Professional Documents
Culture Documents
NI
JOSE RIZAL
Maynila
Ginang Teodora Alonzo
Ito na lamang
J.RIZAL
Liham ni Rizal sa kaniyang kapatid na si
Maria:
Madrid Ika-30 ng Disyembre, 1882
Binibing Maria Rizal
Tinanggap ko kahapon ang inyong sulat na dalawa ni Señora Maria. Nang huwag
kayong magsabi na hindi ko kayo sinasagot, ay susulatan kita kahit na ako ay
kakapusin yata ng panahon. Labing-apat na sulat ang aking natatapos at maikli sa
lahat ay ang sa iyo dahilan sa naubos na ang aking sasabihin. Hinihintay kong ako ay
datnan ng mga haleang bayabas na akala ko ay gawa ni tatng at ni Señora Neneng
dahilang mas nag-impok sa akin dine.
Huwag ninyo akong hiyain. Sa Karnabal na darating ay isusuot ko ang aking barong
gasa, kung nandito sana ang salakot kong sungay ay inaakala kong sila ay magugulat.
Sayang at hindi ko nahingi.
Si Trining ay hindi sumusulat sa akin; anhin ko si Choleng na wala sa bahay, baka
ayaw pasulatin o hindi pinasusulat. Gayunman ay kayo o ikaw ay sulatan mo akong
lagi at nang ikaw ay mabihasa. Inyong pagpisan-pisanin ang lahat ng sulat sa isang
sobre at inyong timbangin, kung wala sa 15 gramos, o alin pa ay di pa lampas sa
isang selyo. Kaya ganito ang sabi ko, ay tila kayo natatakot baka bumigat ang sulat.
Gayon din ang bilin ko kay Señora Sisa. Akala ko ay palagi kayong maingay diyan sa
bahay kung napapariyan ang mga kaliitan. Hindi man din kayo magkamayaw sa
mesang ipil, ibig ko sana kayong makita sa isang butas ng kosmorama.
Huwag mong antaying ako ay pumuti at magmukhang Kastila. Nariyan ba si Sra. Ipia?
Kung tumatawa ba ay maliit pa rin ang mata? Kumusta kay Trining.
G. Paciano Rizal
Tinanggap ko ang iyong sulat ng ika-13 ng Nobyembre at nabatid ang doo’y nilalaman.
Nakatanggap ako kay Tiyo Antonio ng 50 piso, na hindi ko inaakalang sa atin galing at
gayunman ay napapanahon ang pagkakarating sapagkat hinihintay ko ang buwanang
pensiyon ng Disyembre; hanggang ngayon ang paniwala ko ay ang kahulihulihang 100
piso na tinanggap ko ay ukol sa aking mga ginamit sa taglamig at matrikula.
Ikinagagalak kong sabihin na di pala ang iyong pagkakaunawang ang halagang
nakagawian mong ipadala sa akin, na sapat at may labis pa sa Barcelone, ay hindi
nagkakasya dito na ang mga gugugol ay dalawang ibayo. Apatnapung duro ay
nakasasapat kung mamumuhay nang matipid at hindi gugugol sa damit. Sa halagang
ito ay makapapasok minsan isang linggo sa dulaan ngunit hindi na hihigit pa sa minsan
lamang. Marahil ay may malalabi pang isang duro o dalawa sa isang buwan sakaling
hindi nagkaroon ng di-pangkaraniwang mga gugol. Isa sa mga bagay na lubhang
nakapagpapayat sa bulsa ay ang labada, mga sikulate at mga kape, sapagkat yamang
ako ay nakatira sa isang na totoong maginhawa ang aking kalagayan, at kumakain sa
iba, ay napipilitan akong mag-agahan sa ibang pook sapagkat walang agahan sa
kinakainan ko. Sa halagang 50 piso ay maluwag na maluwag na ang isang tao at maaari
pang makapagtipid para sa panahong gipit. Inaari kong isang dakilang biyaya ng
tadhana ang hindi natin pamumulubi sa napakaraming sakunang nangyayari riyan.
