You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA MTB-MLE 3

Unang Markahan – Aralin 9

I. Layunin
Natutukoy ang metapora, personipikasyon at hyperbole sa isang
pangungusap
(MT3G-Id-e-2.1.4)

II. Paksang- Aralin


Paksa: Pagtukoy ng Metapora, Personipikasyon at Hyperbole sa Isang
Pangungusap
Kagamitan sa Pagturo: Larawan, magic box, strips ng cartolina at yarn.
Sanggunian: MELC – MTB-MLE 3 p.373
PIVOT 4A Mother Tongue Learner’s Material pp. 28-30
Pagpapahalaga: Pag-iingat sa Kapaligiran

III. Mga Gawaing Pampagkatuto

A. Panimula
1. Pagganyak
 Ano ang pinakapaborito mong lugar na puntahan dito sa ating lugar?
 Naranasan mo na bang tumira malapit sa ilog o kabundukan?
 Anu-ano ang makikita natin sa lugar na iyon?
2. Paghahawan ng balakid
Panuto: Tingnan ang larawan na nasa kaliwa. Hanapin ang
kasingkahulugan ng Hanay A sa Hanay B.
Hanay A Hanay B

1. himpapawid a. Pumaibabaw
2. diyamante b. berde

3. luntian c. angit

d. kayamanan
4. sisidlan

e. lalagyan
5. nakalutang

3. Alamin / Paglalahad
Babasahin ng guro ang tula.

Lupang Sinilangan
Aking sinilangan nagniningning na bituin kung Metapora
iyong titingnan.
Kay gandang pagmasdan mga halama't
bulaklak na nagsasayawan.

Kumikinang na diyamante ang ngiti sa aking labi.


Ako ay nakalutang sa langit lagi ng nakangiti.
Ang maglaro sa damuhan abot himpapawid ang
kaligayahan.

Ang kalikasan na sumisigaw sa kagandahan.

Ibong nagsisiawitan, kay sarap pakinggan. Personipikasyon


Hanging nag-uunahan upang ako'y hawakan.

Luntiang kagubatan isang perlas na kayamanan.

Yaman mo'y iingatan tulad ng ginto sa aking


sisidlan.

Kahit sa kalawakan man makarating ika'y


pagsisilbihan pa rin.

Umaapaw na biyaya ay dapat pasalamatan.

Hyperbole
4. Suriin / Talakayan
 Ano ang pamagat ng tula?
 Tungkol saan ang tula?
 Anong uri ng lugar ang kanyang tinutukoy?
 Gusto mo rin bang tumira sa lugar na iyon? Bakit?
 Sa palagay mo masaya ba ang tumira sa lugar na sinasabi niya? Bakit?
 Kapag mayroon tayong ganyang lugar na maraming halaman, hayop
at sariwang hangin. Paano natin ito mapapangalagaan?
(Pagpapahalaga)
Basahin natin ulit ang pangungusap na galing sa tula.
Aking sinilangan nagniningning na bituin kung iyong titingnan.
Kumikinang na diyamante ang ngiti sa aking labi.
 Ano ang inihahalintulad sa bituin?
 Anong salita ang ginamit sa paghahambing?
 Ano naman ang inihahalintulad sa kinang ng diyamante?
 Anong salita ang ginamit sa paghahambing?
 Anong anyo ng pananalita ang ginamit sa pangungusap?
Ang paghahambing o pagwawangis sa ibang bagay na hindi
ginagamitan ng sing- o tulad ng- ay tinatatawag na Metapora o
Pagwawangis.
Gamit ang yarn mula sa Metapora pagdugtungin ito papunta sa
tula na may mga halimbawa ng metapora na inyong makikita.
Salungguhitan ang paghahambing na makikita sa pangungusap.
Basahin ang pangungusap na galing sa tula.
Kay gandang pagmasdan mga halama't bulaklak na nagsasayawan.
Ang kalikasan na sumisigaw sa kagandahan.
 Anong kilos ang ginagawa o isinasatao ng halaman at bulaklak?
 Ano naman ang kilos na ginawa o isinasatao ng lupang sinilangan?
 Magbigay ng halimbawa na maari nating isakilos o isatao?
 Anong anyo ng pananalita ang ginamit sa pangungusap?
Personipikasyon. Ito ay ginagamit upang bigyang buhay, pagtaglayin
ng mga katangiang pantao, talino, gawi, kilos ang mga bagay na
walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng
kilos.
Gamit ang yarn mula sa Personipikasyon pagdugtungin ito papunta
sa tula na may mga halimbawa ng pagsasatao na inyong makikita.
Salungguhitan ang bagay na isinasatao.
Basahin ang pangungusap.
Kapag ikaw ay aking tinitingnan abot himpapawid ang kaligayahan.
Kahit sa kalawakan man makarating ika'y pagsisilbihan pa rin.
 Saan umabot ang kanyang kaligayahan?
 Anong damdamin ang tinutukoy nito?
 Hanggang saan niya ito pagsisilbihan?
 Anong anyo ng pananalita ang ginamit sa pangungusap?
Ang pagsidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay,
pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o
katayuan ay tinatawag na hyperbole.

