You are on page 1of 32

Filipino – Baitang 7

Alternative Delivery Mode


Ikatlong Markahan – Modyul 2: Katangian ng mga Kaalamang-Bayan at Pamantayan sa
Pagsulat ng Akdang Patula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Charlene A. Jumalon

Reviewers: Susan C. Rosellosa, HT – III


Gideon J. Pascubillo, HT – III
Wilgermina D. Juhaili, HT – I
Mary Cecille D. Luzano, HT – I
Grace O. Gipulao, T – III
Noel Jay S. Pahayac, T – I
Jovanie A. Tangca-an, T – I
Quindie C. Ortega, T – I

Illustrator and Layout Artist: Roland Z. Lauron

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Eugene I. Macahis Jr.
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Marie Emerald A. Cabigas, PhD, Regional LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Lorena R. Simbajon, EPS - Filipino
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
7
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2
Katangian ng mga Kaalamang-Bayan
at Pamantayan sa Pagsulat ng
Akdang Patula

Ang materyal sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga piling guro, punong guro, at Education Program Supervisor
sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental.
Hinihikayat ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-
email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon –
Rehiyon 10 sa region10@deped.gov.ph.
Mahalaga ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 2 ukol
sa Katangian ng mga Kaalamang-Bayan at Pamantayan sa Pagsulat ng Akdang Patula.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

TALAAN NG NILALAMAN
Aralin 1 ---------------- 1
Alamin ---------------- 1
Subukin ---------------- 1
Balikan ---------------- 3
Tuklasin ---------------- 4
Suriin ---------------- 6
Pagyamanin ---------------- 6
Isaisip ---------------- 7
Isagawa ---------------- 7
Tayahin ---------------- 8
Karagdagang Gawain ---------------- 10

Aralin 2 ---------------- 11
Alamin ---------------- 11
Subukin ---------------- 11
Balikan ---------------- 12
Tuklasin ---------------- 13
Suriin ---------------- 17
Pagyamanin ---------------- 17
Isaisip ---------------- 18
Isagawa ---------------- 19
Tayahin ---------------- 20
Karagdagang Gawain ---------------- 22

Susi sa Pagwawasto ---------------- 23


Sanggunian ---------------- 24
Aralin
Katangian ng mga Kaalamang-Bayan
1

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga kaalamang-bayang nagpasalin-


salin sa bibig ng iba’t ibang lahi dahil sa ito’y bukambibig ng taumbayan.
Layunin
 Naihahambing ang mga katangian ng awiting/tulang panudyo, tugmang de
gulong, at palaisipan (F7PB-IIIa-c-14)

I. Pagpipilian
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.
1. Isang panitikan, paniniwala, ritwal at tradisyon ng mga mamamayan na
nagpasalin-salin sa iba’t ibang lahi at pook dahil sa bukambibig ng taumbayan.
a. Kaalamang-bayan c. Mito
b. Kuwentong-bayan d. Tula
2. Alin sa sumusunod na salita ang hindi kabilang sa kaalamang-bayan?
a. Awiting / Tulang Panudyo c. Maikling Kuwento
b. Tugmang de Gulong d. Palaisipan
3. Akdang patulang nagpapaalala o nagbabala na kalimitang makikita sa mga
pampublikong sasakyan.
a. Bugtong c. Tugmang de Gulong
b. Palaisipan d. Tulang Panudyo
4. Layunin nitong pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkatipon-
tipon sa isang lugar.
a. Awiting / Tulang Panudyo c. Palaisipan
b. Bugtong d. Tugmang de Gulong

