You are on page 1of 18

DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL

LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)


K TO 12 PROGRAM Grade 7

Pangalan: Petsa Iskor:


Paksa: Ang Ponemang Suprasegmental
Paksang Pamagat: Apat na uri ng bigkas o diin sa Filipino
Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng
suprasegmental (tono, diin, antala) F7PN-IIIa-c-13
Sanggunian: Santiago, Erlinda M. et al. (2010). Panitikang Filipino.
Mandaluyong City: National Book Store
LAS No.: 02
Links: https://filipino101blog.tumblr.com/post/71637256265/ponemang-
suprasegmental/embed

KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Apat na prinsipal na uri ng bigkas o diin sa Filipino:

Malumay: Binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang


pantig buhat sa hulihan. Ito ay hindi ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan.
Maaring magtapos ang salitang malumay sa patinig o katinig

Mga Halimbawa:

buhay malumay kubo apat


baka kulay babae

Malumi – Ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang malumay. Ito’y
binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ang
ipinagkaiba lamang ng dalawang pagbigkas na ito ay ang impit na tunog sa dulo ng
mga salitang malumi. Palaging nagtatapos sa tunog patinig ang malumi. Ginagamit
natin ang tuldik na paiwa (\) sa pagpapakilala ng mga salitang binibigkas nang malumi.

Mga halimbawa

bato lahi pagsapi bata luha


mayumi tama lupa lupa panlapi

Gawain
Panuto: Tukuyin kung ang salita ay malumay o malumi. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.

_____________1. halaman _____________ 6. Pusa

_____________2. bahay _____________ 7. mababa

_____________3. alaala _____________ 8. magluto

_____________4. sinabi _____________ 9. hiwa

_____________5. Maligaya _____________ 10. Tabo


DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
K TO 12 PROGRAM Grade 7

Pangalan: Petsa Iskor


:
Paksa: Ang Ponemang Suprasegmental
Paksang Pamagat: Apat na uri ng
Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng
suprasegmental (tono, diin, antala) F7PN-IIIa-c-13
Sanggunian: Santiago, Erlinda M. et al. (2010). Panitikang Filipino.
Mandaluyong City: National Book Store
LAS
Link: https://filipino101blog.tumblr.com/post/71637256265/ponemang-
No.:
suprasegmental/embed
03
Link: https://rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-2/Supplemental
%20Filipino%20High%20School%20Grade%207%203rd%20Q.pdf

KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Apat na prinsipal na uri ng bigkas o diin sa Filipino:

Mabilis – ang mga salitang mabilis ay binibigkas nang tuloy-tuloy na ang diin ay nasa
huling pantig. Wala itong impit na tunog. Maaring magtapos ang mga salitang binibigkas
nang mabilis sa katinig o patinig. Ginagamitan ito ng tuldok na pahilis (/) na inilalagay sa
ibabaw ng huling patinig ng salita.

Mga halimbawa:

dilaw kahon sapin rebolusyon


pito bulaklak buwan huli

Maragsa – ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang tuloy-tuloy na tulad ng mga
salitang binibigkas nang mabilis, subalit ito’y may impit o pasarang tunog sa hulihan.
Tulad ng malumi, ito ay palagiang nagtatapos sa tunog na patinig. Ginagamit dito tuldik
na pakupya (/\) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig na salita.

Mga halimbawa:

daga wasto pasa tumula


hindi kumolo humula

Gawain
Panuto: Tukuyin kung ang salita ay mabilis o maragsa. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.

_____________1.halakhak _____________6. madugo

_____________2.madalas _____________7. tula

_____________3.takbo _____________8. masama


_____________4.malaki _____________9.salapi

_____________5.mabait _____________10.mataba

Pangalan: Petsa Iskor:


Paksa: Panitikang Mga Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, at Palaisipan
Paksang Pamagat: Katangian ng Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, at
Palaisipan
Kasanayang Pampagkatuto: Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang
de gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan. F7PU-IIIa-c-13
Sanggunian: Santiago, Erlinda M. et al. (2010). Panitikang Filipino.
Mandaluyong City: National Book Store
Link: https://www.slideshare.net/MichelleMuoz18/tugmaang-de-gulong- LAS No.: 06
tulang-panudyobugtongpalaisipan

KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Tulang Panudyo – Ito ay isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay may
sukat at tugma. Ang layunin nito ay mambuska o manudyo. Nagpapakilala ito na an
gating mga ninuno ay may makulay na kamusmusan.

