You are on page 1of 7

“Ang tagumpay ay hindi nasusukat sa dami ng karangalan na

iyong natamo, kundi sa dami ng pagsubok na iyong nalagpasan sa


araw-araw.”

Ako’y lumipad upang hanapin ang kapalarang hangad, At kahit


saan man sa mundo’y mapadpad, lahat ng pangarap ko’y matupad.
Nang ako’y umuwi sa Pilipinas para opotunidad na magbukas ng
isang negosyo at habang ako’y nakasakay sa eroplano ay laking gulat
ko nang makita ko sina HAZEL NIETO, KHAIRA NILAY AT PRECIOS
DE SILVA na dati kong kamag-aral sa St. Vincent Learning Academy. Sila
na pala ay dalawampu’t taon na ring Flight Attendant. In fairness
tumangkad na si Hazel at Khaira ng almost 5’7, kaya pala sila naging
qualified sa pagiging (F.A.). Si Precios naman ay isang modelo na din.
Grabe! Di ko sila nakilala. Akalain mo yun ang bilis talaga ng panahon,
napaisip tuloy ako bigla sa iba ko pang mga kaklase noon. Kumusta na
kaya sila?

“Ladies and Gentlemen, we have just been cleared to land at the


NAIA. Local time is 8:30 pm. Thank you!” Pagbaba ko sa airport may
sumalubong sa akin na isang mala artistahin at napaka sexy na staff ng
NAIA. Si AUBREY LACSON pala yun! Hindi pa rin siya nagbabago maputi
at makinis pa rin. Siya ang nag guide sa akin palabas ng airport at
siyempre nagkumustahan kami.

Maya maya.. “Aaaaahhh!!!whoaaaaaaah!!” sigawan ng mga tao.


Nagulat ako ng magkagulo ang mga tao. Ano kayang nangyayari? Sabi nila
pababa na daw kasi ang Private Plain ng kasalukuyang presidente ng
Pilipinas. Nagtaka naman ako kung bakit ganoon na lang ang pagsalubong
ng mga tao sa Presidente. Pagkakita ko si WAYNE AMADOR pala ang
kasalukuyang Presidente, akalain mo nga naman oh! Aba, bakit ba naman
hindi magtitilian ang mga tao? Wala pa ring pinagbago ang kagwapuhan ni
Wayne pero sad to say single pa rin daw siya hanggang ngayon. Babaero
iyon dati, tapos hanggang ngayon single pa din?
Anyway! Move on. Bumabyahe na ako ngayon papunta sa isang
Hotel na pagmamay-ari nina CHRISTINA SANTOS at ANGELICA SAN
PABLO. Sila ngayon ang nagmamay-ari ng pinakasikat na Hotel sa buong
mundo. Katulong sa pagbuo ng gusali ng kanilang Hotel, ang kaibigan
nilang si VALERIE LANDA. Isa na siyang engineer ng bawat malalaking
gusali sa Pilipinas. Ang laki na ng pinagbago nila. Dahil si Tina ay mala
Jenilyn Mercado na ito sa sobrang sexy at si Valerie naman mala Ruby
Rodriguez na ang laki, grabe nagkabaligtad sila. Si Angelica naman ay
mala Maria Clara sa hinhin at magsalita.

Pagdating ko sa Hotel nagpahinga muna ako saglit hanggang sa.. “


Krrngg! Krrrngg! Hello Nica? Si ALEXIS MACABANTE ito nasa ‘Pinas
kana ba ngayon? Bisita ka naman sa Museo ko para makita mo yung mga
arts ko na inieeksport ko na rin sa ibang bansa!” dali-dali akong nag gayak
at nagpunta sa Museo niya. Si Alexis ay ganap ng Pintor ngayon at
nagmamay-ari na ng mga pinakasikat na sining sa buong daigdig at
nilalagay nya sa sarili nyang museo sa Maynila. Sa kahabaan ng biyahe,
naisipan kong manuod muna sa telebisyon ng aking limousine. Nabalitaan
ko kasing may laban ang Golden State Warriors at ng Cavaliers at finals
na, sa totoo lang kasi tagahanga ako ng GSW kaya naman todo suporta
ako. Pagbukas ko ng TV “MVP 2028! From Golden State Warriors
LEMUEL DC TABLANTE!”. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Lem
sa TV. Natupad na pala nya ang kanyang pangarap na makapasok sa NBA
at naging MVP pa. Mabuti at natanggap sya kahit para lang syang langgam
sa court. Grabe naman kasi, napakagaling na point guard. Pagkatapos
niyon nilipat ko na yung channel ng TV.

