You are on page 1of 27

Filipino – Baitang 7

Alternative Delivery Mode


Ikaapat na Markahan – Modyul 11: Paggamit ng Angkop na mga Salita at Simbolo sa
Pagsulat ng Iskrip
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Grietel T. Gere, T – I
Mary Cecille D. Luzano, HT – I

Reviewers: Gideon J. Pascubillo, HT – III


Marietess M. Santos, HT – I
Margene P. Caigan, T – III
Jessica G. Burlat, T – I
Roland Z. Lauron, T – I
Ariel A. Camingao, T – I
Ana M. Junio, T – I

Illustrator and Layout Artist: Noel Jay S. Pahayac, T – I

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato, PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Lorena R. Simbajon, EPS - Filipino
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III / DIC
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
7
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 11
Paggamit ng Angkop na mga Salita at
Simbolo sa Pagsulat ng Iskrip

Ang materyal sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda


at sinuri ng mga piling guro, punong guro, at Education Program
Supervisor sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng
Misamis Occidental. Hinihikayat ang mga guro at ibang nasa larangan
ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10 sa region10@deped.gov.ph.

Mahalaga ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 11


ukol sa Paggamit ng Angkop na mga Salita at Simbolo sa Pagsulat ng Iskrip

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
TALAAN NG NILALAMAN

Alamin ---------------- 1

Subukin ---------------- 1

Aralin 1 ---------------- 3

Balikan ---------------- 3

Tuklasin ---------------- 4

Suriin ---------------- 8

Pagyamanin ---------------- 9

Isaisip ---------------- 12

Isagawa ---------------- 13

Tayahin ---------------- 16

Karagdagang Gawain ---------------- 18

Susi sa Pagwawasto ---------------- 19

Sanggunian ---------------- 20
Magandang araw!
Ito ang panibagong aralin para sa iyo. Mahalagang magpokus at maglaan
ka ng oras upang matagumpay mong matugunan ang mga pangangailangan ng
modyul na ito.
Sa araling ito, matututunan mo ang pagsulat ng iskrip gamit ang angkop na
mga salita at simbolo. Mahalagang malaman mo ito upang mas maunawaan ang
kahalagahan ng iskrip sa pang-araw-araw na pamumuhay. Halina’t alamin at
unawain ang mga ito.

Layunin
a. Nagagamit ang angkop na mga salita at simbolo sa pagsulat ng iskrip
(F7PT-IVc-d-23)

Bago mo simulan ang mga gawain, masusukat ang iyong kaalaman sa


pamamagitan ng paunang pasulit. Huwag kang mag-alala kung mababa ang
makukuha mong puntos sapagkat ang layunin nito ay masukat ang iyong
kaalaman para sa aralin.

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang angkop
na salita sa loob ng panaklong para mabuo ang diwa ng bawat
pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Nakaharang sa (pinto, pintuan) ang hinubad niyang sapatos.
2. (Iiwan, Iiwanan) na kita kung mananatili kang ganiyan.
3. Ang bukol sa kaniyang leeg ay (ooperahan, ooperahin) na sa isang buwan.
4. Bukas na tayo magkita-kita (kina, kila) Joyce.
5. Ibig (kong, kung) sumama sa inyong lumabas.

1
II. Panuto: Tukuyin ang sinisimbolo ng sinalungguhitang salita. Isulat ang titik ng
sagot sa sagutang papel.
1. “Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, dagiti’t dumagit saan man sumuot...”
- Ildefonso Santos, Ang Guryon
a. pangarap c. problema o suliranin
b. isang laruan d. pagsubok sa buhay
2. “Walang nakaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Ito’y nagisnan
na naming magkakapatid.”
- Edgardo M. Reyes, Ang Gilingang Bato
a. kabuhayan b. katandaan c. pamana d. panahon
3. “Lumuha ka aking Bayan; buong lungkot mong iluha ang kawawang kapalaran
ng lupain mong kawawa.”
- Amado V. Hernandez, Kung Tuyo na ang Luha, Aking Bayan
a. damdamin c. pagliligtas sa bayan
b. pag-ibig sa bayan d. pagdurusa ng bayan
4. “Hindi ko ibig na maging halaman na namumulaklak ng may bango’t kulay. At
sa halip nito’y ibig ko lamang maging lupa ako’t magsilbing taniman.”
a. buhay c. pag-ibig sa bayan
b. kabataan d. kasaganaan sa buhay
5. “At sa kubong butas-butas ay naglagos ang pangarap.”
- David T. Mamaril, Lupa at Halaman
a. kahirapan b. kayamanan c. pamilya d. tahanan

III. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang
papel ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI naman kung
hindi.
1. Ang sentence outline ay isang de-numerong pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa istorya.
2. May apat na bahagi ang pagsulat ng iskrip.
3. Ang writing stage ay ang bahagi ng pag-iisip at pagpaplano.
4. Ang iskrip ay ang nakasulat na bersiyon ng mga salitang dapat sabihin o
batayan sa pagganap ng aktor sa dula.
5. Sa pagsulat ng iskrip, kailangang maging malinaw ang banghay, tauhan,
tagpuan, at ang mahalagang kaisipang hatid nito sa manonood.

2
Aralin Paggamit ng Angkop na mga Salita
1 at Simbolo sa Pagsulat ng Iskrip

Magandang araw!
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay makasusulat ng iskrip gamit
ang angkop na mga salita at simbolo.
Alam kong handa ka na. Halina’t simulan mo na!

Gawain 1
Panuto: Basahing mabuti ang piling saknong ng “Ibong Adarna”. Tukuyin ang
kaisipang nais ipabatid ng saknong na binasa. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Saknong mula sa “Ibong Adarna” Kaisipan

Sa laki ng kapanglawan
ang prinsipe’y nanambitan;
“Kung wala kang pagmamahal,
kitilin mo yaring buhay.

“Ano pa yaring halaga


kung sawi rin sa pagsinta,
buti pa, Donya Juana,
hininga ko’y malagot na.

3
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang makasusulat ng isang iskrip gamit
ang angkop na mga salita at simbolo. Kaya bago mo ito isagawa, bigyang-pansin
muna ang kahulugan ng simbolo, angkop na salita, at mga dapat tandaan sa
pagsulat ng iskrip.

Ang simbolo ay mga salita na kapag binanggit sa isang akdang


pampanitikan tulad halimbawa ng tula ay nag-iiwan ng iba’t ibang
pagpapakahulugan sa mambabasa. Ngunit ang pagpapakahulugan ng
mambabasa ay kailangang hindi malayo sa tunay na intensiyon ng makata.

Halimbawa:

Simbolo Kahulugan

puti kalinisan o kadalisayan

itim kamatayan o kasamaan

kalapati kapayapaan o pakikiisa

puso pag-ibig o pagmamahal

Sisa wala sa tamang katinuan o


kaisipan

bubuyog manliligaw

ligaw na tupa napahamak o napariwarang tao

alibughang anak anak na nagbigay ng hinanakit sa


magulang

puno katatagan

bundok pagsubok o problema

Sa pagsulat ng iskrip ay mahalagang gamitin ang angkop na mga salita


at simbolo.

4
Nagiging malinaw ang pahayag kapag gumagamit ng mga angkop na salita
sa kaisipang ipinahahayag. Minsan may mga salitang tama na ang kahulugan sa
loob ng pangungusap ngunit hindi naman angkop na gamitin.

Narito ang limang (5) tuntunin na maaaring sundin sa pagpili ng tumpak na


mga salita sa pahayag (Tumangan, et al., 2001).
1. Tiyaking ang salita ay angkop sa ibig sabihin.
Halimbawa:

Di-angkop Angkop
Ang sumpa sa harap ng altar Ang sumpa sa harap ng altar
ay panaling bumigkis sa ay tanikalang bumigkis sa
mag-asawa. mag-asawa.

2. Tiyaking angkop ang panlapi ng salitang ginamit.


Halimbawa:

Di-angkop Angkop
Nangagsiligo sa dagat ang Naligo sa dagat ang mga
mga kapatid ko. kapatid ko.

3. Tiyaking timbang ang ideya ng mga salitang ginamit.


Halimbawa:

Di-angkop Angkop
Nagsibaba ang mga bata mula Nagsibaba ang mga bata mula
sa puno ng santol at tumakbo sa puno ng santol at
nang makita ang pagdating ni nagsipagtakbuhan nang
Mang Kanor. makita ang pagdating ni Mang
Kanor.

4. Tiyaking nagkaisa ang aspekto ng mga pandiwang ginamit.


Halimbawa:

Di-angkop Angkop
Nagtungo ang mga kabataan Nagtungo ang mga kabataan
sa awditoryum at sa awditoryum at nanood ng
nagsisipanood ng konsiyerto. konsiyerto.

