You are on page 1of 30

Ang aking pagbati sa ating mga

panauhin!
Ang ibabahagi ko sa inyo ay kuwentong may kinalaman sa
maaring marating ng ating mga mag-aaral.

Kuwentong may
kagigiliwan

K Kapana-panabik at
Kapupulutan ng aral at inspirayon
Ito ang aking
Kring…ng…Kring…ng..
Ang nakakabinging huni ng alarm clock sa
aking tabi ang gumising sa akin mula sa
mahimbing na pagkakatulog. Idinilat ko ang
aking mga mata sabay tingin sa alarm clock at
aking napansin na ika-5 na pala ng umaga, oras
para sa nakagawiang gawain. Pagkagising,
nagligpit, naligo at nagkape sabay sa pagkain ng
agahang inihanda ng pamilya. Tuwing umaga,
nakagawian kong manonod ng balita sa
telebisyon sa ikalima’t kalahati ng umagang
edisyon. Napansin kong may bago na palang
News Anchors ang Umagang kayganda, ang
estayon na aking inaabangan. Ito ay sina
KAELYN CACHUELA, GRAZELE MAE
CALIWANAGAN at ETHEL JANE DAGPIN na
kasalukuyang ibinabalita ang promosyong
nangyayari sa hanay ng pulisya.
Sila ay sina AL LEEJAN SAPI at
KHIEU SALUDARES at makita ang
panalo sa katatapos na larong boxing
ni GABRIEL AROSO para sa Heavy
weight Champion na ginanap sa Las
Vegas Nevada.
Nang inilipat ko sa
kabilang estasyon, ang
GMA 7, ay kasalukuyang
ibinabalita ang
katatapos na signing
contract sa paggawa ng
pelikula ni Binibining
Pilipinas Universe
JONALYN BRIONES sa
Regal Films Productions.
Dito magsisimula ang
kanyang karera sa pag
aartista na matagal
niyang pinangarap.
Labing limang minuto bago ang ika-8 nang
umaga, nang ako’y paalis nang bahay sakay ang
aking sasakyang minamaneho. Habang nilalakbay
ko ang daang pupuntahan, bumaling sa aking
paningin ang mga nagkukumpulang tao sa daanan.
Agad kong itinabi ang aking sasakyan at
nagtanong-tanong. Isang aksidente pala ang
nangyari, lumapit ako at nakiusosyo. Ngunit,
ako’y namangha dahil sa ang nag-iimbistigang
pulis ay namumukhaan ko siya ay si CLARENCE
BERANGEL katabi niya ang Deputy Chief of
Police ng Lungsod Tacurong na si RAIN AXCEL
CLERK CAINGLET ako’y kanilang napansin at
binating ng Magandang Umaga. Hindi na kami
nagkaroon ng pagkakataong mag-usap dahil sa
pangyayari. Bumalik ako sa sasakyan at
nagpatuloy sa pagmamaneho. Sa di-kalayuan,
napansin ko ang malaking usok na nagmumula sa
malaking gusali na pagmamay-ari ng isang di
nagpakilalang negosyante sa Lungsod.
Itinabi ko sa may kalayuan ang aking sasakyan at aking napag-alaman na ito’y pagmamay-ari
pala ng isang multi-millionaire sa bansa na si PRINCE JULIE MAKILAN at isa lamang ito
sa kanyang mga negosyo sa iba’t-ibang panig ng bansa. Siya rin pala ang nagmamay-ari ng
isang malaking Shipping Company na naghahatid ng produktong Pinyang De-lata sa mga
bansang Indonesia, Canada at Malaysia. Nagpatuloy ako sa pagsisiyasat malapit sa Kordon ng
mga nakikibalita sa sunog na nangyayari. Naghihiyawan ang mga tao sa liksi at galing ng
mga mamamatay sunog dahil unti-unti nilang naapula ang apoy mula sa nasusunog na gusali.
Kabilang Sina HARVEY PARREñO, JHIANE CARLO PAGULONG, MARLOU IBAS
kasama nila ang kanilang FIRE MARSHAL DEPUTY SENIOR FIRE Inspector EARL
BUSANO.
Bumalik ako sa aking
sasakyan nang bigla akong
nilapitan ng isang mamang
nakasuot ng unipormeng pang
Blue Boys at sinabihang “Sir, dito
po tayo dadaan para makaiwas po
kayo sa traffic.” Siya ay si
REYMART LAYSA, ang