Oh! Si JAMELLA ACERO at PATRICK MANALO yun ah. Sila daw


pala ang pinaka sikat na love team ngayon sa Philippine TV. Sila pala ang
sumunod sa yapak nina Maine Mendoza at Alden Richards, grabe di ko
inasahan na parehas pa silang naging best actress at best actor sa mga
movie na ginawa nila. Panigurado makakalibre na ko sa sine neto.
Teka! Bigla naman akong napalingon sa bintana ng limousine ko may
napansin lang akong napaka laking Billboard at parang pamilyar sakin ang
nasa picture. Uy! si Engr. LESTHER REYES pala ito. Kinikilala siya
ngayong Hottest Engineer ng buong bansa at bukod sa pagiging engineer
ay isa rin syang Model ng Bench.

Ma’am nandito na po tayo sa Museo sabi ng Driver ko. “Aray!” May


bumunggo sakin. “Hey excuse me it hurts ha!” sabi nung babae. “Uy miss
mag-ingat ka naman nasaktan mo yung asawa ko.” Paglingon ko si JAREN
MAE QUILALA pala to at si IVAN GREFALDA na 10 taon nang kasal at
parehas na silang professional ngayon. Si Jaren ay isa ng CPA at si Ivan
naman ay Pulis. Kami ay nagkamustahan at sabay na kaming pumasok sa
museo.

Pagdating sa loob “Uy Nica!” Hmm... napa isip ako kung sino sya.
Maputi sya, bilugan ang mukha, matangkad, ang ganda ng dating. Sabi ko
Ahmm “Hi! Did I know you?” nagulat ako sa sinabi nya “Ano ka ba si
ENRIQUE BANDRIL to” OMG! Anong nangyari? Lumunok ata ito ng
napakaraming glutha kaya pumuti. Isa na raw siyang Marine Engineering at
madalas siyang nagtutungo sa malalamig na lugar. Nagpundar siya ng
sarili niyang negosyo. Ano pa ba? Eh di factory ng Glutha. Big time diba?

May biglang nag pop up sa phone ko. Nagchachat na pala sakin sina
CLARISSE CELIS, LHEANNE SARMIENTO, at JAMAICA HARINA para
sa pag-uusapan naming plano sa aming negosyo dito sa ‘Pinas. Sila kasi
ang magiging mga katuwang ko rito. Sila ay mga ganap na ding CPA at
may kanya-kanya na rin silang Firm. Good News! Sila ngayon ang pumalit
sa La Diva kaya kung saan-saan na din sila inaanyayahan para kumanta.
Umalis na ako at bumyahe para makipagkita sa kanila.

Habang nasa daan naman ako may nadaanan kaming nagkakagulo


sa isang kalye at sinabi na may nag patayan. Teka! Parang pamilyar sa
akin yung dalawang lalaki. RON ALLEN VILORIA at ERNEST TAGUIAM!?
Sila na pala ay mga ganap ng Pulis. Parehas na silang Chief Investigator
kaya naman sila ang nag iimbestiga sa pangyayari. Grabe! Di ko akalain na
pulis na sila ngayon samantalang dati… *ehem* buko. Maya-maya may
dumating ng service ng isang Funeral para kunin ang mga patay, Hmm..
Maunahan Funeral Service! parang may kilala akong Maunahan. Ah! Si
CRIZEL MAUNAHAN naalala ko na pangarap nga pala niyang maging
embalsamador dati, nanunuod pa nga iyon sa youtube kung pano mag
embalsamo. Ngayon isa na siya sa pinaka mayamang may-ari ng funeral at
balita ko nga kalat na ang mga branches niya sa iba’t ibang lugar sa
Pilipinas. At ‘di lang yon! Isa na rin siyang professional na Psychologist
ngayon pero mas pinagtuan niya ng pansin ang kanyang negosyo.

