You are on page 1of 5

AKO, MANGYAN

Ni: Jeng De Dios

TIRIK NA TIRIK ANG SIKAT NG ARAW. ANG INIT nito ay nanunoot sa balat namin ni Inang
Aniw. Darang na darang na rin sa matinding init ang kalsadang aming nilalakaran. Pakiwari ko ba,
ako ay naglalakad sa nakalatag na baga. Ang ihip ng hangin ay masyado ring mainit, anirno'y
singaw ng kumukulong tubig. Subalit, sanay naman na ako, kami ni Inang Aniw. Sanay kasi
kaming mga Mangyan na mabilad sa ilalim ng araw at sanay rin kaming maglakad nang malayuan.
Sa katunayan nga, magdadalawang araw na kaming naglalakad mula Bulalacao, isang bayan sa
Silangang Mindoro. Tutungo kasi kami sa San Jose na naroon naman sa gawing Kanluran.
Magdadala kami ng mga panindang saging at kamoteng-kahoy. May dala rin kaming ilang piraso
ng dap. Gustong-gusto kasi ng mga tagapatag ang bulaklak ng halamang ito. Sunong ni inang Aniw
ang balulang na naglalaman ng dalawampung piling ng saging na saba. Sunong ko naman ang
balulang ng mga kamoteng-kahoy at dape). Mabigat din ito. Tantya ko nga ay mababa lang nang
kaunti ang bigat nito sa sarili kong timbang. Subalit, sanay naman na ako, kami ni Inang Aniw.
Sanay naman kaming mga Mangyan na magbuhat ng mga produktong halos kasimbigat na namin.
At sanay kaming pasanin ang buhay na kakaiba sa klase ng pamumuhay ng mga tagapatag.
Mangyan nga kasi kami. Mga Hanunuong Mangyan.
"Bulan, may bus! Parahin mo, dali!" Nagulat ako nang biglang sumigaw si Inang Aniw. Mayroon
kasing paparating na bus. Sa wakas, makasasakay na rin kami patungong San Jose. "Para! Para!"
malakas kong sigaw, habang ikinakaway ang aking kanang kamay. Tuwang-ttwa kami ni Inang
Aniw nang huminto ang naturang bus sa aming tapat. Pagbukas ng pinto nito ay nakaamoy ako ng
hindi pamilyar na samyo. Napakislot pa akong bigla nang bahagyang dumampi sa aking balat ang
hanging nanggaling doon. Kakaiba kasi ito—rnalamig. Sa palagay ko ay ito ang tinatawag ng mga
tagapatag na erkon. Narinig ko na itong minsan sa kuwento ng aking pinsang si Ulay. May
bumabang isang lalaki mula sa bus, may akay-akay na batang halos kasinlaki ko. Namanglia ako
sa hitsura ng bata. Nakasuot ito neg kamisetang pula at salawal na mukhang kay tigas ng tela.
Ngayon lang din ako nakakita ng pulang sapatos na katulad ng suot nito. Napakaganda! Hindi ko
napigilan ang humanga sa kasuotang iyon ng bata. Ano kaya ang magiging hitsura ko kung imbes
na bahag ay ganoong klase ng damit ang aking suot? Marahil ay ako na ang magiging
pinakaguwapong Hanunuo. "Bulan, ' lika na. Umakyat na tayo sa bus, baka hindi tayo makasakay,"
sabi ni Inang Aniw, kasabay ng paghakbang patungo sa pinto ng bus. Mabilis naman akong
sumunod sa kanya. Subalit hindi pa man karni nakakailang hakbang ay muling may bumaba na
isang lalaking nakaputing kamiseta. Laking gulat ko nang bigla nitong harangin si Inang Aniw.
