You are on page 1of 12

Department of Education

Region V
Masbate City Division
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
Masbate City

LS 1
COMMUNICATION
SKILLS
(FILIPINO)

Learner
Barangay Nursery
Department of Education
Region V
Masbate City Division
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
Masbate City
Learning Competency:

 Nagagamit ang magagalang na pananalita.

MAGAGALANG NA PANANALITA
Department of Education
Region V
Masbate City Division
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
Masbate City
PANGALAN: _________________________________________ SCORE: ___________
CLC: TAMBAGO BUILDING, BARANGAY NURSERY, MASBATE CITY

MAGAGALANG NA PANANALITA
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Tukuyin kung alin dito ang mga tamang hakbang sa wastong pagsagot
sa telepono. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.

Panuto: Lagyan ng tsek () kung ang pahayag ay gumagamit ng magagalang na pananalita. Lagyan ng ekis
() kung hindi.

1. "Maaari po ba akong makihingi ng tubig?" _________

2. "Bakit, Lola? Ano ang nangyari?" _________

3. "Magandang umaga po, Bb. Marisa." _________

4. "Paraan nga dyan, Gio!" _________

5. "Tumobi ka nga dyan." _________

6. "Pakiabot naman po iyong tinapay." _________

7. "Pakikuha naman ang aking akiat." _________

8. "Maaari nyo po ba akong turuang magluto?" _________

9. "Gusto ko ng tsokolater” _________

10. "Bayad po." _________


Department of Education
Region V
Masbate City Division
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
Masbate City

Learning Competency:

 Natutukoy ang gamit ng iba't ibang bantas.

MGA URI NG BANTAS


1. TULDOK (.) - Ang tuldok ay ginagamit na pananda sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at
pautos.
Halimbawa:
 Igalang natin ang Pambansang Awit.

2. PANANONG (?) - Ginagamit ang pananong sa pangungusap na patanong.


Halimbawa:
 Ano ang pangalan mo? Sasama ka ba?

3. PADAMDAM (!) - Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o
pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
Halimbawa:
 Mabuhay ang Pangulo!
 Aray! Naapakan mo ang paa ko.

4. KUWIT (,) - Ginagamit ang kuwit sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang
magkakauri.
Halimbawa:
 Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy.

5. KUDLIT (‘) - Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina-kaltas:


Halimbawa:
 Ako’y mamayang Filipino at may tungkulin mahalin at pangalagaan ang aking bayan.

6. GITLING (-) - Ginagamit ang gitling sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa:
 araw-araw isa-isa apat-apat dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila masayang-masaya

7. TUTULDOK( : ) - ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag.


Halimbawa:
 Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita,
Santan at iba pa.

8. TUTULDOK – KUWIT ( ; ) -Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan


ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig
Halimbawa:
 Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa katawan.
9. PANIPI (“ ”) - Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng
isang nagsasalita o ang tuwirang sipi.

Halimbawa:
 “Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.
10. PANAKLONG ( () ) - Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi
direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito.

Halimbawa:
 Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere.
.

Department of Education
Region V
Masbate City Division
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
Masbate City
PANGALAN: _________________________________________ SCORE: ___________
CLC: TAMBAGO BUILDING, BARANGAY NURSERY, MASBATE CITY
MGA URI NG BANTAS
Panuto: Isulat sa patlang ang angkop na panapos na bantas sa hulihan ng bawat pangungusap.

1. Nanood ka ba ng balita sa telebisyon kagabi _____

2. Magsipilyo ka muna bago ka matulog _____

3. Wow, napakasarap ng luto mo _____

4. Nakopya mo ba ang takdang-aralin sa pisara _____

5. Hoy, bawal magtapon ng basura diyan _____

6. Pakisabi kay Nanay na uuwi na ako _____

7. Makinig ka nang mabuti sa mga magulang mo _____

8. Nakakainis talaga _____

9. Naku, nakalimutan kong kunin ang sukli _____

10. Paano kaya tayo makakatulong sa kanila _____

11. Mahirap paniwalaan ngunit totoo ang balita _____

12. Pakibigay itong papel kay Binibining Melchor _____

13. Aray, nakagat ko ang dila ko _____

14. Natanggap mo ba ang text message ko kanina _____

15. Ay, nabasag ang baso _____

16. Aba, hindi ako papayag _____

17. Ihanda mo na ang susuutin mo bukas _____

18. Nagtimpla ng kape si Tatay para kay Nanay _____

19. Hala, umalis ka na dito _____

20. Masama ba ang pakiramdam mo _____

Department of Education
Region V
Masbate City Division
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
Masbate City

Learning Competency:
 Nabibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng kasingkahulugan.
 Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng kasalungat.