At ng bigla kong naisipang maghanap ng simbahan para manalangin.


Buti nalang at may nadaanan kami na saktong may service. Uy! Si KOBE
CONCEPCION ang pastor na naabutan kong nagpi-preach. Balita ko
naging Lawyer din daw si kobe ngayon. Wow! What a blessing. Matapos ay
umalis na ako dahil madami pa akong pupuntahan.

Sa hinaba-haba ng biyahe ko nakaramdam na ako ng gutom kaya


naman napagdesisyunan kong kumain muna at nakita ko ang isang
napakaganda at class na restaurant. Kaya naman doon ko napiling kumain.
May sumalubong sa aking isang maliit na babae, may kaputian, straight
ang buhok at ang taray ng kilay. Tinalo ni ate yung kilay ko. HAHAHAHA!
“Good Evening Ma’am welcome to my restaurant!” Award! Siya pala ang
may-ari ng restaurant na to. “Ma’am Jelica may dumating po tayong
bagong guest ngayon!” sabi nung isang staff. Kaya naman napalingon ulit
ako at pinagmasdan yung babae. Oo nga si ate JELICA PELIÑO pala ang
nagmamay-ari ng napaka laki at dinudumog na restaurant na ito. Hay di pa
din sya nagbabago sa pagiging humble nya.

Paglabas ko naman sa restaurant may nakita akong isang batang


special na nanlilimos lang sa lansangan kaya naman nilapitan ko sya at
binigyan ko ng pagkain. Naawa ako sa bata mukhang walang pamilya kaya
tinanong ko sya kung gusto nyang sumama sakin pero sya ay tumanggi.
Kaya tinanong ko nalang sya kung gusto nyang mag-aral at dun sya
sumagot ng Oo. Agad-agad kong tinawagan sina EDEN MAE SEGOVIA at
MARIELLA BERTIZ para matignan kung makakapag-aral ang bata dahil
sila ngayon ay nagtatag ng isang paaralan para sa mga batang may
kapansanan at tapos sila bilang SPED teacher. Isang magandang
pagkakataon para sa musmos na batang may kapansanan.

Naisipan ko na din tuloy bisitahin ang paaralan nila para makita ang
tagumpay nilang magkaibigan. Habang papunta ako sa kanilang paaralan
may nadaan ako na ginagawang commercial building sa bandang Roxas
Boulivard. Bumaba ako saglit dahil parang namukhaan ko ang Engineer na
‘di magkandaugaga sa mga blueprints. Paglapit ko sa kanya ay parang
biglang lumamig. Ay! Kaya naman pala, si AARON GO pala ito at may
biglang tumawag sa kanya “Bhe, tapos kana ba dyan?” ang kanyang
asawa na si ALEXIE TENORIO-GO na isa na ring Psychologist at may
sarili ng Clinic ngayon. Nang magkausap kami saglit ay dumiretso na ako
papunta sa paaralan nila Eden.

Nang dumating ako sa paaralan ay may nakasalubong naman akong


maputi, may kaliitan, tapos??? Teka nasan yung ilong? HAHAHAHAHA ay
si MARY ROSE FRANCISCO pala ito kakatapos nya lang daw mag
observed sa School nila Ella. Ang puti niya na ha, kasalukuyan pala syang
naninirahan sa Paris at doon ginamit ang propesyonalismo nya. Umuwi
lang din siya dahil naimbitahan nga para mag observe.

Pagkatapos kong makipag-usap nagpaalam na rin ako para umalis


dahil may mga bagay pa rin akong aasikasuhin, sa paglalakad-lakad ko
papunta sa parking may nag-abot sa akin ng isang Diyaryo. Uy si EARL
HICBAN pala ito. “Nag-aabot ka nalang ngayon ng Diyaryo Gerald?”
tanong ko sa kanya. Isa na pala siya ngayong Computer Technician at Civil
Engineer. Taray diba? Kahit Engineer na ay siya pa mismo ang nagbibigay
ng mga Diyaryo. Sabi niya sa akin basahin ko raw at marami akong
ikakagulat sa nilalaman nito.