1
5. Ito ay uri ng akdang patulang kadalasang layunin ay manlibak, manukso, o
mang-uyam.
a. Kaalamang-bayan c. Tugmang de Gulong
b. Palaisipan d. Tulang Panudyo
6. “Aanhin pa ang gasolina. Kung dyip ko ay sira na.” Anong uri ng kaalamang-
bayan ito?
a. Kaalamang-bayan c. Tugmang de Gulong
b. Palaisipan d. Tulang Panudyo
7. Tukuyin ang pahayag kung anong kaalamang-bayan ito napabilang.
“Kotse kakalog-kalog, sindihan ng posporo, sa ilog ilulubog.”
a. Mito c. Tugmang de Gulong
b. Palaisipan d. Tulang Panudyo
8. Alin sa sumusunod na pahayag ang katangian ng palaisipan?
a. Manukso o manlibak ng mga bata.
b. Magbigay-aliw sa mga pagtitipon at namatayan.
c. Malayang maiparating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe.
d. Pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagtitipon-tipon sa isang
lugar.
9. Aling pahayag sa ibaba ang hindi katangian o layunin ng tugmang de gulong?
a. Paalala o babala sa mga tao.
b. Kalimitang makikita sa pampublikong sasakyan.
c. Paboritong pampalipas oras ng ating mga ninuno.
d. Malayang maiparating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe.
10. Alin sa mga pahayag ang totoo tungkol sa katangian ng tulang panudyo?
a. Nakapagpatalas ng isipan
b. Patula na nanlilibak at nanunukso
c. Pukawin ang kaisipan ng mga tao
d. Babala na makikita sa pampublikong sasakyan
11. Alamin kung anong uri ng kaalamang-bayan ang pahayag sa ibaba.
“Mga pare, please lang kayo’y tumabi, pagkat dala ko’y sandatang walang
kinikilala, ang aking manibela.”
a. Bugtong c. Tugmang de Gulong
b. Palaisipan d. Tulang Panudyo

2
12. Sa iyong palagay, ano ang kaisipan ng pahayag na ito bilang halimbawa ng
tugmang de gulong? “God knows, Hudas not pay.”
a. Ang Diyos na ang bahala sa iyo.
b. Ang tao na ang bahala sa Diyos.
c. Ang Diyos na ang bahala sa taong hindi magbabayad.
d. Ang Diyos ang may tanging alam sa taong walang puso.
13. “Miss na seksi kung gusto mo ng libre, sa drayber ka tumabi.” Anong uri ng
kaalamang-bayan ito?
a. Palaisipan c. Tula
b. Tugmang de Gulong d. Tulang Panudyo
14. Ito ay pagbibirong nasa anyong patula at sinasabi ng mga bata sa kapwa bata
kapag nagsasama-sama.
a. Bugtong c. Tugmang de Gulong
b. Palaisipan d. Tulang Panudyo
15. Aling pahayag sa ibaba ang nagpapatunay sa layunin ng palaisipan?
a. Nakapagpatalas ng isipan.
b. Ito ay nasa anyong tuluyan.
c. Nagpaalala sa pampublikong sasakyan.
d. Pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng tao.

Gawain 1
Panuto: Basahin at sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Bilang mag-aaral, paano makatutulong ang iyong mga natutunan sa iba’t


ibang paraan sa pagbibigay ng kahulugan ng salita?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
________________________________________________________________________

3
Basahin at alamin ang mga katangian ng kaalamang-bayan.

Ang pagkakaroon ng diwang makata ay likas sa ating mga ninuno. Ayon


kay Alejandro Abadilla, bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at
katuturan. Ito ang ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang
iba pang mga akdang patula tulad ng tulang panudyo, tugmang de gulong,
bugtong, palaisipan, at iba pang kaalamang-bayan.

Kaalamang-bayan
 Ito ay umiiral na kuwento, panitikan, paniniwala, ritwal, gawi, at tradisyon
ng mga mamamayan sa isang pamayanan o kalinangang nagpasalin-
salin sa iba’t ibang lahi at pook dahil sa ito’y bukambibig ng taumbayan.
 Ilang halimbawa nito ay tulang / awiting panudyo, tugmang de gulong,
at palaisipan.

1. Tulang / Awiting Panudyo


 Ito ay isang uri ng akdang patulang kadalasan ang layunin ay manlibak,
manukso o mang-uyam. Ito ay kalimitang may himig na nagbibiro at kilala
rin sa tawag na “pagbibiro ng patula.”
 Sinasabi ito ng mga bata sa kapwa bata kapag nagsasama-sama.

Halimbawa:
a. Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan.

b. Pedro Penduko, matakaw sa tuyo;


Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo.

c. Si Maria kong Dende


Nagtinda sa gabi
Nang hindi mabili
Umupo sa tabi.

