You are on page 1of 27

Filipino – Baitang 7

Alternative Delivery Mode


Ikalawang Markahan – Modyul 1: Mga Mahahalagang Detalye, Mensahe at Kaisipang Nais
Iparating ng Napakinggang Awiting-bayan, Bulong, Bahagi ng Akda, Teksto Tungkol sa
Epiko ng Kabisayaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Ariel A. Camingao

Reviewers: Susan C. Rosellosa, HT – III


Gideon J. Pascubillo, HT – III
Wilgermina D. Juhaili, HT – I
Mary Cecille D. Luzano, HT – I

Illustrator and Layout Artist: Roland Z. Lauron

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Lorena R. Simbajon, EPS - Filipino
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
7
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Mga Mahahalagang Detalye, Mensahe at
Kaisipang Nais Iparating ng Napakinggang
Awiting-bayan, Bulong, Bahagi ng Akda,
at Teksto Tungkol sa Epiko ng
Kabisayaan

Ang materyal sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga piling guro, punong guro, at Education Program Supervisor
sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental.
Hinihikayat ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-
email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon –
Rehiyon 10 sa region10@deped.gov.ph.
Mahalaga ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 1 ukol
sa Mga Mahahalagang Detalye, Mensahe at Kaisipang Nais Iparating ng Napakinggang
Awiting-bayan, Bulong, Bahagi ng Akda, Teksto Tungkol sa Epiko ng Kabisayaan.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

TALAAN NG NILALAMAN
Alamin ---------------- 1
Subukin ---------------- 2

Aralin 1 ---------------- 5

Balikan ---------------- 5

Tuklasin ---------------- 6

Suriin ---------------- 9

Pagyamanin ---------------- 11

Isaisip ---------------- 14

Isagawa ---------------- 15

Tayahin ---------------- 16

Karagdagang Gawain ---------------- 19

Susi sa Pagwawasto ---------------- 20

Sanggunian ---------------- 21
Ang modyul na ito ay kinapalolooban ng mga gawaing pangkwarter 2 para
sa mag-aaral sa ikapitong baitang. Dito matutunghayan mo ang mga piling akda
mula sa kabisayaan tulad ng awiting-bayan, bulong, alamat, bahagi ng akda at
epiko. Sa panahon ng ating mga ninuno, kung saan hindi pa uso ang mga
makabagong teknolohiya tulad ng cellphone, kompyuter, ipad at iba pa ang
pagpapalaganap ng iba’t ibang akdang pampanitikan ay nagsimula sa pasalindila
na kung saan ang panitikang ito ay nagpalipat-lipat sa iba’t ibang henerasyon
upang makabuo ng mga bugtong, awiting-bayan, alamat, bulong at epiko na
nagsisilbing yaman ng Kabisayaan.

Layunin
a. Naipaliliwanag ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais
iparating ng napakinggang bulong, awiting-bayan, alamat, bahagi ng akda,
at teksto tungkol sa epiko ng Kabisayaan. (F7PN-IIa-b-7)
a.1 Natutukoy ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipan sa
akdang nabasa.
a.2 Nasusuri ang mahahalagang detalye sa akdang pampanitikan na
binasa.
a.3 Natatalakay ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang
nais iparating ng napakinggang bulong, awiting-bayan, bahagi ng
akda, at teksto tungkol sa epiko ng Kabisayaan.

Sa pagpapatuloy ng modyul na ito, kinakailangang ang mahabang


pasensiya sa pag-uunawa at pag-aanalisa sa iyong babasahin. Sundin ang
mga panuto o direksyon sa mga gawain. Sagutin nang maayos ang buong
pasulit o gawain sa itinakdang oras o panahon.

