You are on page 1of 27

Edukasyon

sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan Linggo 7 at 8
Modyul 7
Dignidad ng Tao

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Kagawaran ng Edukasyon  Republika ng Pilipinas

Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7


Alternatibong Mode ng Paghahatid
Ikalawang Markahan, Linggo 7 at 8 – Modyul 7: Dignidad ng Tao
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Development Team of the Module
Mga Manunulat: Edna L. Detalla, Julmar D. Salvacion
Mga Tagasuri: Emma B. Cabibil, Lydia D. Malabas, Jemeris D. Tubigon, Ailen C. Brioso,
Rochelle J. Anino
Ilustrador at tagadisenyo: Charlotte L. Detalla

Mga Tagapamahala
Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato, PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Mga Miyembro: Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Rey D. Tabil, EPS - EsP
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Edna Alona B. Duhaylungsod, EdD, Principal II/District In-charge
Mylene G. Labastilla, EdD, Principal II/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occideal
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
Edukasyon
sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan Linggo 7 at 8

Modyul 7
Dignidad ng Tao
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP Junior High
School sa Dibisyon ng Misamis Occidental. Hinikayat naming ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
deped_missocc@yahoo.com .

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul 7 ukol sa Dignidad ng Tao.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan
Sanggunian
sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay o sa nakatatanda mong kapatid o sinoman sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1
Subukin ---------------- 2
Balikan ---------------- 4
Tuklasin ---------------- 5
Linangin ---------------- 6
Suriin ---------------- 8
Pagyamanin ---------------- 11
Isaisip ---------------- 12
Isagawa ---------------- 13
Buod ---------------- 15
Tayahin --------------- 16
Susi sa Pagwawasto - ------------ 19
Sanggunian ---------------- 20
Modyul
Dignidad ng Tao
7

Alamin

May alam ka ba sa mga pangyayari sa


paligid? May pagpapahalaga at paggalang ka
ba
sa iyong kapwa?

Mulat ba ang iyong mga mata sa mga nangyayari sa iyong paligid? Iba’t
ibang uri ng tao ang iyong nakikita sa bawat araw at may iba’t ibang katayuan sa
buhay. May mayaman, may mahirap, may labis ang katalinuhan, mayroon
namang hirap na hirap sa pag-unawa ng mga aralin sa paaralan. Marahil, katulad
ng ibang tao, mayroon ka ring mga tanong sa iyong isip. Kung talagang may
dignidad ang tao bakit hindi pantay-pantay ang tao sa mundo? Bakit may
naaapi? Nanatili na lamang bang walang kasagutan ang mga tanong na ito o
ikaw ba ay may ginagawa upang mahanap ang mga kasagutan sa mga tanong
na ito? Makatutulong sa iyo ang araling ito upang masagot ang ilan sa iyong mga
tanong. Nakahanda ka na ba?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod


na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
8.1 Nakikilala na may dignidad ang bawat tao anoman ang kanyang kalagayang
panlipunan, kulay, lahi, edukasyon, relihiyon at iba pa. (EsP7PT-IIg-8.1)
8.2 Nakabubuo ng mga paraan upang mahalin ang sarili at kapwa na may
pagpapahalaga sa dignidad ng tao. (EsP7PT-IIg-8.2)
8.3 Napapatunayan na ang:
a. paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing daan upang mahalin
ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili at
b. ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmula sa pagiging pantay at
magkapareho nilang tao (EsP7PT-IIh-8.3)
8.4 Naisasagawa ang mga konretong paraan upang ipakita ang paggalang at
pagmamalasakit sa mga taong kapus-palad o higit na nangangailangan
kaysa kanila. (EsP7PT-IIh-8.4)

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7, Modyul Para sa Mag-aaral
(Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2012.), 158.

1
Subukin

Bilang panimula subukin mong sagutin ang mga tanong na ito para
malaman kung gaano na kalawak ang inyong pag-uunawa sa mga konseptong
iyong pag-aralan.