Halimbawa
Bata batuta! Isang perang muta!

Pedro penduko
matakaw ng tuyo
Nang ayaw maligo
Pinukpok ng tabo

Isa, dalawa, tatlo


Ang tatay mong kalbo
Isa, dalawa, tatlo, apat
Ang tatay mong payat

Gawain
Panuto: Sumulat ng sarili tulang panudyo. (maaring 2, 3, o apat na saknong)

Pamantayan Bahagdan
Nilalaman 40%
Masining na Pagkakagawa 20%
Orihinalidad ( Sariling Pagkakagawa) 40%
Kabuuan 100%

________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
Ipaliwanag ang kahulugan ng iyong tulang panudyo.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
Grade 7
K TO 12 PROGRAM

Pangalan: Petsa Iskor:


Paksa: Panitikang Mga Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, at Palaisipan
Paksang Pamagat: Katangian ng Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, at
Palaisipan
Kasanayang Pampagkatuto: Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang
de gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan. F7PU-IIIa-c-13
Sanggunian: Santiago, Erlinda M. et al. (2010). Panitikang Filipino.
Mandaluyong City: National Book Store
Link: https://www.slideshare.net/MichelleMuoz18/tugmaang-de-gulong- LAS No.: 07
tulang-panudyobugtongpalaisipan

KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Tugmang de Gulong – Ito ay simpleng paalala sa mga pasahero na maaari nating


matagpuan sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney,bus,at traysikel. Maaari
itong nasa anyo ng salawikain,maikling tula o kasabihan.

Mga halimbawa

Ang sitsit ay
para sa aso,
Magbayad Miss na sexy, ang katok ay sa
pinto, sambitin
lamang ng para pamasahe
ang “para” sa
barya sa mo’y libre, sa tabi
umaga upang drayber ka
hindi maabala. tumabi. tayo
hihinto.

Gawain
Panuto: Sumulat ng sarili tugmang de gulong.

Pamantayan Bahagdan
Nilalaman 40%
Masining na Pagkakagawa 20%
Orihinalidad ( Sariling Pagkakagawa) 40%
Kabuuan 100%

________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________

Ipaliwanag ang kahulugan ng iyong tugmang de gulong


____________________________________________________________________________________
DIVISION OF CAGAYAN DE ORO CITY
LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
K TO 12 Grade 7
PROGRAM

Pangalan: Petsa Iskor:


Paksa: Panitikang Mga Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, at Palaisipan
Paksang Pamagat: Katangian ng Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, at
Palaisipan
Kasanayang Pampagkatuto: Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang
de gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan. F7PU-IIIa-c-13
Sanggunian: Santiago, Erlinda M. et al. (2010). Panitikang Filipino.
Mandaluyong City: National Book Store
Link: https://www.slideshare.net/MichelleMuoz18/tugmaang-de-gulong- LAS No.: 08
tulang-panudyobugtongpalaisipan

KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Palaisipan – Ito ay isang suliraning uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng


lumulutas nito. Sa karaniwang palaisipan, inaasahang malutas ito sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon.
Ito ay kadalasang nalilikha bilang uri ng libangan, ngunit maaari din namang magmula
ito sa seryosong matematikal at lohikal na suliranin.

Halimbawa:
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang ‘di
man lang nagagalaw ang sombrero.
Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero.

