You are on page 1of 4

CLASS PROPHECY

TIGWI NATIONAL HIGH SCHOOL (TNHS) Batch 2011-


2012
(Written by: Catherine R. Privado)

Sadyang napakabilis lumipas ng mga araw….parang kailan lang ngunit apat na taon na
pala ang mabilis na nalagas sa tangkay ng panahon; apat na taong punong-puno ng ibat ibang
pagsubok, pakikipagsapalaran, hamon at samut saring pangyayaring tunay na nagbigay kulay
sa ating high school life; at tulad ng mga linya sa awitin ni Sharon Cuneta “High school life, oh
my high school life, how exciting kaysaya...Hitik ng masasayang alala ang ating buhay-
hayskul.At kung maari lang sanang wag nang matapos ang yugtong ito sa ating buhay, ngunit
lahat ng mga pangyayaring ito ay tulad rin ng awit na mayroong simula at may itinakdang
katapusan. At sa nalalapit na araw ng aking paglisan sa bakuran ng ating Inang Paaralan,
sumagi sa aking isipan ang mga sumusunod na katanungan: “Ano kaya ang mangyayari sa amin
sa darating na sampung taon? Ano ano kaya ang mga pangarap na aming maisasakatuparan?
Sino kaya ang magiging matagumpay sa pipiliin nyang larangan?” At habang abala ang aking
isipan sa pagmumuni-muni ng aming magiging kapalaran, tila isang sagot sa aking mga
katanungan ang biglang paglitaw ng mga sumusunod na pangyayari sa aking balintataw.

May 15, 2022, ganap na alas syete ng gabi ang itinakdang petsa para sa Alumni
Homecoming ng TNHS Batch 2012… Maaga pa lang ay abala na ako sa paghahanda para sa
natatanging araw na ito. Sa katunayan, para lang makadalo sa nasabing pagdiriwang, humingi
ako ng isang buwang bakasyon sa aking opisinang pinaglilingkuran na nakabase sa Amerika
bilang isang Culinary Arts Expert sa isang sikat na 5-star hotel doon . At oo ngapala, habang
sakay ako ng eroplano, isang Boeing 747 Jumbo Jet papauwi ng Pilipinas noong nakaraang
buwan, nagulat ako at natuwa nang malamang ang magagaling na pilotong nagpalipad at
ligtas na naghatid sa akin at sa daan-daang pasaherong lulan ng nasabing sasakyan sa NAIA ay
ang aking mga dating kaklaseng sina VALENTIN MADRIA at ang co-pilot niyang si NICOLAS
RONCALE.Bandang huli ay napag-alaman kong kapwa rin nila kasamahan sa kumpanya ang
dalawa pang pilotong sina CRISDIAN VILLALVA at CLODOVEO PALATINO na sa mga oras na
iyon ay mayroon ding byahe bagamat sa ibang bansa ang kanilang destinasyon. Habang nasa
eroplano, palinga-linga ako sa pag-asam na may pamilyar na mukha akong makikita; at di
naman ako nabigo sapagkat sa hanay ng mga upuan sa business class ay agad kong nakilala ang
isang babae, si MARILYN MURILLO na uuwi rin ng Pilipinas makaraang makakuha ng bakasyon
sa opisinang pinaglilingkuran na nakalinya sa paggawa ng mga produktong electronics. Katabi
niya sa upuan ang tatlo pang Pilipinong sina WILMAR FIECAS, JESSABEL ANOS, at ANGELO
REQUINTEL na kapwa pala matatagumpay na abugado at sa katunayan ay kagagaling lang sa
isang international convention ng mga miyembro ng international court kung saan silang tatlo
ay kapwa mga miyembro. At lalo pang nadagdagan ang kasiyahan at tuwa sa aking puso ng
magalang akong lapitan at alukin ng pagkain ng stewardess na si GICEL QUIMORA. At dahil
oras pa ng kanyang trabaho, di kami gaanong nakapagkwentuhan ngunit siniguro nyang dadalo
sya sa ating Alumni Homecoming. Mayamaya pa at pumailanlang ang malamyos na boses ng
isang babae na nagbibigay ng ilang instructions sa mga pasahero ng eroplano na di kalaunan ay
nakilala kong si ANDREA REVILLA na isa nang Flight attendant sa sinakyan kong airline
company at part time model sa isang kilalang fashion house sa New York. At dahil
mahabahaba rin ang aking byahe mula New York hanggang Maynila, makailang beses kaming
nag stop over sa ibat ibang bansa, at sa gitna ng mga stopover na ito, nagkaroon ako ng
pagkakataong makadaan sa isang duty free shop sa HongKong na napag-alaman kong
pinapatakbo ni EDMON MALITAO na isa na palang matagumpay na business manager.Kasosyo