KASINGKAHULUGAN AT KASALUNGAT
NA KAHULUGAN NG SALITA
Sa ating araw-araw na pakikisalamuha, gumamit tayo ng iba’t ibang salita upang maiparating natin ang mga mensahe
sa ating kausap. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang mga Pilipino ay mayaman sa bokabularyo kaya dapat nating
tandaan na may mga salitang kapag iniuugnay sa isa pang salita ay madaling maiintindihan. Kapag magkapareho ang
kahulugan nito. May mga salitang kabaligtaran naman ang hatid nito.

KASINGKAHULUGAN

 Ang magkasingkahulugan ay dalawang salita na pareo o magkatulad ang kahulugan o ibig sabihin.
 Mahalagang malaman ang kahulugan ng isang salita upang madaling maibigay ang kasingkahulugan nito.
 Kadalasan ang mga salitang magkasingkahulugan ay mga pang-uri o mga salitang naglalarawan sa isang
tao,bagay, uri, anyo, kulay, laki, amoy at lasa.

Mga Halimbawa:

Maliit - pandak Dekorasyon - palamuti

Aksidente - sakuna Away - laban

Maingay - magulo Mayaman - mahirap

KASALUNGAT

 Ang kabaligtaran o kasalungat ng isang salita.Kadalasan ang mga salitang magkasalungat ay pang-uri o mga
salitang naglalarawan ng isang tao, bagay,hayop, at pook o lugar. Maari ding katangian tulad ng uri, anyo,
kulay, laki, amoy at lasa.
 Ang kasalungat na salita ay nangangahulugang naiba o kabaligtaran ang kahulugan ng salita. Ito ay isang
paraan ng pagpapaunlad ng talasalitaan.

Mga Halimbawa :

Maganda - pangit

Maliit - malaki

Masaya - malungkot

Malawak - makipot

Tahimik - magulo

Department of Education
Region V
Masbate City Division
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
Masbate City
PANGALAN: _________________________________________ SCORE: ___________
CLC: TAMBAGO BUILDING, BARANGAY NURSERY, MASBATE CITY

KASINGKAHULUGAN AT KASALUNGAT
NA KAHULUGAN NG SALITA
Department of Education
Region V
Masbate City Division
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
Masbate City

Learning Competency:

 Nababaybay nang wasto ang salitang hiram / natutunan sa aralin.


 Nabibigyang-kahulugan ang salitang hiram

SALITANG HIRAM
Marami sa mga salitang ginagamit natin ngayon sa pagsulat, pakikipag-usap, o ano pa mang paraan ng
komunikasyon ay mga hiram na salita. Isa sa katangian ng wika ay pagiging buhay nito. Nababago ang mga
salita, maaaring may madagdag at maaaring magkaroon ng ibang anyo. Tulad ng alpabetong Filipino na
tumatanggap ng bagong titik na c, f, j, n, q, v, x, at z, may mga salitang banyaga na itinuring na ring wikang
Filipino.

May iba’t ibang paraan ng panghihiram. Ilan sa mga ito ang sumusunod

1. Ihanap ng katumbas ang salita sa Tagalog;

Halimbawa:
o water =tubig (kahit may salin ang water sa Ilokano na danum at agua sa Kastila)

2. Kung wala sa Tagalog, sa iba pang wikang katutubo;

Halimbawa:
o husband =bana (Cebuano)

3. Kung wala sa iba pang wikang katutubo, sa Kastila ngunit nasa baybay-Pilipino;

Hlimbawa:
o onion = cebullas (Kastila) = sibuyas (baybay-Pilipino)

4. Kung wala sa Kastila, sa Ingles ngunit susundin ang tuntuning kung ano ang bigkas, siyang baybay;

Halimbawa:
o computer= kompyuter

5. Kung inkonsistent ang bigkas sa baybay, mananatili ang orihinal na ispelling nito

Halimbawa:
o pizza at spaghetti

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga hiram na salita sa wikang Filipino:

 kompyuter (Computer)
 Iskor (Score)
 Titser (Teacher)
 Keyk (Cake)
 Hayskul (High School)
 Populasyon (Population)
 Magasin (Magazine)
 Telebisyon (Television)
 Basketbol (Basketball)
 Babay (Bye-Bye)
 Breyk (Break)
 Bilib (Believe)
 Elementari (Elementary)
 Interbyu (Interview)
 Taksi (Taxi)
 Dyip (Jeep)
 Nars (Nurse)
 Manedyer (Manager)
 Kostomer (Customer)
 Ketsap (Ketchup)
 Iskrin (Screen)
 Traysikel (Tricycle)
 Trapik (Traffic)
 Pulis (Police)