Kaanu-ano ko ang tatay mo na tiyuhin ng pinsan ko, na kapatid ng tiyahn ko, bunsong
anak ng lola ko at kapareho ng apelyido ko.
Sagot: Tatay ko

Gawain I
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na palaisipan. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
1. Ako ay nasa gitna ng dagat, nasa huli ng daigdig, at nasa unahan ng globo!
Sagot:___________
2. Si Mario ay isa lamang sa magkakapatid. Ang mga pangalan ay sina Enrique, Pedro,
Menandro, Anton, at
Sagot: ____________
3. Ang lolo at lola ng kaibigan ko ay ama at ina ng ama ng kaibigan ko at ama at ina ng
ama ko. Ang ama ko ang nag-iisang anak ng lolo at lola ko na siya namang ama at ina
ng ama ng kaibigan ko. Kaanu-ano ko ang kaibigan ko?
Sagot: ____________

Gawain II
Sumulat ng sariling palaisipan at ipaliwanag ang sagot nito
Pamantayan Bahagdan
Nilalaman 40%
Masining na Pagkakagawa 20%
Orihinalidad ( Sariling Pagkakagawa) 20%
Kabuuan 100%

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

DIVISION OF CAGAYAN DE ORO CITY


LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
Grade 7
K TO 12 PROGRAM

Pangalan: Petsa Iskor:


Paksa: Mito, Alamat, at Kuwentong-Bayan
Paksang Pamagat: Katangian at Elemento ng Mito, Alamat, at Kuwentong-Bayan
Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito,alamat
at kuwentong-bayan. F7PB-IIId-e-16
Sanggunian: Sanggunian: Santiago, Erlinda M. et al. (2010). Panitikang
Filipino. Mandaluyong City: National Book Store
Link:https://www.scribd.com/document/382688961/Ang-Sirena-at-Si-
Santiago LAS No.:
Link: https://www.scribd.com/presentation/394672055/Katangian-Ng-Mito- 09
Alamat-Kwentong-bayan
Link:https://www.academia.edu/31496630/ELEMENTO_NG_MITOLOHIYA
Link: https://brainly.ph/question/485418

KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Mito – Ito ay isang uri ng kuwento o salaysay na hinggil sa pinagmulan ng


sansinukuban. Kuwento ng tao, ang mahiwagang nilikha at ang kalipunan ng iba’t ibang
paniniwala sa mga diyos at diyosa. Ito rin ay isang kuwentong nagpasalin-salin na sa
dila mula sa katutubo hanggang sa kasalukuyan,masasabing halos ipinakikita rin nito
ang tradisyon ng isang lahi.

Halimbawa
Si Malakas at si Maganda
Ang Sirena at si Santiago

Elemento ng Mitolohiya
1. Tauhan – Mga diyos at diyosa na may taglay na kapangyarihan.
Mga karaniwang mamamayan sa komunidad.
2. Tagpuan – May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan.
Sinaunang panahon naganap ang mitolohiya.
3. Banghay – Maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian.
Maaring tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na mga
pangyayari.
Nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas.
Ipinakikita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa.
Tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at
interaksyong
Nagaganap sa araw, buwan, at daigdig.
4. Tema – Ipinaliliwanag ang natural na mga pangyayari
Pinagmulan ng buhay sa daigdig
Pag-uugali ng tao
Mga paniniwalang panrelihiyon
Katangian at kahinaan ng tauhan
Mga aral sa buhay
5. Estilo – Nagbibigay ng ideya hinggil sa paniniwala, kaugalian, at tradisyon.
Nagpapahayag ng mga katangian ng tao (kalakasan, kahinaan at iba pa)
Kadalasang tungkol sa mga kakaibang nilalang at pangyayari
May paniniwalang kayang malampasan ng bida ang mga pagsubok
6. Tono – Nadadala ang mambabasa sa mga aral o pag-unawa
7. Pananaw – Kadalasang nasa ikatlong pananaw: pasalaysay

Gawain
Panuto: Tukuyin ang mga elemento ng mitolohiya na nakapaloob mula sipi ng “Ang
Sirena at si Santiago”. Patunayan.
Ang Sirena at si Santiago