crp/2012
nya at kasamang nagpapatakbo ng negosyong ito si MARLYN PASTORAL na nagtapos pa ng
MBA sa De La Salle University. Tumatayong Accountant nila si VERONICA ROSALES, isang
Certified Public Accountant at isa sa mga Topnotchers ng CPA Board Exam mula sa UST.
Habang nasa loob ako ng tindahan at namimili ng ilang pasalubong, nakabungguan ko at
nandun din pala para mamimili ang mga seamen na sina JOVEN RICOHERMOSO, JOBETH
DELA AUSTRIA, CHRISTIAN MARK ANDRADE at RANTY WATIWAT; gayundin si RONALYN
MANTAL na isa ring seawoman at syang nag-iisang babae sa grupo na pauwi rin ng bansa
upang dumalo sa ating reunion. Nakapila ako sa lane patungo sa cashier upang bayaran ang
aking pinamili nang matanawan ko ang papasok na si MERC JOHN RAMOS, isang matagumpay
na Civil Engineer at isa sa mga empleyado ng isang construction firm na nakabase sa Amerika;
kasama sina MARK PERMEJO at ALDRIN RICOHERMOSO, na kapwa mga Marine Engineers na
uuwi rin ng Pilipinas upang dumalo sa Alumni Homecoming. Bago ako muling lumulan sa
eroplano makaraang makapamili ng pasalubong sa dutyfree shop, nagpasya akong dumaan sa
isang de-kalibreng restaurant na nasa loob ng isang five-star hotel sa HongKong upang kumain.
Laking gulat ko nang malamang ito pala ay pag-aari ni JONALYN ZOLETA na isa nang
restaurant owner and manager at isa lang ang sangay na ito sa HongKong sa kanyang
matagumpay na chains of restaurant sa ibat ibang bansa. At dahil na rin sa kanyang
reputasyon bilang matagumpay na negosyante, hindi rin nagdalawang isip sina PRINCESS
DIANE ZOLETA na isang marketing expert at sina MARY ANJILYN RECELLA, NHIEVLY CO,
MARYJANE FADRIQUELA, ANNA RECCA ABUYAN, GERRYME PARAS, EVANGELINE AMANDY at
CAREN FRIAS na sumosyo sa kanya sa napiling negosyo na sa kasalukuyan pala ay may mga
expansion ng mga branches sa Europe at Amerika. Kasama nya rin sa negosyong ito si GEL
MARIE REYNOSO na syang Master Chef at kabilang rin sa mga mahuhusay niyang service crew
si REYCHELLE REY.

Dahil matagal pa ang oras para sa stopover na ito, ipinasya kong maglakad-lakad sa
hanay ng mga boutiques at tindahan sa lugar na iyon nang matawag ang aking pansin sa
karatula ng isang tindahan: Noche’s Elegant Line of Clothing. Dahil tunog-Pinoy ang pangalang
ito, ipinasya kong pumasok upang tumingin sa mga nakadisplay na ibat-ibang damit. Habang
palinga-linga, nahagip ng aking paningin ang isang eleganteng babae na nakita kong nakangiti
at kumakaway. Siya pala ang nagmamay-ari ng tindahang napasukan ko, si MARICHIE NOCHE
na isa nang bigtime businesswoman sa Hong Kong. Dahil nagulat sa aming di-inaasahang
pagkikita, binigyan nya ako ng malaking discount sa aking napiling mga damit. Kasama niyang
nagpapatakbo sa negosyong ito si ROSIELYN MARQUEZ na isang Certified Public Accountant.

Naglalakad ako sa kahabaan ng business district ng Hong Kong nang mapatingala sa


mga naglalakihang electronic billboards na nagtataglay ng ibat-ibang advertisements at
namangha nang makita ko sa ads ang mga creation ng Fashion Designer na si RODOLFO
FERRAN. Mas lalo akong natuwa nang mamukhaan ko ang modelong rumarampa suot ang mga
eleganteng disenyo nya na si JOAN GRAVE na inayusan ng sikat na ring makeup artist na si
JENNIFER MATAYA.Napahanga ako sa gaganda ng mga ads na aking nakita at higit akong
namangha nang maya-maya ay mabasa ko sa billboard na ang mga ito pala ay isa sa mga
proyekto ng dati ko ring kaklase na si KENKEE POSTRADO na nagtagumpay rin sa larangang
napili na may kinalaman sa electronics at sa katunayan sila ang gumawa ng mga electronic
billboards na aking nadaanan.