4
2. Tugmang de Gulong
 Ito ay mga paalala o babalang kalimitang makikita sa mga pampublikong
sasakyan.
 Sa pamamagitan nito, malayang naiparating ang mensaheng may
kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero.
 Maaaring ito ay nasa anyong salawikain, kasabihan, o maikling tula.

Halimbawa:
a. Ang ‘di magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan ay ‘di
makabababa sa paroroonan.
b. Aanhin pa ang gasolina kung dyip ko ay sira na.
c. Ang ‘di magbayad, walang problema. Sa karma pa lang, bayad ka na.
d. God knows Hudas not pay.

3. Palaisipan
 Layunin nitong pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong
nagtitipon-tipon sa isang lugar.
 Ito ay paboritong pampalipas oras ng ating mga ninuno.
Nangangahulugan lamang ito na ang mga sinaunang Pilipino ay sanay
mag-isip at kanilang ipinamana ito sa kanilang mga apo.
 Laganap pa rin ito hanggang sa kasalukuyang panahon sapagkat ito’y
talaga namang nakapagpapatalas sa isipan. Ito ay hindi na lamang
pinag-uusapan at pinag-iisipan sa mga pagtitipon kundi maging sa
usapan sa Internet.
 Ito ay kadalasang nalikha bilang uri ng libangan, ngunit maaari rin
namang magmula sa seryosong matematikal at lohistikal na suliranin.

Halimbawa:
a. Sa isang kulungan ay may limang baboy si Mang Juan. Lumundag ang
isa. Ilan ang natira?
(Sagot: Lima pa rin kasi lumundag lang naman ang baboy at hindi
umalis.)
b. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha
ang bola nang ‘di man lamang nagalaw ang sombrero.
(Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero.)

5
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Pagkatapos, suriin kung
ito ay tulang panudyo, tugmang de gulong at palaisipan. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay pagbibirong nasa anyong patulang sinasabi ng mga bata sa kapwa bata
kapag nagsasama-sama.
2. Uri ng akdang patulang kadalasang layunin ay manlibak, manukso o mang-
uyam.
3. Ito ay babala o paalalang kalimitang makikita sa pampublikong sasakyan.
4. Anyong patulang ang layunin ay pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga
taong nagtitipon-tipon sa isang lugar.
5. Ito ay kadalasang nalilikha bilang uri ng libangan ngunit maaari rin namang
magmula sa seryosong matematikal at lohistikal na suliranin.

Gawain 3
Panuto: Gamit ang balloon organizer sa ibaba, itala ang mga katangiang
naglalarawan ng mga kaalamang-bayan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Tugmang de Gulong
_________________
Tulang
_________________ Palaisipan
Panudyo
__ ___________
_____________
___________
_____________
__
__

6
Gawain 4
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Ano-ano ang mga uri ng kaalamang-bayan?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Paano mo maihahambing ang tulang panudyo, tugmang de gulong, at
palaisipan?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Gawain 5
Panuto: Punan ng mga sagot ang hinihingi sa triple venn diagram. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Tulang Panudyo Palaisipan Tugmang de Gulong

Pagkakaiba
Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagkatulad Pagkatulad
 

7
I. Panuto: Piliin ang titik ng sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Umiiral ang kuwento, panitikan, paniniwala, ritwal, at tradisyong nagpasalin-
salin sa iba’t ibang lahi at pook dahil ito’y bukambibig ng taumbayan.
a. Alamat c. Kwentong-bayan
b. Kaalamang-bayan d. Kultura
2. Alin sa mga pahayag ang totoong naglalarawan sa palaisipan?
a. Akdang patula, manukso c. Babala, pampublikong sasakyan
b. Anyong patula, pampatalas ng isipan d. Di-pahulaan, binigkas ng patula
3. Ito ay anyong tuluyang may layuning pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng
mga taong nagsasama-sama.
a. Bugtong c. Tugmang de Gulong
b. Palaisipan d. Tulang Panudyo
4. Ang sumusunod ay napabilang sa kaalamang-bayan maliban sa isa.
a. Alamat c. Tugmang de Gulong
b. Palaisipan d. Tulang Panudyo
5. Anong uri ng kaalamang-bayan ito, “Tatay mong bulutong, puwede nang
igatong; Nanay mong maganda, puwede nang ibenta?”
a. Bugtong c. Tugmang de Gulong
b. Palaisipan d. Tulang Panudyo
6. Tinatawag ang simpleng pagpapakahulugan o mga paalalang maaaring
matagpuan sa mga pampublikong sasakyan.
a. Patula c. Tugmang de Gulong
b. Palaisipan d. Tulang Panudyo
7. Ito ay pampalipas oras ng mga ninuno na nagpapatalas ng isipan.
a. Alamat c. Tugmang de Gulong
b. Palaisipan d. Tulang Panudyo
8. “Makikilala mo ang pasaherong mabait, sa kilos ng kamay, at buka ng bibig,”
anong uri ng kaalamang-bayan ang pahayag na ito?
a. Bugtong c. Tulang Panudyo
b. Tugmang de Gulong d. Palaisipan