Pagdating ko sa sasakyan ko binasa ko na ito at pagbungad sa akin


ay litrato ni JOHN LESTER DELA CRUZ na isa ng sikat na sikat na
Designer ng iba’t ibang damit ng mga artista at iba pang mayayaman at
kilalang tao sa buong mundo. Nakapagtapos siya sa kursong Fine arts. At
grabe! May nakita rin akong owner ng bike shop sa buong Pilipinas at isa
rin siyang Cyclist na nalibot ang buong China sa loob lamang ng 2 buwan,
si ELISON GUILALAS na kinikilala ngayon sa Guinest World Record
holder, 500 kilometer per hour ang bilis, ngunit hindi pa rin siya pumapayat
sa lagay na yon.

Anyway may bagong itinalaga si Pangulong Wayne na bagong


Police Chief General, General DAISY JANE MACAYA na pumalit sa
pwesto ni Chief Bato makalipas ang sampung taon. Siya ngayon ang
bagong humahawak para sa mga nahuhuling criminal at natotokhang.

Grabe naman ang mga balita ngayon! Talagang malayo na rin ang
narating ng mga kaklase ko dati. *beeeeeeeeeeeeeeeeeeepppppppp!* ay
pusang kalabaw! Biglang may nabunggo yung limousine ko na aso. Hala!
Naawa ako sa aso kaya dinala ko muna ito sa pinakamalapit na Clinic para
sa mga Hayop. At nadatnan ko si Doc. CHRISTIAN VINCENT
CARSOCHO na isa ng Veterinarian. Sakto naman at sya ang naabutan ko
para gamutin ang kawawang aso.

“krrrrnggggggg! Krrnggggg!” may tumawag na sakin. “Yes? This is


Leonica Muñoz,What can I do for you?”

“Ahm ma’am pinapapunta po kayo ng Principal ng St. Vincent


Learning Univeristy ngayon” Guest what? si ALLYSCHER FULGENCIO na
pala ang bagong Principal ngayon ng St. Vincent at naging University na
rin ito. Bumuo si Ally ng isang “Grand Reunion” para sa batch 2017-2018,
kasama ang aming mga naging guro na gumabay at tumulong sa amin
upang makamit namin ang aming kaniya-kaniyang pangarap na propesyon.

At heto! Muli kaming nagkita-kita matapos ang dalawampung taon.


Ang sarap sa pakiramdam na makita ang aming buong klase na noon ay
halos kulitan at minsan ay may halong kalokohan lamang ang aming
ginagawa ngunit ito’y walang kasingsaya. Sapagkat ngayon mayroon ng
kaniya-kaniyang propesyon at landas na tinatahak na hindi inaakala ng
marami na matutupad namin ang aming minimithi sa buhay.
Sa muli naming pagkikita-kita napagplanuhan naming dumalaw sa
puntod ng isa sa aming kamag-aral na si CHARITY JULIANNE
THEREASE JUAREZ naalala ko pa noon na sa tuwing makikita nya ang
isa sa aming magkakaklase at mga guro ay agad nyang niyayakap. Ang
tanging pangarap niya noon ay maging isang Librarian.

Isa, dalawa, o higit pang mga taon ang haba ng pinagsamahan at


alaalang nabuo ng bawat isa sa amin, ay hinding-hindi malilimutan at hindi
mabubura ng mga nagdaang panahon. Sabi nga nila hindi masusukat sa
haba ng pinagsamahan ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan kundi
sa kung paano natin bigyan ng halaga ang bawat isa.

Ako si Leonica Muñoz, isa akong certified public accountant at isa na


ring professional na culinarian. Dalawampu’t taon na akong nagmamay ari
ng isang malaking restaurant sa London at nakapagpatayo na rin akong ng
iba’t ibang branches sa iba’t ibang bansa.

Tunay ngang, kung ang lahat ng makakaya mo ay iyong ibinibigay,


tagumpay mo’y walang kapantay, maraming posibleng paraan upang
makamit ito, magsikap at harapin ang hamon sa buhay. At laging tandaan
na ang pangarap na hindi pinagpaplanuhan, ito’y mananatili kahilingan
lamang.

You might also like