Basahing mabuti ang mga tanong at pangungusap at piliin ang


pinakaangkop na sagot. Isulat ang titik ng napiling sagot sa iyong kuwaderno.

1. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?


A. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
B. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng
talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang mga tao.
C. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan
tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
D. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila
natin matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at
ispiritwal.

2. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?


A. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
B. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
C. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
D. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig

3. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad


maliban sa:
A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
B. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
C. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
D. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo
sa iyo.

4. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?


A. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
B. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
C. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa
mga ito.
D. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang
pagmamahal at pagpapahalaga.

2
5. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang
kapwa?
A. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng
isang empleyado na tumatanda na
B. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na
nangangailangan ng kanyang tulong
C. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa
pamahalaan
D. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba

6. Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao
dahil sa lipunan ito nagmumula. Sang-ayon ka ba sa pahayag na ito?
A. Oo, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa
pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa lipunan.
B. Oo, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala
sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
C. Hindi, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
D. Hindi, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga
tao na mas mataas ang katungkulan sa pamahalaaan.

7. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?


A. Kapag siya ay naging masamang tao
B. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao
C. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
D. Wala sa nabanggit

8. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?


A. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
B. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang
paggalang ng kapwa.
C. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging
karapat-dapat sa kanilang pagkilala.
D. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon
kundi sa karangalan bilang tao.
9. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa
tao?
A. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
B. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
C. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang
pag-aalinlangan.
D. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi
makasasakit o makasasama sa ibang tao.

3
10. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad
bilang tao?
A. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
B. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga
sa kanya.
C. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at
mabigyan siya ng disenteng buhay.
D. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang
konsepto sa kanyang sarili.
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7, Modyul Para sa Mag-aaral
(Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2012.), 159-160.

Balikan

Sa naunang Modyul, natutuhan mo na likas sa tao ang malayang pagpili


sa mabuti o sa masama ngunit,ang kalayaan ay may kakambal na pananagutan
para sa kabutihan. Mahalaga ang natutuhan mong ito upang magampanan mong
mapanagutan ang paggamit mo ng iyong kalayaan lalo na sa iyong ugnayan sa
kapwa at sa lipunan. Kaugnay rito, gagabayan ka ng kasalukuyang modyul na
maunawaan ang halaga ng bawat tao dahil anoman ang kanyang estado sa
buhay o katayuan sa lipunan, nararapat siya sa pagpapahalaga at sa paggalang
ng kapwa at ng lipunan.

Sa modyul na ito masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Bakit


mahalaga ang paggalang sa dignidad ng tao?

Handa ka na bang simulan ang Ikapitong Linggo ng iyong pag-aaral


para sa mga Kasanayang Pampagkatuto 8.1 at 8.2 na nakikita mo sa baba
ng bahaging Alamin? Tara na!

4
Tuklasin

Gawain 1a
Panuto: Ano ang alam mo tungkol sa dignidad? Bigyan mo ng sariling
pakahulugan ang salitang ito.
1. Gayahin ang graphic organizer na may nakaguhit na larawan ng tao sa
gitna.
2. Isulat sa bawat dulo ng anim (6) na palaso o arrow ang mga salitang
maiuugnay mo sa salitang dignidad. Gawin ito sa kuwaderno. Gawing
halimbawa ang nakasulat sa unang palaso.

Paggalang sa tao

Iginuhit ni Charlotte L. Detalla

3. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong;


a. Ano ang mabubuo mong sariling pakahulugan sa dignidad sa tulong ng
mga salitang iniuugnay mo rito?
b. Sino-sino ang may dignidad?
c. Ano-ano ang nararapat mong gawin para sa dignidad mo at ng iyong
kapwa?

Gawain 1b
Panuto: Napapansin mo ba na iba-iba ang mga taong nakasasalamuha at
nakahaharap mo araw-araw? Paano mo pinakikitunguhan ang bawat
isa sa kanila?
1. Titigan mo ang bawat larawan na makikita mo sa ibaba.

