You are on page 1of 6

FILIPINO 11

Filipino sa Piling Larang (AKADEMIK)


ACTIVITY SHEET – Kwarter 2 Week 3

Pangalan: Baitang 11

Paksa: LAKBAY-SANAYSAY

ALAMIN
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling
sulatin (CS_FA11/12PT-0m-o-90)

Kasanayang Pampagkatuto
Inaasahan na sa katapusan ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay;
1. nakatutukoy ng mahahalagang konsepto ukol sa paggawa ng lakbay-sanaysay.
2. nakalilikha ng isang lakbay-sanaysay batay sa nilalaman ng aralin.
3. napahahalagahan ang lakbay-sanaysay bilang kasanayan sa akademikong pagsulat.

SUBUKIN
Gabay na katanungan:
Itatanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Anong lugar ang nais mong mapuntahan o mapasyalan?
2. Anong paraan ng transportasyon ang gagamitin mo upang mapuntahan ito? Magkano
ang aabutin ng pamasahe?
3. Ano ang iyong mga dadalhin?

Paunang Pagsusulit
Panuto: Tama o Mali. Isulat ang titik “T”, kung ang pangungusap ay TAMA; kung may bahagi
namang mali sa pangungusap, isulat ang titik “M”.

1. Ang sanaysay ay akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuro-kuro o


kaisipan ng isang manunulat kaugnay ng kaniyang nakikita o naoobserbahan.
2. Kalimitang ginagamit ang patalinghagang salita sa mga impormal na sanaysay.
3. Ang lakbay-sanaysay ay nakasulat na tekstong naglalarawan at nagsasalaysay tungkol sa
lugar, tao, aktibidad at pagkain sa isang partikular na lugar.
4. Ang lakbay-sanaysay ay mapanuri o kritikal na uri ng sanaysay na tungkol sa mga naiisip ng
manunulat kaugnay ng kaniya nakikita o naoobserbahan.
5. Mas naglalahad at nagangatwiran ang lakbay-sanaysay kaysa nagsasalaysay at
naglalarawan.

1
BALIKAN
Balik-Tanaw
Panuto: Alalahanin ang mga nakaraang aralin at sagutin ang mga katanungan. Ilagay ang sagot
sa iyong papel.

1. Isa- isahin ang mga akademikong sulating natalakay na.

2. Ano- ano ang teknikal na pangangailan ng akademikong sulatin? Magbigay ng dalawang


halimbawa.

TUKLASIN
Ang lakbay- sanaysay o travelogue ay isang uri ng impormal na sanaysay na
nagsasaad ng sariling damdamin, kuro-kuro o kaisipan ng isang manunulat kaugnay ng
kaniyang nakikita o naoobserbahan sa kaniyang paglalakbay. Ito ay isang akademikong teksto
na nagsasalaysay at naglalarawan ng mga karanasan ng may-akda sa pinuntahang lugar,
nakasalamuhang tao, kultura, tradisyon, pamumuhay, pagkain at maging ang kanyang mga
naisip o napagtantong ideya sa perspektibo ng isang manlalakbay.

Dahil nga ito ay ukol sa karanasan ng manlalakbay, ito ay personal at subhektibo, kaya
naman karaniwang gumagamit ng unang panauhan katulad ng ‘ako’ at ‘kami’. Mayroon din
itong panimula, bahagi at wakas.

Ang layunin nito ay maitala ang karanasan ng manunulat at mailarawan ang kaniyang
nararamdaman, at natuklasan sa kaniyang paglalakbay.

Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng lakbay-sanaysay

1. Magsaliksik. Ayon kay Dinty Moore (2017), kailangang maunawaan ng manunulat ang
kultura ng lugar na kaniyang tatalakayin.

2. Maging malikhain sa paggamit wika. Ang mahusay na lakbay-sanaysay ay kakikitaan ng


maraming pandiwa at pang-uri upang mailarawan at maikwento ang mga pangyayari.

3. Ang “ikaw bilang manunulat”. Ayon kay O’niel (2015), kailangang maging malinaw ang
perspektibo tungkol sa naranasan habang naglalakbay. Sumulat sa paraan maipapakita at
maipaparanas ang sariling karanasang nakikita bilang manlalakbay.

4. Ilahad ang mga reyalisasyon o natutuhan sa ginawang paglalakbay.

*Ano ang mga natutuhan habang naglalakbay?


*Paano nito nabago ang iyong pananaw sa lugar? Sa buhay?
*Anong mga karadagdaang kaalaman ang iyong natamo sa paglalakbay?

2
SURIIN
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1(Written Work)
Panuto: Pumili ng isang palabas o babasahin na may halimbawa ng lakbay-sanaysay na iyong
nabasa o napanood na tulad ng “Biyahe ni Drew” sa GMA News TV at iba pa .
Basahin/Panoorin ang isa sa mga episode nito na iyong nais at sagutin ang kahingiang detalye
mula sa napiling akda/palabas. (20 puntos-
Kumpleto,Organisado,Totoo/Wasto,Malinis/Malinaw na Output)

Punan ng detalye ang mga sumusunod:


