You are on page 1of 3

CLASS PROPHECY of

Grade VI (2018-2019)
Tahimik kong pinag –aaralan ang isang disenyong ipinasok ng aking sekretaryang si
Christine para sa bagong building na ipapatayo ko upang magkaroon pa ng isang branch ang
JHIELSA’S LEARNING ACADEMY sa Lungsod ng Lucena. Parang pamilyar ang style at
stroke ng pagguhit na ito, sa isip isip ko, Nang tingnan ko ang penmanship o ang pirma nito,
sa bandang ibaba, napangiti ako, sina Jemuel Madridejos nga at Charles Aranda, Sikat na
sikat na nga silang mga architecture, hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi sa ibang bansa.
Di na ako nag dalawang isip at inaprubahan ko na ito sapagkat alam kong napakahuhusay
nila.

Dahil dito, nagpasya akong pumunta ng Japan upang mamili ng ibang mga ilalagay ko
sa itatayong bagong paaralan, Nag check in ako sa isang 5 star hotel sa TOKYO, at ganon na
lang ang pagkamangha ko ng malaman kong ang nagmamay ari pala ng hotel na tinutuluyan
ko e sina Trisha at Mark Anthony, Nakapagpatayo na pala ang magkaibigang ito ng kanilang
negosyo dito sa Land of the Rising Sun.

Sa isang sikat na restaurant, naisipan kong kumain bago magpatuloy sa aking


pamimili , masarap at pinoy na pinoy ang putahe nila at di ako makapaniwala na ang mga
pagkaing itoy niluto ng mga magkakaibigang sina Justine Mae, Xylona, Janelle at Jonabelle
na pawang mga chef sa napakalaking restaurant na iyon. Sa aking pagpunta sa isang Mall
upang ipagpatuloy ko ang paghahanap ng mga kagamitan na nais kong bilhin, nasalubong ko
ang mga magkakaibigang sina Zanjoe, , Jeremy, Mike John, Billy at Meynard na namimili ng
mga pasalubong sa kanilang pag uwi sa Pilipinas, mga seaman na pala sila at bababa na pala
sila sa barko, Mukhang mga bigatin na ang mga dati kong kaklaseng ito, Kaunting
kumustahan at balitaan at nagpatuloy na kami sa aming pupuntahan.

Makaraan ang ilang araw na pamamalagi ko sa Japan, naisipan ko ng umuwi upang


bisitahin ang aking JLA sa Maynila. Sa eroplano pabalik ng Pilipinas, nagulat ako na ang
piloto pala ng eroplanong iyon ay sina Maynard Montelibano at Stephan, Wow, !!! at napa
wow pa ulit ako ng makita ko sina Pauline at Kristel Tolentino na pawang mga flight
stewardess dun. Nakakatuwa na makitang muli ang mga dati mong kaibigan, sa eroplano pa
ring iyon, nakasabay ko sina Janelle Gunda at Vinz Leiron na umattend pala ng isang
pagpupulong para sa mga surgeon sa Japan, mga doctor na pala sila, , kwentuhan at apiran
ang naganap sa loob ng eroplanong iyon. Napag alaman ko din na nagtatrabaho na pala
bilang nars sina Odette, Wendy, Lovely, Claui, Rizza at Rhyzel bilang head nurse sa ospital
na pag aari ng mag asawang Ivan at Angel.

Sa aking paglingon. Napansin ko ang isang machong binata at tsinitong lalake na


nakatingin sa akin, napatulala ako ng maalala ko ang mga ngiting iyon, lumapit sila sa akin
na nakangiti, JELO, is that you? And IVAN LLOYD? What are you doing here? ,
Umattend pala sila ng isang seminar para sa mga de kalidad na mga inhenyero sa bansang
ito,. Kumustahan ulit, at apiran bago sila bumalik sa kanilang upuan. Hay, it is a day full of
surprise!

Paglanding ng eroplano sa PIlipinas, nagkanya kanya na kami. Habang pauwi na ako


sa aking bahay sa Corinthians Garden sakay sa aking kotse, , biglang tumawag si Mikyla na
isang principal sa aking paaralan, nagulat ako sa kanyang sinabi pero napangiti ako!