Hyperbole
Gamit ang yarn mula sa pagdugtungin ito papunta sa
tula na may mga halimbawa ng pagmamalabis na iyong makikita
 Anong mga pagmamalabis ang ginamit sa pangungusap?
 Ano ang tawag sa metapora, personipikasyon at hyperbole?
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyang
diin ang isang kaisipan o damdamin.
Mga uri ng tayutay ay metapora, personipikasyon at hyperbole.
B. Pagpapaunlad
5. Subukin (Pagsasanay 1)
Panuto: Unawaing mabuti ang mga pangungusap. Isulat sa inyong drill
board kung ang may salungguhit na salita o parirala ay metapora,
personipikasyon o hyperbole.
1. Lakad-pagong siya kung kumilos.
2. Lion kung magalit ang Lolo ni Cardo.
3. Nawalan ng boses sa Anita sa kadaldalan niya.
4. Bulaklak na nagsasayawan kay gandang pagmasdan.
5. Abot-langit ang saya ng dumating ka.
(Basahin ulit ang tula sabay-sabay)
6. Pagyamanin (Pagsasanay 2)
Panuto: Isulat sa loob ng kahon kung ang pangungusap na tinutukoy nito
ay Metapora, Personipikasyon o Hyperbole. Salungguhitan ang salita na
tinutukoy sa pangungusap.

1. Ang aking ama ay kayod kalabaw sa bukid.


2. Tila anghel sa langit ang boses ni Bela.
3. Namuti na ang buhok ko sa kakahintay sayo.
4. Suntok sa buwan ang galit ni Berto ng mawala ang
alaga niyang kabayo.
5. Sumayaw ang mga puno ng niyog sa lakas ng
bagyo.
6. Nakangiti ang langit sa ganda ng panahon.
C. Pakikipagpalihan
7. Linangin (Pagsasanay 3)
Pangkatang Gawain
Rubriks sa Pangkatang Gawain
Batayan 5 4 3
Nakakasunod sa direksyon
Nagtutulungan ang bawat isa
Gumagawa ng tahimik
Natapos sa takdang oras
Naiulat ng buong husay ang
gawain sa klase.
Pumili ng isang lider sa inyong grupo. Ang lider ang mag-uulat sa
harapan. Pumalakpak ng limang beses kapag tapos na.
Pangkat 1
Panuto: Salungguhitan ang angkop na metapora sa bawat
pangungusap.
1. Sa subrang lakas ng ulan parang basang sisiw ang bata.
2. Higante kung lumakad si Tatay Tony.
3. Ang kalikasan ay ginto na dapat ingatan.
Panuto: Bumuo ng dalawang pangungusap sa loob ng kahon gamit ang
metapora. Salungguhitan ang metaporang ginamit dito.

1. _______________________________________________________
2. _______________________________________________________

Karagdagang katanungan ng guro pagkatapos ng ulat.


Anu-ano ang mga salitang ginamit na metapora o pagwawangis?
Ano ang tawag natin sa mga salitang ito?
Pangkat 2:
Panuto: Pagtambalin sa Hanay B ang mga larawang nasa
Hanay A upang matukoy ang tamang personipikasyon nito.
Hanay A. Hanay B.

a) Humalik sa lupa ang


_____ 1.
matandang kawayan.

_____ 2. b) Sumasayaw ang mga puno ng


niyog sa lakas ng hangin.
_____ 3. c) Nagsasalita ang aklat ng mag-isa.
d) Naglalakad ang mesa papunta sa
_____ 4. kusina.
e) Madilim ang kapaligiran, lumuluha
_____ 5.
ang kalangitan.

Karagdagang katanungan ng guro pagkatapos ng ulat:


Anu-anong mga pagsasatao ang ginamit sa pangungusap?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?

Pangkat 3:
Panuto: Gamitin ang hyperbole na salita upang makabuo ng
pangungusap.
1. Pasko- _________________________________________
2. Mundo- _________________________________________
3. Kalbo- _________________________________________
4. Bituin- _________________________________________
5. Kumukulo- _______________________________________
Karagdagang katanungan ng guro pagkatapos ng ulat.
Anung uri ng tayutay ang ginamit sa mga pangungusap na inyong
ginawa?

D. Paglalapat
8. Isaisip / Paglalahat
 Anong uri ng tayutay ang may paghahambing o pagwawangis?
 Anong uri ng tayutay ang may pagsasatao o kilos?
 Anong uri ng tayutay ang may pagmamalabis o kakulangan?

9. Tayahin / Paglalapat
Panuto: Gamit ang Magix Box. Bumunot ng isang papel. Basahin sa
unahan ang nasa papel. Tukuyin kung anong tayutay ang ginamit dito.
1. Naging mabangis na tigre ang kagubatan dahil sa pag-abuso
ng katauhan.
2. Naglalakad ang papel at nagsusulat ang lapis.
3. Kutis porselana ang balat ni Rosa.
4. Nagsasalita ng mag-isa ang alaga naming aso.
5. Naliligo sa pera ang Pamilyang Portudo sa subrang yaman nila.
.
IV. Tayahin/Pagtataya
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Salungguhitan
ang metapora, personipikasyon o hyperbole na ginamit sa pangungusap.
Isulat sa patlang kung anung tayutay ito.
_____________1. Mga higante ang halaman sa aming bakuran.
_____________2. Si tatay ang haligi ng tahanan.
_____________3. Nagsunog ng kilay si Arnol sa kanyang pag-
aaral, kaya siya nakapagtapos.
_____________4. Ang talon ng wawa ay sumisigaw sa kanyang
kagandahan.
_____________5. Bumuga ng abo ang bulkan sa kalawakan.

V. Takdang-Aralin/Gawaing Bahay
Panuto: Sa tulong ng magulang o kasama sa bahay. Gumawa ng isang
tula at gamitan ito ng mga tayutay na metapora, personipikasyon at
hyperbole.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_________________________________________________________

You might also like