A. Pamagat ng akda
Biyahe ni drew:Flavors of Pampanga
B. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
Pangyayari 1: punta si byaherong drew sa
pampanga para malaman ang pag gawa ng sisig at
kung paano ito nag simula.
Pangyayari 2: ang pangalawang pinuntuhan ni
drew ay sa jun jun’s restaurant.
Pangyayari 3: sunod na pinuntahan ang La’s
Bakeshop kung saan sikat ang mga gawang
nilang tinapay
Pangyayari 4: Pagkatpos si Drew ay pumunta sa
lugar ng gawaan ng kakanin.
Pangyayari 5: Pinakita ang mga pagkain ng
pampanga at kung paano ito gawin.
C. Mga Lugar na pinuntahan
Lugar 1: Glaciano Valdez Street,Angeles
Pampanga
Paglalarawan: diko nakatayo ang kainan ng sisig
ni aling lucing at ang kanyang anak na ang nag
patuyo niyo.
Ginawa: napatayo ito ng ilang dekada na ang
nakalipas
Lugar 2: Fil Am Friendship Highway
Angeles,Pampanga.
Paglalarawan: kung saan nakatayo ang
restaurant na pinag simulan ng kaniyang lolo.
Ginawa: gumagawa sila ng barbeque at bibingka
na patok sa mamimili.
Lugar 3: Nepo Mart Angeles,Pampanga
Paglalarawan: ito ang lugar kung saan nakatayo
ang susie cusie
Ginawa: ginagawa dito ang mga ibat ibang
kakanin na gawang kapampangan.
D. Mga Taong nakasalamuha
3
Tao 1: Zeny, Ang anak ng nag pasimula ng
pagluto ng sisig.
Katangian: Anak ng may ari ng sisig restaurant
ni aling lucing.
Tao 2: Justin Barlin
Katangian: pangatlong hinerasyon .
Tao 3: Myra Felician
Katangian: production Manager
E. Mga Kinain
Pagkain 1: sisig
Paglalarawan: Sisig ang sikat na luto sa pampanga na nag simula kay aling lucing. Ang
sisig ay tinatawag na maasim asim o nag lilihi.
Pagkain 2: Bibingka at sisig o barbeque
Paglalarawan: ang sisig lang dapat ang agagwin kaso sinamahan na nila ng bibingka para
maantig ang mga mamimili at kakain dito.
Pagkain 3:Kakanin
Paglalarawan: Ang mga kakanin na ginagawa dito ay dinadayo ng mamimili dahil sa
kanilang pag gawa nito.
F. Mga Ideyang naisip o napagtanto ng awtor sa
paglalakbay Ideya 1: Ang pagkain ay kinain kung tayo masaya o
malungkot.
Ideya 2: ito pag kain ay pwedeng maging comfort at maaring gumaling kung kakain ka
ng kakaibang pagkain.
Ideya 3: Pag tayo ay kakain sinasama natin ang mga kaibigan, pwedeng kumain habang
kumakain ito ang daan para maging masaya ang isang tao kung hindi ka kakain edi ikaw
ay mamatay.

4
PAGYAMANIN
Lumikha ng isang Venn diagram na nagpapakita ng pagkakapareho at pagkakaiba ng
anyo ng pagpapahayag na paglalarawan at pagsasalaysay.

ISAISIP
Paano mailalapat ang kasanayan sa paglikha ng lakbay-sanaysay sa iba pang paraan at
layunin ng pakikipagtalastasan? Ipaliwanag.

ISAGAWA - (Lapat-Galing!)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: (Performance Output)
Panuto: Bilang anak ng Laguna, paano mo maipagmamalaki ang iyong lugar, distrito, o bayan
na kinabibilangan? Sagutin ito sa pamamagitan ng paglikha ng isang lakbay- sanaysay ukol sa
iyong lugar o bayan kung saan ka nakatira o nag- aaral. Isaalang-alang ang mga natalakay at
halimbawang sulatin sa pagbuo ng sariling lakbay-sanaysay. 3-5 pahina lamang para sa buong
lakbay-sanaysay (larawan at sanaysay). Maaaring digital o iginuhit ang mga larawang ilalagay sa
Word Document o Power Point Presentation / PDF File.

Pamantayan sa Paglikha ng Lakbay-Sanaysay


*Impak ng mga Larawan (Lugar,Pagkain,Tao,Tradisyon,Pangyayari) – 10 puntos
*Kawastuhan at Organisasyon ng Sanaysay - 10 puntos
*Pagkamalikhain - 10 puntos

Kabuuan - 30 puntos

5
TAYAHIN
Pagwakas na Pagsusulit
Panuto: Tama o Mali. Isulat ang titik “T”, kung ang pangungusap ay TAMA; kung may bahagi
namang mali sa pangungusap, isulat ang titik “M”.
1. Hindi na kailangang maunawaan ng manunulat ang kultura ng lugar na kaniyang tatalakayin.
2. Ang lakbay- sanaysay ay kilala rin sa tawag na travelogue sa ingles.
3. Mas naglalahad at nagangatwiran ang lakbay-sanaysay kaysa nagsasalaysay at naglalarawan.
4. Ang mahusay na lakbay-sanaysay ay kakikitaan ng maraming pandiwa at pang-uri upang
mailarawan at maikwento ang mga pangyayari.
5. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, marapat ding maglagay ng mga ideyang napagtanto mo sa
paglalakbay.

Sanggunian:

Kagawaran ng Edukasyon. (2016). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Pasig City: DEPEd- BLR.

Maestro Valle Rey. (2019). Lakbay sanaysay – ang kahulugan at mga layunin. Nakuha sa
https://philnews.ph/2019/07/23/lakbay-sanaysay-kahulugan-layunin/

JolinaBarlam (2019). Kahulugan at katangian ng lakbay-sanaysay. Nakuha


sa https://www.slideshare.net/JolinaBarlam/lakbay-sanaysay-190360927

Tan, R. (2019). Kahulugan ng lakbay-sanaysay. Nakuha sa https://www.youtube.com/watch?


app=desktop&v=myppjYsrvio

Ziandykate. (n.d.). Ano ang katangian ng lakbay sanaysay. Nakuha sa


https://brainly.ph/question/844810

Susi ng Pagwawasto:

You might also like