Tunay ngang kaybilis lumipas ng panahon at tila napakarami na ng nangyari sa loob


lang ng sampung taon. Muli akong lumulan sa eroplano matapos ang stop over na ito; at
sapagkat mahaba pa ang aking byahe pauwi ng Pilipinas, saglit akong pumikit upang ipahinga
ang aking sarili. Makalipas ang ilang minuto, ipinasya kong palipasin ang oras sa panonood ng
isang palabas sa telebisyon.Naaliw ako sa programa mula sa isang sikat na network sa bansa;
at higit pang namangha nang mapokus sa monitor ng telebisyon ang mga hosts na nakilala
kong sina LEA POSTRADO, EDERLYN FADRIQUELA, ALBERT MAGCARANG, at JULIE ANN
DOLORFO na napag-alaman kong kabilang sa sirkulasyon ng mga sumisikat na TV hosts sa
Pilipinas. Lalo akong natuwa ng mapanood ko ang magagaling na artistang sina DESIREE

crp/2012
MATIMTIM, NORBERTO PASTRANA, kasama ang maalindog na dancer na si CHARMAINE
MALAKAS sa isang nakakaaliw na dance number. Hindi nagtagal, muling naghiyawan ang mga
tao sa live feed ng palabas nang tawagin sa entablado ang duet ng mga vocalists na sina
LAILANIE QUIZEL at ALLAN QUIZEL. Kapwa kasama sa isang sumisikat na alternative band ang
dalawa na nagkataong guest din sa nasabing noon time show.

Mayamaya ay nakita kong papalapit ang dalawang magagandang babae upang mag-alok
ng pamatid-uhaw. Nang makaharap sila ng malapitan, halos mapalundag ako sa tuwa ng
makilala ko ang dalawa na sina NESCHELLE CONSTANTINO at JULIET JULIANO na kapwa
mga stewardess din pala sa sinakyan kong eroplano. Matapos ang kaunting kumustahan, dagli
rin akong iniwan ng dalawa sapagkat oras pa ng kanilang trabaho kung kayat muli akong
napag-isa.