"Bawal ang Mangyan sa loob ng bus. Nakaerkon kami, ' no! Mangangamoy kayo dito, magagalit
ang mga pasahero kor malakas na sigaw ng lalaki, habang nakapamaywang. "Hindi kami huminto
para pasakayin kayo. Huminto kami kasi nasusuka na 'yong batang pasahero ko," dagdag pa niya,
kasabay ng pagturo sa batang ngayon ay sumusuka na. Humawak ako sa braso ni Inang Aniw at
bahagya ko siyang hinatak. "Inang Aniw, wag na po tayong sumakay. Masaya naman ang
maglakad, 'di ba? Marami tayong nakikita sa daan," bulong ko sa kanya. Umakyat nang muli sa
bus ang lalaki atang batang pasahero. Wala na kaming nagawa kundi ang umatras at tanawin ang
papalayong sasakyan. Labing-isang taon na ako, subalit ngayon ko lang nakitang nalungkot
nangganitosi InangAniw. Pakiramdam ko ay napapagod na talaga siyang maglakad. Nalungkot din
ako at nanghinayang dahil hindi kami nakasakay. Napaisip tuloy ako. Kasalanan ba ng erkon kung
bakit hindi kami pinasakay ng drayber ng bus? Kung sakali kayang hindi sila nakaerkon,
pasasakayin niya kami? Alam ko rin naman ang sagot sa aking tanong hindi. Madalang naman
talaga ang nagpapasakay sa aming mga Mangyan. Ivfahirap mang isipin, subali t ito ang
katotohanan.
Ayon kay Inang Aniw at .sa iba pang matatanda sa kabundukan, nandidiri daw kasi sa arnin ang
mga tagapatag. Isa pa, itinuturing nila kaming mabababang uri na nilalang. Naalala ko nga, noong
nakaraang taon ay bumaba rin kami ng bundok ni Inang Aniw. May dala-dala kaming mga
produktong itim na bigas at saging na latundan. Napakabibigat ng mga iyon, kaya nang may
namataan kaming dyip ay kaagad naming pinara. Sa awa ng Bathala ay pinasakay naman kami.
Kaya lang, nang huminto ito sa isang bahagi ng kalsada ay narinig kong nag-uusap ang drayber at
ang kanyang konduktor. Tandang-tanda ko pa ang bawat salitang kanilang binitiwan. "Ano-ano
ang mga kargada natin? Saka, ilan ang pasahero?" tanong ng drayber sa konduktor. "May sampung
sako ng palay sa bubong, isang sakong bigas, dalawang balulang, anim na tao at dalawang
Mangyan," natatandaan ko pang sagot ng konduktor. Nagtaka ako noon. Kami ba ay hindi kasama
sa bilang ng mga tao? Maaari namang sabihin ng konduktor na walong tao ang sakay nila, subalit
hindi ganoon ang kanyang sinabi. Naisip ko nang mga oras na iyon, kami ba ni Inang Aniw ay
hindi tao? O, baka naman talagang kaming mga Mangyan ay hindi itinuturing ng mga tagapatag
na kauri nila? Kung sabagay, ayon nga kay Apo Taruk, mayroon talaga kaming mga kaugaliang
hindi nagugustuhan ng mga tagapatag. Una na rito ay ang hindi namin palagiang paglilinis ng
katawan. Madalang kasi kami kung maligo, at kung •maliligo man ay kasabay naming nalulublob
sa ilog ang aming mga alagang kalabaw. Iyon na kasi ang aming nakagawian at masyado kaming
nakadikit sa kalikasan. Ang isa pang kaugalian naming mga katutubo na ayaw ng mga tagapatag
ay angpagnguya narnin ng nganO, lalo na iyong nakatatanda namin. Marumi daw kasi at mabaho,
ayon na rin sa mga narinig kong reklamo ng mga tagapatag. Bakit, hindi ba nila alam na ang
ngang& ay nagpapatibay ng aming mga ngipin? 0, talaga lang masyado silang maseselan? Ayos
lang naman iyon sa amin. Ayon kasi kay Apo Taruk, higit daw na mahalaga ang kalinisan ng budhi
kaysa sa kalinisan ng katawan. Ganoonpa man, sa edad kong ito ay nakadarama ako ng maliliit na
kurot mula sa aking dibdib kapag iniiwasan kami ng mga tagapatag. Hindi ko alam ang eksaktong
katawagan sa ganoong pakiramdam, basta ang alam ko lang ay naninikip nang bahagya ang aking
dibdib at para akong naiiyak. Alam kong nakadarama din ng ganoon si Inang Aniw, katulad
ngayon, nakita kong naiiyak siya. "Inang Aniw, magpahinga po muna tayo. Kumain muna tayo ng
saging, gutom na po ako," pukaw ko sa atensiyon niya. Sa tingin ko kasi ay napakalalim din ng
kanyang iniisip. "Sige, doon na muna tayo sa ilalim ng punong kamatsiling iyon, anak. Napapagod
na kasi ako. 'Tapos, hindi man lang tayo pinasakay ng drayber ng bus na iyon."