5
5. Iwasan ang labis na panghihiram ng salitang Ingles lalo na’t hindi pa iyon
tinatanggap ng marami at mayroon namang katumbas na katutubong salita
natin ang mga iyon.
Halimbawa:

Di-angkop Angkop
Na-research ko na ang aking Nasaliksik ko na ang aking
assignment sa Filipino. takdang-aralin sa Filipino.

Ang iskrip ang pinakakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat


ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito.
Sa iskrip matatagpuan ang galaw ng aktor, ang mga tagpo, ang mga
eksena.
Ang diyalogo ang sinusundan ng mga aktor. Ito ang nabibigay ng mga
mensahe sa isang dula. Diyalogo ang tawag sa anomang usapan sa pagitan ng
dalawa at ilan pang mga tauhan sa loob ng isang dula.

Tatlong Bahagi ng
Pagsulat ng Iskrip

Pre-writing Writing Re-writing

 Ito ang bahagi ng  Sa simula ng  Kung napino na ang


pag-iisip at pagsulat ng iskrip iskrip, isulat itong
pagpaplano ay makabubuting muli upang maging
 Dito binubuo ang sumulat muna ng malinaw at madaling
konsepto ng sentence outline. maitatanghal.
istorya, sino ang  Ang sentence
mga tauhang outline ay isang
gaganap kabilang de-numerong
ang bida at pagkasunod-sunod
kontrabida, saang ng mga pangyayari
lugar o tagpuan sa istorya.
gagawin, at
anong banghay
ang gagamitin.

6
Halimbawa ng Sentence Outline:

1. Nasa nayon si Maria Blanca at nalaman niya sa pamamagitan ng


kaniyang mahiwagang singsing ang nalalapit na pag-iisang dibdib nina
Don Juan at Donya Leonora.
2. Humiling si Donya Maria sa kaniyang mahiwagang singsing ng isang
magandang karosa at kasuotang pang-emperatriz.
3. Umalis si Donya Maria Blanca sakay ng magandang karuwahe.

Halimbawa ng Iskrip:

Tauhan:
o Donya Maria – makapangyarihan, matalino, at magandang
prinsesa
Panahon:
o umaga, maliwanag ngunit maulap
Tagpuan:
o sa nayon kung saan iniwan ni Don Juan si Donya Maria

Tagapagsalaysay: Pagkahawi ng tabing o sa pagliliwanag ng tanghalan


ay makikita ng madla si Donya Maria suot ang isang
magandang damit habang malungkot na nakatingin
sa kaniyang singsing. Maraming mga puno sa
kaniyang paligid at ipinakita ang isang munting
tahanang yari sa bao sa kaniyang likuran.
Donya Maria: Don Juan, ako’y talagang iyo nang nalimot. Paano na ang
iyong mahal na prinsesa kung ikaw ay magpakasal kay
Donya Leonora?
Tagapagsalaysay: Mamasdan ang singsing at hiniling sa kaniyang
singsing na tila naiyak pa.
Donya Maria: Mahiwagang singsing, ako ay bigyan ng isang
magandang karosa.
Tagapagsalaysay: Lalabas ang karosa. May labindalawang kabayo at
labindawang kabataang lalaking maganda ang tindig
na nakatayo sa tabi ng karosa.

7
Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga piling saknong ng “Ibong Adarna” sa ibaba. Unawain
itong mabuti para matukoy ang simbolong nakapaloob sa bawat saknong.
Piliin sa loob ng kahon ang mga simbolong tumutukoy sa kahulugan. Ang
una ay ginawa na para sa iyo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

ulap na naparam bulaklak


apoy palasyo
tubig bituin

Saknong mula sa “Ibong Adarna” Kahulugan Simbolo


Alam niyang itong tao
kahit puno’t maginoo walang silbi batong agnas
kapag hungkag din ang ulo
batong agnas sa palasyo.
1. Sa palasyo’y anong saya
problemang
lahat doon ay masigla,
nabigyang
tiwala ang Hari’t Reynang
solusyon
ang ulap ay naparam na.
2. Hindi niya nababatid
na sa nayo’y may ligalig nagbabadyang
ito’y apoy na sasapit kaguluhan
sa palasyong nagtatalik.
3. Ang tubig sa kanyang prasko’y
ibinuhos sa palasyo, trahedya
bumaha sa buong reyno’t
nasindak ang mga ito.
4. “Bulaklak ka ng pag-ibig
pabango sa aking dibdib, iniirog o
tuwing ako’y mahahapis kasintahan
lunas na ang iyong titig.”
5. Sumisikat na bituin
sa bughaw na panginorin paghanga sa
nakangiti at magiliw kagandahan
sa pagsabog niyong ningning!
Gawain 3

8
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang angkop na
salita sa loob ng panaklong para mabuo ang diwa ng bawat pahayag.
Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.

