, makikita na si Andres ay tunay na inosente at handa


niyang ipaglaban ang kaniyang sarili sa pagbanggit ng mga salita na “Maski
kapkapan ninyo ako, e wala kayong makukuha sa ‘kin” bago siya bawian
ng buhay. Larawan si Andres ng mga taong inosente sa ating lipunan na
nadadamay lamang sa kasalanan ng iba at larawan din siya ng mga taong
hindi nakakamit ang hustisya. (lipat slide)

Ngayon ating kilalanin ang pangatlong tauhan sa kwento. Siya ang pulis. Sa
inyong screen makikita ang kaniyang character profile.
Ang pulis ay isa ring tauhang lapad. Ang kanyang mga katangian na patas,
tapat sa serbisyo at mahinahon ay makikita sa simula hanggang sa matapos
ang kwento. (lipat slide)

Inyong basahin ang nasa screen. Makikita sa mga pahayag na yan na ang
pulis ay tunay na patas, tapat sa kaniyang serbisyo at mahinahon. Siya ay
patas at tapat sa serbisyo dahil tinanong nya muna kung ano ang nangyari at
ang paghahanap ng ebidensya bago dakpin ang bata. Mahinahon din siya at
makikita iyon sa tono ng kaniyang pagtatanong sa bata. Larawan siya ng mga
pulis sa ating panahon na ang tunay na nais ay kapayapaan ng kaniyang
lugar.(lipat slide)

Ngayon ay makikita natin ang pang-apat na character profile. Ito ay character


profile ni Aling Godyang.

Si Aling Godyang ay isa ring tauhang lapad. Ipinakita sa kwento ang kaniyang
pagiging mausisa sa parte na ito (lipat slide)

Maiksi ang bahagi na kasama si Aling Godyang sa kwento at makikita na ang


katangian lamang na ipinakita niya ay ang pagiging mausisa sa nangyari sa
kanyang mamimili kayat siya ay isang tauhang lapad. Larawan si Aling
Godyang ng mga tao na nakakarinig at nakakaalam ng mga pangyayari sa
kanilang paligid ngunit hinahayaan na lamang ito.(lipat slide)

Atin namang kikilalanin ang ikalimang tauhan sa kwento.


Siya ang anak na dalaga ni Aling Marta. Tauhang lapad din ang anak na
dalaga ni Aling Marta. Inilahad sa kwento na siya ang magtatapos sa hayskul.
Masasabi na siya ay mapagpahalaga sa pag-aaral sapagkat kahit sila ay
halatang mahirap ay nagawa niyang umabot sa pagtatapos sa hayskul. Isa rin
siyang mabait at mausisang anak at makikita ito sa parte ng talata na ito (lipat
slide)

Sa mga pahayag naipakita ng may akda na ang anak na dalaga ni Aling


Marta ay mausisa sa pamamagitan ng pagtatanong kung saan galing ang
perang ipinamili ng kaniyang ina at ang pagiging mabait nito na makikita sa
pag-iintay nito sa kaniyang ina na makauwi at sinalubong niya nito ng may
ngiti. Larawan ang anak na dalaga ni Aling Marta ng mga kabataan na
mausisa para malaman ang katotohanan at masisipag mag-aral kahit pa sila
ay mahirap.(lipat slide)

At ang ikaanim at huling tauhan sa kwento ay ang asawa ni Aling Marta.


Makikita natin sa screen ang kaniyang character profile.

Ipinakita sa akda na ang asawa ni Aling Marta ang nagtatrabaho para sa


kanila. Ipinakita din na siya ay mabisyo at mainitin ang ulo. Makikita natin ito
sa mga talatang ito (lipat slide)

Sa pahayag na nasa screen makikita na mainitin ang ulo ng asawa ni Aling


Marta na maaring humantong sa pagtatalo nilang dalawa na kaniyang
iniiwasan. Makikita naman natin na siya rin ay mabisyo sa susunod na slide.
(lipat slide)

Sa mga pahayag na ito, ang pagiging mabisyo ng asawa ni Aling Marta ang
naging dahilan kung bakit naiwan niya ang kaniyang pitaka o kalupi. Sa ating
lipunan, ang katauhan ng asawa ni Aling Marta ay larawan ng mga asawang
walang respeto sa kanilang mga kinakasama at mga taong mabibisyo. (lipat
slide)

Dumako na tayo sa banghay ng kwento. Panimula.