8
9. “Tiktiklaok! Sabi ng tandang. Putputak! Sabi ng inahin. Huwag kang umakyat,
itlog ko’y mapipisa.” Anong uri ito ng kaalamang-bayan?
a. Palaisipan c. Tula
b. Tugmang de Gulong d. Tulang Panudyo
10. Ang sumusunod ay layunin ng kaalamang-bayan maliban sa isa?
a. Ito ay anyong patula.
b. Paboritong pampalipas oras ng ating ninuno.
c. Tulang nagbibiro, nambubuska, at nanunukso.
d. Layuning pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng tao.
11. “Batang makulit, palaging sumisitsit, sa kamay mapipitpit.”
Anong uri ng kaalamang-bayan ang pahayag sa itaas?
a. Palaisipan c. Tula
b. Tugmang de Gulong d. Tulang Panudyo
12. Alin sa sumusunod na pahayag ang tanging naglalarawan sa tulang panudyo?
a. Pukawin at pasiglahin ang isipan ng tao.
b. Kalimitang maiksi na binibigkas at nagbibigay-aliw.
c. Akdang patula na manlibak, manukso o mang-uyam.
d. Babala o paalalang makikita sa pampublikong sasakyan.
13. Ang palaisipan ay isang uri ng kaalamang-bayan. Aling pahayag sa ibaba ang
hindi tumutukoy sa katangian nito?
a. Anyong patula
b. Paboritong pampalipas-oras
c. Manlibak, manukso o mang-uyam
d. Pukawin at pasiglahin ang kaisipan
14. Anong uri ng kaalamang-bayan ang pahayag na ito? “Ang ‘di magbayad mula
sa kaniyang pinanggalingan ay ‘di makabababa sa paroroonan.”
a. Palaisipan c. Tula
b. Tugmang de Gulong d. Tulang Panudyo
15. Ang kaalamang-bayang ito ay paboritong pampalipas oras ng ating mga
ninuno. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang Pilipino ay
sanay mag-isip. Ito ay naglalarawan sa anong uri ng kaalamang-bayan?
a. Bugtong c. Tula
b. Palaisipan d. Tulang Panudyo

9
Gawain 6
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na halimbawa ng tulang
panudyo, tugmang de gulong, at palaisipan. Pagkatapos, suriin ito gamit
ang mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel .

Tulang Panudyo Tugmang de Gulong Palaisipan


Ang ‘di magbabayad sa Si Mario ay isa sa limang
Tutubi, tutubi!
pinanggalingan, hindi magkakapatid. Ang mga
‘Wag kang pahuhuli,
makabababa sa pangalan nila, umpisa sa
sa batang mapanghi!
paroroonan. panganay ay sina Enero,
Pebrero, Marso, Abril at
________.

Mga Tanong

1. Ano ang ginagawa 3. Sino ang tinutukoy sa 5. Sino ang bunso sa


ng bata? itaas? limang magkakapatid?
2. Paano mailalarawan 4. Ano ang mangyayari
ang amoy ng bata? kung ‘di magbabayad?

