You are on page 1of 7

_________________________________________

Maikling Kwento at
Nobelang
_________________________________________
Filipino

Pangalan: Keyza Vicente BSED Filipino 3 - A


MODYUL 1
MAIKLING KWENTONG PILIPINO

Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na paksa:


✓ Paksa 1: Katuturan ng Maikling Kwento
✓ Paksa 2: Katangian ng Maikling Kuwento
Upang mas lubos na mapalawak ang kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito,
ang mga mag-aaral ay inaasahan na matamo ang sumusunod:
✓ Naipapaliwang ang kahulugan at kahalagahan ng maikling kwento
✓ Naipapaliwanag ang mga ugat, uri, bahagi, sangkap at salik ng
maikling kwento.
✓ Nakakasuri ng maikling kwento na naaayon sa natalakay na sangkap
nito.
✓ Naipakikita ang kasanayang literasi sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng
maikling kwento;
✓ Nakapagsusuri ng iba’t ibang uri ng kwento na nalilinang ang kritikal
nag-iisip;
Huwag masyadong mahirapan at malito dahil paunang paglalakbay pa lamang
ito tungo sa kaalamang inyong inaasam-asam. Halina’t matuto at palawakin
ang imahinasyon sa Modyul 1.
PAKSA 1:
Katuturan ng Maikling Kuwento

Layunin:
✓ Naipapaliwang ang kahulugan at kahalagahan ng maikling kwento

Introduksyon

Ang maikling kwento ay isa sa mga anyo ng panitikan. Ito ay maiksing


salaysay na naglalaman ng isang kwentong may mahalagang pangyayari. Sa
kabila ng pagiging maiksi nito, maaari nitong taglayin ang lahat ng elemento
ng maikling kwento. Kadalasan, ito ay mapupulutan ng magandang aral at nag-
iiwan ng panibagong karunungan sa isip ng mga bata.
Isa ang maikling kwento sa panitikan ng pilipinas na naging isang paraan ng
mga ninuno noong unang panahon na ginamit upang maipagkalat ang
kagandahan ngg panitikan. Sa pag-usbong ng teknolohiya nakakalimutan na rin
ang halaga ng panitikan is ana rito ang paglimot sa kuwento noong unang
panahon. Minsan na rin nakalimutan ng ilang kabataan ang mga kuwento
noong unang panahon. Nakalimutan nil ana ang panatikan ang pangunahing
salamin ng kultura ng isang sambayanan.

Gawain

Gawain 1: Double Acrostic

Gamit ang salitang “KUWENTO”, ilarawan ang iyong karanasan sa


Pagtatanghal ng maikling kuwento. Ilagay kaliwa ang iyong negatibong
karanasan at kanan naman ang positibo karanasan.

Positibong Epekto Negatibong Epekto


- K - kawili – wiling karanasan - kulang sa kahandaan at kabado
- U - uuwi na may ngiti sa labi - umuwing bigo
- W - wagas ang pagkamalikhain - walang paghahanda
- E - entablado ay kabisado - eksena ay nakakalimutan
- N - nagkaroon ng tiwala sa sarili - nahihiya sa mga tagapanood
- T - talento ay nahasa - takot magkamali sa harap
- O - obligadong memorya ang mga linya - obaryo ang grado dahil
pangit ang pagkatanghal

Pagsusuri

Gawain 2: Pagpapalawak ng ideya

Basahing mabuti ang mga katanungan. Pagkatapos, sagutan ito ng may


komprehensibong paggawa.

1. Ano ang ibig ipahiwatig kaagad sa iyo tuwing naririnig mo ang salitang maikling
kwento?
Kapag narinig ko ang salitang maikling kwento, ang unang pumapasok sa aking
isipan ay ito ay isang akdang pampanitikan na kung saan ito ay naglalaman ng aral sa
mga mambabasa. Dagdag pa kspag narinig koi to ay maiisip ko rin na ang maikling
kwneto ay may tatlo hanggang apat lamang na tauhan at maikli lamang ang daloy ng
kwento.

2. Ano ang pamagat ng maikling kwento ang tumatak sa iyo na pilit mong binabalik-
balikang basahin? Bakit?
Ang tumatak sa akin na maikling kwento at palagi kong binabalik balikan ay ang Huling
Limang Oras. Ang kentong ito ay tungkol sa pamilya. Ang aral na mapupulot mo dito ay
lagging iparamdam sa mga magulang kung gaano natin sila kamahal. Hindi sa lahat ng
pagkakataon ay makaksama natin sila kaya hanggat maari ay sabihin natin ng madalas ang
mga salitang I Love You sa kanila at pahalagahan natin ang lahat ng sakripisyo nila para sa
atin. Kung ang iyong mga magulang ay nasa ibang bansa, maglaan ng oras upang maka –
usap sila sa telepono man o sa chat. Maliit na bagay ito para sa atin ngunit sa kanila ay
sobrang mahalaga ito. Kahit sa ganoong paraan ay maiparamdam mo na mahalaga sila sa iyo
at kaya mo ring magsakripisyo ng kahit kaunting oras para lang maksama sila.

3. Kung ikaw ang magiging guro at gagawa ka ng isang maikling kwento ano ang iyong
maaaring maging pamagat?
Kung ako ay gagawa ng isang maikling kwento ang magiging pamagat nito ay “Si Inday na
Walang Nanay”.

4. Bagamat mayroon na tayong mga sikat na kwento sa bagong henerasyon, paano mo


mapapanatiling buhay ang mga maikling kwento na sumikat noong unang panahon?
Maraming paraan upang mapanatiling buhay ang maikling kwento kahit sa umusbong na ang
teknolohiya. Kagaya na lamang ng patuloy na pagbasa sa mga ito, ibahagi sa ibang tao upang
malaman nila ang tungkol dito. Upang tangkilikin ang mga akda na gawa ng mga Pilipino
kaysa ibang Kpop cultures. Ating pagkatandaan na ang mga maikling kwento natin ay ating
Kultura na sumasalamin sa ating pagka Pilipino kaya mas pagyamanin pa natin ito upang
hindi mawala at maipasa pa sa susunod na henerasyon. Pahalagahan ito ng hindi mamatay o
mawalasapagkat ito ang daan upang tayo ay umunlad.

5. Paano masasabing ikaw ay isang tunay na mambabasa ng kuwento?

Masasabing ikaw ay isang tunay na mambabasa kung alam mo ang daloy ng kwento,
kabisado mo ang mga pangyayarisa binasa at ang aral na iyong natutunan ay isinasapuso at
hindi binabalewala,.

You might also like