Noong unang panahon, pinaniniwalaan ng mga ninuno natin ang mga sirena,
mga mahiwagang nilalang na kalahating tao at kalahating isda. Patok rin noon ang
pinag-uusapang gantimpala sa sinumang makakahuli ngsirena, patay man o buhay.
Maraming siglo na ang nakaraan, mayroong namuhay na isang makisig na
mangingisdang nagngangalang Santiago. Sa mga dagat ng Pagadian, siya ay
nakikipagsapalaran kasama ang bawat alon ngtubig upang makarami ng huli kada
araw.
Isang hapon, habang siya’y nag-iisang nangingisda, mayroon siyang narining
na napakagandang tinig.Sinundan niya ang boses hanggang natagpuan niya ang
isang babaeng mahiwaga ang ganda sa likod ng mgamalalaking bato. Hindi siya
makapaniwala sa kanyang natanaw, mala-diyosang tinig at ganda ang angking
galing ng babaeng ito. Ngunit mayroong napansin ang binata, mayroong buntot na
parang isda ang dalagangnasa harap niya. 
Nang napansin ng dalaga na may taong nakakita sa kanya, kinabahan ito at
dali-daling lumangoy, ngunit nabihag niya ang puso ng lalaki na agad-agaddin
namang sumagwan para mahabol niya ito. 
Nakumbinsi ni Santiagong mag-usap silang dalawa at dahil dito ay naging
malapit sila sa isa’t-isa. Nagpakilala naman ang sirenang si Clara sa binata.
Pagkatapos nang nangyari, araw-araw na silang nagkikita at nag-uusap sa lugar na
iyon hanggang sa nahulog sila sa isa’t-isa. 
Nag-aminan ang dalawa sa kanilang dinaramdam at kalaunan ay naging
magkasintahan na sila. Sa sobrang pagmamahal ni Santiago kay Clara ay naisipan
niyang sumama sa kaharian ng kanyang mahal upangdoon na manirahan. Noong
una, hindi sumang-ayon si Clara sa gusto ng binata ngunit nagpumilit ito kaya’t
pumayag na lang siya.

https://www.scribd.com/document/382688961/Ang-Sirena-at-Si-Santiago

MGA ELEMENTO PATUNAY


K TO 12 PROGRAM
Pangalan: DIVISION OF CAGAYAN DE ORO CITY
Iskor:
Petsa
LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
Paksa: Mito, Alamat, at Kuwentong-Bayan
Grade 7
Paksang Pamagat: Katangian at Elemento ng Mito, Alamat, at Kuwentong-Bayan
Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito,alamat
at kuwentong-bayan. F7PB-IIId-e-16
Sanggunian: Sanggunian: Santiago, Erlinda M. et al. (2010). Panitikang
Filipino. Mandaluyong City: National Book Store

Link: https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of- LAS No.: 10


legends-mga-alamat-mga-alamat-ng-pilipinas_1142.html
Link: https://www.scribd.com/presentation/394672055/Katangian-Ng-
Mito-Alamat-Kwentong-bayan
Link: https://brainly.ph/question/485418

KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Alamat – Ito ay isang panitikan na kung saan naipahahayag kung saan nanggaling ang
isang bagay. Nagbibigay din ito ng magandang aral sa mga mambabasa.

Halimbawa
Ang alamat ng mangga
Ang alamat ng pinya
Ang alamat ni Maria Makiling
Ang alamat ng Bulkang Mayon