Muli kong nadama ang maliliit na kurot sa aking dibdib. Alam ko kasing hindi lang para sa
kanyang sarili kung bakit gusto niyang makasakay kami, kundipara na rin sa akin. Mapagmahal
na ina kasi si Inang Aniw, na walang pinag-iba sa mga ina ng mga batang tagapatag. Magmula nga
nang mamatay si Amang dahil sa sakit na malarya ay siya na ang tumayong ina at ama naming
limang magkakapatid. "Ayos lang 'yon, Inang Aniw. Matigas na ang talampakan ko sa kalalakad.
May kalyo na rin ang bao ng ulo ko sa kasusunong ng balulang kaya hindi napo ako nabibigatan.
Saka, Mangyan tayo, di. ba? Hanunuo! Malalakas ang katawan, makikisig, matatapang!"
masayang saad ko. Gusto ko kasing makita niyang kaya ko ang lahat ng hirap, kahit pa nga minsan
ay gusto ko na ring magreklamo at sumuko. Ako kasi ang panganay at nag-iisang lalaki sa aming
magkakapatid kaya nararapat lang na magpakatatag. "Gusto mo, Inang Aniw, bigkasin ko sa yo
ang aking ginawang ambahan? Pinagsulat kami ni Teacher Sherlyn noong nakaraang linggo."
"Aba, siyempre gusto ko! Sige nga, iparinig mo sa akin, anak." Sa wakas ay nakita kong ngumiti
•si Inang Aniw. Nakakita rin ako ng kislap sa kanyang mga mata, animo'y kinang ng ilaw ng mga
alitaptap. •Kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Huminga ako nang malalim at binigkas
ang aking ambahan •na may ngiti sa mga labi...
Masasayang tawanan
Doon sa esk'welahan
Pangalawang tahanan
Ng mga batang Mangyan
Malayo mang lakaran
Tuktok ng kabundukan
Malalim na tawiran
Mga sapa't ilog man
Lahat makakayanan
Para sa kaalaman
Ngiti lang ang ni Inang Aniw sa aking binigkas, isang mahigpit na yakap. "Ang galing mo, kasabay
ng Bulan!" sabi niya. Niyakap ko rin siya, kasabay ng isang buntong-hininga. May isang oras din
kaming nagpahinga sa ilalim ng punong kamatsili bago muling naglakad sa ilalim ng tirik na sikat
ng araw. At bago lumatag ang dilim, sa wakas, narating na rin namin ang kabayanan ng San Jose.
"Inang Aniw, nandito na po tayo! Saan po tayo sisilong ngayong gabi?" Natuwa ako sa mga ilaw
sa kalsada. Animo nagsibaba bituin sa langit. Naalala ko tuloy ang aking mga ang mga b kapatid.
Alam kong magugustuhan nila ang tanawing ito, lalo na ang bunso naming si Ilpok. Sa bundok
kasi ay sulo atgasera lang ang nagsisilbi naming ilawan. "Sa plaza muna tayo, anak. Pagsikat ng
araw, pupunta tayo sa harap ng simbahan. Doon natin ilalatag ang ating mga paninda. Marami
kasing tao roon bukas dahil araw ng simba," masayang sabi ni Inang Aniw. Ibang-iba ang
pakiramdam ko rito sa plaza, kaysa sa amin sa bundok. Kayrami ng mga taong namamasyal at
kumakain sa mga tindahang nakapaligid sa malawak na semento. Kay bango rin ng paligid dahil
sa iba't ibang amoy ng mga pagkain. Gusto ko sanang makisali sa kanila. Gusto ko sanang
makikain kami ni Inang Aniw, subalit walapa kaming pera. Hindi pa kasi kami nakapagtitinda ng
aming mga dala-dalang produkto. "Bulan, gusto mo bang bumili? Puwede naman tayong
manghingi ng piso sa mga taong naririto," narinig kong sabi ni Inang Aniw. Nilingon ko siya at
nakita kong nagsimula na nga siyang mangalabit ng mga taong kumakain. "Sandugo, pahinging
piso,pambili lang ng pagkain," sabi niya sa isang babaeng may edad na. Dumukot na man ng pera
ang babae at saka ibinigaysa kanya, kasabay ng paglukot ng mukha nito. Ayos lang naman, sanay
naman na kami sa ganitong reaksiyon ng mga tagapatag. Minabuti kong mangalabit na rin ng kung
sino-sino upang matulungan si Inang Aniw. Isapa, gutom na rin talaga ako. "Sandugo, pahinging
piso. Pangkain lang po," sabi ko sa isang lalaking may-kalaldhan ang pangangatawan. Bahagya
akong napaatras nang Iumingon siya. Ang mukha kasi niya ay puro pinta. Sa palagay ko, isa siyang
kalahating lalaki at kalahating babae. "Ay, dugoy!" may gulat na sabi niya nang makita ako.
