You are on page 1of 5

Module Code: Pasay-FilPLakad-Q4-W5-D2

Pangalan ________________________________ Taon at Pangkat: ________________


Pangalan ng Guro:_________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY

MODYUL SA FILIPINO 12
PAGSULAT SA PILING LARANG AKADEMIK
Ikaapat na Markahan / Ikalimang Linggo/Ikalawang Araw

PAKSA: Lakbay Sanaysay


LAYUNIN: Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay

PANIMULA Pamilyar ka ba sa mga personalidad na ito na


madalas na napapanood sa telebisyon?
Sila ang madalas na nagdodokumentaryo sa
HANDA KA NA BA? telebisyon para makita at malaman ang iba’t ibang lugar hindi
lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa din.Ilan pa dito ay
sina Howie Severino, Jay Taruc at marami pang iba.

Sa bawat panonood ng mga dokumentaryong pampaglalakbay ay nagkakaroon tayo ng


mga kaalaman tungkol sa kultura, tradisyon at iba pa hinggil sa isang lugar.
Ngayon ay magsusuring muli ng isang dokumentaryo at alamin kung nakasunod ba ito
sa batay sa Mga Gabay sa Pagsulat ng Lakbay sanaysay sa tulong ng mapapanood na
bidyo o mababasang teksto. Halina at tayo’y manood at magbasa.

MGA SANGGUNIAN:
• Filipino sa Piling Larang Teknikal at Bokasyonal Department of Education- Bureau of
Learning Reasources (DepEd-BLR)

MGA KARAGDAGANG SANGGUNIAN:


https://quizlet.com/241538585/ch7-lakbay-sanaysay-flash-cards/
https://elcomblus.com/pagsulat-ng-lakbay-sanaysay/
https://www.youtube.com/watch?v=tDPM91TqoHg
PAGTALAKAY SA ARALIN

Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Narito ang ilang mungkahi sa pagsulat ng lakbay-sanaysay na maaari mong maging


gabay.
>Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat magsa!iksik o magbasa tungkol
sa kasaysayan nito. Pag-aralan ang kanilang kultura, tradisyon, at relihiyon. Bigyang-pansin
din ang sistemang politikal at ekonomikal ng lugar. Pag-aralan din ang Iengguwahe na
ginagamit sa lugar na iyon.
> Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang naaabot ng paningin, talasan
ang isip, palakasin ang internal at external na pandama at pang-amoy, sensitibong lasahan
ang pagkain.
>Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat.Kumuha ng larawan para
sa dokumentasyon.
Module Code: Pasay-FilPLakad-Q2-W5-D2

Pangalan ______________________Taon at Pangkat:__________ Guro:____________

➢ Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng mga kathang-isip na ideya.


Isulat ang katotohanan sapagkat higit na madali itong bigyang-paliwanag gamit ang mga
malikhaing elemento.
➢ Gamitin ang unang panauhang punto de bista at isaalang-alang ang organisasyon ng
sanaysay sa pagsulat. Magkaroon ng kritikal na pananaw sa pagsulat sa pamamagitan
ng malinaw at malalim na pag-unawa sa mga ideyang isusulat.
➢ Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa susulating lakbay-sanaysay.
https://elcomblus.com/pagsulat-ng-lakbay-sanaysay/

MGA GAWAIN
GAWAIN 1: MANOOD O MAGBASA!

PANUTO: Pumili lamang ng nais gawin, manood o magbasa. Maglakbay sa Palawan partikular
sa Coron sa pamamagitan ng panonood ng programang pampaglalakbay o travel show na
pinamagatang Biyahe ni Drew (maaaring maakses dito:
https://www.youtube.com/watch?v=tDPM91TqoHg.
Kung magbabasa , Basahin ang tekstong “ Mga Pagsasanay sa Paggalugad ng Siyudad
ni Eugene Y. Evasco. Matatagpuan ang kabuuang teksto sa Filipino sa Piling Larang Akademik
Department of Education- Bureau of Learning Reasources (DepEd-BLR) Pahina 98-100 o maari
ring mabasa ito sa https://tomas.ust.edu.ph/wp-content/uploads/2019/08/15-Mga-Pagsasanaysa-
Paggalugad-Sa-Siyudad-Eugene-Evasco.pdf.

