You are on page 1of 1

02 LMS Takdang-Aralin # 1

Instructions

Suriin ang Philippine Constitution, na isang uri ng teknikal na pagsusulat. Pumili ng


isang seksyon sa nasabing konstitusyon at ilagay ang iyong sarili bilang isang
mambabatas. Dagdagan ng mga artikulo na naayon sa pangangailangan ng lipunan.

SECTION 17. The State shall give priority to education, science and technology, arts,
culture, and sports to foster patriotism and nationalism, accelerate social progress, and
promote total human liberation and development.

Ang edukasyon ang tulay na siyang magiging daan upang maabot natin ang
ating mga panagarap. Bilang isang mag-aaral lubos na mahalaga ang pag-aaral upang
makamit ang inaasam na mga tagumpay sa buhay. Ang bawat hakbang patungo rito ay
tila magbigat at mahirap, ngunit darating rin ang panahon na giginhawa din ang buhay.
Marahil madalas nang nababanggit ang katagang “Kabataan ang pag-asa ng bayan”,
ngunit di magsasawa ang akong tenga na pakinggan dahil ang bawat salita ay
makabuluhan. Kabataan ang magiging susi sa kaunlaran, ngunit ang magbubukas ng
pinto ay ang edukasyon. Kaya’t nararapat ng hubugin ng isang mag-aaral ang
kaalaman nito sa madaming bagay lalo na sa kaniyang espesyalisasyon.

Kung aking ilalagay ang sarili sa posisyon bilang isang mambabatas,


magdadagdag ako ng mga artikulo na naglalayong itaguyod at mas palaguin pa ang
sector ng edukasyon. Tulad ng mas maraming oportunidad sa scholarship upang
makapag-aral ang mga batang hindi angat ang buhay. Papatayugin ko ang institusyon
ng edukasyon dahil alam ko at nakikita ko na ang bawat bata ay may karapatan na
ipahayag ang kanilang sarili sa lipunan kahit pa man sila ay nasa murang edad pa
lamang. Mahalaga ang batas na ito dahil dito rin sa edukasyon unang nahuhubog ang
pagkatao ng isang tao, dito nalilinang ang kanilang pansariling interes, dito nabubuhay
at nananatili ang kanilang pagiging makatao, makakalikasan, makatao at makabansa.
Kaya’t tunay na napakahalaga ng edukasyon, at nararapat ng ito ay pagtibayin, dahil
bilang isang mambabatas, dapat itong bigyan ng pansin.

You might also like