5
2. Tukuyin mo kung ano ang madalas na tawag o paglarawan sa bawat isa sa
kanila ng ibang tao?
3. Tukuyin din kung anong nararamdaman mo sa mga pagkakataon sa iyong
buhay, kung saan nakikita o nakahaharap mo ang mga katulad sa mga taong
nasa larawan.

Iginuhit ni Charlotte L. Detalla

4. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno.


a. Ano-ano ang tawag ng lipunan sa bawat tao na nasa mga larawan?
b. Ano ang naramdaman mo sa katotohanang ito? Sa anong dahilan?
c. Magkaiba man ang tawag o paglalarawan sa bawat tao sa lipunan, saan
sila nagkakapareho o nagkakapantay-pantay bilang tao? Ipaliwanag.
d. Para sa iyo, ano ang batayan sa pagkakaroon ng dignidad ng tao?
Pangatwiranan.

Linangin
Gawain 2
Panuto: Mahal mo ba ang iyong sarli at ang iyong kapwa? May pagpapahalaga
ka ba sa dignidad mo at dignidad nila bilang tao?
1. Bumuo ng mga paraang gagamitin upang magampanan mo ang pagmamahal
sa sarili at sa kapwa at maipakita na may pagpapahalaga ka sa dignidad ng
tao.
2. Sa unang kolum, isulat ang paraan na gagamitin mo para sa pagmamahal sa
iyong sarili at pagpapahalaga sa dignidad mo.
3. Sa ikalawang kolum, isulat ang dahilan sa paggamit mo ng paraang ito.
4. Sa ikatlong kolum, isulat ang paraan na gagamitin mo para sa pagmamahal
sa iyong kapwa at pagpapahalaga sa dignidad nila.
5. Sa ikaapat na kolum, isulat ang dahilan sa paggamit mo ng paraang ito.
6. Gawin mong gabay ang tsart sa ibaba. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Mga Paraang Gagamitin Ko sa Pagmamahal sa Sarili at sa Kapwa


na may Pagpapahalaga sa Aming Dignidad Bilang Tao

6
Ilang paraan na Dahilan sa Ilang paraan Dahilan sa
gagamitin ko paggamit ko ng na gagamitin paggamit ko ng
para sa paraang ito ko para sa paraang ito
pagmamahal sa pagmamahal
sarili sa kapwa
Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:
Kusa kong Masasanay at Lagi kong Maipakikita ko
lalabhan ang magiging sabihan ng na iginagalang
aking mga damit responsable ako “Salamat po” ko ang aking
at hindi ko na sa aking mga ang aking mga mga guro at
hihintaying gawaing bahay guro sa pinahahalaga-
utusan at at Baitang Ikapito han ko sila at
pagalitan pa ako napahahalaga- na ang kanilang
ng aking ina. han ko ang nagpapakahi- pagsasakri-
aking dignidad rap gumawa pisyo para
bilang tao ng mga paraan makapag-aral
upang pa rin ako kahit
makapag-aral may pandemya.
at matuto pa
rin ako kahit
nasa bahay
lamang dahil
sa
pandemyang
1. COVID 19
2.
3.

7. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong:


a. Ano ang natuklasan mo pagkatapos punan ang tsart? Ipaliwanag.
b. Ano ang damdaming nangingibabaw sa iyo pagkatapos ng gawaing ito?
c. Mahalaga ba ang pagbuo ng mga paraan upang mahalin ang sarili at
kapwa na may pagpapahalaga sa dignidad ng tao? Pangatwiranan.
d. Bilang nagdadalaga/nagbibinata, paano mo ipagpapatuloy na mahalin ang
sarili at kapwa na may pagpapahalaga sa dignidad ng tao?

Ngayon, handa ka na sa Ikawalong Linggo ng iyong pag-aaral para sa


mga Kasanayang Pampagkatuto 8.3 at 8.4 na nakikita mo sa baba ng
bahaging Alamin. O, ano pang hinihintay mo? Simulan mo na!

7
Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang


mga tanong sa Pagyamanin.