Umaasa akong pakikinabangan at maaani mo ang asukal taglay ang kasanayan at
kapalaran gaya ng dati, sapagkat sa gayon ay maaaring matupad ang isa sa mga
hangarin ko na dili iba kundi ang makita ka dito ng isa o dalawang taon at si Marianito,
Neneng at iba pa na naghahali-halilinan. Kinakailangang maglakbay. Binabalak kong sa
Hunyo ay pumaroon sa Paris o sa Roma, hindi ko pa napasisiyahan, kung
magpapakaganap ako sa Pranses na mabuti na ang aking pagkakaalam o kaya ay
tutungo sa Roma upang malasin ang mga bantayog at matuto ng Italyano. Kapag
walang nalalamang wika ay malaki ang nagugugol at masama ang nagiging
paglalakbay. Sabihin mo sa iyong mga kaibigan, sa mga maykaya, na inaanyayahan ko
ang kanilang mga anak na pumunta sa mga pook na ito. Ninanais ko sanang ang
susunod na salin ng lahi, ay maging isang salin ng lahing liwanag, maningning,
matalino at maunlad kapwa sa mga mamamayang Pilipino.
JOSE RIZAL
Liham ni Rizal para kay
Sixto Lopez: 2 Rednaxela Terrace, Hongkong Ika-22 ng
Pebrero, 1892
Piling kaibigang Sixto,
Hindi ako nakatagpo ng wiski na ang tatak ay John Pomer, kaya hindi na ako nangahas
bumili. Sulatan mo ako uli upang bigyan ako ng ibang tatak. Ang piyesa ng dril (jipijapa)
at nagkakahalaga ng 20 piso bawat isang piyesang may 40 dipa. Inaakala kong magiging
lalong mabuti, sapagkat ang hinihapang ito ay hindi karaniwan diyan sa mga mag-aaral.
Ang piyesa ng dril na de hilo na may mga guhit na pahalang ay nagkakahalaga ng 23
piso; ayokong ibili ka ng karaniwan.
Magiliw na sumasaiyo,
RIZAL
Liham ni Rizal para kay
Pastor Ulmer: Jagerstrasse 71, Berlin Ika-10 ng Mayo,
1887
Mahal na Pastor Ullmer,
Umaasa akong natanggap na ninyo ang aking aklat na ipinadala ko sa inyo noong
buwang nakaraan. Ngayon ay nangangahas akong magpadala sa inyo ng aking retrato
at humingi ng inyong retrato. Uuwi na ako sa amin. Bukas ay tutulak ako buhat dito,
maglalakbay ako ng daraan sa Dresden, Leitmeritz, Praga, Viena, Munchen, Nuernberg
Konstranz, Basel at Genoa. Sakaling kayo ay susulat magpapadala sa akin ng inyong
larawan, ay ipadala ninyo sa Genoa (Pagpapadalang Pangkalahatan). Darating ako
roon ng mga ika-20 ng buwang ito. Tinanggap ko ang mahal na sulat ni Federico at
pinasasalamatan ko siya nang marami. Susulatan ko siya buhat sa Viena at marahil ay
may ipapadala ako sa kaniya.
Sakaling susulat kayo sa akin, pagkatapos, ay ipadala ninyo ang inyong liham sa
Kapuluang Pilipinas Ginoong Dr. Jose Rizal Calamba, (Laguna de Bay)
Tapat na sumasaiyo,
(Nilagdaan) RIZAL
Liham kay Trinidad ni Rizal
Ang mga handog ni Josephine (Salin ni Ben Cailles Unson) Tatanggap ka ng isang
kahong isda, kakaw, at mga aklat. Ang isdang daing ay galing kay Binibinig J. at
ipamamahagi mo iyan kina Neneng, Sra. Sisa, sa mga ale at kay Nor Gino. Ang mga
aklat ng musika ay regalo ni Binibining J. kina Angelica at Delfina
Masayang dumaan sa amin ang Pasko, gaya ng dati. Naglitson kami ng Bulaw at
nagluto ng manok; inanyayahan namin ang aming mga kapitbahay; nagsayawan kami
hanggang madaling araw. Noong Disyembre 31 ay hindi kami natulog hanggang
makabagong-taon. Higit na mabuti si Binibining J. kaysa pagpapakilala sa kaniya ng
marami, at iniwawasto naming dalawa ang kaniyang mga pagkukulang. Siya ay
mapagkumbaba, masunurin, at hindi matigas ang ulo; tangi sa rito, siya’y maawain.
Ang kulay na lamang sa amin ay ang bumayad kami ng pari, ito lamang ang kulang sa
amin, hanggang ngayon ay di pa kami nagkakagalit lagi kaming masayang nagbibiruan.
Sa Aking Manananggol
(Salin ni Ben Cailles Unson)