You are on page 1of 3

Filipino 7

Markahan 3: Aralin 6
Panandang Anaporik at Kataporik
MELC: Nagagamit ng wasto ang mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan.
(F7WG-IIIh-i-16)

Susing Konsepto
Panandang Anaporik at Kataporik
Alam mo ba ang…………..

Pangngalan
Ito ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop at lugar.

Panghalip
Ito ay mga salitang inihahalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop at lugar. Ang ibig sabihin ng
panghalip ay pamalit o panghalili.

Iba’t ibang uri ng panghalip.


Panghalip Panao - Ito ay uri ng panghalip na inihahalili sa ngalan ng tao.
Panghalip Pamatlig -Ito ay uri ng panghalip na inihahalili sa bagay, hayop, at lugar.

KOHESYONG GRAMATIKAL
Ito ay mga salitang tulad ng panghalip na nag-uugnay sa mga salita upang makabuo ng isang
makabuluhang pangungusap.Ginagamit natin ito upang hindi maging paulit-ulit ang mga
salitang ginagamit sa isang teksto o pahayag.

1. Anaporik ang tawag kung pangngalan ang ginagamit sa unahan ng


pangungusap at nasa hulihan ang panghalip. Maaaring gamitin ang mga
salitang panghalip gaya ng siya, sila, nila at kanila.

Halimbawa:
Mabait na Lola si Impong Sela, siya ay mapagmahal.
( Ang pangngalan sa pangungusap ay si Impong Sela, ang panghalip na tumutukoy kay
Impong Sela ay ang panghalip na siya )

Magaling na Pangulo si Rodrigo Duterte, siya ay matalino. Mapagmahal ang aking mga
magulang, sila ay mabait.

2. Kataporik ang tawag kung ang nasa unahan ng pangungusap ay panghalip at


sa bandang hulihan ay pangngalan.

Halimbawa:
Sa kanila ang magandang bahay sa kanto, pinatayo iyon ng mag-asawang Santos.
Siya ay masipag at matiyaga, kaya umasenso agad si Juliana.
( Ang panghalip na siya ay nauna kaysa sa pangngalan na Juliana. )

1
Pagyamanin
Basahin ang teksto.

Maraming magagandang lugar sa Pilipinas kaya maraming turista ang nalulugod


pumunta sa ating bayan. Naakit silang mamasyal sa Luneta, isa sa mga tourist spot dito .Isa
pa, hindi nila nakakaligtaang pasylan ang Baguio. Kinagigiliwan nilang pumunta dito dahil sa
malamig na klima nito.
Patuloy din na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil
totoong magandang pumunta rito. Maaari kang magsurfing, mag piknik at mamasyal kasama
ang iyong barkada at pamilya.
Nawiwili sila sa ating bayan sapagkat sagana tayo sa magagandang tanawin.

Panuto: Batay sa teksto, piliin ang mga kohesyong gramatikal na ginamit at tukuyin kung ito ay
Anapora o Katapora.
ANAPORA KATAPORA

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

Pamprosesong Tanong

1. Paano nakatutulong ang mga panghalip sa isang pangungusap?


2. Bakit ginagamit ang panghalip sa pagbuo ng isang pangungusap?
3. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang poaggamit ng anaphora at katapora sa ating
pakikipag-usap?

Gawain 2: Punan ng wastong panghalip ang bawat patlang. Tukuyin kung ito ay Anapora o
Katapora. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

____________1. Ang mag-aaral ay dumating at naglinis ngunit pag-uwi _________ ay naiwan ang
bag.

____________2. __________ ang guro sa Filipino, si Bb. Soriano.

____________3. Ang rosas na pula ay maganda, _________ ang paboritong bulaklak ng aking lola.

____________4. Malamig ang klima sa Baguio kaya maraming dayuhan ang nagpupunta
_________.

____________5. Nagwika ___________ na “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”, ipinaliwanag ni Dr.


Jose Rizal ang tungkuling ginagampanan ng kabataan sa lipunan.

2
Isagawa
Sumulat ng isang awiting nagsisimula sa mga panghalip panao na binubuo ng 2 hanggang 3
saknong. Gamiting gabay sa Paggawa ang rubriks na makikita sa ibaba.
Halimbawa:
( Ikaw, ang pag-ibig na hinintay, puso ay nalumbay ng kaytagal …. ) ang salitang ikaw
ay halimbawa ng panghalip panao. Sagutan ito sa iyong papel.

Rubriks sa Pagwawasto
Kahanga-
Mahusay
Pamantayan Magaling Pagbutihin
hanga
Marka
(4 na
(5 puntos ) (3puntos) (2puntos)
puntos)
Nagamit nang wasto ang
mga panghalip panao sa
awitin.
May maayos na daloy ng
nilalaman at
pagkakasunod- sunod
ang lyrics ng
awitin.
Malinis at maayos ang
pagkakasulat, makikita
ang pagsisikap na
maging mahusay
ang ipinasa.

Tayahin
Panuto: Bilugan ang pangngalan sa bawat pangungusap at salungguhitan ang panghalip. Isulat
sa patlang kung ito ay Anaporik o Kataporik. (3 puntos )

_______________ 1. Patuloy na dinarayo ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ang mga
turista’y totoong nagagandahan dito.

_______________ 2. Isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng buwis ng bansa ang turismo


dahil ito ay nagbibigay ng napakalaking halaga ng pera sa kaban ng bansa.

_______________ 3. Nakasuot ng unipormeng berde at batik-batik ang mga sundalo, sila ay


kabilang sa mga itinuturing na bayani ng ating bansa.

_______________ 4. Sina Ambo, Ann at Jill ay sumilong sa isang yungib at doon sila inabot ng
gutom.

_______________5. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinatunayan ng dating Pangulong


Fidel Ramos na kaya niyang paunlarin ang turismo ng bansa.

You might also like