AYOKONG paniwalaan ang payo na huwag mag-uulit ng bansang pupuntahan. Narinig ko ito sa isang
kuwentuhan habang sinasariwa ang mga paglalakbay. Nakadalawang balik na ako sa Bangkok at tatlong ulit sa
Hong Kong. Nitong Mayo 2011, nasama ang Singapore sa bansang muli kong binalikan. Hindi ako pupunta ng
Singapore bilang turista. Pumunta ako rito para sa isang kumperensiya sa mga aklat pambata. “Matutuwa ka’t
makakasama mo ang mga kapwa manunulat,” sabi sa akin ng aking tagapaglathala na nagtaguyod sa aking
paglalakbay.
Isang buong araw lang ang libre upang makagala at matagal kong pinag-isipan kung saan pupunta – sa
Botanic Gardens ba, sa museo, o sa Little India upang makakain ng autentikong pagkaing may curry. Ang
nalalabing tatlong araw kasi ay para makinig ng mga lektura, maghanda sa paglulunsad ng bersiyong app ng
aking aklat, at makipagtalastasan sa kapwa manunulat. Hindi ako dapat magsayang ng oras. Nagtanong-tanong
ako. May nagsabing puntahan ko raw ang Bugis para mag-shopping. May nagpayo sa Universal Studios, Sentosa,
Night Safari. Sa mga kakilalang iskolar, hinikayat nila ako sa Singapore Art Museum at sa Asian Civilizations
Museum. Ang hirap mamili, lalo’t gusto kong siksikin sa isang araw lahat. Kalahati lamang ang laman ng aking
maleta paalis ng bansa. Misyon kong punuin ito ng mga libro, paboritong pabango, at kung papalarin ay mga
damit at sapatos na hindi ko mahahanap sa Pilipinas.
Hindi na ako nagdala pa ng laptop. Wi-Fi ang buong siyudad ng Singapore at mapapakinabangan ko ang
iPad. Salamat sa isang kaibigan na nagpahiram sa akin ng kanyang user account sa Wi-Fi. Sa pagsilip mula
eroplano habang lumalapag sa Changi, ramdam kong patungo ako sa modern at sistematikong siyudad.
Masasabing matagumpay ang urban planning sa Singapore, malayo sa estado ng kanilang lipunan 99 noong
dekada 60s. Sa airport, tila ako’y nasa mall o lobby ng hotel. Isa lang ang problema: paglabas ng paliparan, daig
ko pa ang pumasok sa suan o steam bath sa alinsangan. Nagmamadali kaming sumakay ng van ng sumundo sa
amin patungong Elizabeth Hotel, na nakatindig sa isang burol malapit sa Orchard Road. Marso ng 2009 nang una
kong makilala ang Orchard. Narito ang Ngee Ann City na katatagpuan ng Kinokuniya, isang bookstore na
magdudulot ng ADHD sa sinumang bibliophile. Matatagpuan din dito ang kanilang food court na murang
nagbebenta ng kanilang Hainanese Chicken rice. Sa isip ko, dalawa lang talaga ang pakay ko sa unang araw: mga
libro at pagkain. Food trip ito, tukso ko sa sarili. R.I.P. diyeta. Halos wala pang tulog, nilakad namin ang pababa
ng burol patungong Orchard. Natural na takot magtaxi ang mga kararating sa bagong lugar. Lagi akong nagko-
convert sa isip. “Wala kang mabibili kapag ganyan!” tukso ng mga kapwa-scholar noong nasa France ako at
nanghihinayang sa ilalabas na euro.Sa katitipid, inulan kami sa paglalakad. Ulang maligamgam. Maalinsangan,
walang malamig na simoy ng hangin. Sa lagkit ko, latik na lang ang kulang at biko na ako. Pagkaraan ng pagkain
ng lamang-tiyang Indonesian food (na agad kong binawi sa pagbili ng iced tea tarik), dumiretso kami sa estasyon
ng MRT.Nagtalo pa kami kung kukuha ng tourist pass o hindi. Sa matagal na pagdedesisyon, nagpasya na kaming
kumuha upang malaya naming magalugad ang siyudad.
Unang destinasyon ang Funan Digital Life Mall, kilala sa mga elektronikong kasangkapan. Limang palapag na ang
aming sinuyod at mailap pa sa tutubing kalabaw ang iPad 2. Sumabog daw kasi ang pagawaan nito sa Tsina.
Nagtungo kami sa The Arts House, isang dating lumang gusali ng Parliament House. Naisip ko, malaki ang
Module Code: Pasay-FilPLakad-Q2-W5-D2