1
Sa bahaging ito ay masusukat ang iyong nakatagong kaalaman batay
sa bagong aralin.

Gawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungang nasa ibaba. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang pinakaangkop na kaisipang ipinahihiwatig sa mga linya ng awiting-
bayan batay sa kanilang pangkabuhayan?
“Si Pelimon, si Pelimon, nangisda sa karagatan
Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan”
a. Masaya si Pelimon nang nakahuli ng isda.
b. Maraming isdang tambasakan sa Kabisayaan.
c. Pangingisda ang libangan ng mga taga-Bisaya.
d. Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga taga-Bisaya.
2. “Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke
ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan
pinambili ng tuba”
a. Ang tauhan ay mahilig uminom ng tuba.
b. Ang tauhan ay namimili ng tuba.
c. Ang tauhan ay nagbebenta ng tuba.
d. Ang tauhan ay nagnegosyo sa palengke.
3. Ano ang ikinatatakot ng ama para sa kaniyang pitong dalaga sa akdang
“Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan?”
a. Magutom ito sa katatampisaw sa dalampasigan.
b. Makapag-asawa ang sinoman sa kaniyang mga dalaga ng mga lalaking
maaaring maglayo sa kaniya.
c. Matangay ito ng mga binatang may masamang balak sa kanila.
d. Kaiinggitan ito ng mga dalaga sa kanilang bayan.

2
4. “Aming pinutol lamang, ang sa aming napag-utusan.” Ano ang
mensaheng nais iparating ng bulong?
a. Humingi ng paumanhin. c. Sumunod sa utos.
b. Nagbabala sa nakatira d. Iwasan ang mamutol ng puno.
5. Anong mensahe ang nais ipahiwatig sa bulong na ito?
“Huwag kayong mainggit upang hindi kayo magipit.”
a. Magdudulot ng kagipitan kapag ikaw ay naiinggit.
b. Maganda ang maidudulot ng inggit sa iyong buhay.
c. Magiging masaya ang buhay kapag ikaw ay kinaiinggitan.
d. Magkakasakit ang mga taong mainggitin.
6. Batay sa akdang “Ang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan,” paano
nagkahiwalay ang magkakapatid?
a. Nabangga ang sinakyan sa malaking barko.
b. Sumadsad ang sinakyan sa malalaking bato.
c. Nabangga ang sinakyan ng malaking bangka.
d. Sumadsad ang sinakyan sa mga korales at matatalas na batuhan.
7. Anong pangunahing kaisipan ang nangingibabaw sa akdang “Ang Alamat ng
Isla ng Pitong Makasalanan?”
a. mapagkunwaring anak c. suwail na anak
b. matiising magulang d. mapagmahal na ama
8. Basahin ang bahagi ng akdang nasa loob ng kahon at tukuyin ang mensaheng
nais iparating nito.

Buong lakas na sumagwan ang ama para mahabol ang kaniyang


pinakamamahal na mga anak subalit lubhang mabagal ang kaniyang maliit
na bangka kumpara sa makabagong bangka ng mga estranghero kaya hindi
na niya nahabol ang mga anak.

a. Gusto ng ama na makahuli ng maraming isda.


b. Hinabol ng ama ang mga anak dahil sa damit na naiwan.
c. Gustong habulin ang kanyang pinakamamahal na anak.
d. Magpasalamat ang ama sa mga binate na nagbigay ng mamahaling regalo.

3
9. Ano ang mensaheng nakasaad sa bulong na “Tabi-tabi po, baka po kayo
mabunggo?”
a. Pasintabi upang hindi ka makasakit.
b. Pasintabi upang hindi ka masaktan.
c. Pasintabi upang hindi ka masugatan.
d. Pasintabi upang hindi ka matapakan.
10. Batay sa akdang “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan” ano ang
mensaheng nangingibabaw sa piling bahaging ito?

Buong pait na lumuha at nagmamakaawa ang ama sa kaniyang mga anak.


“Mga anak, huwag kayong umalis. Bumalik kayo! Maawa kayo,” ang walang
katapusang pagsigaw at pagmamakaawa ng ama habang patuloy siya sa
paggaod subalit hindi siya pinakinggan ng walang turing niyang mga anak.

a. Nalumbay ang ama sa pag-alis ng mga anak.


b. Natuwa ang ama sa pag-alis ng mga anak.
c. Nabigla ang ama sa pag-alis ng mga anak.
d. Nagalit ang ama sa pag-alis ng mga anak.

Mga Mahalagang Detalye, Mensahe


at Kaisipang Nais Iparating ng
Aralin
Napakinggang Awiting-bayan,
1 Bulong, Bahagi ng Akda, Teksto
Tungkol sa Epiko ng Kabisayaan

Sa araling ito, mahahasa ang iyong kakayahan sa pagtukoy sa


mahahalagang detalye, mensahe, at kaisipang mula sa mga tanyag na awiting-
bayan, bulong, alamat, bahagi ng akda, at epiko ng Kabisayaang sumasalamin sa
kani-kanilang tradisyon.