1. (Kumuha, Nanguha) ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.


2. Isinara niya ang (pinto, pintuan) upang hindi makapasok ang lamok.
3. Walang pasok dahil (sinuspindi, sususpindihin) ang klase.
4. (Lumangoy, Naglalangoy) siya sa swimming pool kanina.
5. Makabubuting (sundan, sundin) natin ang yapak ng Panginoon tungo sa
kabanalan.

Natutunan mo na ang mga simbolo at mga kahulugan nito pati na rin ang
mga dapat tandaan sa pagsulat ng iskrip. Ngayon, subukin mo ang iyong
kakayahan sa pagsulat ng iskrip. Basahing mabuti ang mga saknong ng koridong
“Ibong Adarna: Ang Unang Babaeng Nagpatibok sa Puso ni Don Juan, si Donya
Juana”.

At sa kanyang pagsasakit “Ngayon, ang aking panganib


lalim ng balo’y nasapit narating saan kita ililingid itatago

hindi isang tuyong yungib kuweba nang maligtas sa pasakit pahirap

kundi pook na marikit! maganda ng higanteng sakdal lupit?”

Lalo siyang nanggilalas namangha Di naglipat ilang saglit pag-uusap

at ang puso ay nabihag naakit ng masayang pagniniig,


nang tamaan na ng malas ang higante ay narinig
si Donya Juanang marilag. maganda sa hagdana’y pumapanhik.
pakiusap umaakyat
Sa pagsamong anong lungkot Nagpamook ang dalawa
ni Don Juang nakaluhod; labanan nagpaspasang parang sigwa;
ang prinsesang maalindog, maganda sa pingkian ng sandata unos

ay tinablan ng pag-irog. pag-ibig ang apoy ay bumubuga!

Nang patay na at sa lupa “Parunan mo at sunduin

9
ang higante ay bulagta, nakahandusay sa ngalan ko ay sabihing
saka ganap na natuwa siya’y parito ngayon din
si Donya Juanang mutya. mahal at ibig kong kausapin.
taksil
“O, Don Juang aking sinta mahal “Ngunit irog, may pangamba
tunay bang aalis katang ang pagsundo mo sa kanya;
dito ay maiiwan pa nagbabantay may tangkilik kay Leonora
ang bunso kong si Leonora? ay serpyenteng palamara.”

Gawain 4
Panuto: Batay sa nabasang bahagi ng Ibong Adarna, buoin mo ang iskrip sa
ibaba sa pamamagitan ng pagpupuno sa mga patlang. Isaalang-alang
ang rubrik para sa pagbuo ng iskrip. Isulat ang iyong iskrip sa sagutang
papel.

Tagapagsalaysay: Sa pagsasakit ni Juan ay narating niya ang isang balon,


isang pook na marikit. Ang mga halaman at bulaklak dito’y
humahalimuyak ang bango at may palasyong kumikislap
na yari sa ginto’t pilak.

Don Juan: O, hiwaga! Mala-engkanto nga ang balong ito. Mayroon pang
palasyong kumikinang sa loob.

Tagapagsalaysay: Naglalakad-lakad siya at nakita si Donya Juana.

Don Juan: Magandang araw sa’yo, O marilag na prinsesa. Ikaw ay isang


talang sa langit ay nagniningning.

Donya Juana: ___________________________________________________


___________________________________________________

Don Juan: Sadyang tadhana ang nagdala sa akin dito upang ika’y makita.

Tagapagsalaysay: Lumuhod si Don Juan at hinalikan ang kamay ni Donya


Juana, ngunit si Donya Juana ay hindi ngumiti at parang
kinakabahan.

