You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NAVOTAS CITY
Bagumbayan Elementary School Compound
M. Naval St., Sipac-Almacen, Navotas City

FILIPINO VI

INFORMATION SHEET 02

Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit nang wasto ang mga panghalip sa pakikipag-usap


sa iba’t ibang sitwasyon (Unang Markahan)
Paksang-aralin: Panghalip
Layuning: Nagagamit nang wasto ang mga uri ng panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang
sitwasyon.

Ano ang alam mo na?


1. Ano ang pangngalan?
2. Magbigay ng mga halimbawa ng ngalan ng tao, bagay, hayop pook at pangyayari.
3. Ano-ano ang uri ng pangngalan?
4. Magbigay ng halimbawa ng pangngalang pantangi at pambalana.
5. Gamitin ang mga halimbawa sa pangungusap.
Pasiglahin natin - stimulating/ motivation activity
Basahin ang usapan

Alam mo, Thelda, ako ay natutuwa Tama ka , Elvie, lahat tayo ay


sapagkat dito sa ating lunsod ng may partisipasyon sa pagtatayo nito.
Navotas ay makikita ang C-4 park. bawa’t isa sa atin ay naging bahagi
Narito ang krismas tree na may maku- nito, kaya dapat natin itong panga-
kulay na isda,,mga halaman at iba lagan upang mapakinabangan pa ng
pang disenyo na nagpapaganda sa mga kabataang sisibol sa ating
ating lugar. lungsod.
 Anong salitang ginamit ni Elvie na tumukoy sa kanyang sarili?
 Anong mga salita ang ginamit sa pagtuturo ng kinaroroonan ng C-4
Park at mga makikita sa parke?
 Ano ang tawag dito?
 Ano naman ang ipinahihiwatig ng lahat at bawat isa sa pahayag ni Thelda?
 Ano ang tawag dito?

Tayo nang matuto (Lesson Content)


Ang panghalip ay mga salitang ipinanghahalili sa pangngalan.Mayroon itong tatlong uri,
panghalip panao, panghalip pamatlig at panghalip panaklaw.
Panghalip Panao- panghalip na humahalili sa ngalan ng tao.
Panghalip Pamatlig- ginagamit itong panghalili sa pangtuturo ng pangngalan.
Panghalip Panaklaw- ay may sinasaklaw na kaisahan, bilang, dami o kalahatan.Ito ay maaaring
tiyakan o di-tiyakan.

Subukan mo ito (Post Activity here)


Salungguhitan ang mga panghalip na ginamit sa pangungusap.
1. Ako ang nagsaing, iba ang kumain.
2. Lahat ng kabataan sa Navotas ay nakikilahok sa mga gawain ng barangay.
3. Siya pala’y tunay na kaibigan, kahit anong oras ay maasahan.
4. Doon sa C4 itinayo ang parke para sa mga bata.
5. Ang anumang sakit ay maiiwasan kung malinis ang kapaligiran.

Suriin natin (5-10 questions)


Punan ang patlang ng wastong uri ng panghalip na bubuo sa diwa ng pangungusap.
1._____nang mamasyal sa Lungsod ng Navotas.
2. Sasama ako _________dako ng Navotas kayo pumunta.
3. Dahil sa ________kapabayaan sa pag-aaral ay napahamak ang ina.
4. _____ sa Navotas kami isinilang at lubos na nagkaisip na magkakapatid.
5. _______ na ang saranggolang pinalipad ko.
Ayusin natin (Enhancement Exercises)

Kahunan ang panghalip na angkop sa pangungusap.


1. Nakilala na natin ang (lahat, kaninuman, saanman) ng kinatawan ng Navotas sa
gaganaping paligsahan.
2. (Isa, Pulos, Pawang) taga- Navotas ang tumanggap ng parangal sa proyektong “Tapat
mo, Linis Mo”.
3. Ang Dengue ay nagmumula (rito, ayun, roon) sa maruruming lugar.
4. Kailangan (nating, sila, mo) makiisa sa mga programa ng ating butihing Mayor John
Rey Tiangco.
5. Ipagpaliban muna (ninyo, atin, ikaw) ang inyong pupuntahan dahil mahalaga an gating
pag-uusapan.
6. (Sinuman, Anuman, Kailanman) ay hindi maaaring tanggalan ng karapatang
magpahayag ng paniniwala at saloobin.
7. Pinagbubutihan (sila, naming, kami) ang pagsasanay para sa darating na paligsahan.
8. (Kata, Kita, Siya) na ang mag-ulat sa susunod na lingo.
9. (Hayun, Dito, Heto) sa C4 ang malaking Christmas Tree sa Lungsod ng Navotas.
10. (Ganito, rito, ganoon) ang paraan ng paghahayuma ng lambat gaya ng ginagawa ng
mangingisda sa tabing dagat.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NAVOTAS CITY
Bagumbayan Elementary School Compound
M. Naval St., Sipac-Almacen, Navotas City

FILIPINO VI

WORK / ACTIVITY SHEET 02

Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit nang wasto ang mga panghalip sa pakikipag-usap sa


iba’t ibang sitwasyon (Unang Markahan)
Paksang-aralin: Panghalip
Objective: Nagagamit nang wasto ang mga uri ng panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang
sitwasyon.

PANUTO: Piliin sa Hanay B ang angkop na panghalip na ginamit sa Hanay A.


Isulat ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B
_____1. Ibig ____bang sumali sa paligsahan sa pag-awit? a. nila
_____2. _____ na lang ang sasama sa aking nanay papunta sa palengke. b.heto
_____3. _____ sulok ng daigdig ay may kaguluhang nagaganap. c.sila
_____4. _____ na ang ipinabili mong materyales sa paggawa ng iyong proyekto. d. mo
_____5. Pinagsabihan_____ ang mga batang lansangan na huwag tumawid e.ikaw
sa highway dahil ito ay mapanganib.
_____6. Namangha______ sa ipinakitang talent ng mga mag-aaral ng Navotas. f. ako
_____7. ______ ng pumunta sa C4 Park upang Makita ang makukulay na g.namin
Christmas Light.
_____8. _____ baa ng pasimuno sa mga nag-away sa inyong lugar? h. lahat
_____9. Ipinagbawal ng aming guro na huwag ____ pakialaman ang i. tayo
mga gamit sa audio-visual room.
_____10. ______ ng kabataang lalabag sa kasunduan ng barangay ay may j. saanman
Karampatang parusa.

You might also like