4
Bago mo simulan ang ating talakayan, may inihandang maikling gawain.
Gawain
Panuto: Basahing mabuti ang bawat hanay. Hanapin sa hanay B ang kahulugan
ng bawat salita na nasa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
HANAY A HANAY B
1. Awiting-bayan a. Pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patuluyan na
2. Bulong nag-uugnay sa isang tao.
3. Alamat b. Mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang
4. Epiko ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin.
5. Akdang Pampanitikan c. Isang matandang katawagan sa orasyon ng mga
sinaunang tao sa kapuluan ng Pilipinas.
d. Isang uri ng kuwentong-bayan at panitikan na
nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig.
e. Uri ng panitikang tumatalakay sa mga kabayanihan
at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa
mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may
mga tagpuang makababalaghan.

Sa araling ito, mabibigyang-pansin at itatampok ang mga uri ng


akdang pampanitikan tulad ng awiting-bayan, bulong, bahagi ng akda, at
teksto tungkol sa epiko ng Kabisayaan.

Halina’t basahin, alamin ang mahahalagang kaisipan tungkol sa aralin.

5
Mga Uri ng Akdang Pampanitikan

1. Awiting-bayan
 Isa itong tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian,
karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong
naninirahan sa isang pook.
Halimbawa:
Lawiswis Kawayan
Awiting-bayang Sugbuwanon
(Saling Tagalog na inawit ng Mabuhay Singers)

Sabi ng binata, halina, o hirang


Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan.

Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw


Sasabihin pa kay inang nang malaman
Binata’y nagtampo at ang wika ikaw pala’y ganyan
Akala ko’y tapat at ako’y minamahal.

Ang dalaga naman ay biglang umiyak


Luha ay tumulo sa dibdib tumatak
Binata’y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad.

Mahalagang kaisipan sa akda:


Makikita sa awit ang tunay na pagmamahal ng isang tao sa kaniyang
magulang at sa kaniyang minamahal.

2. Bulong
 Isa itong matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa
kapuluan ng Pilipinas.
Halimbawa:
 Kapag ikaw ay nasa gubat habang naglalakad ay bumubulong ng “Tabi,
tabi po apo, baka po kayo mabunggo.”

6
 Kung mangahoy sa gubat ayon sa matanda ay bumigkas ng bulong bilang
paghingi ng paumanhin gaya ng “Aming pinutol lamang, ang sa aming
napag-utusan.”

 May bulong din ang ating matatanda kung nabubungian ng ngipin at


humihingi ng panibagong ngipin, ito’y ihahagis sabay ang bulong na
“Dagang malaki, dagang maliit, heto na ang ngipin kong sira at
pangit. Bigyan mo ng bagong kapalit.”

3. Alamat
 Isa itong uri ng kuwentong-bayan na nagsasalaysay o nagsasaad ng
pinagmulan ng isang bagay o lugar.
Halimbawa:

Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan


(bahagi lamang ng akda)

Buong lakas na sumagwan ang ama para mahabol ang


kanyang pinakamamahal na mga anak subalit lubhang mabagal
ang kanyang maliit na bangka kompara sa makabagong bangka ng
mga estranghero kaya hindi na niya nahabol ang mga anak.

Mahalagang kaisipan sa bahagi ng akda:


Ipinakita sa bahaging ito ang labis na pagkalungkot ng ama sa
pag-alis ng kaniyang mga anak dahil sa sobra niyang pagmamahal.

4. Epiko
 Uri ito ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na
halos hindi makapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan, tauhang may angking kapangyarihan at mga
pangyayaring hindi kapani-paniwala.

7
Halimbawa:

Ang Pakikipagsapalaran ng Panganay na si Labaw Donggon


Epiko ng Hinilawod
(bahagi lamang ng akda)

Nakilala si Labaw Donggon bilang isang makisig na lalaki at umibig


kay Abyang Ginbitinan. Idinaan sa pagbibigay ng mga regalo kay Abyang
Ginbitinan ang panliligaw ni Labaw Donggon hanggang sila ay naging
mag-asawa. Subalit hindi nagtagal ay muli siyang umibig sa isang dilag na
si Anggoy Doronoon. Sa pangatlong pagkakataon ay umibig si Labaw sa
isa pang dilag na si Yawa Sinagmaling, subalit ang dilag ay kasalukuyang
mayroong iniibig na si Buyung Saragnayan. Dahil sa labis na kagustuhan
ni Labaw na maikasal kay Sinagmaling, nakipaglaban siya kay
Saragnayan. Nagbunga ng pagkakakulong ang pagkatalo ni Labaw. Ang
kanyang mga anak ang naging dahilan ng kanyang pagkalaya at
pagbabalik sa kanilang mga tahanan.