Donya Juana: ___________________________________________________


______________________________________________

Don Juan: Aking prinsesang mahal, ang matakot ay hindi bagay sa iyo.
Hayaan mong labanan ko ang higante upang makamtan mo ang
kalayaang iyong inaasam. 10

Tagapagsalaysay: Ilang saglit lang ay narinig nila ang higanteng pumapanhik


Pamantayan sa Pagsulat ng Iskrip

11
Mga Pamantayan Nakalaang Aking
Puntos Puntos

Angkop at naiugnay ang paksa. 5

Nagagamit ang angkop na mga salita at simbolo sa 5


pagsulat ng iskrip.

Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang may 5


kaisahan at pagkauugnay-ugnay.

Malinaw at wasto ang balarila / gramatika. 5

Kabuuang Puntos 20

5 – Napakahusay 4 – Mahusay 3 – Katamtaman 2 – Di-mahusay

Tandaang sa pagsulat ng iskrip ay


mahalagang isaalang-alang ang mga natutuhan
sa gramatika at retorika. Ito ay mahalaga upang
higit na maging mabisa, makatotohanan, malinaw
ang pagbuo ng iskrip at maiwasan ang maling
interpretasyon o di-pagkaunawaan bunga ng
maling gamit ng mga salita o pahayag.
Kapag natapos mo ang pagsusulat, muling
basahin ang nabuong iskrip. Ipabasa sa ibang tao
at ipakritik sa lalo pang ikagaganda nito. Kapag sa
iyong palagay ay napino na ang iskrip, isulat itong
muli upang maging malinaw at madali itong
maitanghal.

12
Gawain 5
Panuto: Basahing mabuti ang maikling kuwento sa ibaba na pinamagatang
“Si Wigan at si Ma-i” upang ikaw ay makapagsulat ng isang iskrip. Isulat
ang nabuong iskrip sa sagutang papel.

Si Wigan at Si Ma-i

Dalawang libong taon na ang nakalilipas, may alitan ang bayan ng


Banaue at Mayaoyao. Itinuturing noon na isang karangalan ang makapatay
ng kalaban. Sa panahong ito nabuhay si Wigan, anak ng hari ng Banaue
na si Ampal.
Minsan, si Wigan ay nangaso sa kagubatan. Nang magawi siya sa
isang talon upang magpahinga, nakakita siya ng isang dalagang naliligo.
Naakit siya sa kagandahan nito ngunit napansin niyang ito ay isang
dayuhan at walang karapatang maligo sa lupain ng Banaue.
Papatayin na sana ni Wigan ang dalaga nang pigilin siya ng isang
ahas. Nakilala niyang ang ahas ay si Lumawig, ang diyos ng kalangitan.
Sa halip na ipagpatuloy ang naunang balak, sinamahan ni Wigan
ang dalaga pauwi. Nalaman niyang ang pangalan nito ay Ma-i, anak ng hari
ng Mayaoyao na si Liddum. Sa kanilang mahabang paglalakbay, nabuo
ang kanilang pag-iibigan.
Pagdating sa lupain ng Mayaoyao, agad na dinakip si Wigan. Siya
na ngayon ang dayuhan sa lupain ni Ma-i.
Nakiusap si Ma-i sa kaniyang ama. Isinalaysay niya ang pangyayari.
Nag-isip si Liddum. Ang kahilingan ng kaniyang anak ay taliwas sa
nais ng mga mamamayan ng Mayaoyao.
Sumang-ayon ang mga mamamayan ng Mayaoyao. Pinili nila ang
pinakamagiting nilang mandirigma upang makalaban ni Wigan. Nagsimula
na ang paghaharap ng dalawa.