Pantay na Pagkilala sa Dignidad, sa Kapwa ay Ibigay

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.” Kung
ano ang makasasama sa iyo, makasasama rin ito sa iyong kapwa. Kung ano ang
makabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa kaniya. Bakit nga ba kaibigan?
Sapagkat siya ay iyong kapwa tao. Magkatulad ang inyong pagkatao bilang tao.
Ito ang tunay na mensahe ng gintong aral (Golden Rule). Kinikilala nito ang
karapatan ng bawat indibidwal sa paggalang ng kanyang kapwa. Hindi nga ba’t
ito rin ang utos ng Diyos sa tao? Sinabi niyang “Mahalin mo ang iyong kapwa
katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.” Nangangahulugan ito ng pagkilala
sa dignidad na taglay ng lahat ng tao. Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa
Kaniyang wangis. Ibig sabihin, ayon sa Kaniyang anyo, katangian at kakayahan.
Samakatuwid, ang dignidad ng tao ay nagmula sa Diyos; kaya’t ito ay likas sa
tao. Hindi ito nilikha ng lipunan at ito ay pangkalahatan, ibig sabihin, taglay ng
lahat ng tao.

Ngunit, marahil tinatanong mo ang iyong sarili, bakit may pagkakaiba


ang tao? Bakit may taong mayaman? Bakit may mahirap? Bakit magkakaiba ang
kanilang edad, kasanayang pisikal, intelektuwal at moral na kakayahan, ang
benepisyo na natatanggap mula sa komersiyo, at ang pagkakabahagi ng
yaman? Maging ang talento ng tao ay hindi pantay-pantay na naibahagi. Sa
kaniyang kapanganakan, hindi ibinigay sa tao ang lahat ng kaniyang
pangangailangan para sa pag-unlad ng kaniyang materyal o pangkatawan at
pang-espiritwal na buhay. Ipinahihiwatig nito na kailangan natin ang ating kapwa.
Kasama ito sa plano ng Diyos, na tunay na nagnanais na matanggap ng bawat
indibidwal ang kaniyang mga pangangailangan mula sa kaniyang kapwa.
Inaasahan Niya na yaong nabiyayaan ng mga natatanging talento at kakayahan
ay magbabahagi ng mga biyayang ito sa mga taong nangangailangan ng mga
ito. Ang ganitong mga pagkakaiba ang humihikayat sa tao na isabuhay ang
pagiging mapagbigay at mabuti. Ang nais ng Diyos ay yakapin ng tao ang
pagbabahagi ng mga biyaya at regalo na natanggap ng bawat tao mula sa
Kaniya.

Saan ngayon nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang tao? Ang


pagkakapantay-pantay ng tao ay nakatuon sa kaniyang dignidad bilang tao at
ang karapatan na dumadaloy mula rito.

8
Ano ba ang dignidad? Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na
dignitas, mula sa dignus, ibig sabihin “karapat-dapat”. Ang dignidad ay
nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at
paggalang mula sa kaniyang kapwa. Lahat ng tao, anoman ang kaniyang gulang,
anyo, antas ng kalinangan at kakayahan, ay may dignidad.

May mga katangian ang tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya kung


ihahalintulad sa ibang nilikha. Sapagkat mayroon siyang isip na nagbibigay sa
kaniya ng kakayahang umunawa ng konsepto, mangatuwiran, magmuni-muni at
pumili nang malaya. May likas na kakayahan siyang hubugin at paunlarin ang
kaniyang sarili gamit ito. Hindi man agad nagagamit ng ilan ang kakayahang ito
katulad ng mga bata, ang pagiging bukod-tanging tao ang mabigat na dahilan ng
kaniyang dignidad. Kung kaya wala itong pinipili, hindi ito para lamang sa iilan.
Sabi nga ni Papa Juan Pablo II para sa mga magsasaka at manggagawang
Pilipino, ”May karapatan kayong mamuhay at pakitunguhan kayo nang naaayon
sa inyong dangal bilang tao; at kasabay nito, may karampatang tungkulin din
kayo na makitungo sa kapwa sa ganito ring paraan...”

Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa


paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang
paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, pantay-pantay ang
lahat. Samakatuwid, kailangan mong tuparin ang iyong tungkulin na ituring ang
iyong kapwa bilang natatanging anak ng Diyos na may dignidad.
Mapangangalagaan ang tunay na dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagtingin
sa bawat tao na kaugnay ng Diyos. Nakasalalay ang ating tunay na dangal sa
katotohanang tinatawag tayo upang makapiling ang Diyos.

Ayon kay Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung
bakit obligasyon ng bawat tao ang sumusunod:
1. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa. Halimbawa, sa kabila ng
kahirapan sa buhay, hindi gagawin ng isang tao ang magbenta ng sariling
laman o magnakaw na nagpapababa ng sariling pagkatao. Sa kabilang
dako, kailangan mong tandaan na ang iyong kapwa ay hindi dapat gamitin
para sa sariling kapakinabangan.
2. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos. Karaniwang
naririnig mula sa matatanda na bago mo sabihin o gawin ang isang bagay
ay makasampu mo muna itong isipin. Ano ang magiging epekto sa iba ng
iyong gagawin? Nararapat pa ba itong gawin o hindi na?
3. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo
sa iyo. Ang prinsipyong ito ay nagpapatunay anomang gawin mo sa iyong
kapwa ay ginagawa mo rin sa iyong sarili. Ang paggalang sa karapatan
ng iyong kapwa, pagmamahal, pagpapahalaga sa buhay, kapayapaan,

9
katotohanan ay ilan sa mga pagpapahalaga tungo sa mabuting pakikipag-
ugnayan. Ang mga ito rin ang nararapat na ipakita mo sa iyong kapwa.

Paano mo maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng


isang tao?

Una, pahalagahan mo ang tao bilang tao. Ibig sabihin, hindi siya isang
bagay o behikulo upang isakatuparan ang isang bagay na ibig mangyari. Lalong
hindi dahil siya ay nagtataglay ng mga katangiang mapakikinabangan. May ilang
mga taong nagiging makasarili na ang tingin sa tunay na saysay o halaga ng
kaniyang kapwa ay batay sa pakinabang na maaari nilang makuha mula rito.
Maraming mga kompanya na binabale-wala na lamang ang maraming taong
serbisyo ng kanilang mga empleyado sa dahilang hindi na sila kasimproduktibo
at epektibo noong sila ay bata pa at malakas. Hindi nawawala ang pagiging tao
at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda. At lalo’t higit hindi sila katulad ng
isang bagay na basta na lamang itatapon at isasantabi kung luma na at wala
nang pakinabang. Wala man siyang tinapos na kurso, siya man ay bata o
matanda o may espesyal na kondisyon, ay nararapat na igalang.

Ikalawa, ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay


ibinibigay hangga’t siya ay nabubuhay. Dapat ay patuloy mong isinasaalang-
alang at hinahangad ang lahat ng makabubuti para sa iyong kapwa. Halimbawa,
ang pagmamahal ng anak sa magulang ay dapat walang pasubali o walang
hinihintay na kapalit (unconditional). Hindi nararapat na mabawasan ang
paggalang ng anak sa kaniyang mga magulang kapag ang mga ito ay tumanda
na at naging mahina.

Mahalagang iyong isaisip at isapuso: Ang tao ang pinakabukod-tangi sa


lahat ng nilikha ng Diyos dahil sa taglay niyang isip at kilos loob. Nakatatanggap
tayo ng labis-labis na biyaya, pagmamahal at pagpapahalaga mula sa Kaniya.
Kung minsan bulag tayo sa katotohanang ito kung kaya nakararamdam tayo ng
kakulangan. Hinahanap natin sa ating sarili ang lahat ng ating nakikita sa ating
kapwa. Sa ganitong paraan, inaakala natin na tayo ay napagkakaitan. Ang lahat
ng materyal na bagay ay sa lupa lamang, hindi natin dapat na inuubos ang ating
panahon at pagod sa mga bagay na ito. Ang di matinag na karangalang taglay
ng taoay ang pinakamahalagang ari-arian ng isang tao. Nagmumula ang
kahalagahang ito hindi sa anomang “mayroon” ang isang tao kung hindi ano siya
bilang tao. Kung ang lahat ng tao ay mabibigyang-linaw ukol sa bagay na ito,
hindi na magiging mahirap ang pagpapanatili ng mataas na antas ng dignidad
ng bawat tao sa anomang uri ng lipunan. Kailangan mo ng tulong mula sa iyong
sarili, sa iyong kapwa at sa Diyos upang maisagawa ito. Sa ganitong paraan,
muli nating maaalala na tayo ay ANAK ng DIYOS.