Mahalagang kaisipan sa bahagi ng akda:


Ipinakita sa bahaging ito ng isang taong handang ipaglaban o
gawin ang lahat ng gusto makuha lamang ang ninanais ng
kaniyang puso.

Naintindihan mo na ba ang iba’t ibang uri ng akdang pampanitikan tulad ng


awiting-bayan, bulong, o bahagi ng akda at teksto tungkol sa epiko ng
Kabisayaan at maging ang mga mahalagang kaisipang napaloob nito? Kung
hindi, basahin mo ito nang paulit-ulit hanggang sa maintindihan mo ang
mensaheng nais iparating nito.

8
Ngayon, suriin mo ang mga kaisipang napaloloob sa mga uri ng
akdang pampanitikan tulad ng awiting-bayan, bulong, o bahagi ng akda at
teksto tungkol sa epiko ng Kabisayaan.

Gawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bahagi ng mga uri ng akdang
pampanitikan. Tukuyin ang mga kaisipang napaloob at ipaliwanag ang
sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel .
Si Pelimon
(Salin sa Tagalog)

Si Pelimon, si Pelimon
nangisda sa karagatan
Nakahuli, nakahuli
ng isdang tambasakan
Pinagbili, pinagbili
sa isang munting palengke
Ang kanyang pinagbilhan,
Ang kanyang pinagbilhan
pinambili ng tuba.

1. “Si Pelimon, si Pelimon, nangisda sa karagatan. Nakahuli, nakahuli, ng isdang


tambasakan,” anong kaisipan ang isinasaad sa linyang ito?
a. Ang pangingisda ay ang pangunahing kabuhayan sa Kabisayaan.
b. Libangan ng mga tao sa Bisaya ang pangingisda.
c. Paramihan ang mga Bisaya sa paghuli ng isda.
 Ito ang kaisipang napili ko dahil _______________________________
_________________________________________________________

2. “Pinagbili, pinagbili, sa isang munting palengke. Ang kanyang pinagbilhan, ang


kanyang pinagbilhan, pinambili ng tuba,” anong kaisipan ang isinasaad sa
linyang ito?
a. Ang pangingisda ay hindi lang paghahanapbuhay kundi pag-aaliw rin sa
sarili.
b. Ang mga nabentang isda ay ipinambili ng tuba.
c. Maaaring mangisda habang umiinom ng tuba.

9
 Ito ang kaisipang napili ko dahil _______________________________
_________________________________________________________

3. Ano ang kaisipang isinasaad sa bahagi ng awiting-bayang “Lawiswis Kawayan?”

Lawiswis Kawayan

Ang dalaga naman ay biglang umiyak


Luha ay tumulo sa dibdib tumatak
Binata’y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humihingi ng patawad.

a. pag-iwan ng binata sa dalaga


b. pagkagalit ng binata sa dalaga
c. pagtanggap ng kamalian at paghingi ng kapatawaran
 Ito ang kaisipang napili ko dahil _______________________________
_________________________________________________________

4. Anong mensahe ang nakapaloob sa bulong na “Tabi, tabi po, baka po kayo
mabunggo?”
a. pagpapaalam sa may-ari ng lugar
b. pagbigay ng babala sa mga nilalang na hindi nakikita
c. paghingi ng paumanhin sa naapakang nilalang
 Ito ang kaisipang napili ko dahil _______________________________
_________________________________________________________

5. Anong mensahe ang nais ipahiwatig sa bulong na ito?


“Dagang malaki, dagang maliit, heto na ang ngipin kong sira at pangit.
Bigyan mo ng bagong kapalit.
a. pagiging positibo sa buhay na pag may mawala, may papalit
b. pagiging sigurista na may magandang ngiping ibibigay
c. pagiging palaasa sa kapalaran
 Ito ang kaisipang napili ko dahil _______________________________
_________________________________________________________

Kung umabot ka na sa bahaging ito, ibig sabihin ay natutunan mo na ang


mga dapat mong matutunan at ngayon ay ating pagtitibayin ang iyong kaalaman

10
sa araling ito.

