You are on page 1of 8

FILIPINO 10

Ikatlong Markahan
Ikaanim na Linggo

LEARNING ACTIVITY SHEET


Division of Surigao del Sur
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning
Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by
DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external
resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use.
All Rights Reserved.

Development Team Quality Assurance Team

Developer: Raden Kee P. Casagda Evaluator/s: Mercy B. Abuloc


Queenie T. Salazar
Illustrator
Layout Artist:
Learning Area EPS:
PSDS/DIC: Carlos Tian Chow C. Correos

LAS Graphics and Design Credits:


Title Page Art: Marieto Cleben V. Lozada
Title Page Layout: Bryan L. Arreo
Visual Cues Art: Ivin Mae M. Ambos

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Surigao del Sur


Balilahan, Tandag City

Telephone: (086) 211-3225


Email Address: surigaodelsur.division@deped.gov.ph
Facebook: SurSur Division LRMS Updates
Facebook Messenger: Learning Resource Concerns

Telefax:

Email Address:
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa
ibang akda.
(F10PB-IIIf-g-84)

Mga Layunin:
A. Naipapaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
sanaysay at maikling kuwento.
B. Nakasusulat ng sariling pagsusuri batay sa grapikong
presentasyon.
C. Nabibigyang halaga ang sanaysay at maikling kuwento sa
pamamagitan ng pagsagot sa tanong.

Gawain ng Mag-aaral

Alamin

Ano ang Sanaysay?

- Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman


ng punto de vista (pananaw) ng may katha at kapupulutan ng aral.
- Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga elemento ng
pagpuna, opinyon, kuro-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala
ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.

Katangian ng Sanaysay:
- May paglilinaw sa mga bagay-bagay .
- Naglalatag ng paninindigan uapng humikayat o kumumbinsi sa iba
ukol sa isang punto.
- Naglalaman ng pagsusuri at pagmumuni, pag-uulat at
pagpapaliwanag o pangangaral at sermon.

Ano ang Maikling kuwento?


- Ayon kay Egdar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling
Kuwento “ang maikling kuwenton ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim ng salig sa buhay
na aktuwal na naganap o maaaring maganap.”
- Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng
damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o
damdaming may kaisahan.
Katangian ng Maikling kuwento:
- isang madula at di makalilimutang bahagi ng buhay ang paksa nito.
- Isang pangunahing tauhan na may masalimuot na suliranin o
gampanin.
- Nakatuon ito sa isang mahalagang tagpo.
- Isang kawing ng magkakaugnay na pangyayari na sumisidhi
hanggang sa kasalukuyan nito.
- Iisa ang nangingibabaw sa kakintalan.

Panuto: Basahin at suriin ang sanaysay:

Pag-ibig na Nawala at Natagpuan sa Berlin Wall

May isang babaeng nagngangalang Amelie Bohler na isinilang noong


1939 sa lungsod ng Silangang bahagi ng Berlin, ang kaniyang trabaho, mga
kaibigan at si Ludwik na kaniyang kasintahan ay nasa Kanlurang bahagi ng
Berlin naman. Pagkalipas ng anim na buwang pagiibigan, napagasya na
nilang magpakasal at si Amelie naman ay lilipat sa Kanlurang Berlin kung
saan ay naninirahan si Ludwik. Sa mga oras na iyon ay makikita ang bakas sa
saya sa kanilang mga mata hanggang sa paglubog ng araw noong Agosto
12, 1961. Kinabukasan ng nasabing gabi, Agosto 13, 1961, ay nangyari ang
hindi inaasahang biglaang pagsara ng byahe ng tren patungong Kanlurang
Berlin, ang sanhi nito ay ang Cld War panahon ng tensiyong politikal at
tensiyong militar, sa pagitan ng hindi pagkakaunawaan ng Estados Unidos
ng Amerika, Britanya, at Pransya na Demokratiko ang namahala sa
Kanlurang Berlin at Soviet Union na komunista naman ang namahala sa
Silangang Berlin. Tuluyang nahati ang Silangang at Kanlurang Berlin “Berlin
Wall” sa ingles. Tinulungan ng mga sumakop na ayusin ang ekonomiya ng
Kanlurang Berlin sa pamamagitan nang pagangkin ng Soviet Union sa lahat
ng mga pwedeng mapakinabangan sa Silangang Berlin na naging dahilan
naman ng pagiging usad-pagong na pag-unlad ng bahaging ito. Hindi na
kinaya ng mga taga Silangang bahagi ang pagkalugmok at nagsimulang
tumakas ang mga tao patungong Kanlurang Berlin. Bunga nito ay isinara ng
mga guwardya ang mga butas sa Berlin Wall at lalong naging istrikto na
humantong sa kailangan nang agad agarang barilin ang
magbabakasakaling tumakas ulit. Mas lalong napalayo si Amelie kay Ludwik
at tuluyang nagkahiwalay sa loob ng dalawampu’t walong tan at isang
beses lamang nakapagpadala ng sulat si Ludwik kay Amelie sa tulong ng
isang kinatawan ng pamahalaan sa Kanlurang Berlin sa patagong pagbigay
nito na naglalaman ng katagang “Hihintayin kita.” at sa wakas, sa tuluyang
pagwasak sa Berlin Wall ng mga ta, si Amelie ay limampung taong gulang
na ngunit sariwang sariwa pa din sa kanyang kaisipan na si Ludwik ang
minamahal niya. Agad nyang inabangan si Ludwik, dala-dala an gag-asa,
takot at kaba, nagbabakasakaling matutupad ni Ludwik ang pangako niya
at sa paglingon niya sa kulumpo ng mga nagsisigawan na tao ay nakita niya
ang kanyang kasintahan. Nagkitang muli sina Amelie at Ludwik at masayang
itinuloy ang naudlot nilang planong pagpapakasal makalipas ang isang
buwan.
https://ipfil4.wordpress.com/2018/01/31/pag-
ibig-na-nawala-