10
Pamantayan sa Pagsulat ng
Aralin
Sariling Tula/Awiting Panudyo,
1 Tugmang de Gulong, at Palaisipan

Sa araling ito, mahahasa ang iyong kakayahan sa pagsagawa ng sariling


tula/awiting panudyo, tugmang de gulong, at palaisipan batay sa itinakdang mga
pamantayan.
Layunin
 Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan (F7PU-IIIa-c-13)

I. Panuto: Suriin ang sumusunod na mga kaalamang-bayan. Isulat ang ATP kung
ito ay awit / tulang panudyo, TDG kung ito ay tugmang de gulong at
PSP kung ito naman ay palaisipan. Isulat ang tamang sagot sa papel.
1. Miss na seksi kung gusto mo ng libre, sa drayber ka tumabi.
2. Magandang binibini, ikaw ay bulaklak sa mata ko, diyosa ng puso ko, sakit ng
bulsa ko.
3. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola
nang hindi man lang nagagalaw ang sombrero?
4. May dumi sa ulo, ikakasal sa Linggo, inalis-alis, ikakasal sa Lunes.
5. Putak, putak, batang duwag; matapang ka’t nasa pugad.
6. May isang tulay na walang sinomang makadaan sapagkat may nagbabantay na
mahiwagang tinig, at sinomang makarinig nito ay tiyak na mamamatay, subalit
may isang binatang nakatawid sa tulay.
7. Aanhin pa ang gasolina kung dyip ko ay sira na.
8. Pedro Penduko, matakaw ng tuyo, nang ayaw maligo kinuskos ng gugo.
9. God knows Hudas not pay.

11
10. Si Pedro ay pinanganak sa Espanya. Ang tawag sa kaniyang ama ay
Amerikano at ang kaniyang ina ay isang Intsik. Bininyagan siya sa bansang
Pransiya, nang siya ay lumaki, nakapangasawa siya ng Haponesa at doon
nanirahan sa Hongkong. Sa oras ng kamatayan, siya ay inabot sa Saudi.
11. Bata, batuta nagsuot sa lungga hinabol ng palaka.
12. Ang ‘di magbayad sa pinanggalingan, ‘di makararating sa paroroonan.
13. Anong meron sa aso na meron din sa pusa, na wala sa ibon ngunit meron sa
manok na dalawa sa buwaya at kabayo, na tatlo sa palaka?
14. Tutubi, tutubi! Huwag kang pahuhuli sa batang mapanghi.
15. Si Mario ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga pangalan nila umpisa sa
panganay: Enero, Pebrero, Marso, Abril, at_______________.

Gawain 1
Panuto: Basahin ang tula sa ibaba. Pumili ng dalawang salita at gamitin sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Ang unang bilang ay
ginawa na para sa iyo.

Mamang Tsuper Ang pera na aking pambayad


ni Charlene A. Jumalon Ang tanging nais niyang hangad;
Pambili ng bigas laging bungad
Ang hanapbuhay mo’y marangal Sa pamilya mahain agad.
Huwag itong gawing sagabal;
Mga mamamayan ay ‘di bawal Sakripisyo at pagsisikap
Pagkat lahat ay siyang mahal. Saganang buhay ang pangarap;
Makamtan o kaya’y mailap
Maiahon lamang sa hirap.

1. Salita: bungad
Pangungusap: Laging bungad ng tatay ni Allan ang pasasalamat sa biyaya ng
Panginoon sa kanilang pamilya.
2. Salita: ____________
Pangungusap: __________________________________________________
3. Salita: ____________
Pangungusap: __________________________________________________

12
Sa pagsulat ng tulang / awiting panudyo, tugmang de gulong, at
palaisipan, mayroong pamantayan o rubrik na maging batayan sa
pagbibigay ng puntos. Basahin at alamin ang kaisipan sa araling ito.

Ano ba ang rubrik?


 Ito ay isang set ng mga pamantayan sa pagmamarka ng nagkakaibang
antas ng produkto at proseso.
 Ginagamit itong basehan sa paaralan upang malaman kung paano
mabibigyan ng grado o puntos ang gawa ng isang mag-aaral.
Narito ang halimbawa ng isang rubrik.
Rubrik sa Paggawa ng Awit / Tulang Panudyo,
Tugmang de Gulong, at Palaisipan

Napakahusay Mahusay Di-mahusay


Pamantayan Puntos
(5) (4) (3)

Orihinalidad Ang mga salita, Ang mga salita, Ang mga salita,
konsepto, o konsepto, o konsepto, o
ideang ginamit ideang ginamit ideang ginamit
ay nagmumula ay hinango mula ay kinopya mula
sa iyo. sa aklat o sa aklat o
internet. internet.