Kung umabot ka na sa bahaging ito, ibig sabihin ay natutunan mo na


ang mga dapat mong matutunan at ngayon ay ating pagtitibayin ang iyong
kaalaman sa araling ito.

Gawain
Panuto: Basahin ang bahagi ng epikong Hinilawod na “Ang Pakikipagsapalaran
ng Panganay na si Labaw Donggon.”

Ang Pakikipagsapalaran ng Panganay na si Labaw Donggon


Epiko ng mga Bisaya
(bahagi ng Epikong Hinilawod)

Sa tatlong magkakapatid, si Labaw Donggon ang nagpakita ng interes sa


magagandang babae. Nang marinig niyang may isang magandang babaeng
nagngangalang Angoy Ginbitinan mula sa bayan ng Handug ay nagpaalam
agad siya sa ina upang hanapin ang dalaga. Pagkalipas ng ilang araw na
paglalakbay sa mga kapatagan,kabundukan, at mga lambak ay narating din niya
ang Handug. Kinausap niya ang ama ng dalaga upang hingin ang kamay ng
anak. Sinabi ng ama na papayag lamang siyang ikasal ang anak na si Angoy
Ginbitinan kay Labaw Donggon kung mapapatay niya ang halimaw na si
Manalintad. Agad pinuntahan ni Labaw Donggon ang halimaw at nakipaglaban
siya rito. Napatay niya ang halimaw at ibinigay ang pinutol na buntot nito sa ama
ni Angoy Ginbitinan bilang patunay ng kanyang tagumpay.Ikinatuwa ito ng ama
kaya’t pumayag siyang ipakasal ang anak kay Labaw Donggon. Pagkatapos ng
kasal ay naglakbay ang dalawa pabalik sa tahanan nina Labaw Donggon.
Sa kanilang paglalakbay ay may nasalubong silang mga binata na nag-
uusap-usap tungkol sa isang napakagandang dalagang nagngangalang Abyang
Durunuun na nakatira sa Tarambang Burok. Narinig niya mula sa usapan ang
mga binata na sila’y papunta sa tirahan ng dalaga upang manligaw sa kanya.

11
Naging interesado sa narinig si Labaw Donggon kaya naman pagkalipas lang ng
ilang linggong pagsasama ay inihabilin niya ang bagong asawa sa inang si
Alunsina at siya’y naglakbay na patungo sa Tarambang Burok upang suyuin si
Abyang Durunuun. Nagtagumpay si Labaw Donggon na mapaibig ang
napakagandang si Abyang Durunuun.
Subalit hindi pa roon nagtapos ang kanyang paghahanap ng
mapapangasawa sapagkat paglipas ng ilang panahon nabalitaan na naman
niyang may isa pang napakagandang babae, si Nagmalitong Yawa Sinagmaling
Diwata na asawa ni Buyong Saragnayan, ang diyos ng kadiliman. Nais din
niyang mapangasawa ito. Sinabi ni Donggon ang kanyang balak sa dalawang
asawa. Ayaw man nila, wala naman silang nagawa.
Sumakay si Labaw Donggon sa isang inagta o itim na Bangka at naglayag
sa malalawak na karagatan patungong Gadlum. Naglakbay rin siya sa
malalayong kaulapan at sa mga batuhan hanggang sa marating niya ang
Tulogmatian, ang tahanan ni Buyong Saragnayan. Agad siyang hinarap ni
Saragnayan at tinanong kung ano ang kanyang kailangan. Sinabi niyang gusto
niyang mapangasawa si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Pinagtawanan
ng diyos ng kadiliman si Labaw Donggon at sinabing imposible ang hinahangad
nito Dahil asawa na niya ang diwata.
Subalit hindi basta sumuko si Labaw Donggon. Hinamon niya sa isang
labanan si Saragnayan at sila’y naglaban sa loob ng maraming taon. Inilubog ni
Labaw Donggon ang ulo ni Saragnayan sa tubig sa loob ng pitong taon subalit
hindi niya pa rin napatay ang diyos ng kadiliman. Binayo niya ng binayo subalit
hindi rin niya ito nagapi. Sa pamamagitan ng pamlang o anting-anting ni
Saragnayan ay natalo niya ang noo’y nanghihina at pagod na pagod nang si
Labaw Donggon. Ibinilanggo niya si Labaw Donggon sa isang kulungan sa ilalim
ng kanyang tahanan.
Samantala, kapwa nanganak ang dalawang asawa ni Labaw Donggon.
Parehong lalaki ang naging anak nila. Ang anak ni Angoy Ginbitinan ay tinawag
niyang Asu Mangga samantalang ang anak ni Abyang Durunuun ay
pinangalanang Abyang Baranugon. Nakapagsalita at nakatindig agad ang mga
bata. Hinanap nila kapwa ang kanilang ama. Sa kanilang paghahanap ay
nagkasalubong ang magkapatid sa karagatan. Naglalakad sa ibabaw ng tubig si