Kinabukasan, nagulantang ako sa lakas ng tunog ng cellphone na nakapatong side


table sa aking kwarto, si Mikay ang tumatawag at nagtatanong kung nasaan na ako, Oh My!
Ngayon nga pala ang okasyong iyon na pupuntahan ko, dali dali akong naligo at nagbihis at
sumakay sa kotse patungo sa lugar na iyon, , habang nasa daan, naisipan ko munang bumili
ng pasalubong kaya dumaan ako sa isang bakeshop, mukhang masarap ang cakes nila at
nagulat ako na ito pala ay pag aari ng magkakaibigang sina Kiesha, Maraiah at Roselle.
Wala ang magkakaibigan kaya nagpatuloy na ako, habang daan, naisip kong makinig ng
radio upang di ako mainip, parang pamilyar ang boses ng 2 DJ na iyon, Yes! Sina Bryan
Dinglasan at Jhonzen Umali.

Nasa bungad pa lang ako ng Venue, napansin kong mamahaling mga sasakyan ang
nakaparada doon, naririnig ka na din ang mga tugtugan at tawanan ng mga tao sa loob,
Pamilyar sa akin ang lugar, pero wala na akong mabakas sa mga gusali na dating nakatayo
doon, lahat ay bago at mga modernong gusali na ang nakatayo, Ito pala ay pinagtulung-
tulungang maitayo ng mga inhenyerong sina Xedrick Silang, Shin Robert, Kristian Gunda,
Mark Joseph at Jomari, sa pangunguna ni Jelo at Ivan Lloyd. Si Rinniel ay nag mamay –ari
na pala ng pinakamalaking transport company sa Pilipinas. Sina Krisha, Nheil Kenroz at
Aaron ang kanyang mga Certified Public Accountant. Sa pagpasok ko sa loob, nakita kong
muli ang ating mga tinatawag na mga unsung heroes of the present, si Jzhiel, Filipino
Teacher, si Roniel, TLE teacher, si Nica, Math teacher, Jhay-Jhay, Science teacher, si Liezel,
English teacher, at si Sheryn, isa ng Guidance Counselor, mahilig kasi siyang magpayo at si
Jayel Airam, isa na ring guro,

Si Althea ay isa na ring sikat na interior designer at sina Jasmin Rayala at Julie Ann
ay mga manager na pala ng banko. Hindi nakarating sina Renz, Lhimuel, at Darell sapagkat
sila ay nasa gitna pa ng dagat, pinili rin nilang maging seaman. Dumating din ang mga
matitikas na kapulisan sa pangunguna nina Darwin, Luis, Jayrald, Larry, Macky, Lance, Leo,
Philip at ang kanilang hepe na si Cedric Aczalan.

Humabol din ang magkakaibigang sina Gian, Markken, Christian at Denver na galing
sa isang laro mula Maynila, mga sikat na basketball at volleyball players na sila. Dumating
din si Azalea na isa na palang abogado. Si Jan Simuel ay mayroon ng malaking clothing line
na pinagmomodelan ng mga sikat na artista at si Luisito ay dumating din na nagmamay- ari
na pala ng isang sikat na salon.

Bago magsimula ang kasayahan at kainan, namuno sa dasal si Fr. Mark Vincent Sis,
na piniling maglingkod sa Diyos, nakumpleto ang lahat sa pagdating ni John Paul na isa na
palang mayor ngayon.
Doon pala patungo ang lahat, Masayang Masaya kami, kwentuhan, tawanan,
sayawan at may kaunting inuman. Lalong naging maningning ang kasayahan sa pag awit ni
Vhiane na isa na palang lead singer ng pinaka sikat na banda ng bansa na nag peperform na
din sa ibat ibang bansa.Napansin ko panay ang sulyap sa akin ni Jelo na lumapit na muli sa
akin na nag offer na sila ni Ivan ang magmamage ng aking bagong paaralan na ipapagawa.
Mukhang may nais siyang ipahiwatig!!! Bigla tuloy akong kinilig… Hay,, nang biglang may
dumating… AM I LATE? Si Friezl Mei S. Mayorga na humabol na ngayon ay isa na palang
sikat na international model sa America upang makarating sa aming REUNION sa aming
mahal na paaralang EMILIANO GALA ELEM SCHOOL .

May ibang hindi nakarating dahil sa ibat ibang mga dahilan pero alam kong may
susunod pang reunion na magaganap.

GOD is the ARCHITECT of LIFE,and HE has a great PLAN for us, but WE are
still the CARPENTERS and we should construct our lives according to HIS plans.

Dream high, Believe in yourself and Strive more!

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat!!! SEE YOU AGAIN FOR THE NEXT
15 YEARS OF OUR JOURNEY.

You might also like