Elemento ng Alamat

Tauhan – ang mga tauhan na nagsiganap, ang pangunahing tauhan at pangalawang


tauhan at ang kanilang ginagampanang papel sa kuwento
Tagpuan – Ito ang lugar o pinangyarihan ng kuwento
Saglit na kasiglahan – ditto ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan bago
dumating ang isang suliranin o balakid sa isang kuwento.
Tunggalian – Ito ang pakikipaglaban o pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa
kanyang sarili, tao laban sa kanyang kapwa, tao laban sa lipunan at tao laban sa
kalikasan.
Kasukdulan – Ito ang pinakamadulang bahagi ng isang kuwento. Dito magaganap ang
pagwawagi o kabiguan na maaaring matamo ng pangunahing tauhan.
Wakas – Ito ang wakas o katapusan ng isang kuwento. Maaring ang kuwento ay
magwakas sa kalungkutan o kasiyahan.
Noong unang panahon ang mga pamayanan o mumunting kaharian sa
Gawain
ating kapuluan ay pinamumunuan ng mga datu at sultan.  Sila ay iginagalang at
Panuto: Suriin ang mga elemento ng alamat na nakapaloob mula sa “Ang Alamat ng
pinagsisilbihan ng mga taong kanilang mga nasasakupan.  Nasusunod nila ang
Dama de Noche”.
bawat maibigan.  Nakapamimili sila ng babae na pakakasalan nila. Ganito ang
katayuan ni Datu Makisig.  Bata pa siya at makisig kaya maraming dalaga na
anak ng matatandang datu at sultan sa karatig na mga kaharian ang nagnanais
na maging asawa niya.  Ngunit walang mapili si Datu Makisig sa kanila.
Minsan sa pagbibisita ni Datu Makisig sa malayong pook na
nasasakop ng kanyang kaharian ay nakita niya si Dama.   Siyang dalagang
mahirap ngunit ubod ng ganda.  Sinuyo si Datu Makisig ang dalaga at ang mga
magulang nito.  Hindi nagtagal, sila ay pinagtaling-puso.
Naging mabuting maybahay si Dama.  Gumanda ang palasyo ng munting
kaharian ni Datu Makisig.  Lagi na itong malinis at maayos.  Nagkaroon
ito ng mga palamuti.  Masasarap ang pagkaing niluluto ni Dama para kay Datu
ito ng mga palamuti.  Masasarap ang pagkaing niluluto ni Dama para kay Datu
Makisig at sa kanyang mga nagiging panauhin.  Winiwisikan niya ng pabango
ang kanilang silid upang mahimbing ang tulog ng asawang datu.
Kung ilan ding taong maganda ang pagsasama ni Datu Makisig at ni Dama.
Ngunit hindi sila magkaroon ng mga anak.  Ito ang naging dahilan nang
pagbabago ng datu.  May mga panahong hindi na siya umuuwi kung gabi
at hindi na niya kinakain ang pagkaing niluluto ni Dama.  Madalang na rin niyang
kausapin ang asawa.
Dinamdam ni Dama ang pagbabago ng mahal niyang asawa.  Gayunman,
higit niyang pinagbuti ang pagsisilbi sa asawang datu.  May mga
gabing hindi siya kumakain at natutulog sa pag-aantay kay Datu Makisig.  Dahil
dito, humina ang katawan ni Dama hanggang sa siya ay magkasakit.
Isang gabi, umuwi si Datu Makisig.  Gaya ng dati, nalanghap niya ang
pabango sa kanilang silid ngunit nakaratay sa sakit si Dama.
Mahal na Datu, malubha ang sakit ng mahal na reyna, wika ng mga
manggagamotsa nasa tabi ng maysakit na si Dama.
Naawa si Datu Makisig sa maysakit na asawa.  Kinalong niya at hinagkan
ang asawa at saka siya humingi ng tawad.  Nagmulat ng mata si Dama, yumakap
sa datu at may ngiti sa labing sinabi: Salamat at dumating ka. Mahal kita.
Ibig kongpaglingkuran ka pa.  Ngunit kinukuha na ako ni Bathala.  Paalam
mahal kong datu.
Nagluksa ang munting kaharian ng datu sa pagkamatay ng mahal nilang
reyna.  Nagsisi si Datu Makisig.  Ang nalulungkot na Datu ay nakakita ng isang
lunting halaman sa puntod ni Dama.  Inalagaan niya ito nang mabuti at hiniling
niya kay Bathala na pamalagiing lunti ang halaman sa puntod ni Dama.
Lumipas ang maraming araw.  Lumaki at lumago ang halamang inaalagaan
ni Datu Makisig.  At dumating ang araw na sumulpot ang bulaklak ng halaman.
Lunti ang mga bulaklak, wika ng datu.  Dininig ni Bathala ang aking
pakiusap.  Salamat sa bigay ninyong alaala sa akin ni Dama.
Nang gabing iyon, may nalanghap na pabango ni Dama si Datu Makisig.
Hinanap niya ang pinagmumulan ng halimuyak ng pabango sa kanyang silid.
Ngunit wala siyang nakita sa halip naamoy na muli niya ang mabangong
halimuyak na waring nanggagaling sa halaman sa puntod ni Dama.  Dali-dali
niyang pinuntahan ang halaman.  Natiyak ni Datu Makisig na ang mga bulaklak
na lunti ang pinagmumulan ng mabangong halimuyak ng pabango ni Dama.
Magmula na noon, tuwing gabi ay laging makikita si Datu Makisig sa
tabi ng halaman na sinasamyo ang halimuyak ng bulaklak na alaala ng yumaong
asawa.  Hanggang isang umaga nakita ng mga alagad ng datu na wala ng buhay
si Datu Makisig na nakayakap sa tabi ng halamang lunti.
Lumipas ang mga taon.  Dumating ang mga Kastila sa dating munting
kaharian ni Datu Makisig.  Napansin nila ang halamang lunti sa bawat
bakuran ng tahanan.  Sa pagtatanong-tanong ay nalaman nila ang magandang
kuwento ng halamang lunti at ang pag-iibigan nina Datu Makisig at Dama.
Tinawag nilang Dama de Noche ang bulaklak na lunti dahil sa gabi ito
bumabango.  At magmula na noon tinawag nglahat na Dama de Noche ang
lunting bulaklak na alaala ni Dama kay Datu Makisig.