Matapos ang ilang oras sa himpapawid, sa wakas ay muling pumailanlang ang boses ng
stewardess na nag-anunsyo ng paglapag ng eroplano sa NAIA.Dali-dali kong hinagilap ang aking
hand-carried luggage at nakipila sa mahabang linya ng mga pasaherong pababa ng
dambuhalang sasakyan patungo sa arrival area. Dahil sa mahabang oras na ginugol ko sa
byahe, nagmamadali akong makakuha ng taksing masasakyan pauwi upang makapagpahinga;
at sa aking pagmamadali ay di ko napansin ang grupo ng kababaihang halos kasabay ko ring
bumaba ng eroplano; sina MARINELA CONSTANTINO, LHEANE FAMADICO, CHRISTINE
CAMERO, MARY CLAIRE OPIS, EFRELYN SADIM, MANILYN FALIBLE, ANJANETTE SORE at
JANE FAJURA na kapwa pala mga nurse na galing sa isang medical convention sa Harvard
University. Kasama nila sa nasabing overseas trip ang matagumpay na ring neurosurgeon, si
DR. MARLON PERMEJO. Kahit pagod, dagli akong nakaramdam ng tuwa sapagkat sa loob lang
ng ilang oras ay muli kong nakita at nakausap ang ilang mahahalagang taong matagal tagal ko
na ring hindi nakakabalitaan. Makaraan ang ilang minutong kumustahan, nagpasya kaming
pansamantalang maghiwa-hiwalay at nangakong muling magkikita sa darating na Alumni
Homecoming. Itinuloy ko ang aking paghihintay ng taksing masasakyan ng mayamaya naman
ay natanawan ko ang grupo ng mga pulis na rumuronda sa dakong iyon ng paliparan upang
tiyakin ang kaligtasan ng mga pasaherong paroon at parito sa nasabing lugar.Magalang silang
bumati at sumaludo sa akin, at tulad ng aking hinala, di nga ako nagkamali na sila sina Major
VINGEL REPORMA, Colonel MARLON PERGIS at Police Inspectors JOHN QUIMORA, DANILO
PAR, EUGENE GLEN DEL MUNDO, at JEFFERSON ESPLANA base sa nabasa kong nakasulat sa
suot nilang uniporme na kapwa naka assign sa NAIA. Ayon sa kanila, sa kasalukuyan ay
aktibong miyembro din ng Philippine National Police ang aming mga dating kaklaseng babae at
ngayon ay may ranggong Senior Police Inspectors na sina KATHERINE SORE, ABYGAIL
REGENCIA, KRISS CONSTANTINO, at CAREN LETAS. Makaraan ang maikling palitan ng
pangungumusta, nagpasya na akong sumakay sa nakaparadang taksi na naghihintay ng
pasahero. Sa wakas ay makakauwi na rin ako at muli ay makikita ang aking mga mahal sa
buhay. Habang lulan ng taksi, di ko naiwasang humanga sa nagtataasang gusali at skyscrapers
na nagpapaligsahan sa rangya.Ayon sa nabasa kong artikulo sa hawak kong broadsheet, ang
mga ito ay bunga ng malikhaing isipan ng arkitektong sina MICHAELA VILLALVA, JOHN MARK
MARITANA, JEFFREY RECANA at JOEY NATAL na magkakasosyo sa isang sikat na architectural
at engineering firm. Sila ang gumagawa ng mga primera klaseng proyektong may kinalaman sa
building construction at infrastructure. Nagsisilbing welder nila sina GARRY RECANA at
KENNETH REY na matiyagang gumagawa ng magagandang disenyong kinakailangan ng
ekspertong welder. Kasama rin nila sa negosyong ito sina ENGINEER CRISTLY JOY WATIWAT,
KEVIN KIEL RENTORIA, MARK ANTHONY PERALTA at JOHN MARK MARITANA. Tumatayong
accountant nila si KATHLYN PERNIA,ayon na rin sa dyaryong hawak ko. Tunay ngang lahat sa
aking mga dating kamag-aral ay nagtagumpay sa kani-kanilang napiling larangan.

Naputol ang daloy ng mga alaala sa aking isipan ng tawagin ang pansin ng lahat para sa
pagsisimula ng misang pasasalamat para sa Alumni Homecoming ng Batch 2011-2012. Naroroon
at syang magmimisa sina Rev. Father DARREN POSTRADO at NORLAN HONRUBIA. Habang
gumagala ang aking paningin, nakita ko ang mga sundalong sina CHERRY MAY MALAKAS,

crp/2012
CHARLIE GRIMALDO, SAMUEL MATAYA, JOSE SOSA, ROMY FIECAS, JOVY FLORES, BENEDICT
GLORIA, NOMELYN RAMINTO, MARK ANTHONY ROCHA, DENNIS FERWELO, MELMAR MANTAL at
ELBERT FERWELO na masayang nagkukwentuhan sa isang sulok ng bulwagan, habang abalang –
abala naman ang principal ng paaralan, si KORINA PAROME, kasama ang buong teaching force
ng TIGWI NATIONAL HIGH SCHOOL na kinabibilangan ng magagaling at batikang mga gurong
sina AMELYN PRIETO, AILEEN SARMIENTO, JENNE VELASCO, MENAVIC RELANO, JANINE
ELIZABETH PARAS, ARMIELYN SARMIENTO, JONALYN RICAMARA, GIRLY JANE ANDRADE, JULIE
ANN MACAILAO, EFRELYN ALMONTE at ROBERTO WATIWAT.Sila ang mga gurong nasa likod ng
patuloy na pamamayagpag sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga kabataan ng
Brgy. Tigwi.Sa gitna ng aming katuwaan, higit na nag-umapaw ang aming pananabik sa mga
dating kaibigan at kaklase na sa ngayon ay kapwa matagumpay na sa napili nilang larangan.

Dito ko napagtantong walang imposible kung magsisikap at magtitiyaga ang isang


tao.At kasabay ng pagkakaputol sa daloy ng mga pangyayaring malinaw kong nasakhihan,
bumalik ako sa reyalidad kasabay ang pag-usal ng dalanging naway gabayan tayong lahat ng
Poong Maykapal upang matagumpay nating marating ang ating mga minimithing pangarap sa
buhay.

crp/2012

You might also like