magiting na Traffic Enforcer at
kasalukuyang pinuno ng Traffic
Management Team ng Lungsod.
Nagpatuloy ako sa aking paglalakbay alinsunod sa
sinabi ng Traffic Enforcer. Umiba ang ruta ng aking
dinadaanan. Napadaan ako sa isang bangko at
biglang nasagi sa aking isipan na kailangan ko
palang magwithdraw ng pera mula sa aking
pensyong benipisyo. Habang papalapit ako ng
bangko, sinalubong ako ng isang matipunong
Security Guard na kasalukuyang nakaduty at
nakangiting bati sa bintana na aking sasakyan
“Magandang Umaga po Sir! mas maganda pong dito
ninyo iparada ang inyong sasakyan upang madali
kayong makalabas dahil alam ko pong kayo ay
nagmamadali.” Maraming salamat! ang aking tugon
ngunit ako’y balisa dahil alam kong kilala ko ang
taong iyon. Ipinarada ko nang maayos ang aking
sasakyan at nilapitan ako ng Security Guard sabay
ang wika, “nakikilala nyo po ba ako sir? Ako si
ARNOLD ARGABIO isa po akong security guard at
nagmamay-ari na rin po ako ng isang security agency
dito sa Lungsod.
Bigla akong napalingon nang may
biglang tumawag sa aking likuran. Sir,
kumusta na po kayo? Agad siyang lumapit sa
tabi nang lalaking kausap ko. Isa siyang
empleyado ng bangko at pangawala sa may
pinakamataas na posisyon rito. Naalala nyo
po ba ako, ako si RICHELLE JANE
MUYCO. Kayo pala? Tanong ko? Opo,
nakangiti tugon nilang dalawa. Sila pala ang
nagkatuluyan at masaya na ring naninirahan
kasama ng tatlong anak na pawang nag-aaral
na rin sa pribadong paaralan sa Lungsod.
Kanila akong tinulungan upang
makapagwithdraw at matapos ang aking
transaksyon sa bangko. Binati ko silang
dalawa at ako’y nagpasalamat sa kanilang
ginawa.
Sa kabilang ATM Machine, may lalaking
nakangiting tumingin sa akin. Siya si
MYKELLE ROI A. PAUYA, isang
Opisyales sa Barko na kababa lang
kamakailan para sa kanyang bakasyon.
Lumapit siya at nangamusta, agad ko ring
siyang pinansin sabay pangangamusta. Siya
ay nagbakasyon para sa kaarawan ng kanyang
ina na dati ko ring kasamahan sa Rajah Muda
na ngayon ay nagmamay-ari na ng ekta-
ektaryang lupain sa Rajah Muda. Hindi
matagal ang aming pangangamusta dahil siya
nagmamadali.
Bumalik ako sa aking sasakyan at ako’y
napatingalang nakangiti sa himpapawid at
nagbuntung hiningang sabi sa aking isipan.
“Salamat po Panginoon!”
Pasakay ako nang aking sasakyan ng biglang napansin ko ang isang malaking tarpaulin
malapit sa Round Ball ng Lungsod. Bagamat may kahinaan ang aking paningin, nilapitan ko ito
at tiningnan. At ang nakalagay, Congratulations! ESMERALDA DALE PAMA newly Installed
Regional Director of DepEd Region XII, MARK GABRIEL DEL OESTE, Schools Division
Superintendent of the City of Tacurong and PEARL JOY LACSON, newly installed Principal of
Rajah Muda Elementay School. We are so proud of you!
Lumingon ako sa kabilang
bahagi ng daan. Sa itaas, ay
agaw pansin ang modelo sa
Billboard . Siya si ARTH
VINCENT D.
LEGISLADOR. Modelo ng
isang sikat na jeans sa buong
mundo. Umiikot siya sa
iba’t-ibang bansa upang
ipromote ang produktong ito.
Sa ilalim nito nakalagay ang pagbati from the Local Government Unit of Tacurong
HON. JAYMARK NAVARRO at Brgy. Chairman of Rajah Muda HON.
NATHNANIEL ENNO JAVA, kasama sa konseho ni Punong Barangay ang kanyang
mga kagawad na sina KENNETH TRANQUIRIDO at DESHERY PATOK na
katatapos lang magkabit ng Congratulatory Tarp. Ito ay bilang pagbati sa kanilang