12
Baranugon at lulan naman ng Bangka si Asu Mangga. Napag-alaman nilang
kapwa nila hinahanap ang amang mahilig sa magagandang babae. Naglakbay
sila patungong Tulogmatian kung saan nila nalaman ang ginawa ni Saragnayan
sa kanilang ama. Sinabihan nila itong pakawalan ang kanilang ama.
Pinagtawanan lamang ni Saragnayan ang sinabi ng mga anak ni Labaw
Donggon kaya’t hinamon siya ng mga ito sa isang labanan. Buong tapang na
nakipaglaban ang magkapatid kay Saragnayan.Ngunit napakahusay ni
Saragnayan kaya’t hindi nila ito matalo-talo. Bumalik si Baranugon sa kanilang
lolang si Abyang Alunsina upang sumangguni. Dito niya nalamang ang
kapangyarihan pala ni Saragnayan ay nakatago sa isang baboy ramo.
Mapapatay lamang daw si Saragnayan kapag napatay ang baboy-ramong
kinatataguan ng kanyang hininga.Sa tulong ng taglay nilang anting-anting ay
natagpuan at napatay ng magkapatid ang baboy-ramo. Sa pagkamatay ng
baboy-ramo ay nanghina si Saragnayan kaya’t madali na siyang napatay ng
palaso ni Baranugon. Gayunma’y hindi rin nila nakita ang ama sa bilangguan
nito. Maging ang mga tiyo nilang sina Humadapnon at Dumalapdap ay tumulong
na rin sa paghahanap kay Labaw Donggon. Pagkalipas ng mahabang panahon
ng paghahanap,natagpuan din nila ang ama sa loob ng isang lambat na nasa
may pampang malapit sa bahay ng asawa ni Saragnayan.
Subalit wala na ang dating kakisigan at kagitingan ni Labaw Donggon.
Nawala ito dahil sa matagal na pagkakakulong nang dahil sa labis na
paghahangad sa magaganda,kahit na may asawa nang babae. Naibalik ng
magkapatid sa kanilang tahanan si Donggon.
Hindi pa rin nawala ang pagnanais nitong makahanap pang muli ng
magandang mapapangasawa. Ikinagalit ito ng kanyang dalawang asawa subalit
ipinaliwanag niyang pantay-pantay ang gagawin niyang pagmamahal sa
kanyang mga asawa. Ipinagdasal ng dalawang babaeng nagmamahal sa kanya
na muling lumakas si Donggon. Hindi nga nagtagal ay muling nagbalik ang
kakisigan at lakas ni Labaw Donggon.

13
Panuto: Suriin ang mga mahahalagang kaisipan o mensaheng nais ipahiwatig sa
mga larawan sa ibaba at ipaliwanag ang bawat isa. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. 2.
http://m.facebook.com/govph/photo/?album_id=1215 http://m.facebook.com/govph/photo/?album_id=1215

Kaisipan: __________________ Kaisipan: __________________

Paliwanag: __________________ Paliwanag: __________________


____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________

3.
http://m.facebook.com/govph/photo/?album_id=1215

Kaisipan: __________________

Paliwanag: __________________
____________________________
____________________________

Binabati kita sa iyong kabaitan sa pagsagot sa mga naunang gawain.


Ngayon naman, susukatin ko ulit ang iyong kaalaman hinggil sa pagsagot sa isang
katanungan na makikita sa susunod na pahina.