10
Nakalilibang magbasa hindi ba? Higit sa lahat, lumalawak ang iyong kaalaman
lalong-lalo na tungkol sa buhay. Napakamakabuluhan sa nilalaman ng natapos
na babasahin. Napakagandang gabay ito para sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Pagtibayin natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga tanong at pagsasagawa ng ilang mga gawain.

Pagyamanin

Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin sa itaas


tungkol sa Dignidad ng Tao

Panuto: Kamusta ka na? Naunawan mo bang lubos ang mensahe ng iyong


binasa? Sagutin ang mga tanong upang mataya mo ang iyong pag-
unawa sa mga mahalagang konsepto sa babasahin. Isulat ang mga
sagot sa kuwaderno.
1. Ano ang dahilan ng pagkakaiba-iba ng tao sa mundo? 

2. Sa paanong paraan nagkakapantay-pantay ang tao? 

3. Paano mo maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng tao? 

4. Bakit mahalaga ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng tao? 

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7, Modyul Para sa Mag-aaral
(Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2012.), 166-170.

Gawain 3b: Paghinuha ng Batayang Konsepto


Panuto:
1. Buuin ang Batayang Konsepto sa ibaba. Punan ang mga patlang ng angkop
na sagot. Pumili ng sagot mula sa kahon. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
2. Gamiting gabay ang Mahalagang Tanong na: Bakit mahalaga ang
paggalang sa dignidad ng tao?

kapwa paggalang sarili tao pantay dignidad daan

Ang paggalang sa _________ ng ____ ay ang nagsisilbing _____


upang mahalin ang ______ tulad ng pagmamahal sa _________ at ang
_________ sa dignidad ng tao ay nagmula sa pagiging _______ at magkapareho
nilang tao.

Isaisip

11
Gawain 4: Pagninilay
Panuto: Nais mo bang mapatatag ang natutuhan mo sa modyul na ito? Halika
na, mag-journal na!
1. Isulat sa journal ang iyong pagninilay sa mga natutuhan mo sa aralin.
Gamitin mong gabay ang tsart sa ibaba.

Ang Aking Pagninilay


Pangalan: Petsa:
A. Mga mahalagang konsepto o ideya na aking natutuhan tungkol sa
Dignidad ng Tao
1.

2.
B. Mga natuklasan ko sa aking sarili ukol sa aking dignidad bilang tao

1.

2.
C. Paano ko maisasabuhay ang aking mga natutuhan mula sa aralin:

D. Ang aking komitment para malinang (develop) ko ang aking


pangangalaga sa aking dignidad at dignidad ng aking kapwa

Narito ang Rubriks para sa Pagsusuri ng Pagninilay sa Gawain 4:


5- Malinaw ang ipinarating na mensahe ng pagninilay.
4- Maayos na naisulat ang pagninilay ngunit may isa hanggang dalawang punto
na hindi malinaw na naiparating.
3- Mayroong mahigit na tatlong punto na hindi malinaw ang mensahe at hindi
maayos ang pagkakasulat.
2- Mayroong mahigit sa limang punto na hindi maayos ang pagkakasulat at
hindi malinaw ang mensahe.
1- Walang nagawang pagninilay.