kamag-aral na nagtagumpay rin sa kanilang mga pangarap. Napailing ako at
nakangiting bumalik sa aking sasakyan. Tiyempong papalapit na ako sa aking
sasakyan may bigla ring pumaradang six buy truck na lulan ng mga sundalong ang
sadya rin ay sa banko.
Nagmamadaling bumaba ang sakay nito sa
unahan at nakangiting lumapit sa akin at
nagmano. “Sir, kumusta na po?”Ako si LT.
COLONEL ELMER M. CHAVEZ ng 31st
Infantry Batallion ang kasalukuyan pong
namumuno ng operasyon sa gulo sa,
Maguindanao. Kasama ko rin po sa hanay ang
aking mga kaklase na sina KRHISNADINE
ANGELA CANDANO at ELIEOJ JOSH
TICTIC. Agad niyang tinawag, sila’y bumaba,
nagmano sabay pangangamusta sa akin. Hindi rin
kami nagkaroon ng pagkataong mag usap nang
matagal dahil sa sila din ay nagmamadali.
Nilisan ko ang bankong nakangiti.
Nakaramdam ako ng gutom, at bigla kong naalala
ang wika ng aking panganay na anak na may
bagong bukas na magandang lugar na
makakainan malapit sa Unibersidad ng Lungsod
ng Tacurong. Agad kong pinuntahan ang lugar na
iyon. Itinabi ko ang aking sasakyan. Bumaba at
dumiretsong umupo sa bakanteng upuan na
malapit sa counter ng Fast food Chain. Agad
akong nilapitan ng isang babaeng nakasuot nang
maayos. Isang nagtatrabaho roon.
Magandang Umaga po sir! Ano po ang order
nila? Ang tanong nya. Agad kong tinanong sya. Ano
ba ang specialty nyo at pwede ninyong
maipagmamalaki dito? Marami po, ang tugon niya,
May Puto at Dinuguan, Pizza, spaghetti at marami
pang iba ngunit ang dinadayo nila rito ay ang ulam
na mas kilala sa Kudong Express, ang lokal version
ng Bikol express sa Albay. Tiningnan ko ang aking
relo at tama-tama namang malapit nang
mananghalian. Oh sige, bigyan mo ako ng inyong
ipinagmamalaking kudong Express. Ngunit maiba
ko, sino ba ang may ari ng bagong bukas na
restaurant na ito? Akma namang papalapit sa amin
ang isang magandang binibini. Hello sir,
Magandang Umaga po! Siya po ang may-ari ng
restaurant na ito ang bulong ng aking kausap. Siya
po ay si ALLYSA ERICH DALAMBA.
“Bigyan ninyo si sir ng kanyang
makakain”. At siya’y naupo sa aking
tabi at kami’y nagkwentuhan balik
alaala noong sila’y nag-aaral pa.
Ibinalita niya rin na si ROLENE
PALOMERO ang kanyang kasosyo sa
negosyo, na kasalukuyang
nagbabakasyon sa Australia.
Makalipas ang isang oras na
kwentuhan, oras na akong mamaalam
sa kanya at nagpasalamat sa libreng
pananghaliang inihanda. Bumalik ako
sa sasakyan, at nagpatuloy sa aking
pagbyahe.
Papalapit na ako ng kantong
malapit sa Tacurong Pilot Elementary
School, ay nakita kong papalapit ang
bandang pumaparada sa daanan
kasama ang mag-aaral, mga guro at
mga magulang ng paaralan.
Kasalukuyan nilang ipinagdiriwang ang
Foundation Anniversary ng Paaralan.
Itinabi ko ang aking sasakyan, at saglit
kong minasdan ang parada. Sumariwa
sa aking mga alaala ang mga
magandang karanasan noong akoy’
nagtuturo pa sa Lungsod na ito.
“Hi sir!” Isang tinig na nagmumula sa mga pumaparadang guro ng paaralan. Sila
ay sina JASMINE DIZON Master Teacher I, IRISH JANE ROSAL Master
Teacher II, SOFIA B. LUMBATAN, Teacher III, RENZEL GERONIMO ang
Pangulo ng PTA ng Paaralan na isang matagumpay na Negosyante ng Lungsod at
ang kanilang Punong-guro na si NESSA MARIE UGBINALDO. Lumabas ako
ng sasakyan at ngumiting kumakaway sa kanila habang sila’y papalayo sa akin.