Department of Education
Region V
Masbate City Division
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
Masbate City
PANGALAN: _________________________________________ SCORE: ___________
CLC: TAMBAGO BUILDING, BARANGAY NURSERY, MASBATE CITY

SALITANG HIRAM
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Baybayin ang salitang BASKETBALL


a) basketbol b) baskitbol
c) basketball
2. Ano ang pagsasalin ng salitang PRINCIPAL sa Filipino?
a) Prinsipal b) Punong guro
c) principal
3. Lahat ng mga rekado para sa iluluto mo ay nasa mercado.Ano ang kahulugan ng mercado sa Tagalog?
a) pamilihan b) barangay
c) bahay
4. Baybayin sa Filipino ang salitang Jeep.
a) Dyep b) Jip
c) Dyip
5. Ang asul ay mula sa salitang Kastila na
a) azzul b) asull
c) azul
6. Ang ekonomiya ay mula sa salitang Kastila na
a) Economia b) Ecunumia
c) Ekonumiya
7. Ano ang pagbaybay sa Filipino ng salitang CHEQUE na mula sa mga Espanyol ?
a) tseke b) tsek
c) tseki
8. Ang X-ray ay mananatiling X-ray.
a) Tama b) Mali
9. Ang salitang lapis ay mula sa salitang kastila na ____________ .
a) llapizz b) lapizz
c) lapiz
10. Alin ang wasto sa dalawang pahayag?
A. Ang panghihiram ng salita sa dayong wika ay hindi palatandaang unti-unting namamatay ang sariling wika.
B. Ang pagsulpot ng mga bagong salita ay hatid ng pagbabago at pag-unlad ng teknolohiya.
a) Tama ang A; mali ang B. b) Tama ang B; mali ang A.
c) Parehong tama ang A at B.

Department of Education
Region V
Masbate City Division
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
Masbate City
Learning Competency:
 Nagagamit ang tamang salitang kilos / pandiwa sa pagsasalaysay ng mga personal na
karanasan.
SALITANG KILOS/PANDIWA
Ang salitang kilos ay bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay ginagamit sa
pagsasalaysay ng mga pangyayaring kasalukuyang ginagawa, katatapos lamang at gagawin pa. Tinatawag
din itong pandiwa. Ang mga salitang kilos ay magagamit mo rin sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.
Halimbawa:
 Mahusay umawit si Kuya Ramil.
 Tumatawa ng mag-isa si Erly sa sulok.
 Hindi ko alam kung bakit ako malungkot.
 Kumakain na pala kayo?
 Tumakbo ng matulin si Rico.

Gamit ng Pandiwa
Mayroong tatlong gamit ng pandiwa: ang pandiwang nagpapahayag ng aksyon, karanasan, at
pangyayari.
1. Gamit ng Pandiwa bilang Aksyon
Kapag ito ay may aktor o tagaganap ng kilos. Maaaring tao o bagay ang aktor. Sa tulong ng mga
panlaping -um, mag-, ma-, mang-, maki-, o mag-an ay mabubuo ang mga pandiwang ito.
Mga Halimbawa:
 Tumalima si Laura sa lahat ng gusto ni Adolfo.
 Nagtakbuhan sina Delia ng tumahol ang aso.
2. Gamit ng Pandiwa bilang Karanasan
Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan, damdamin o emosyon. Sa ganitong sitwasyon,
may nakararanas ng damdamin o saloobing inihudyat ng pandiwa.
Mga Halimbawa:
 Nagulat ang lahat sa inasal ni Jasmin.
 Namangha si James sa kagandahan ni Kiray.
 Naawa ang lola sa sinapit ng kanyang apo.
3. Gamit ng Pandiwa bilang Pangyayari
Ito ay resulta ng pangyayari. Maaaring may mga ekspresyon ng sanhi at bunga.
Mga Halimbawa:
 Naglinis si Sara ng kanilang bahay dahil dadating ang kanyang lolo at lola.
 Nagsuka si Minda matapos makakain ng panis na pagkain.
Department of Education
Region V
Masbate City Division
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
Masbate City
PANGALAN: _________________________________________ SCORE: ___________
CLC: TAMBAGO BUILDING, BARANGAY NURSERY, MASBATE CITY

SALITANG KILOS/PANDIWA
Panuto: Gumawa ng sanaysay tungkol sa naranasan ngayong pandemic. Gumamit ng mga salitang
kilos/pandiwa at salungguhitan ang mga ito.

ANG AKING
KARANASAN
NGAYONG PANDEMIC

You might also like