Isagawa 12
Gawain 5: Pagganap
Panuto: Matapos na mapalawak mo ang iyong kaalaman at kakayahan tungkol
sa dignidad, lalabas ka na sa iyong kapwa. Hindi sapat na naiangat mo
ang sarili mong dignidad, kailangang makatulong ka upang maiangat
ang dignidad ng iyong kapwa. Ito ang nagbibigay ng kabuluhan sa buhay
ng tao. Kung kaya, gagawin mo sa bahaging ito ang gawaing: DIGNIDAD
NG KAPWA KO, IAANGAT KO.
1. Pumili ka ng sinoman sa pamilya, sa mga kaibigan o sa iyong mga kapitbahay
na sa iyong palagay ay mababa ang pagtingin o tiwala sa kaniyang sarili.
Narito ang ilan sa mga palatandaan ng taong may mababang pagtingin sa
kanyang sarili:

a. Hindi tiyak sa patutunguhan ng kanyang buhay.


b. Maraming nakikitang pagkakamali sa kanyang buhay at sa ibang tao.
Maraming mga negatibong palagay at paghuhusga.
c. Hindi nakalilimot sa mga nagdaang karanasan na pinaniniwalaang
dahilan kung bakit hindi na siya maaaring magpatuloy mabuhay nang
masaya.
d. Pinapahirapan o sinasaktan nang madalas ang kanyang sariling
kalooban at mahirap na magpatawad sa sarili at sa kapwa.
e. Hindi nakikita ang saya o galak sa anumang kanyang ginagawa.

2. Kausapin mo siya at tulungang maiangat ang kaniyang pagpapahalaga sa


sarili.
3. Ilapat mo ang mga hakbang na iyong natutuhan mula sa babasahin.
4. Huwag kang mapapagod hangga’t hindi mo siya nakikitaan ng palataandaan
ng pag-angat ng kaniyang pagpapahalaga sa kaniyang sarili.
5. Isulat sa iyong journal ang lahat ng mga pangyayari sa bawat araw na ikaw
ay nakikipag-usap sa kaniya at itala mo rin ang pag-unlad sa bawat araw na
iyong nakikita sa kaniya.
6. Kapag napagtagumapayan mo ito, nakatulong ka na sa kapwa mo,
Madaragdagan pa ang iyong tunay na kaibigan.
7. Ipasa sa guro ang nagawa mong journal pagkatapos ng aralin.

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2012), 174.

Narito ang Rubriks para sa Pagsusuri ng Journal sa Gawain 5:

13
5- Malinaw na naitala sa journal ang lahat ng mga pangyayari sa bawat araw na
pakikipag-usap sa taong tinulungan at malinaw ring naitala ang pag-unlad sa
bawat araw na nakikita sa kaniya.
4- Malinaw na naitala sa journal ang lahat ng mga pangyayari sa bawat araw na
pakikipag-usap sa taong tinulungan ngunit hindi gaanong malinaw ang
naitalang pag-unlad sa bawat araw na nakikita sa kaniya.
3- Hindi gaanong malinaw na naitala sa journal ang lahat ng mga pangyayari sa
bawat araw na pakikipag-usap sa taong tinulungan subalit malinaw na naitala
ang pag-unlad sa bawat araw na nakikita sa kaniya.
2- Hindi gaanong malinaw na naitala sa journal ang lahat ng mga pangyayari sa
bawat araw na pakikipag-usap sa taong tinulungan at hindi gaanong malinaw
ang naitalang pag-unlad sa bawat araw na nakikita sa kaniya.
1- Walang nagawang journal.

Gawain 6: Pagsasabuhay
Panuto: Mas mabuting maipapakita sa gawa ang paggalang sa sariling dignidad
at sa kapwa.
1. Sumulat ng dalawang (2) kilos para sa sarili at sa kapwa na pagsisikapang
gawin sa buong linggo.
2. Iguhit ang nakangiting mukha sa araw kung saan nagtagumpay ka sa
paggawa at malungkot na mukha naman kung hindi.
3. Gawing halimbawa ang nasa loob ng tsart. Sundin ang pormat at isulat ito sa
kuwaderno.
4. Ipasa ito sa iyong guro pagkatapos ng aralin.
Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Mga kilos ng paggalang


Sabado
Martes

Linggo
Lunes

sa dignidad ng sarili

14
A. Sa Sarili
Halimbawa: Magsuot ng 🙂 🙂 ☹ ☹ 🙂 🙂 🙂
disenteng damit
1.

2.