13
Mula naman sa Banaue, dumating ang isang daang mandirigma
na naghahanap sa anak ng kanilang hari. Nakita nila si Wigan na
nakikipaglaban. Humanda silang maipaghiganti ito kung sakaling
magagapi ito.
Sa kabutihang palad, nanalo si Wigan at naiwasan ang sana’y
madugong pagtutuos ng mga mandirigma ng Banaue at Mayaoyao.
Isang cañao (handaan) ang sumunod. Si Ma-i ang namuno sa sayaw ng
kasalan. Tuloy-tuloy ang pagtunog ng gangsa. Umabot ang kasayahan
sa loob ng siyam na araw.
Sina Wigan at Ma-i, kasama ang mga mandarigma ng Banaue ay
naglakbay pabalik sa Banaue. Habang naglalakbay, naisip ni Wigan ang
kaniyang ama. Matanda na ito at marahil ay naghihinay na rin itong
magkaapo. Ngunit nag-asawa siya nang walang pahintulot ng ama.
Sasang-ayon kaya ito sa kaniyang ginawa?
Sa hagdan-hagdanang palayan nagtagpo sina Wigan at Ampual.
Hinanda na ng binata ang kaniyang sarili.
Tiningnan ni Ampual si Ma-i. Hindi man nagsalita ay alam ni
Wigan na naunawaan siya ng kaniyang ama. Habang naglalakad ay nag-
iisip si Ampual ng sasabihin niya sa mga nasasakupan. Masayang
sumalubong naman ang lahat. Nagwika ang hari sa mga taga-Banaue.
“Ako ay matanda na. Hindi magtatagal at makapiling ko na rin ang
ating mga ninuno. Bago ito mangyari ay nais kong makita ang aking anak
na mag-asawa at handa nang pumalit sa akin. Narito ang dalaga mula sa
Mayaoyao. Mga dalaga ng Banaue, piliin ninyo kung sino sa inyo ang
pinakamaganda na maaari nating itapat sa panauhing padala ni
Lumawig. Mula sa dalawa, pipiliin naming ng aking anak kung sino ang
higit na maganda. Ang mapipili ay mapapangasawa ng aking anak at ang
hindi ay mamamatay. Bilang gantimplala sa magwawagi, ang kaniyang
karanasan ay magiging alamat sa ating mga anak.”
Pumili ang mga mamamayan ng Banaue ng dalagang itatabi nila
kay Ma-i. Nang sila ay makapili, lahat ay sumang-ayon na iyon na nga
ang pinakamaganda sa mga taga-Banaue.

14
Nagtabi na ang dalawang dalaga. Tunay ngang di-pangkaraniwan
ang mga kagandahang nasa harap ni Wigan ngayon.
Nagtanong si Ampual. “Ano ba ang pangalan ng dayuhan?
“Ma-i,” tugon ni Wigan.
“Sumang-ayon ka ba na si Ma-i ang higit na maganda?”
“Opo,” sagot ni Wigan na nagagalak sa desisyon ng ama.
Inihayag ng hari na nagwagi si Ma-i. Nagalak ang mga tao. Sa
kasiyahang ito, nagwika si Ma-i.
“May isang kahilingan po ako, dakilang pinuno ng Banaue.
Hayaan niyong ang dalagang aking nakatapat ay manatiling buhay nang
walang kahihiyan. Ito’y upang ang kaniyang karanasan ay magsilbing
alamat ng ating mga anak.”
Pinagbigyan ni Ampual ang kahilingang ito ni Ma-i. Sinimulan na
ang ikawalong baitang ng hagdan-hagdang palayan at naganap muli ang
kasalan nina Ma-i at Wigan. Ito ang naging simula ng kapayapaan sa
pagitang ng Banaue at Mayaoyao na umbaot hanggang sa kasalukuyan.
https://pinoycollection.com/maikling-kuwento-tungko-sa-pag-ibig/

Pamantayan sa Pagsulat ng Iskrip

Nakalaang Aking
Mga Pamantayan
Puntos Puntos
Angkop at naiugnay ang paksa. 5

Nagagamit ang angkop na mga salita at simbolo sa 5


pagsulat ng iskrip.

Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang may 5


kaisahan at pagkauugnay-ugnay.

Malinaw at wasto ang balarila / gramatika. 5

Kabuuang Puntos 20

5 – Napakahusay 4 – Mahusay 3 – Katamtaman 2 – Di-mahusay

Lubos mo ng natutunan ang tungkol sa paggamit ng angkop na mga salita


at simbolo, at pagsulat ng iskrip. Ngayon ay susukatin natin ang iyong kaalaman
hinggil sa natalakay na aralin.