Kitang-kita ko, umikot ang kanyang baywang na katulad ng isang babaeng mananayaw. "Naku,
naubos na ang piso ko. Limampiso, ayaw mo?" nakangiting saad niya, kasabay ng pagdukot sa
kanyang kulay-rosass na pitalca. "G-gusto ko po," magalang na sagot ko. - "O, puwede naman pala
ang limampiso, e." Muli niyang inikot ang kanyang baywang, habang iniaabot sa akin ang tangang
limampiso. " `Wag piso ang hingin mo sa mga tao, limampiso na kaagad nang makarami ka, ha,"
muling sabi niya. Alam ko namang nagbibiro lang siya. "Maraming salamat po," saad ko. Hindi
halos ako makapaniwalang ang lalaking ito na kilos babae, na akala ko ay kaytapang, siya pala
ang may mabuting kalooban. Bago siya tumalikod ay inabutan pa niya ako ng isang supot na
naglalaman ng anim na pirasong itlog ng pugo na binalutan ng kulay-kahel at malutong na
pampalasa. Tuwang-tuwa ako. Ang itlog na ito pa naman ang paborito naming bilhin ni Inang
Aniw tuwing mapupunta kami rito sa San Jose. Malayo na ang tagapatag na nagbigay sa akin nito,
subalit ibinulong ko sa hangin na sana ay bantayan siya ng bathala ng kabundukan sa araw-araw
ng kanyang buhay. Kaybuti niya. Ngayon ko napatunayang tama ang palaging sinasabi ni Inang
Aniw sa aming magkakapatid. Mayroon ding mga tagapatag na marunong magmalasakit sa aming
mga Mangyan. Hindi na ako nangalabit pa ng ibang tao. Sapat na sa amin ni Inang Aniw ang anim
na pirasong itlog na ito. Ibibili ko na rin ng matamis na tubig ang limampisongibinigay ng
estranghero. Nakatutuwa, busog kami ngayong matutulog sa malamig na semento ng plaza na ito.
Kinabukasan ay maaga kaming bumangon ni Inang Aniw. Pagkatapos kumain ng tig-isang hinog
na saging ay muli naming sinunong ang mga balulang at mabilis na nagtungo sa harap ng
simbahan. Mabuti na lang at isang kalye lang ang pagitan niyon mula sa plaza na aming tinulugan.
Sa gitna ng mga nagsalimbayang mga tao ay inilatag namin ni Inang Aniw ang aming mga
panindang saging, kamoteng kahoy at dapO. Ilang sandali lang ay may mangilan-ngilan nang
nagsilapit sa amin. Isa na rito ang babaeng nakasuot ng magarang damit at may akay-akay na
magandang batang babae. "Sandugo, magkano itong dapes?" tanong niya sa akin. "Kalahating
daan po," sagot ko naman. "Anong kalahating daan? Singkuwenta ba?"
kunot-noong balik-tanong niya. Naalala ko, singkuwenta nga pala o limampu ang tawag sa kalahati
ng isandaan. lyon nga pala ang itinuro sa amin ni Teacher Sherlyn. lilang buwan pa lang kasi akong
nakapapasok sa eskuwelahan kaya hindi ko pa masyadong kabisado ang mga bilang. "Opo,
singkuwenta po," muli kong tugon. "Puwede bang trenta na lang? Pinupulot lang naman ninyo
'yan sa bundok, ' di ba?" muli namang hayag niya. Napatingala ako sa langit, hindi ko kasi alam
kung ilan ang trenta.
"Sige, trenta na lang," narinig kong sabi ni Inang Aniw sa babae, kasabay ng pag-abot ng isang
pirasong dap. Nang ibigay nito ang katumbas na bayad ay nakita kong ang trenta pala ay tatlong
pirasong sampung piso. Ibig palang sabihin ay mas mababa ito ng dalawang pirasong sampung
piso kaysa sa orihinal na presyo. "Wala bang libreng kamoteng-kahoy o saging man lang?