Nang makaahon ang parada. Nagpatuloy ako sa aking pagbyahe bigla kong
naalala na kailangan kong makadaan sa simbahan upang makabisita at manalangin
sandali.
Ang Parokya ng Pedro Calungsod, ang
pinakamalaking parokya sa Probinsiya ng
Sultan Kudarat. Pumasok, lumuhod at taimtim
na nanalangin. Sa dulo ng aking upuan, ay
nakita ko ang isang matandang taimtim ding
nanalangin, bagamat may katandaan na ito at
hirap sa pagtayo nilapitan ko para tulungang
makatayo. Siya ay si Gng. HELEN H,
GAMBOA, ang aking kasamahang guro sa
Rajah Muda Elementary School kasama ang
kanyang apo. Matagal na siyang
inaanyayahan ng kanyang mga anak na tumira
sa ibang bansa subalit nanaig ang kanyang
kagustuhang manatili sa Pilipinas upang
manirahan.
Kasalukuyang
nangungumpisal sa
parokya, tama-tamang
maliit na lang ang
nakapila. Inanyayahan ko
si Gng. Gamboa upang
kami’y mangumpisal.
Unang pumasok si Gng.
Gamboa at sumunod ako.
Pagkalabas ko ng
Confession Room ay
sinundan kami ng Kura-
paroko. Siya ay si REV.
FR. LEANDRO BABAO,
DCC. Ang kasalukuyang
namumuno sa parokya.
Kami’y nagkwentuhan
at kanyang naibahagi
sa amin ang kanyang
karanasan kung paano
siya naging pari. Kanya
rin ibinalita sa amin na
hindi lamang siya ang
sumunod bilang alagad
ng Diyos kundi pati na
rin si REV. Fr.
JORENZ CLIENT
PANIZALES, at sina
Sr. PINKY IBAS at
Sr. ALEAH DANOY
na pumasok sa
pagkamadre at
kasalukuyang nakabase
sa Monasteryo ng
Lungsod ng Quezon
Matapos ang ilang minutong
kwentuhan, nagpatuloy ako sa
paglalakbay kasama ko na si Gng.
GAMBOA. Ika-3 na ng hapon nang
marating namin ang opisina ng Senior
Citizen upang kumuha ng benipisyo
roon at maging kabahagi ng
pagpupulong na gaganapin. Kasama
namin ang iba pang mga Senior
Citizen na naghihintay. Sila ay Sina
Gng. ANALYN P. GARDE, GNG.
ROSALIE P. GUIMBAN, GNG.
LUZ JANICE G. LAMANERO,
GNG. RUTH A. DE MEY, na
kakarating lang mula sa kanyang
bakasyon mula sa Belgium, at si
GNG, MA. PRECIOUSA B.
RAMIREZ, ang kasalukuyang
pangulo ng Association.
Bagamat hindi pa nag-uumpisa
ang pagpupulong, nagkaroon
kami ng pagkakataon upang
makwentuhan at makibalita sa
isa’t-isa. Aking napag-alaman na
isa sa pinakasikat na Tutorial
Business sa Lungsod ay
pagmamay-ari ni GNG.
MARNILI J. ROMUAR
katuwang ang kanyang anak sa
pagpapatakbo nito. Halos ang
mga apo ng aking kasamahan ay
pumapasok dito dahil sa de-
kalidad na pamamalakad nito.
Si Bb. JUDY MAE L.
MACAPAGAL ay nakapag asawa na
rin at nabigbyan ng pagkakataong
mailipat sa paaralang malapit sa
kanilang tahanan at kasalukuyang
Department Head ng Paaralan,
samantalang si G. MANNIE B.
FELONGCO naman ay isa ng
Punong-Guro sa isang paaralan sa
Bayan ng T’boli, Sangay ng South
Cotabato.
Halos ang lahat sa amin ay naging
matagumpay sa aming mga anak at
aktibong nakikibahagi sa mga
programa para sa mga matatanda at
maging sa simbahan.
Tumayo na ang tagapagkilala, hudyat upang
umpisahan ang pagpupulong. Ito tungkol sa mga
paghahandang gaganapin ukol sa nalalapit na World
Senior Citizen Congress na gaganapin sa Hongkong
at kami ang kakatawan sa Lungsod ng Tacurong sa
tulong ni HON. JAYMARK L. NAVARRO, at
bibigyan ng pagkakataong makapamasyal sa
Hongkong Disneyland.
Ito ang kuwento ng Pag-Asa, inspirasyon at maaring maging
katuparan sa bawat pangarap ninyong mga mag-aaral.