Pagkabubuo Angkop at May iilang Maraming


wasto ang mga salitang ginamit salitang ginamit
salitang na hindi angkop. na hindi
ginamit. angkop.

Paksa Tiyak ang Hindi gaanong Hindi tiyak ang


pagtatalakay sa tiyak ang pagtatalakay sa
paksa. pagtatalakay sa paksa.
paksa.

Kalinisan Malinis ang May tatlo o apat May lima o higit


pagkasulat. na pagbubura pang pagbubura
sa pagsusulat. sa pagsusulat.

13
1. Panunudyo
 Patula ang pagkabuo nito. Binibigkas ito ng mga bata at matatanda.
Halimbawa:
Pedro Penduko,
Bata, batuta,
matakaw sa tuyo,
nagsuot sa
nang ayaw
lungga,
maligo,
hinabol ng
kinuskos ng
palaka.
gugo.

May dumi sa ulo,


ikakasal sa Putak, putak,
Linggo, batang duwag,
inalis-alis, matapang ka’t,
ikakasal sa nasa pugad.
Lunes.

Tutubi, tutubi!

Huwag kang
pahuhuli,

sa batang
mapanghi!
https://images.app.goo.gl/noRrKegNfvJTEK9z8

2. Tugmang de Gulong
 Ang paalala sa mga pasaherong maaaring matagpuan sa mga
pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus, at traysikel.
 Nilalaman din nito ang mga uri ng pasahero, katangian ng drayber at
ang mga pang-araw-araw na sitwasyon sa pagbibiyahe, pamamasada
tulad ng hindi pagbabayad ng pasahe.

14
Halimbawa:

Magandang binibini. Ikaw ay bulaklak sa mata ko,


diyosa ng puso ko, sakit ng bulsa ko.

Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay


naghahabol ng hininga.

Sitsit ay sa aso, katok ay sa pinto, sambitin ang


“para”, sa tabi tayo’y hihinto.

Miss na seksi kung gusto mo ng libre, sa drayber


ka tumabi.

Mga pare, please lang kayo’y tumabi, pagkat dala


ko’y sandatang walang kinikilala – ang aking
manibela.

https://images.app.goo.gl/pQVRBSxi23ocRGTU6

15
3. Palaisipan
 Ito ay humahamon sa manlalarong mag-isip upang malutas ang
suliraning inilahad.
Halimbawa:
May isang tulay na walang sinomang makadaan
sapagkat may nagbabantay na mahiwagang tinig, at
sinomang makarinig nito ay tiyak na mamamatay,
subalit may isang binatang nakatawid sa tulay. Bakit
hindi namatay ang binata?
Sagot: Bingi ang binata.
https://
images.app.goo.gl/
4Ufb4CnNz1uTkMEA9

Paano tatawa ang dalagang hindi makikita ang


kaniyang ngipin?
Sagot: Tatakpan ng kaniyang palad ang
kaniyang ngipin.
https://
images.app.goo.gl/
4Ufb4CnNz1uTkMEA9
May isang prinsesa, sa tore nakatira, balita sa
kaharian ang pambihirang ganda, bawal tumingala
upang siya ay makita. Ano ang gagawin ng binatang
sumisinta?
Sagot: Iinom ng tubig upang kunwari
https:// mapatingala at makita ang prinsesa.
images.app.goo.gl/
4Ufb4CnNz1uTkMEA9

Si Pedro ay pinanganak sa Espanya. Ang tawag sa


kaniyang ama ay Amerikano at ang kaniyang ina ay
isang Intsik. Bininyagan siya sa bansang Pransiya.
Nang lumaki, nakapangasawa siya ng Haponesa at
doon nanirahan sa Hongkong. Sa oras ng
kamatayan siya ay inabot sa Saudi. Ano ang tawag
https:// kay Pedro?
images.app.goo.gl/
4Ufb4CnNz1uTkMEA9 Sagot: Bangkay

16
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga halimbawa. Suriin
kung anong uri ng kaalamang-bayan ito napabilang. Piliin ang titik ng
tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

a. Awit / Tulang Panudyo c. Palaisipan


b. Bugtong d. Tugmang de Gulong

1. Ako’y tutula, mahabang-mahaba, ako’y uupo, tapos na po.


2. Sa duklay ng isang sanga, limang ibon ang kumanta, lumipad ang isa. Ilan ang
natira?
3. Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay naghahabol ng hininga.
4. Sitsit ay sa aso, katok ay sa pinto, sambitin ang “para”, sa tabi tayo’y hihinto.
5. Tatay mong bulutong, puwede nang igatong, nanay mong maganda, puwede
mong ibenta.