Hinuhukay lang naman ninyo 'yan sa bundok, di ba?" muling sabi ng babae. Mabilis naman itong
inabutan ni Inang Aniw ng dalawang pirasong kamoteng-kahoy. "Inang Aniw, hindi ba't sabi mo,
sampung piso ang halaga ng bawat piraso ng kamoteng-kahoy? Malalaki po iyon at mahahaba.
Bakit ibinigay lang po ninyo sa babae?" pabulong na sabi ko. "Ganoon talaga, Bulan. Dapat nating
pakisamahan ang mga tagapatag. Mangyan lang kasi tayo. Hayaan mo na, ang mahalaga, may
kitain tayo kahit maliit na halaga." Nalungkot ako sa isinagot ni Inang Aniw. Kami bang mga
Mangyan ay hindi maaaring tumanggi, o kaya'y mangatwiran man lang? Hindi ba nalalaman ng
mga tagapatag kung gaano kahirap ibaba mula sa bundok ang mga produktong ito? Nanahimik
ako, alang-alang kay Inang Aniw. Alam kong ang gusto niya ay maging mahinahon sa lahat ng
oras. Nagpatuloy kami sa ag-aalok ng aming mga produkto, subalit sa napakababang halaga lang.
Ayos lang, siguro naman ay makabibili na kami nito ng ilang pakete ng asukal at kape. Sana lang,
makabili rin kami ng mga isdang nasa lata. Paborito kasi ang mga iyon ng aking mga kapatid. Ang
sabaw pa lang niyon ay masaganang ulam na para sa amin. "Anak, wag kang lumapit dito, baka
mausog ka." Napukaw ang atensiyon ko sa isang lalaking lumapit sa aming mga paninda. Pilit kasi
nitong itinataboyang batang anak upang huwag lumapit sa aming puwesto. Baka raw kasi mausog
namin ni Inang Aniw. Hindi ko alam kung papaano at kung saan nagsimula na kaming mga
Mangyan ay madalas na kinatatalcutan ng mga tagapatag dahil sa usog. Sumasakit daw ang tiyan
at nanlalamig ang pakiramdam ng mga batang aming natitingnan, nababati at nakakausap. Subalit
alam kong hindi naman iyon totoo. Hinding-hindi namin gugustuhing manakit ng kapwa. • Naubos
ang aming mga paninda at kumita kami ni Inang Aniw ng halos anim na raang piso. Maliit ito
kumpara i sa pagod at hirap na dinanas namin sa pagbaba mula sa kabundukan. Subalit, sapat na
ito upang magbigay ng kasiyahan sa pamilyang aming babalikan.
Ayos lang, ang mahalaga ay kumilcita kami sa marangal na pamamaraan. Napakahalaga kasi ng
dignidad para sa aming mga Mangyan. Madalas man kaming nakadarama ng diskriminasyon mula
sa mga tagapatag, hindi magbabago ang paggalang namin sa kanila. Muli kong tinanaw ang mga
tagapatag. Ako'y napabuntong-hininga, kunod ng isang matamis na ngiti. Naisip ko, mag-.aral ako
nang mabuti at magtatapos, sa tulong na rin ni Teacher Sherlyn at ni Inang Aniw. Upang balang-
araw, kapag muli kong binalikan ang bayang ito ay magkalcaroon na ako ng malalcas na tinig
upang ipagtanggol at ipagmalaki ang aking lahi. Kakayanin lco nang makipagsabayan sa lcanila.
Higit sa lahat, maaari ko nang sabihing, "Ako si Bulan Balug-ay at ako, Mangyan."
Noong siyay nasa hayskul pa lamang, pangarap ni jeng ang maging katulad ni Darna. Subalit dahil
walang mapulot na mahiwagang bato, bolpen na lamang ang kanyang pinagdiskitahan. At sa
pamamagitan ng pagsusulat, nagkaroon ng buhay ang lahat ng imaheng hinabi ng kanyang
imahinasyon. Subalit dahil hindi pa uso nang mga panahong iyon ang Internet, nanatiling
nakapagkit sa sulatang papel ang kanyang mga akda, na nang maglaon ay nilarnon pa ng baha.
Bagaman.iba ang tinahak na landas nang magtapos ng kursong Batsilyer sa Agham ng Kontadurya,
ang pagsulat ay nanatiling buhay sa kanyang sistema. Kaya't matapos ang ilang taon, muli siyang
nagsulat, hanggang sa ang ilan niyang mga akda ay mailathala na nga.

You might also like