Alam mo bang...
➢ Ang pananaw sa pagsusuring pampanitikan o Moralistiko ng akdang
“Ang pag-ibig na nawala at natagpuan sa Berlin Wall” ay huwag
maging makasarili, isipin muna nag sitwasyon ng ibang tao bago
gumawa ng desisyon – ang parteng ito ay naipakita noong
pinaghiwalay ng mga nasa nakatataas na posisyon ang Silangan at
Kanlurang bahagi ng Berlin dahil sa pansariling alitan, kung saan ay
maraming naapektuhan na manggagawang mamamayan kabilang
na ang nagmamahalang sina Amelie Bohler at Ludwik.

Gawain 1: Iyong Suriin!


Panuto: Gamit ang Venn diagram ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng sanaysay at maikling kuwento batay sa iyong naunawaan. Isulat sa isang
buong papel ang kasagutan.

Pagkakaiba Pagkakaiba

Pagkakatulad

haaha
Gawain 2
Panuto: Ang Berlin Wall ay isang estrukturang kumulong sa mga
mamamayan ng Silangang Berlin sa loob ng dalawampu’t walong taon. Sa
buhay ng isang kabataang tulad mo ay may mga bagay ring kumukulong sa
iyo at nakahahadlang sa iyong paglago bilang isang tao. Ano-ano ang mga
maituturing mong “Berlin Wall” sa buhay mo at ano-ano ang magagawa mo
upang hindi ka mahadlangan ng mga ito sa iyong paglago at pagiging
mabuting tao? Punan ang mga kahon.

Ang mga maituturing kong “Berlin Wall” sa


buhay kong humahadlang sa aking paglago…
Ang magagawa ko Ang magagawa ko upang
upang mawala ang mga mawala ang mga ito sa
ito sa buhay ko ay… buhay ko ay…
Halimbawa:

pagkamahiyain
Huwag matakot sumubok
Makisama at ng mga bagay na bago sa
makihalubilo sa iba kinaugalian at
upang tumaas ang pagkamakatatakutin makakatulong upang
kumpyansa sa sarili. umunlad.

Gawain 3
Panuto: Ang sanaysay na binasa o pinakinggan ay hindi lang basta
maganda at masining. Bagkus, ito ay nagtataglay ng pagkakaiba at
pagkakatulad sa ibang akda tulad ng maikling kuwento. Basahin at unawain
ang mga katanungan at gawing gabay ang iyong kasagutan sa Gawain 1.
Isulat sa sagutang papel ang kasagutan.
1. Ano ang maaaring epekto sa isang indibidwal kung kanyang taglay
ang kasiningan sa pagsulat ng akda at kagalingan sa pagsasalita sa
madla?
2. Bakit mahalagang taglay ng mananalumpati ang kagalingan sa
pagsasalita sa madla?
3. Paano naging mahalaga ang sanaysay sa paglalahad ng damdamin
ng may akda?
Pagsuslit

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga pahayag. Matalinong


sagutin ang bawat aytem at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang
sagot.

1. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol


sa tiyak na paksa.
a. Sanaysay
b. Tula
c. Talumpati
d. Maikling kuwento

2. Bakit naiiba ang sanaysay sa ibang akdang pampanitikan?


a. Dahil puno itong impormasyon.
b. Dahil nagbibigay ng pananaw at opinyon
c. Dahil sumasalamin sa buhay ng indibidwal
d. Dahil napupulutan ng aral

3. Paano masasabing hindi sanaysay ang isang akda?


a. Kung ito ay naglalaman ng aral
b. Kung nagbibigay ng impormasyon
c. Kung hindi nagbibigay ng sariling opinyon
d. Kung hindi sumasalamin sa buhay ng tao

4. Gustong ilahad ng manunulat ang kanyang paghanga sa isang tao.


Ano ang layunin ng manunulat?
a. Magbigay-puri
b. Maglarawan
c. Magbigay ng impormasyon
d. Manghikayat

5. Bilang isang mag-aaral ano ang dahilan bakit ka nagbabasa ng


sanaysay at maikling kuwento?
a. Upang maraming matutunan na pwedeng maisagawa sa tunay
na buhay.
b. Upang maging magaling sa pagbabasa.
c. Upang malibang
d. Makapaglahad ng sariling kaisipan mula sa guni-guni na walang
batayan.
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1

Maaring magkakaiba ang sagot.

Gawain 2

Maaring magkakaiba ang sagot.

Gawain
Maaring magkakaba ang sagot

Sanggunian:

Marasigan, Emily V. et al. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoenix


Publishing House, 2015.
Https://Ipfil4.Wordpress.Com/2018/01/31/Pag-Ibig-Na-Nawala-

You might also like