Pangalan _________________________Taon at Pangkat:______________ Guro:_______________


pagpapahalaga ng Singapore sa kanilang kolonyal na arkitektura. Sa Pilipinas, ang gusaling Art Deco tulad ng Jai-
Alai ay tinibag ng pamahalaang lungsod ng Maynila. Ang Mehan Garden ay naging car park, nakatiwangwang
lamang ang historikal na Metropolitan Theater. Ang Intramuros ay pinagsulputan na ng Starbucks at iba pang
fastfood na kainan. Muli na namang namulaklak ang mga “sana” sa aking bibig. Hindi pa nagsisimula ang
kumperensiya pero nakahanda na ang eksibit ng mga ilustrasyon. Sinilip ko ang Earshot na pagdadausan ng
paglulunsad ng aking aklat. Pagkaraan, nilibot ko ang pasilyo at nakilala ko ang mga guhit ni Yusof Gajah, isang
dakilang ilustrador para sa bata mula sa Malaysia. Pumukaw sa aking pansin ang guhit niya ng makukulay na
daan at ang bus na naglalaman ng siyam na elepante. Naakit ako sa tila bata niyang pagguhit. Kinalaunan, napag-
alaman kong naïve art pala ang tawag sa estilong iyon. Umakyat ako ng ikalawang palapag at nasumpungan ang
pagsisimula ang paglulunsad ng mga aklat pambata sa wikang Tamil, isa sa opisyal na wika sa Singapore.
Interesado akong dumalo ngunit may hinahabol kaming itinerary – ang Asian Civilizations Museum at ang
pagbabalik sa Orchard Road para sa Kinokuniya. Nadaanan ko ang Media Mart nang magbebenta na ng mga
aklat pambata ng Tulika Books sa India. Napakayaman ng kanilang produksyon at may sariling tatak ang mga
ilustrasyon na nakaugat sa kanilang tradisyon.Medyo malayo pa ang dapat isagawa sa mga aklat pambata sa
Pillipinas na mahigpit ang kapit sa Kanluraning impluwensiya. Napagod na ba kami sa kakatunghay ng mga
sining? Pagdating namin sa katabing museo, halos maupo na lang kami sa may sulok. Nakapanghihina ang
alinsangan kaya paraiso ang airconditioned na lugar. Ito’y isang tikim ng langit. Hindi na kami nagpasyang
pumasok pa sa loob (dahil sa pagtitipid) at natuwa na lang sa libreng eksibit ng kasysayan ng Singapore River at
ng kontemporaryong sining Islamiko. Nakakuha ako ng ideya na magtipon ng mga tula pupuri sa Ilog Pasig
habang nakikinig sa audio presentation ng mga makatang dumarakila sa ilog Singapore. Paglabas, napagmasdan
namin ang maalamat na Singapore River.Malayong-malayo ito sa mga lumang larawan ng ilog. Ngayon, ligid na
ito ng mga matatayog at modernong mga hotel. Makisig pa rin ang braso ng Cavenagh Bridge, ang kaisa-isang
suspension bridge at isa sa pinakaluma nilang tulay sa Singapore. Pagtawid, kita namin ang eskultura ng mga