15
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng
sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay mga salita na kapag binanggit sa isang akdang pampanitikan ay


nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa.
a. iskrip b. larawan c. pahiwatig d. simbolo
2. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dulang itatanghal.
a. aktor b. diyalogo c. iskrip d. tagpo
3. Ang pagsulat ng iskrip ay may ___________ na bahagi.
a. dalawa b. tatlo c. apat d. lima
4. Ito ang bahagi ng iskrip na binubuo ang konsepto ng istorya, sino ang mga
tauhang gaganap, saang lugar o tagpuan gagawin, at anong banghay ang
gagamitin.
a. pre-writing c. rewriting
b. post writing d. writing
5. Ito ay isang de-numerong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa istorya.
a. diyalogo b. iskrip c. modyul d. sentence outline
6. Bakit kailangang ipabasa sa ibang tao ang nasulat na iskrip?
a. para kutyain nila ito
b. para ipakritik upang lalong gumanda
c. para malaman ang takbo ng kuwento
d. para malaman kung sino-sino ang mga tauhan
7. Halina kayong ____________ at nakahain na ang hapag. Ano ang angkop na
salita sa patlang?
a. kumain b. lumamon c. mag-usap d. ngumuya
8. Maluwang ang kaniyang _____________ ngunit manipis ang kaniyang mga
labi. Ano ang angkop na salita sa patlang?
a. bibig b. bunganga c. dila d. ngipin

16
9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang wastong pagkagamit?
a. Si Luis ay ooperahin sa Martes.
b. Napatay ang aking lolo dahil sa sakit sa atay.
c. Ang mga sundalo ay ipinadala sa ibang bansa.
d. Si Cesar ay niregalo ang bagong kotse sa kasintahan.
10. Ayaw _________ umuwi sa bahay namin. Alin sa mga sumusunod na salita
ang bubuo sa diwa ng pangungusap?
a. kaya b. kong c. kundi d. kung
11. Ano ang ibig sabihin ng simbolong kalapati?
a. kalinisan b. kapayapaan c. katatagan d. kaputian
12. “Hindi ko na ibig na maging halaman na namumulaklak ng may bango’t kulay.
At sa halip nito’y ibig ko lamang maging lupa ako’t magsilbing taniman.” Alin
sa pahayag ang sumisimbolo sa kasaganaan sa buhay?
a. halaman b. kulay c. lupa d. taniman
13. “May mga taong bukod sa hangad na tularan ang lalong walang habas na ibon:
ang agila, ay may palatandaan pa rin ng buwitre, ng kuwago, at ng malaking
bayakan na sumisipsip ng dugo ng tao.” Ano ang sinisimbolo ng
sinalungguhitang mga salita?
a. gahaman sa kayamanan c. katakawan
b. kabulastugan d. kasakiman
14. “Ang serpyenteng may tangkilik
sa ngayon ay nagsusulit,
kinalabang buong higpit
ni Don Juang aking ibig.”
Ano ang sinisimbolo ng sinalungguhitang salita?
a. taong mabait c. taong mapanlinlang
b. taong matulungin d. taong takot sa ahas
15. “Ang umaga ay bumati
kay Don Juan nagwawari
makailan pang sandali
nagpasundo na ang hari.”
Ano ang sinisimbolo ng sinalungguhitang salita?
a. oras b. pag-asa c. liwanag d. panahon

17
Gawain 6
Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang tanong sa loob ng kahon. Sumulat ng
iyong sariling diyalogo o iskrip tungkol dito. Gawing batayan ang rubrik
para sa pagbibigay ng puntos. Isulat ito sa sagutang papel.

 Balikan mo ang panahong ikaw ay nagkasala sa iyong mga magulang.


Paano ka humingi ng tawad sa kanila?

Pamantayan sa Pagsulat ng Iskrip

Nakalaang Aking
Mga Pamantayan
Puntos Puntos
Angkop at naiugnay ang paksa. 5

Nagagamit ang angkop na mga salita at simbolo sa 5


pagsulat ng iskrip.

Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang may 5


kaisahan at pagkauugnay-ugnay.

Malinaw at wasto ang balarila / gramatika. 5

Kabuuang Puntos 20

5 – Napakahusay 4 – Mahusay 3 – Katamtaman 2 – Di-mahusay

18
19
AKLAT
o Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House
Inc, 2014, pp.703-707

MGA WEBSITE
o http://rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-
2/Supplemental%20Filipino%20High%20School%20Grade%207%204rth%
20Q.pdf
o https://btviola719.files.wordpress.com/2014/07/exemplar-3-sa-filipino-
grade-7.pdf
o https://www.scribd.com/doc/234173917/Pagpili-ng-angkop-na-salita-ng-
pangungusap
o https://teksbok.blogspot.com/2017/05/ibong-adarna-script.html?m=1
o https://www.coursehero.com/file/18781197/Angkop-na-Salita-sa-
Pangungusap

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

You might also like