Gawain A
Panuto: Dugtungan ang mga akda sa ibaba upang mabuo ang diwa nito. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang amoy ay parang isda
____________________.

2. Bata, bata
Amoy-lupa
____________________.

3. Ang maganda, sa kanan


_____________ sa kaliwa
Ang pangit _____________

17
Kaya kung puwede sumabit na lang.

17
Gawain B
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga palaisipan. Sagutin ang tanong at
isulat sa sagutang papel.
1. Mayroong sampung ibong nakadapo sa isang maliit na sanga ng puno. Limang
maya, dalawang kalapati, dalawang kuwago at isang uwak. Tinamaan at
nalaglag ang maya. Ilang kuwago ang naiwan sa sanga?
Sagot: _________________________
2. Ikaw ay natutulog nang mawalan ng kuryente. Narinig mong may kumatok sa
pintuan. Tanong, ano ang una mong bubuksan?
Sagot: _________________________

Gawain 3
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Paano sumasalamin sa kultura at uri ng pamumuhay ng mga tao, maging sa


kalagayang panlipunan ng tao ang nilalaman ng tulang panudyo, tugmang
de gulong, at palaisipan?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Bakit mahalagang mapag-aralan at matutunan ang pagsulat ng tulang


panudyo, tugmang de gulong, at palaisipan?
_____________________________________________________________
________________________________________________________

18
Gawain 4
Panuto: Gumawa ng isang sariling komposisyon ng tugmang de gulong gamit ang
itinakdang pamantayan.
1. Tugmang de Gulong tungkol sa ‘social distancing’

Tugmang de Gulong
__________________________________
__________________________________
_______________________________

Rubrik sa Paggawa ng Tugmang de Gulong

Napakahusay Mahusay Di-mahusay


Pamantayan Puntos
(5) (4) (3)

1. Orihinalidad Ang mga salita, Ang mga salita, Ang mga salita,
konsepto o konsepto o konsepto o
ideang ginamit ideang ginamit ideang ginamit
ay nagmumula ay hinango mula ay kinopya
sa iyo. sa aklat o mula sa aklat o
internet. internet.

2. Pagkakabuo Angkop at May iilang Maraming


wasto ang mga salitang ginamit salitang ginamit
salitang ginamit. na hindi angkop. na hindi
angkop.

3. Paksa Tiyak ang Hindi gaanong Hindi tiyak ang


pagtatalakay sa tiyak ang pagtatalakay sa
paksa. pagtatalakay sa paksa.
paksa.

4. Kalinisan Malinis ang May tatlo o apat May lima o higit


pagkasulat. na pagbubura pang
sa pagsusulat. pagbubura sa
pagsusulat.

Kabuoang
Puntos

19
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na halimbawa ng awiting /
tulang panudyo, tugmang de gulong, at palaisipan. Pagkatapos,
hanapin ang salitang nagpamamali sa bawat pahayag o pangungusap.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Si Mario ay isa sa apat na magkakapatid. Sila ay sina Enero, Pebrero, Marso,


A B C
Abril at Mayo.
D

2. Anong wala sa aso na meron din sa pusa, na wala sa ibon,


A B
ngunit meron sa manok na dalawa sa buwaya, at kabayo na tatlo sa palaka?
C D

3. Tutubi, tutubi! Huwag kang tatakbo sa batang mapanghi!


A B C D

4. Ang ‘di magbayad sa pinanggalingan, ‘di makararating sa kinauupuan.


A B C D

5. Bata, batuta nagsuot sa bahay, hinabol ng palaka.


A B C D

6. God knows Judas must pay.


A B C D

7. Pedro Penduko, matakaw sa tuyo nang ayaw makinig kinuskos ng gugo.


A B C D

8. Aanhin pa ang gasolina kung dyip ko ay puno na.


A B C D

20
9. May isang tulay na walang sinomang makadaan sapagkat may nagbabantay
A B
na mahiwagang tinig, at sinomang makarinig nito ay tiyak na mabubuhay,
C
subalit may isang binatang nakatawid sa tulay.
D

