You are on page 1of 9

SAINT BERNICE SCHOOL INC.

ELEMENTARY SCHOOL DEPARTMENT

S.Y. 2020-2021
_____________________________________________
______________________________________________

FILIPINO - 6
Lesson Guide - 2 SET - B
Ikalawang Markahan

PANGALAN

SEKSYON
ARALIN: ASPEKTO NG PANDIWA

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


 maipapamalas ang kakayahan sa tamang pagtukoy ng pandiwa
ayon sa aspekto nito.
 Aspektong Naganap o Perpektibo
 Aspektong Nagaganap o Imperpektibo
 Aspektong Magaganap o Kontemplatibo

Ang Pandiwa ay salitang nagsasabi ng kilos o galaw. Ito ay


may iba’t-ibang panauhan o aspekto na nagpapakilala kung
kalian nangyari, nangyayari, o mangyayari ang kilos.
ASPEKTO NG PANDIWA
Aspektong Naganap o Perpektibo
– Ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos o nangyari na.

Halimbawa: Naglaba si Kiko sa ilog.


Nagwalis si Allan sa bakuran.
Nagluto si Emma ng adobo.

Aspektong Nagaganap o Imperpektibo


- Ito ay nagsasaad na ang sinumulang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi
pa tapos o nangyayari pa.

Halimbawa: Naglalaba si Kiko sa ilog.


Nagwawalis si Allan ng bakuran.
Nagluluto si Emma ng adobo.

Aspektong Magaganap o Kontemplatibo


– Ito ay nagsasaad na ang kilos ay maguumpisa o gagawin pa lamang o
mangyayari palang.

Halimbawa: Maglalaba si Kiko sa ilog.


Magwawalis si Allan ng bakuran.
Magluluto si Emma ng adobo.
Maikling Gawain

PANGALAN: __________________________________ PETSA: ______________

Natutukoy ang pandiwa at aspekto nito.

Bilugan ang pandiwa sa bawat pangungusap. Isulat sa linya ang aspekto nito.

____________________ 1. Naghuhugas ng mga pinggan si Amalia sa kusina.

____________________ 2. Nahulog ni Lito ang mga paso sa labas ng kanilang bahay.

____________________ 3. Maglalaba si Nito sa batis bukas ng umaga kasama ang

kanyang mga pinsan.

____________________ 4. Magtutupi ng mga tuyong damit ang aking kapatid.

____________________ 5. Natuyo na agad ang mga dahon sa bakuran naming.

____________________ 6. Nagsisinungaling ang batang iyan sa kanyang magulang.

____________________ 7. Natapon ni Anton ang kanyang barya sa basurahan.

____________________ 8. Mababasa na ang mga sinampay sa labas.

____________________ 9. Nabasa ang mga aklat sa loob ng aking bag.

____________________ 10. Nonood kami ng nakakatakot na palabas kanina.

____________________ 11. Kakanta kami mamaya sa patimpalak na ito.

____________________ 12. Sumasayaw ang makulit kong kapatid.

____________________ 13. Nag-iisip si Budak ng bagong biro para sa kanyang mga

kamag-aral.

____________________ 14. Pinutol na ang mga puno sa lugar naming.

____________________ 15. Pinapakain na naming an gaming mga alagang aso.


ARALIN: URI NG PANDIWA

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


 maipapamalas ang kakayahan sa tamang pagtukoy ng pandiwa
ayon sa uri nito:
 Pandiwang Katawanin
 Pandiwang Palipat

URI NG PANDIWA
1. KATAWANIN – Ito ang mga pandiwang nakatatayong mag-isa at hindi na nangangailangan ng
tuwirang layong tatanggap ng kilos. Ang pandiwa ay nakatatayong mag-isa at maaaing
naglalahad lamang ng kilos, Gawain, o isang pangyayari o mga pandiwang walang simuno.

Halimbawa:

Nagtago si Samuel.

(Nauunawaan o malinaw ang mensahe ng pangungusap kahit walang tuwirang layong tumatanggap g
kilos sa pandiwang NAGTAGO.)

Halimbawa:

Lumiliwanag na.

(Pandiwang walang simuno ito. Kayang tumayo mag-isa ng pandiwa.)

Halimbawa:

Sumigaw siya.

