You are on page 1of 8

Ang Kalupi

TAGPUAN:
Ang kwento ay magaganap
sa
palengke.



MGA TAUHAN:
Ang mga tauhan ay sina Aling
Marta,
Andres Reyes (ang batang
gusgusin),
anak na dalaga, ang
asawa
ni Aling Marta at si Aling
Godyang.









SIMULA:
Ang kwento ay nagsimula
sa
palengke kung saan si Aling
Marta ay
mamimili. Nang papasok na
siya sa
pamilihan, may isang
batang
gusgusin na nakabangga sa
kanya.









SAGLIT NA KALIGAYAHAN:
Dumating si Aling
Marta sa
tindahan ni Aling Godyang
na
nakaugalian niyang
bilhan.
Nagngitian at
nagkabiruan
ang
dalawa.









TUNGGALIAN:
Nang kunin na ni Aling
Marta ang
kanyang kalupi ay wala na,
nagulat siya.
Naalala niya ang batang
gusgusin na
nakabangga sa kanya. Hinanap
niya ito,
kaya nang makita niya ay sinakal niya
ang bata
dahil sa sobrang galit.
Nagpupumiglas
naman ang bata sa pagkakasakal sa
kanya.
Kaya nagsumbong si Aling Marta sa
pulis.










KASUKDULAN:
Nang nasa outpost na sila, nanggigigil si
Aling
Marta sa bata kaya pinilipit niya ang
likod nito.
Napahiyaw ang bata tapos ay kinagat
niya ang
kamay ni Aling Marta. Sabay takbo ng
mabilis ang
bata kaya nahagip ito ng sasakyan at
naging
dahilan ng pagkamatay ng bata.
Nagulat si
Aling Marta sa di-inaasahang
pangyayari.









Wakas:
Sabi ng pulis ay pwede na siyang umalis dahil ang
tsuper na
nakabundol ang may sagot sa nangyari. Wala na siyang
pera kaya
nangutang na lamang ito kay Aling Godyang . Nang
umuwi na
siya, nagtataka ang kanyang asawa at ang anak nito
dahil may
dala-dala itong mga pagkain. Sinabi ng kanyang asawa
na naiwan
nito ang kanyang pitaka. Nakalimutan kasi ng kanyang
asawa na
ibalik matapos kunin nito sa bulsa para bumili ng
sigarilyo. Nagulat
siya at bigla niyang naalala ang batang gusgusin.
Nagdilim ang
kanyang paligid at bigla itong
nahimatay.

You might also like