Link: https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-legends-mga-
alamat-mga-alamat-ng-pilipinas_1142.html
MGA ELEMENTO PATUNAY

DIVISION
DIVISIONOF
OFCAGAYAN
CAGAYANDE
DEORO
OROCITY
CITY
LEARNING
LEARNINGACTIVITY
ACTIVITYSHEET
SHEET(LAS)
(LAS)
Grade 7
Grade 7
K TO 12 PROGRAM

Pangalan: Petsa Iskor:


Paksa: Mito, Alamat, at Kuwentong-Bayan
Paksang Pamagat: Katangian at Elemento ng Mito, Alamat, at Kuwentong-Bayan
Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito,alamat
at kuwentong-bayan. F7PB-IIId-e-16
Sanggunian: Sanggunian: Santiago, Erlinda M. et al. (2010). Panitikang
Filipino. Mandaluyong City: National Book Store
Link: https://www.scribd.com/presentation/394672055/Katangian-Ng-
Mito-Alamat-Kwentong-bayan LAS No.: 11
Link: http://panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-kwentong-bayan-
folktales.html
Link: https://brainly.ph/question/485418

KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Kuwentong-Bayan – Ito ay mga kuwento at mga salaysay na hinggil sa mga likhang-


isip o kathang-isip na ang mga tauhang kumakatawan sa mga uri at pag-uugali ng
mamamayan sa isang lipunan. Kadalasan at karaniwan na nag kuwentong-bayan ay
may kaugnayan sa isang tiyak na pook o sa isang rehiyon ng isang bansa o lupain.

Halimbawa
Ang diwata ng ng karagatan
Ang punong kawayan
Kung bakit dinadaglit ng lawin ang mga sisiw
Si Mariang mapangarapin
Bakit may pulang palong ang mga tandang?

Elemento ng Mito, Alamat, at Kuwentong-Bayan

Tauhan – ang mga tauhan na nagsiganap, ang pangunahing tauhan at pangalawang


tauhan at ang kanilang ginagampanang papel sa kuwento
Tagpuan – Ito ang lugar o pinangyarihan ng kuwento
Saglit na kasiglahan – ditto ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan bago
dumating ang isang suliranin o balakid sa isang kuwento.
Tunggalian – Ito ang pakikipaglaban o pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa
kanyang sarili, tao laban sa kanyang kapwa, tao laban sa lipunan at tao laban sa
kalikasan.
Kasukdulan – Ito ang pinakamadulang bahagi ng isang kuwento. Dito magaganap ang
pagwawagi o kabiguan na maaaring matamo ng pangunahing tauhan.
Wakas – Ito ang wakas o katapusan ng isang kuwento. Maaring ang kuwento ay
magwakas sa kalungkutan o kasiyahan.

Panuto: Suriin ang mga elemento ng alamat na nakapaloob mula sa kwentong-bayan


“Si Mariang Mapangarapin”.