10. Putak, putak batang palaban matapang ka’t nasa pugad.


A B C D

11. May dumi sa damit, ikakasal sa Linggo, inalis-alis ikakasal sa Lunes.


A B C D

12. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng bombero. Paano nakuha ang bola
A B C
nang hindi man lang nagagalaw ang sombrero?
D

13. Miss na seksi kung gusto mo ng libre, sa pasahero ka tumabi.


A B C D

14. Magandang binibini. Ikaw ay bulaklak sa mata ko, diyosa ng puso ko,
A B C
sakit ng puso ko.
D

15. Si Pedro ay pinanganak sa Espanya. Ang tawag sa kaniyang ama ay


A
Amerikano at ang kaniyang ina ay isang Intsik. Bininyagan siya sa bansang
B
Pransiya. Nang siya ay lumiit, nakapangasawa siya ng Haponesa at doon
C
nanirahan sa Hongkong. Sa oras ng kamatayan, siya’y inabot sa Saudi.
D

21
Gawain 5
Panuto: Pumili ng isa sa karunungang-bayan; awit / tulang panudyo, tugmang de
gulong, at palaisipan. Pagkatapos ay gumawa ng sariling komposisyon
batay sa nagustuhan mong paksa na makikita sa loob ng kahon. Gawing
batayan ang rubrik sa pagbibigay ng puntos. Isulat ito sa sagutang papel.

PAKSA
edukasyon c. pagsusuot ng face mask
fronliners d. paglalaro ng online
games
Rubrik sa Paggawa ng Awiting / Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong,
at Palaisipan

Napakahusay Mahusay Di-mahusay


Pamantayan Puntos
(5) (4) (3)

Orihinalidad Ang mga salita, Ang mga salita, Ang mga salita,
konsepto o konsepto o konsepto o
ideang ginamit ideang ginamit ideang ginamit
ay nagmumula ay hinango mula ay kinopya mula
sa iyo. sa aklat o sa aklat o
internet. internet.

Pagkakabuo Angkop at wasto May iilang Maraming


ang mga salitang salitang ginamit salitang ginamit
ginamit. na hindi angkop. na hindi angkop.

Paksa Tiyak ang Hindi gaanong Hindi tiyak ang


pagtatalakay sa tiyak ang pagtatalakay sa
paksa. pagtatalakay sa paksa.
paksa.

Kalinisan Malinis ang May tatlo o apat May lima o higit


pagkasulat. na pagbubura pang pagbubura
sa pagsusulat. sa pagsusulat.

Kabuoang
Puntos

22
ARALIN 1

ARALIN 2

23
AKLAT
o Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc,
2014.
o Dillague, Nora M. et. al. Sandigan: Sining ng Komunikasyon para sa Mataas
na Paaralan. Phoenix Publishing House, Inc. Quezon City.
o Dela Cruz, Leonora. Gantimpala: Pinagsanib na Wika at Panitikan.
Innovative Education Materials, INC.

WEBSITE
o https://pt.slideshare.net/mobile/angelchiutena/tula-41049153?ref=
o https://www.slideshare.net/mobile/MichelleMuoz18/tugmang-de-gulong-
tulang-panudyobugtongpalaisipan
o https://brainly.ph/question/263641
o https://philnews.ph/2019/07/23/halimbawa-ng-tulang-panudyo-kahulugan-
halimbawa/
o https://www.wattpad.com.amp/342390572
o https://www.slideshare.net/mobile/CharlieAgravante/panitikan-lit1report

LARAWAN
o https://images.app.goo.gl/noRrKegNfvJTEK9z8
o https://images.app.goo.gl/pQVRBSxi23ocRGTU6
o https://images.app.goo.gl/4Ufb4CnNz1uTkMEA9

24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

You might also like