batang masayang tatalon sa ilog. Nilikha ito noong 2000 at pinamagatang “The First Generation.” Pakiramdam
ko, tumawid ako ng panahon at nagkabuhay ang mga tansong bata.Halos marinig ko ang kanilang halakhakan sa
pagsisid at paglutang sa ilog.
Ginulat na lamang ako ng Fullerton Hotel sa harap at ang mala-duriang Esplanade sa di-kalayuan upang
sabihing nasa kasalukuyang panahon ako. Sakay ng bus, nagbalik kami sa Orchard. Dumiretso kami sa Ngee Ann
City upang lusubin ang Kinokuniya. Lima hanggang anim na beses ang laki nito kaysa karaniwang bookstore sa
Pilipinas at hindi sila nagbebenta ng mga gamit pang-eskuwela, na siyang bumubuhay sa National Book Store.
Dalawang oras ang ginugol ko sa pghahanap at pagbabasa. Pagkaraan, bumaba kami sa may Food Village ng
Takashimaya. Dito ko muling natikman ang autentikong chicken rice, ang pambansang pagkain nila na
maitutumbas sa adobo o sinigang ng Pilipinas. Tila ito tinola na ang ipinansaing sa bigas ay sabaw ng manok.
May hiniwang pipino sa tabi nito at may oyster, chili, at ginger sauce na pampalasa. Mga cellphone na empty
batt kami pagkaraang kumain. Masarap mamasyal sa Singapore ngunit mauubos ang lakas sa paglalakad at
alinsangan. Gusto pa sana naming mag-window shopping sa kahabaan ng Orchard pero naghihimutok na ang
mga binti at talampakan. Isang bentahe ng paghohotel sa Singapore ay ang kanilang breakfast buffet. Sa Hong
Kong, kailangan pang pumunta sa kabilang fastfood restaurant para mag-almusal ng tinapay at itlog. Piyesta ang
agahang Singapore. Pansin kong may mga agahang tutugma sa panlasa ng kanilang suking parokyano – may
pang-Indian, may pang-Muslim, at may pangIndonesian/Malaysian. May chicken sausage na halal, may roti prata
at sarsang curry, at bibihira ang karneng baboy. Naging makabuluhan ang dalawang araw na kumperensiya ng
Asian Festival of Children’s Content. Umuunlad ang panitikang pambata ng Singapore dahil sa tangkilik ng
kanilang gobyerno.
Habang nanonood o nagbabasa ay itala ang mga sumusunod:
1. Mga lugar na pinuntahan ni Drew?( kung nanood) at kung ( nagbasa) mga lugar na
pinuntahan ng nagsasalaysay sa teksto ?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Mga pagkaing kinain .
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. Mga taong nakasalamuha o ininterbyu.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4. Mga ginawa: (mas nakatutok sa mga pandiwa tulad ng umakyat sa bundok, lumangoy, atbp.)
___________________________________________________________________________
10-8 7-6 5-4 3-1