SI MARIANG MAPANGARAPIN
Magandang dalaga si Maria.  Masipag siya at masigla.
Masaya at matalino rin siya.  Ano pa't masasabing isa na
siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang
pamangarapin.  Umaga o tanghali man ay nangangarap
siya.  Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa
malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising.
Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang
Mapangarapin.  Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa
ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa
pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.


Tuwang-tuwa si Maria!  Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang
manliligaw niya.  Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok
niya.  Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria.  Pinatuka niya at pinaiinom
ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon.  Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng
gamot at pataba.  At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya
ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na
inahing manok na alaga ni Maria.  Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing
manok araw-araw.  At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng
labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo.  Kitang-kita ang
saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw.  Nabuo ito sa
limang dosenang itlog.  At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria.  Sunong
niya ang limang dosenang itlog.  Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si
Maria.  Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog.  Pagkatapos, bibili siya ng
magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng
pakendeng-kendeng.  Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-
kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog!  Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan.  Saka
siya umiyak nang umiyak.  Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng
limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.

Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends
and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.84-85.

http://panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-kwentong-bayan-folktales.html

MGA ELEMENTO PATUNAY


DIVISION OF CAGAYAN DE ORO CITY
LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
Grade 7
K TO 12 PROGRAM

Pangalan: Petsa Iskor


:
Paksa: Ang Ponemang Suprasegmental
Paksang Pamagat: Diin, Tono, at Antala/Hinto
Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng
suprasegmental (tono, diin, antala) F7PN-IIIa-c-13
Sanggunian: Santiago, Erlinda M. et al. (2010). Panitikang Filipino.
LAS
Mandaluyong City: National Book Store
No.:
Link: https://rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-2/Supplemental 01
%20Filipino%20High%20School%20Grade%207%203rd%20Q.pdf

KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang ponemang suprasegmental ay makabuluhang yunit ng tunog na karaniwang hindi
tinutumbasan ng titik o letra sa pagsulat. Inihuhudyat o sinisimbolo ito ng mga
notasyong ponemik upang matukoy ang paraan ng pagbigkas ng isang salita o isang
salita.

Kabilang sa suprasegmental ay ang sumusunod:

a. Tono – ito ay paraan ng pagbigkas na maaaring malambing, pagalit, marahan, o


kaya’y waring laging aburido kundi man nasasabik.
Halimbawa

ha pon ?
ka tumutukoy sa tiyak na panahon ka hindi tiyak,nagtatanong
pon. Ha
b. Diin – ginagamitan ito ng simbolong dalawang magkahiwalay na bar (//) o tuldok (.)
upang matukoy ang pantig ng isang salita na may diin na nangangahulugan ng
pagpapahaba ng naturang pantig na may kasamang patinig.
Halimbawa
Hiram lamang ang /BU.hay/
Siya /LA.mang/ ang /bu.HAY/
Kahulugan: may naganap na sakuna at may namatay siya lang ang
nakaligtas
c. Antala – nangangahulugang paghinto o pagtigil ng pagsasalita na maaaring
panandalian ( sa gitna ng pag-uusap) o pangmatagalan (katapusan ng pag-uusap).Ito
ay sinisimbolo ng tuldok (.) at kuwit (,).
Halimbawa
Si Jose, Carlos ang nagsumbong sa akin.
Kahulugan: Kausap niya si Carlos at sinabing si Jose ang nagsumbong sa
kanya.

Gawain
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
Diin
1. Magandang /Ha.PON/
2. Magandang /HA.pon/
Tono
1. Madali lang ito.
2. Madali lang ito?
Hinto o Antala
1. Si Maria Rosalina ang pupunta sa palengke.
2. Si Maria, Rosalinda ang pupunta sa palenke.

