You are on page 1of 2

John Lourence M.

Natad I - BSAB - 2 SOSLIT

PAGSUSURI SA
“ANG KALUPI”

TAUHAN

Aling Marta - Isang pangkaraniwang ina at asawa na nagsusumikap para sa kinabukasan ng


kanilang pamilya.

Andres Reyes - Ang gusgusing batang lalaki na aksidenteng nakabangga kay aling Marta at
napagbintangang nagnakaw ng kalupi.

Pulis sa outpost ng palengke - Siya ang nag-imbestiga sa inaakusahang pagnanakaw ng


kalupi ni Aling Marta.

Aling Godyang - Ang tinderang inutangan ni Aling Marta ng panghanda.

Dalagang anak ni Aling Marta - Ang nagtapos na anak ni Aling Marta.

Asawa ni Aling Marta - Siya ay mahilig manigarilyo at siya ang kumuha ng kalupi ni Aling
Marta at nakalimutang isauli.

TAGPUAN

Maliit na barung-barong
Pamilihang bayan ng Tondo
Kalsada malapit sa outpost

PANAHON

Ang panahon ay mainit

PAKSA

Ang tema ng akda ay makabuluhan sapagkat ito ay nagtuturo sa ating mga tao na ang
katangian ng isang tao ay wala sa pisikal na anyo, kundi ang busilak nitong kalooban. Masasabi
rin na ang tema ng akda ay napapanahon dahil sa mga taong mapanghusga sa ating lipunan.
Naipakita sa akdang ito ang masamang epekto nang panghuhusga sa isang tao, at ang hindi
muna pag-alam sa kung ano ang katotohanan.

BANGHAY

PANIMULA

Umalis si Aling Marta papunta ng palengke upang mamili ng kanilang uulamin dahil magtatapos
ang kaniyang anak na dalaga.

SAGLIT NA KASIGLAHAN

Naganap ang pangyayari sa palengke nang nabangga ng isang batang lalaki si Aling Marta at
humingi ito ng tawad. Nagalit at pinagasabihan ito ni Aling Marta at pinagiingat na sa susunod.

TUNGGALIAN

Ang tunggalian sa kwento ay tao laban sa tao, tao laban sa sarili, at tao laban sa lipunan.
John Lourence M. Natad I - BSAB - 2 SOSLIT

KASUKDULAN

Nang malaman ni Aling Marta na nawawala ang kaniyang kalupi na may lamang
pitumpong piso. Ang pag-akusa ni Aling Marta kay Andres na nagnakaw ng kalupi nito na pilit
itinatanggi ang akusasyon sakanya.

Ang pag-iimbestiga ng pulis kay Andres na naninindigang wala itong ninakaw kay Aling
Marta at ang tangka nitong paglaban sa pangungurot at makaalpas sa matitigas na bisig nito.

KAKALASAN

Tumakbo si Andres upang makalaya kay aling Marta at sa dumarakip na pulis.


Nabangga siya ng isang humahagibis na sasakyan na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Sinabi ng pulis kay Aling Marta na patay na ang dumukot ng kwarta niya, wala rin siyang
babayaran at mananagot ang pobreng tsuper na nakabunggo sa batang lalaki.

WAKAS

Tanghali na nang makauwi si Aling Marta sa kanilang bahay, tinanong siya ng kaniyang
asawa kung saan kumuha ng perang pinambili nito. Natuklasan niya na naiwan niya pala ang
kaniyang kalupi. Sinabi ng kaniyang asawa na kinuha niya ang pambili ng tabako mula sa
kaluping nasa bulsa ng bestido ni Aling Marta, ngunit nakalimutan niyang isauli.

You might also like