Ang lahat po ba ay posibleng mangyari sa aking kuwento?

Maaring ang karamihan sa sagot ninyo ay OO.


OO dahil yan ang dahilan kung bakit tayo ay nasa paaralan, ang
dahilan kung bakit naririto kaming mga guro at mga magulang na
gagabay, at hahasa sa mga kasanayang inyong taglay at magagamit
sa pagtupad ng inyong mga pangarap.

Libre ang mangarap!……


walang bayad sa pagtupad ng inyong mga pangarap!
Ano ano ang mga magiging sandata ninyo sa pagtupad sa inyong mga
pangarap?

sipag Pumasok sa paaralan upang may


matutunan

o n kasana
e rm i na s y y an
de t sa an
um a ng
Makibahagi at linangin ang
s um uko inyong mga talento
u w ag ub ok
s
n
H pg

la m a mabutin
kaa i n an gn a t u t
a
un
n
an s a g u ga l i
Maging mabuti ang pakikitungo sa
m i t l u h
Ga a ka bu inyong kapwa
m
At higit sa lahat pananalig sa Diyos
Gawin SIYANG sentro sa lahat ng inyong mga plano
Ang lahat ng sandatang ito ay inyong gagamitin sa
pagtupad ng ating pangarap. Sa paaralan, hindi lamang
tayo tinuturuan upang maging matalino. Pumapasok
kayo upang kayo’y maging kapaki-pakinabang na
indibidwal pagdating ng panahon.

Sabi nga sa matalinghangang salita ni Aristotle,


Walang saysay ang pagiging matalino,
kung hindi gagamitin ang puso.
Nilikha ng Diyos ang tao na magkasama sa
bawat desisyon ang talino at ang puso.

Sabay nating linangin ang kahalagahan ng


mga ito upang ganap nating maisagawa
ang wika ni Mother Theresa ng Calculta,
“Not all of us can do great things, but we
can do small things with great Love”.
we r,
t p o
g rea at
i t h a a gre ”
“W omes ility.
c n sib
es po
r

Spiderman
Lahat tayo ay may
Kapangyarihan.
at sa bawat kapangyarihan
na ating taglay, kaakibat ang
To think good, to do isang responsibilidad
good and to act good! Pag isip , paghandum, kag
pagbuhat sang maayo sa aton
MADAMO Gid nga
SALAMAT!

Let us enjoy the night!

You might also like