Sinimulan ng may akda ang kwento sa paglalantad ng dahilan kung bakit
pupunta si Aling Marta sa palengke. Ipinakilala niya rin ang mga pangunahing
tauhan tulad ni Aling Marta na nagbintang sa batang gusgusin at Andres, ang
batang gusgusin na pinagbintangan ni Aling Marta na kumuha ng kaniyang
pitaka o kalupi. (lipat slide)

Saglit na Kasiyahan.
Ang saglit na kasiyahan ay naipakita nang magbabayad na si Aling Marta sa
kaniyang mga binili at nalaman niyang nawawala ang kaniyang kalupi at ang
nasa isip niya na kumuha noon ay batang bumunngo sa kaniya.(lipat slide)

Suliraning Inihahanap ng Lunas.


Paano kaya matatapos ang kaguluhan na iyon? Paano malalaman ng mga
pulis ang totoo na hindi ninakaw ni Andres ang pitaka gayong iginigiit ni Aling
Marta na siya ang nagnakaw ng pitaka nito?

Ito ang suliranin ni Andres sapagkat alam niya na hindi siya makakauwi
hanggat hindi napapatunayan ng pulis at ni Aling Marta na hindi siya ang
kumuha ng pitaka. (lipat slide)

Ang kasukdulan ng kuwento ay ang pag-iimbestiga kay Andres na


naninindigang walang ninakaw kay Aling Marta at ang pagtakas nito na
naging dahilan ng kaniyang pagkakabangga at pagkamatay.(lipat slide)

Tema/Paksang Diwa.
Tinalakay sa kwento ang panghuhusga ng tao base sa labas na anyo at
estado sa buhay at maging ang epekto ng panghuhusga. Ipinakita din sa
kwento na ang kahirapan ay nagiging sanhi ng kawalan ng boses sa pagkamit
ng hustisya.(lipat slide)

Simbolismo
1. Simbolismo ng mga bagay
Kalupi - bagay-bagay na kailangan natin upang mabuhay.
Maliit na barung-barong - kahirapan

2. Simbolismo ng mga Tauhan


Aling Marta - mga mapanghusga, walang puso at mapang-abuso sa
lipunan.
Andres - mga taong inosente at nadadamay lamang. Sumisimbolo rin
siya sa mga taong mahihirap na hindi nakakamit ang hustisya.(lipat slide)
Lenggwahe.
Payak ang pagkakalahad ng mga pangyayari ngunit meron ding halo ng mga
malalalim sa salita o lenggwahe na ginamit ang kwentista.(lipat slide)

Ngayon ay nandito na tayo sa pagtalakay sa realismong pananaw. Realismo


sapagkat ito ang teorya na makikita sa akdang Ang Kalupi.
Sa balangkas na aking ginawa, makikita ang relasyon o pagkakatulad ng
ilang pangyayari sa kwento na nangyayari rin sa ating lipunan.

Ipapakita ko sa mga susunod na slides ang mga pahayag o talata na patunay


sa mga pangyayari sa kwento na nasa balangkas.

Para sa panghuhusga base sa panlabas na anyo at sa kahirapan. (lipat slide


bilang 12345)
Para sa hindi pagkamit ng hustisya (lipat slide bilang 12345)
Para sa pagtatapos ng pag-aaral ng kabataan kahit na mahirap (lipat slide
bilang 12345)
At para sa kahalagahan ng ebidensya sa isang kaso (lipat slide bilang 12345)

Sa balangkas na aking ipinakita o sa mga pahayag masasabi na tunay na


nagtagumpay si Benjamin Pascual sa pagpapakita ng mga ilang pangyayari
sa lipunan na kaniyang nararanasan o nakikita gamit ang akda na ang kalupi.

Dito na nagtatapos ang aking pagbabahagi at maraming salamat sa inyong


pakikinig.

You might also like