2. PALIPAT – Ito ay mga pandiwa na may tuwirang layong tumatanggap ng kilos. Ang layong ito’y
pinangungunahan ng ng, ng mga, kay, kina, ni, nila.
Halimbawa:

Nagbigay ng rosas si Rico kay Rica.

Halimbawa:

Tinago ang pitaka sa aparador.


Maikling Gawain
PANGALAN: __________________________________ PETSA: ______________

Natutukoy ang pandiwa at nabibigay ang uri nito.


Bilugan ang pandiwa sa pangungusap at pagkatapos ay isulat sa linya kung ito
ay Katawanin o Palipat.

__________________ 1. Nagdarasal si Emman.

__________________ 2. Pinagtago ni James si Emman laban sa kanyang mga


kaaway.

__________________ 3. Sumunod ang mabait na si Emman.

__________________ 4. Nakaligtas si Emman sa kanyang mga kaaway.

__________________ 5. Tinulungan ng kaibigan si Emman.

__________________ 6. Umaaraw na!

__________________ 7. Sinuportahan ni James si Emman.

__________________ 8. Si James ang nagtago kay Emman.

__________________ 9. Nagmamahalan sila bilang magkaibigan.

__________________ 10. Natutuwa ito.

__________________ 11. Binigay kay Emman ang pulang damit.

__________________ 12. Nanalo si Emman dahil sa tulong James.

__________________ 13. Sumasaya na.

__________________ 14. Bumili ng mga pagkain si James.

__________________ 15. Nagkasundo ang dalawang magkaibigan.

ARALIN: GAMIT NG BANTAS


Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:
 maipapamalas ang kakayahan sa tamang pagtukoy ng pandiwa
ayon sa uri nito:
 Tuldok (.)
 Kuwit (,)
 Tutuldok (:)
 Tandang Pananong (?)
 Tandang Padamdam (!)

MGA BANTAS
1. TULDOK (.) – Ito ay ginanagamit pagkatapos ng pangungusap na pasalaysay,
pautos, daglat, inisyal, mga bilang na Romano at Arabiko, malaki at maliit na titik
sa balangkas, o pagbibigay ng talaan kapag nagsusulat.

Halimbawa:

Ang gawaing mabuti ay lagging tama.


G. Gng. Bb. Dr. Fr.
I.
A.
1.
a.
b.
2.
B.
II.

2. KUWIT (,) – Ito ay ginagamit upang ihiwalay ang serye, pagkatapos n goo o
hindi sa simula ng pangungusap, pagkatapos ng bating panimula at bating
pangwakas sa liham-pangkaibigan, pagsulat ng tirahan at petsa.

Halimbawa:

Ang mga nagging pangulo ng bansa ay sina Quezon, Laurel, Garcia, at iba pa.

3. TUTULDOK (:) – Ito ay ginagamit pagkatapos ng bating panimula sa liham-


pangangalakal at sa unahan ng isang listahan o serye ng mga salita.

Halimbawa:

Kagalang-galang na pangulo:
Ito ang mga gamit na gusto kong bilhin: bag, sapatos, papel, lapis, pantasa at Iphone
12 pro max.

4. TANDANG PANANONG (?) – Ito ay ginagamit pagkatapos ng isang


tuwirang tanong.

Halimbawa:

Kaya mo bang ipasa ang ikalawang marakahan na ‘to?


Malalamangan mo ba an gang nakuha mong marka sa exam noong unang markahan?

(Lahat ng ‘to ay magagawa mo kapag nakikinig ka ng maayos sa guro mo, hindi lang sa
akin kundi sa lahat ng guro mo sa iba’t-ibang subjects. Papasa ka.)

5. TANDANG PADAMDAM (!) – Ito ay ginagamit upang maipakita ang


matinding damdamin na nais iparating.

Halimbawa:

Kahanga-hanga ka, Pangulong Quezon!


Napakagaling mo naman, Pedro!

Maikling Gawain
PANGALAN: __________________________________ PETSA: ______________

Gumawa ng 3 halimbawa sa paggamit ng bawat bantas.

1. Tuldok

a.
b.
c.

2. Kuwit

a.
b.
c.

3. Tutuldok

a.
b.
c.

4. Tandang Pananong

a.
b.
c.

5. Tandang Padamdam

a.
b.
c.

You might also like