You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX – Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
Dao, Pagadian City

Learning Activity Sheet (LAS) Template

Asignatura at Lebel: Filipino sa Piling Larang
Blg.ng Markahan. 2 Blg.ng Linggo 6

I. Pangunahing Impormasyon (Mag-aaral at Materyal)

Pangalan: ______________________________________________ Iskor:_____________
Seksiyon:________________________ Petsa: ____________
Pamagat: 3M (Maglakbay, Manood at Matuto)
Kasanayang Pagkatuto at Koda: Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang
pampaglalakbay. CS_FA11/12PD-0m-o-102
Sanggunian:_ https://www.youtube.com/watch?v=2IgDfRzHmhU-elemento-ng-programang-
Pampaglalakbay; https://www.youtube.com/watch?v=ULNSFBK5c7I-biyahe-ni-drew
Adriatico, M, 2020 – Modyul 6 – Mga Elemento sa Programang Pampaglalakbay

_______________________________________________________________________

II. Susing Konsepto at Mga Halimbawa

Mga Elemento ng Programang Pampaglalakbay
1. Tema – Ito ang sentral o pangkalahatang idea kung saan umiikot ang mga detalye sa
teksto.
2. Anyo at Istruktura – Inilalahad dito ang maayos at lohikal na pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari.
3. Kaisipan – Ito ang mga ideyang nabanggit na kaugnay at nagpalinaw sa tema.
4. Wika at Istilo – Tumutukoy ito sa uri, antas at istilo ng pagkakagamit ng wika na
nakaaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa.
5. Larawan ng buhay – Sa bahaging ito inilalarawan ang buhay sa isang makatotohanan at
masining na pagsasalaysay.
6. Damdamin – Naipahahayag ng may-akda ang kanyang damdamin nang may kaangkupan at
kawastuhan.
7. Himig – Nagpapahiwatig ito ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, nanabik,
namamangha at iba pa.

Poracay Resort

Tuwing bakasyon isa sa mga pinakahihintau ng mga tao ay ang mamasyal o

magbakasyon sa mga “Resort” o “Beach.”
Noong ika-28 ng Mayo napagdesiyunan naming mamasyal sa labas ng probinsya ng
Tarlac at isa sa mga napuntahan naming lugar ay ang Poracay Resort sa Porac, Pampanga.
Ang Poracay ay ipinangalan sa lugar na Boracay na isang popular na lugar sa Visayas.
Ang Pampanga ay di nalalayo sa Tarlac kaya’t ang biyahe dito ay umaabot lamang
sa isang oras at kalahati. Umalis kami ng 8:00 ng umaga at nakarating doon ng eksaktong
9:30 ng umaga. Sa pagdaan namin sa Porac, kitang-kita pa rin anamin ang mga abo na
iniwan ng pagsabog ng Mount Pinatubo maraming taon na ang nakalilipas. Pagkarating
doon ay tumambad sa amin ang napakaraming tao na nagbabakasyon. Maayos naman ang
kanilang Sistema at kaagad naming nakuha ang aming “Card: na nagsilbing entrance key
namin.
Ang entrance fee ay umaabot ng 120 hanggang 190 kada tao, na napakasulit kung
ito’y titingnan. Ang resort na ito ay bukas ng 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi para sa
pang-umagang iskedyul at sa mga gusto naman mag-overnight mayroon silang 6:00 ng
gabi hanggang 12:00 ng hating-gabi. Mayroon din silang villa at kwarto na pinaprentahan
para sa mga gusting mag-overnight.
Pagkapasok sa loob ay tatambad sa iyo ang napakalaking signatura nila at isang
napakalaki at napakagandang sunflower na gawa sa papel. Nakakamangha kung gaano
kaganda at kalaki ang resort na ito at napakarami ring pools na pwedeng puntahan.
Mayroon din itong activity area at man-made lake kung saan pwede kang mag-
zipline, kayak, fishing at mayroon din itong maihahalintulad sa face spa na animo’y
kakainin ng mga maliliit na isda ang iyong mga dead skin cells. Noong nagpunta kami
doon ay hindi naming naabutan pa ang activity area sapagkat ito ay ginagawa pa lamang.
Sa subrang laki ng resort na ito ay maaari kang maligaw ngunit madali lamang
sundin ang mga daanan nito sa mga kanilang nakakapang-akit sa matang mga payong at
siyempre hinding-hindi natin makakalimutan ang pagkain. Maaari kang magdala ng sarili
mong pagkain dahil tulad ng mga karaniwang resort. Mayroon itong ihawan at food court
na nagbebenta ng mga abot-kayang pagkain.
Pinagkunan: ymdltravelblog
August 13, 2017

III. Pamamaraan/Mga Gawain/Gabay na Tanong

Kaya mo bang Gawin?

Panuto: Basahing mabuti ang lakbay-sanaysay na “Poracay Resort,” pagkatapos ay suriin ayon sa
sumusunod na mga elemento.

Tema:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______

Anyo at Istruktura:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Kaisipan:

Himig:

Damdamin:

Wika at Istilo:

Larawan ng buhay:

------------------------------------------------------------------------------
IV. Susi ng Pagwawasto
Paalaala: Ang pagwawasto ay naayon sa Rubrik at galing sa pagsagot ng mga mg-aaral.

Pamantayan 5 4 3 2
Organisasyon Malinaw at Di-gaanong Malinaw at Malinaw at
maayos ang malinaw at maayos ang maayos ang
pagkakasunod- maayos ang pagkakasunod- pagkakasunod-
sunod ng kaisipan pagkakasunod- sunod ng kaisipan sunod ng kaisipan
sunod ng kaisipan
Nilalaman May sampung May walong May anim na May apat na
paglalarawan sa paglalarawan sa paglalarawan sa paglalarawan sa
pinuntahang lugar pinuntahang lugar pinuntahang lugar pinuntahang lugar
at mga larawang at mga larawang at mga larawang at mga larawang
kalakip kalakip kalakip kalakip
Kawastuhan ng Wasto ang May konting mali Maraming mali sa Malabo ang
Gramatika paggamit sa mga sa paggamit sa paggamit sa mga paggamit sa mga
bantas, baybay, mga bantas, bantas, baybay, bantas, baybay,
maliit at malaking baybay, maliit at maliit at malaking maliit at malaking
letra malaking letra letra letra
Kakintalan Nag-iiwan ng Di-gaanong nag- Nag-iiwan ng Walang iniwang
impresyon sa iiwan ng impresyon sa impresyon sa
mambabasa upang impresyon sa mambabasa mambabasa
mahikayat na mambabasa ngunit di upang mahikayat
maglakbay upang mahikayat mahikayat na na maglakbay
na maglakbay maglakbay
KABUUAN 20

Inihanda ni:
SAMRINA U. INIDAL
Dinas National High School

Address: Provincial Government Center, Dao,

Pagadian City Strengthening
Telephone No.: (062) 214 – 1991 Unequivocal
E-mail Address: depedzambosur@gmail.com Response for
Website: www.depedzambosur.info Excellence

You might also like