DIVISION OF CAGAYAN DE ORO CITY


LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
K TO 12 PROGRAM
Grade 7

Pangalan: Petsa Iskor:


Paksa: Panitikang Mga Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, at Palaisipan
Paksang Pamagat: Katangian ng Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, at
Palaisipan
Kasanayang Pampagkatuto: Naihahambing ang mga katangian ng tula/awiting
panudyo, tugmang de gulong at palaisipan. F7PB-IIIa-c-14
Sanggunian: Santiago, Erlinda M. et al. (2010). Panitikang Filipino.
Mandaluyong City: National Book Store
LAS No.: 04
Link: https://www.slideshare.net/MichelleMuoz18/tugmaang-de-gulong-
tulang-panudyobugtongpalaisipan

KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Tulang Panudyo – Ito ay isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay may
sukat at tugma. Ang layunin nito ay mambuska o manudyo.Nagpapakilala ito na ang
ating mga ninuno ay may makulay na kamusmusan.

Halimbawa
Bata batuta! Isang perang muta!

Pedro penduko
matakaw ng tuyo
Nang ayaw maligo
Pinukpok ng tabo
Tugmang de Gulong – Ito ay simpleng paalala sa mga pasahero na maaari nating
matagpuan sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney,bus,at traysikel.Maaari
itong nasa anyo ng salawikain,maikling tula o kasabihan.

Halimbawa
Magbayad lamang ng barya sa umaga upang hindi maabala.
Miss na sexy, para pamasahe mo’y libre, sa drayber ka tumabi
Ang sitsit ay para sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi
tayo hihinto.
Huwag kang magdekwatro, ang dyip ko’y di mo kwarto.

Palaisipan – Ito ay isang suliraning uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng


lumulutas nito. Sa karaniwang palaisipan, inaasahang malutas ito sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon.
Ito ay kadalasang nalilikha bilang uri ng libangan, ngunit maaari din namang magmula
ito sa seryosong matematikal at lohikal na suliranin.

Halimbawa
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang ‘di
man lang nagagalaw ang sombrero. Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero.

Kaanu-ano ko ang tatay mo na tiyuhin ng pinsan ko, na kapatid ng tiyahn ko, bunsong
anak ng lola ko at kapareho ng apelyido ko. Sagot: Tatay ko

Gawain
.
1. Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tulang panudyo, tulang de gulong, at
palaisipan

TULANG PANUDYO vs. TUGMANG DE GULONG vs. PALAISIPAN


Pagkakaiba Pagkakatulad
DIVISION OF CAGAYAN DE ORO CITY
LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
Grade 7
K TO 12 PROGRAM

Pangalan: Petsa Iskor:


Paksa: Kahulugan ng mga salita
Paksang Pamagat: Denotasyon at Konotasyon
Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan
ng pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap, denotasyon at konotasyon,
batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito. F7PT-IIIa-c-13
Sanggunian: Santiago, Erlinda M. et al. (2010). Panitikang Filipino.
Mandaluyong City: National Book Store
Link: https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/konotasyon-at- LAS No.:05
denotasyon

KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Denotasyon – Ito ay ang kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo


Literal o totoong kahulugan ng salita.

Halimbawa
Mag-ingat sa mga nakapaligid na ahas baka matuklaw ka.

Kahulugan: Binibigyan ng babala ang tao sa ahas na nakapalid na


maaring manuklaw at makapagdulot ng panganib.

Konotasyon – Ito ay ang pansariling kahuluganng isa o grupo ng tao sa isang salita
Ang kahulugan ng konotasyon ay iba sa pangkaraniwang kahulugan
Mga salita or parirala na may iba pa o malalim na kahulugan

Halimbawa
Mag-ingat sa mga nakapaligid na ahas baka matuklaw ka.

Kahulugan: Nangangahulugan ito na maraming traydor sa buhay ng tao.


.

Gawain
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan.

1. Ipinanganak ako na may gintong kutsara sa bibig.


Denotasyon:____________________________________________________________
Konotasyon:____________________________________________________________

2. May dumaang itim na pusa.


Denotasyon:____________________________________________________________
Konotasyon:____________________________________________________________

3. Si tatay ay may kamay na bakal


Denotasyon:____________________________________________________________
Konotasyon:____________________________________________________________

4. Magpapakasal lamang ako sa iyo kapag puti na ang uwak


Denotasyon:____________________________________________________________
Konotasyon:____________________________________________________________

You might also like