B. Sa Kapwa
Halimbawa:
Pagpapaalala sa kaklase 🙂 🙂 ☹ 🙂 🙂 ☹ ☹
na magsumikap sa pag-
aaral
1.
2.

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2017), n.p.

Narito ang Rubriks para sa Pagsusuri ng output sa Gawain 6:


5 - Makatotohanan, tiyak, angkop at malinaw ang isinulat na mga kilos para sa
sarili at sa kapwa na pagsikapang gawin sa buong linggo
4 - May tatlo sa apat na kraytirya na nabanggit mula sa makakuha ng limang (5)
puntos sa itaas
3 - May dalawa sa apat na kraytirya na nabanggit sa makakuha ng limang (5)
puntos sa itaas
2 - May isa sa apat na kraytirya na nabanggit sa makakuha ng limang (5) puntos
sa itaas
1 – Wala sa apat na krayatirya na nabanggit sa makakuha ng limang (5) puntos
sa itaas

Buod

Ang paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing daan upang


mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili at ang paggalang sa dignidad
ng tao ay nagmula sa pagiging pantay at magkapareho nilang tao.

Tayahin

15
Tapos na ang araling ito, ngayon naman ay susuriin ang iyong natutuhan
batay sa natalakay.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
A. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
B. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
C. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
D. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig

2. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?


A. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
B. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng
talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang mga tao.
C. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan
ayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
D. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila
natin matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at
ispiritwal.
3. Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao
dahil sa lipunan ito nagmumula. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa
pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa lipunan.
B. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala
sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
C. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
D. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga
4. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang
tao?
A. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
B. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
C. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa
mga ito.
D. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang
pagmamahal at pagpapahalaga.

5. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao?


A. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
B. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
C. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang
pag-aalinlangan.

16
D. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi
makasasakit o makasasama sa ibang tao.
6. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang
dignidad maliban sa:
A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
B. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
C. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
D. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo
sa iyo.
8. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang
dignidad bilang tao?
A. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
B. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga
sa kanya.
C. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at
mabigyan siya ng disenteng buhay.
D. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang
konsepto sa kanyang sarili.
8. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
A. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
B. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang
paggalang ng kapwa.
C. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging
karapat-dapat sa kanilang pagkilala.
D. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon
kundi sa karangalan bilang tao.
9. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang
kapwa?
A. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng
isang empleyado na tumatanda na
B. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na
nangangailangan ng kanyang tulong
C. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa
pamahalaan
D. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba

10. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?


A. Kapag siya ay naging masamang tao
B. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao
C. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao

17
D. Wala sa nabanggit

Muli mo na namang natapos ang isang modyul. Naniniwala akong dahil


sa mga kaalaman, kakayahan (skills), batayang konsepto at pagganap na
natutuhan mo sa modyul na ito, handang-handa ka na para sa susunod na
modyul. Binabati kita!

Susi sa Pagwawasto

18
Subukin
Aytem Sagot Kasanayan/Skill
1 D Pag-unawa
2 C Kaalaman
3 D Pagsusuri
4 C Pagtataya
5 A Pagtataya
6 B Pagsusuri
7 C Kaalaman
8 B Pagtataya
9 A Pagtataya
10 B Paglalapat
Tayahin
Aytem Sagot Kasanayan/Skill
1 C Kaalaman
2 D Pag-unawa
3 B Pagsusuri
4 C Pagtataya
5 A Pagtataya
6 D Pagsusuri
7 B Paglalapat
8 B Pagtataya
9 A Pagtataya
10 C Kaalaman

Sanggunian

19
Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7 Modyul para
sa Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2012.

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7 Modyul para


sa Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2017.

Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa


Pagpapakatao Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016.

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.govph

21

You might also like