14
Gawain
Panuto: Sagutin ang katanungan sa ibaba at kumpletuhin ang buong diwa ng
iyong sagot. Isulat ang nabuong kasagutan sa iyong sagutang papel.

Bakit mahalagang malaman ang mahahalagang detalye,


mensahe, at kaisipan ng buong pangyayari?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Gawain
Panuto: Gumawa ng isang poster islogan batay sa kaisipan o mensaheng
napaloob sa kahon. Gawing gabay ang mga pamantayan nito. Gawin ito
sa isang bondpaper.

“Katotohanang sinasabi ko sa inyo aking mga kaibigan, huwag matakot,


maaliw sa inyong mga puso; oo, magsaya kailan pa man, at sa lahat ng bagay
ay magbigay-pasasalamat” (D at T 98:1).

Pamantayan Indikador Puntos


Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nangmaayos ang
ugnayan ng lahat ngkonsept sa paggawa ng 25
poster
Kaangkupan ng Maliwanag at angkop angmensahe sa
25
konsepto paglalarawan ngkonsepto
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa paggawa ngposter
(Originality) 25

Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kombinasynng kulay upang


(Creativity) maipahayag angnilalaman, konsepto, at mensahe 25

Kabuuan 100

15
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat akda. Pagkatapos, sagutin ang
mga katanungang nakasaad sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Kailan sinasabi ang bulong na ganito: “Tabi, tabi po apo, baka po kayo
mabunggo?”
a. kapag ikaw ay nasa gubat habang naglalakad
b. kapag ikaw ay nasa kalye habang naglalakad
c. kapag ikaw ay nasa loob ng mall habang naglalakad
d. kapag ikaw ay nasa loob ng bahay habang naglalakad
2. Anong bulong ang bibigkasin kung nangangahoy sa gubat upang hindi
maengkanto bilang paghingi ng paumanhin?
a. “Tabi, tabi po, makikiraan po.”
b. “Tabi, tabi po apo, baka po kayo mabunggo.”
c. “Aming pinutol lamang, ang sa aming napag-utusan.”
d. “Dagang malaki, dagang maliit, heto na ang ngipin kong sira at pangit.
Bigyan mo ng bagong kapalit.”
3. “Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke ang kanyang pinagbilhan, ang
kanyang pinagbilhan, pinambili ng tuba” ano ang isinasaad sa linya ng awitin?
a. Ang persona ay nagtinda ng tuba dahil mahilig siya uminom ng tuba.
b. Ang persona ay namili ng tuba dahil ito ang kanyang hanapbuhay.
c. Ang persona ay nagbenta nang nahuling isda para ipambili ng tuba.
d. Ang persona ay isang negosyante sa palengke dahil doon niya pinagbili ang
huli nito.
4. Ano ang kaisipang ipinahihiwatig sa bahagi ng linya ng awiting-bayang ito?
“Si Pelimon, si Pelimon, nangisda sa karagatan
Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan.”
a. isda ang palaging ulam ng mga tao
b. paghuhuli ng isda ang pinagkakaabalahan
c. pagkakaroon ng malawak na karagatan sa Kabisayaan
d. pagpapakita ng pangunahing hanapbuhay ng mga tao