Naitala ang lahat ng May kaunting kulang na Lubhang kakaunti Walang naitala sa
hinihingi sa nilalaman ng tala sa hinihinging lamang ang naitala sa hinihinging nilalaman
napanood / nabasa na nilalaman ng napanood hinihinging nilalaman ng ng napanood/ nabasa
lakbay sanaysay. /nabasa na lakbay napanood/nabasa na na lakbay sanaysay.
sanaysay. lakbay sanaysay.
Module Code: Pasay-FilPLakad-Q2-W5-D2

Pangalan _____________________Taon at Pangkat:_____________ Guro:____________


GAWAIN 2
PANUTO: Sagutin ang mga tanong mula sa napanood o nabasang lakbay
sanaysay.Maaring magpaliwanag ng tatlo hanggang lima na hinihingi sa ibaba.
(Limang puntos ang bawat isa) .
1. (Napanood) Saan-saang lugar nakarating si Drew ? Paano ilalarawan ang mga ito batay sa
nakita sa video ? Paano siya nakapunta sa mga lugar nabanggit?
(Nagbasa) Saan-saang lugar nakarating ang nagsasalaysay ? Paano ilalarawan ang mga ito
batay sa nabasa sa teksto ? Paano siya nakapunta sa mga lugar na nabanggit?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. ( Napanood) Ano-ano ang kinain ni Drew sa Coron? Paano ilalarawan ang mga ito batay sa
nakita sa bidyo at paglalarawan ni Drew? Magkano ang halaga ng mga pagkain?
( Nagbasa) Ano-ano ang kinain ng nagsasalaysay ? Paano ilalarawan ang mga ito batay sa
nabasa at paglalarawan nito? Magkano ang halaga ng mga pagkain?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. (Napanood) Sino-sino ang nakasalamuha ni Drew sa paglilibot sa Coron? Sino-sinong mga tao
ang nagpakilala sa Coron batay sa bidyo? Paano ilalarawan ang mga taong ipinakita batay sa
pinanood?
(Nabasa) ) Sino-sino ang nakasalamuha ng nagsasalaysay ? Sino-sinong mga tao ang
nagpakilala o nakilala niya ? Paano ilalarawan ang mga taong ito?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4. ( Napanood) Ano-ano ang mga ginawang gawain sa napanood na bidyo o nabasang teksto ?
Isalaysay o ikwento ang mga ito. Magkano ang ginastos upang magawa ang mga iyon?
(halimbawa: lumangoy, namasyal at iba pa.)
( Nabasa) Ano-ano ang mga ginawang gawain ng nagsasalaysay ? Isalaysay o ikwento ang
mga ito. Magkano ang ginastos upang magawa ang mga iyon? (halimbawa: lumangoy,
namasyal at iba pa.)
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

GAWAIN 3: Paanong nagamit ang mga mungkahing gabay na tinalakay sa itaas batay
sa napanood sa bidyo o nabasang teksto? Sumulat ng tatlo hanggang limang
pangungusap.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

PAGLALAHAT: Sa pamamagitan ng Connecting Stars. Isulat sa loob ng mga bituin ang


natutuhang “Mga Gabay sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay”.
Module Code: Pasay-FilPLakad-Q2-W5-D2

Pangalan _____________________Taon at Pangkat:__________ Guro:____________

Communication Skills : Understanding Concept, Understanding Words, reasoning, following direction


Critical Thinking Skills : Interpretation, reflection & explanation
Creativity Skills: writing or rephrasing
Colaboration: Engage brother in watching video and discussing the activity.
Character Skills : Sharing of Ideas

PAGTATAYA:
Panuto: Iguhit ang Finger Heart kung tama ang sinasaad g pangungusap at
Nevemind emoticon kung Mali ang isinasaad ng pangungusap.

_____1. Bawal kumuha ng larawan para sa dokumentasyon.


_____ 2. Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat.
_____3. Pag-aralan ang kultura, tradisyon, at relihiyon ng pupuntahang lugar.
_____4. Huwag nang pansinin ang sistemang politikal at ekonomikal ng lugar.
_____5. Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa susulating lakbay-sanaysay.
_____6. Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat magsa!iksik o magbasa
tungkol sa kasaysayan nito.
_____7. Hinde na mahalaga kung hinde ka marunong ng lenggwahe sa lugar na pupuntahan.
Huwag nang pag-aralan ito.
_____8. Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang naaabot ng paningin,
talasan ang isip, palakasin ang internal at external na pandama at pang-amoy, sensitibong
lasahan ang pagkain.
_____9. Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng mga kathang-isip na ideya.
Isulat ang katotohanan sapagkat higit na madali itong bigyang-paliwanag gamit ang mga
malikhaing elemento.
_____10. Gamitin ang ikatlong panauhang punto de bista at isaalang-alang ang organisasyon
ng sanaysay sa pagsulat. Magkaroon ng kritikal na pananaw sa pagsulat sa pamamagitan ng
malinaw at malalim na pag-unawa sa mga ideyang isusulat.

PAGSULAT:
Bakit mahalagang paghandaan ang paglalakbay? Ano ang maitutulong nito sa
iyong pagdodokumento at pagsulat ng Lakbay Sanaysay?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

MGA PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

5-4 3-2 1

Napakahusay ng Katamtamang husay sa Kailangang pagbutihin pa


pagpapaliwanag at pagpapaliwanag, may ang pagpapaliwanag at
makabuluhan ang kakulangan sa mga ideya. gawing makabuluhan ang
ideyang inilahad. mga ideya.

JACQUELINE D. REYES
Master Teacher 2
Kalayaan National High School
Writer

You might also like