You are on page 1of 10

K

Kindergarten
Unang Markahan – Modyul 2: Naiaayos at
Naibubukod Ko Ang Mga Bagay Ayon sa Katangian
Kindergarten
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Naiaayos at Naibubukod Ko Ang Mga Bagay Ayon sa Katangian
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pag kakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE Manunulat: Liberty June M. Abejuela at
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD Maila V. Agdamag

Editor: Theo Arsenia S. Pedrezuela


Inilimbag sa Pilipinas ng
Tagasuri: Nenita R. Soberano
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng
Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)
Tagalapat: Neil Vincent C. Sandoval
Department of Education – Schools Division Office of Makati City
Tagapamahala: Angelita S. Jalimao
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng
Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo
Kurikulum
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862 Neil Vincent C. Sandoval
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Nenita R. Soberano
Pandibisyong Tagamasid, Kindergarten
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na ikaw ang isinaalang-alang. Ang modyul na ito ay
tutulong upang iyong mapaghusay ang kaalaman sa pag-aayos at pagbubukod ng mga bagay
ayon sa katangian nito tulad ng laki, kulay at hugis. Ang modyul ay naglalaman din ng aralin upang
kayo ay maturuan sa pagbakas, pagkopya, at pagsulat ng iba’t ibang strokes. Ang mga tatalakayin
sa modyul na ito ay maaaring magamit sa iba’t ibang klase ng sitwasyon sa pagkatuto. Ang mga
aralin ay nakaayos ayon sa bagong Most Essential Learning Competencies na inilabas at inilathala ng
Kagawaran ng Edukasyon para sa School Year 2020-2021. Ang pagkasunod-sunod ng iyong
mababasa ay maaaring magbago ayon sa textbook na ginagamit sa kasalukuyan.

Ang nakapaloob sa modyul na gagamitin sa ikatlong linggo ng Unang Markahan ay ang


sumusunod:

1. Naiaayos at nabubukod ang mga bagay ayon sa katangian


2. Nababakas, nakokopya, at nasusulat ang iba’t ibang strokes

1
Subukin
Panuto: Gamit ang krayola idugtong mo ang putol-putol na linya upang mabuo ang hugis. Sundin
ang bawat kulay ng mga hugis ayon sa nakasulat na salita.

2
Aralin
Naiaayos at Naibubukod Ko Ang
1 Mga Bagay Ayon sa Katangian
Tuklasin

Mahilig kumain ng kendi at tsokolate si Martina. Kaya laging sumasakit ang ngipin
niya. Isang araw matinding sakit ng ngipin ang naramdaman ni Martina kaya dinala
siya ng nanay sa dentista. Pakinggan natin ang kanilang usapan.

3
Doktor: “Martina, iwasan na palagi ang pagkain ng
maraming tsokolate at kendi ha. Maaari ka nitong kumain
pero dapat kaunti lang. Damihan mo ang
pagkain ng prutas at gulay upang maging malakas at
matibay ang ngipin mo.”
Martina: “Opo, Doktor. Kakain po ako ng maraming prutas
at gulay para lumakas at tumibay ang ngipin ko. Iiwasan ko
na po ang mga kendi.”
Nanay: “Dumaan muna tayo sa palengke, Anak. Bibili tayo
ng prutas at gulay. Bibilhin natin ang mga gusto mo.”
Martina: “Opo, Inay. Gusto ko po ng mansanas at saging.”
Martina: Inay, kanina po sa palengke, hindi lang po pala
pula ang kulay ng mansanas, may berde rin? Ganun din po
ang saging. Mayroon po akong nakitang mahabang saging,
may maiksi rin.”
Nanay: “Oo, Anak. Ang mansanas ay may kulay berde at
pula. Ganun din ang saging. Kapag hilaw, kulay berde.
Kapag ito naman ay hinog na, ito ay magiging kulay dilaw.
Ang tawag sa maiksing saging ay señorita. Ang mahaba
naman ay tinatawag na lakatan.”

4
Suriin
Narinig mo ba ang usapan ng mag-anak?

Ngayon naman sabihin mo kung ano ang kulay ng mga prutas na nabanggit? Isulat sa patlang
ang sagot.

1. Ano-ano ang kulay ng mansanas? _________________ _________________


2. Ano ang kulay ng saging kapag ito ay hilaw? ______________ Kapag hinog? _________________
3. Ano pa ang mga prutas na kulay pula? ________________ Kulay dilaw? ________________
4. Ang saging na lakatan ay ________________. Ang señorita naman ay ________________
5. Bakit kailangan nating kumain ng mga prutas at gulay? _______________________________________

Mga Tala para sa Guro


Ang mga bagay na gagamitin sa araling ito ay maaaring matatagpuan sa loob ng bahay. Ipaliwanag sa
mga bata ang kahalagahan ng pagkain ng prutas at gulay. Gayon din naman ang pagkilala sa iba’t
ibang kulay sa kanilang paligid.

5
Pagyamanin
Sundin ang panuto sa bawat kahon para sa gawain na ito.

6
Isaisip
Ipakita ang iyong natutunan mula sa mga gawaing natapos mo.

7
Isagawa

Mula sa mga natutunan mo sa modyul na ito, subukan mong dagdagan ang iyong kaalaman.

Panuto: Bilugan ang mataas na puno at ikahon naman ang maiksi.

You might also like