16
5. Ang mga sumusunod ay mahahalagang detalye mula sa awiting-bayang “Si
Pilemon” maliban sa isa.
a. Si Pilemon ay isang mangingisda.
b. Ang kaniyang kinita ay pinambili niya ng tuba.
c. Si Pilemon ay nagnenegosyo ng tuba sa palengke.
d. Sa isang munting palengke niya ipinagbili ang kaniyang huli.
6. Ano ang kaisipang isinasaad sa bahagi ng awiting “Lawiswis Kawayan”?
“Ang dalaga naman ay biglang umiyak
Luha ay tumulo sa dibdib tumatak
Binata’y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad.”
a. pag-iwan ng binata ang dalaga
b. pagkagalit ng dalaga sa ginawa ng binata
c. pag-alis ng binata na hindi nagpaalam
d. pagtanggap ng kamalian at paghingi ng kapatawaran
7. Anong kaisipan ang nais iparating sa pagganti ng mga manliligaw ni Abyang
Alunsina sa kaniyang naging desisyon?
a. hindi pagtanggap sa pagkatalo c. hindi pinalad sa pag-angkin ng dalaga
b. pagsunod sa hangarin d. pagiging makasarili
8. Ano ang malaking dahilan kung bakit hindi napunta kay Labaw Donggon ang
magandang si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata?
a. dahil ayaw sa kaniya ng babae
b. dahil may asawa na ang babae
c. pinigilan sila ng magulang ng babae
d. nagselos ang mga asawa ni Labaw Donggon
9. Nang manganak si Alunsina ay pinatawag agad nila ang iginagalang na paring
si Bungot-Banwa upang magsagawa ng ritwal. Ano ang magiging dulot sa
tatlong sanggol sa gagawing ritwal?
a. malaking kayamanan c. matipuno at makisig na anyo
b. mabuting kalusugan d. magara at malaking palasyo
10. Alin sa mga mensahe ang nagpapakita ng katotohanan mula sa epikong
“Labaw Donggon?”
a. Pantay ang pagmamahal niya sa kaniyang dalawang asawa.
b. Nagkasakitan ang magkakapatid dahil sa paghahanap ng kanilang ama.

17
c. Mula sa pagkakulong ni Labaw Donggon ay hindi na nanumbalik ang
kaniyang dating lakas at kakisigan.
d. Kinamuhian si Labaw Donggon ng mga kapatid dahil sa sobrang
paghahangad ng magagandang babae.
11. Alin sa mga sumusunod na paliwanag ang angkop na nakapaloob sa
mensaheng “pantay ang pagmamahal niya sa kaniyang dalawang asawa?”
a. Pinatira niya ito sa iisang bahay.
b. Lahat ng problema, siya ang karamay.
c. Pantay ang pagtrato sa kaniyang anak.
d. Sinuportahan niya ito sa pamamagitan ng pagbigay ng pera.
12. Ano ang kaisipang nais iparating ng bulong na “aming pinutol lamang, ang sa
aming napag-utusan?”
a. Humingi ng paumanhin sa mga nilalang na naninirahan sa gubat.
b. Iwasan ang mamutol ng puno sa gubat.
c. Nagbabala sa nakatira sa gubat.
d. Laging sumunod sa utos ng amo.
13. Kailan sasambitin ang bulong na “dagang malaki, dagang maliit, heto na ang
ngipin kong sira at pangit?”
a. kapag nabungian ng ngipin at humingi ng panibagong ngipin
b. kapag sira ang ngipin at kailangan matanggal
c. kapag naputulan ng ngipin
d. kapag may tumubo na ngipin
14. Anong mensahe ang nais ipinahiwatig sa bulong na ito?
“Huwag kayong mainggit upang hindi kayo magipit.”
a. Maganda ang naidudulot ng inggit sa iyong buhay.
b. Magdulot ng kagipitan kapag ikaw ay naiinggit.
c. Masaya ang buhay kapag ikaw ay kinaiinggitan.
d. Balisa ang taong mainggitin.
15. Ang mga sumusunod ay mahahalagang mensahe mula sa epikong “Labaw
Donggon” maliban sa isa.
a. Magtulungan ang magkakapatid.
b. Pantay-pantay ang pagmamahal.
c. Maghangad nang sobrang magandang babae.
d. Magdamayan tuwing may pagsubok sa buhay.

18
Malapit ka nang matapos. Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman
ay huwag kaligtaang sagutin ang karagdagang gawain.

Gawain
Panuto: Basahin at unawain ang katanungan sa ibaba. Magbigay ng iyong
sariling opinyon ukol dito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Bilang isang kabataang saksi sa pagbabago ngayon, ano-ano ang


maipapayo mo sa kapwa mo kabataan tungkol sa kahalagahan ng
akdang pampanitikan na itinuturing na pamana at yaman mula sa ating
mga ninuno?

Ang aking maipapayo ay __________________________________________


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

AKLAT
o Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc, 2014.
o Dela Cruz, Leonora. Gantimpala: Pinagsanib na Wika at Panitikan. Innovative Education Materials, INC.

LARAWAN
o https://www.dreamstine.com/colorful-scene-half-body-couple-students-talking-dialog-boxes-cororful-scene-half-body-
couple-students-talking-dialog-image127641509
o htt://m.facebook.com/govph/photo/?tab=album&album_id=1215418481835746

19
20

You might also like