You are on page 1of 11

FILIPINO 7

FILIPINO
A. Baitang-Asignatura : Filipino 7
B. Modyul Bilang : 3
Paksa : Ako at ang Pagkilala sa Isla ng Mindanao
Pabula: Si Pilandok sa Kaharian sa Ilalim ng
Dagat (Pabula ng mga Maranao)
C. Bilang ng Araw : 1 araw sa isang Linggo ( apat na oras)
D. Mga Kagamitan Batayan at Sanayang Aklat sa Baybayin 7,
Iba’t ibang pagkukunan ng impormasyon
(internet at iba pa)

1. Lagom-Pananaw

Ang mga Muslim sa Mindanao ay binubuo ng iba’t ibang pangkat o tribo. Isa na dito ang pinakapopular
at pinakamalaking tribo ng mga Muslim ang mga Maranao.
Pangunahing naninirahan ang mga Maranao sa lawa ng Lanao, ang ikalawang pinakamalaking lawa sa
Pilipinas. Ang salitang Maranao ay nangangahulugang mga “tao ng lawa” (People of the lake) at galing ito sa
wikang Austronesian. Tinatayang aabot sa 90% ang bilang ng mga ito na naninirahan sa Lanao del Sur, ang
ibang natitira ay matatagpuan sa bahagi ng Lanao del Norte, Cotabato, Zamboanga at Bukidnon.
(Mula sa https://prezi.com/3utzjkt9ngtp/ang-mundo-ng-maranao/)

Sa modyul na ito, matututunan mo ang tungkol sa Maranao partikular na ang kanilang pabula na
pinamagatang Si Pilandok sa Kaharian sa Ilalim ng Dagat.
Nakapaloob sa talakayang ito, ang tungkol sa kultura, tradisyon, kaugalian at paniniwala ng mga
Maranao, pabula, mga uri ng panlapi at mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad.

FILIPINO
Layunin ng araling ito na matamo ng bawat mag-aaral ang sumusunod:

SCIENCIA (BIASA)

1. Natutukoy at naipaliliwanag ang mahalagang kaisipan sa pabula.


2. Epektibong nakikipagtalastasan sa paraang oral at pasulat na Gawain gamit ang
Wikang Filipino.
3. Mahusay na nakikisalamuha sa mga gawaing pangkomunidad mula sa mga
kasanayang nalinang sa pagkatuto gamit ang Wikang Filipino.
4. Nagagamit ang iba’tibang kasanayang pangwika (partikular sa paggamit ng
Wikang Filipino) sa iba’tibang pangkat etnolinggwistiko.
5. Mahusay nanagagamit ang Wikang Filipino sa iba’tibang disiplina.

VIRTUS (MAGANACA)

1. Nabibigyang-halaga ang mga panlapi sa pagbabago ng mga kahulugan.


2. Magpakita ng katapatan at pagkapantay-pantay sa lahat ng aspeto ng buhay.
3. Maisabuhay ang mga turong simbahan sa pamamagitan ng pananampalataya at
gawaing moral.
4. Mapanindigang inaako ang lahat ng aksyon at desisyon na puno ng
responsibilidad.
5. Maipamamalas nang walang pag-iimbot at taos-pusong tanggapin ang mga gawain
nang may pagkukusa at maibahagi sa iba na punong-puno ng kagalakan.
6. Nakapagpapamalas nang mataas na moral nang may pagpapahalaga sa propesyong
kinabibilangan.
7. Matapat na inuuna ang kapakanan ng iba kaysa sarili.

COMMUNITAS (MAYAP)

1. Naibabahagi ang pananaw at saloobin sa pagiging karapat-dapat o di karapat-


dapat ng paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa pabula.
2. Makiisa sa buhay at misyon ng simbahan.
3. Makapagsagawa ng mga gawaing kahabag-habag.
4. Magamitang kahusahayan at kagalingan ng isa para sa kapakanan ng nakararami.
5. Makapagsilbing katuwang sa pagbabago ng lipunan.

FILIPINO
Ilarawan Mo, Tribo ng Maranao

Ang mga Maranao ay unang nanirahan sa kabundukan pero ang impluwensya nito ngayon ay
kumalat na hanggang sa mga tao sa baybaying lugar. Kaya tinawag itong “tao ng lawa” dahil ang
kanilang tradisyunal na tirahan ay sa mga lugar na nakapaikot sa Lawa ng Lanao. Mailalarawan ang
mga kultura ng mga Maranao sa pamamagitan ng sarimanok, singkil, okir at ng kanilang epikong
Darangen.

Sarimanok Singkil Okir

Epiko ng Darangen

Batay sa mga larawang nakabigay, tukuyin ang mga katangian, kasuotan at paraan ng
pamumuhay ng mga Maranao sa mga linyang nakalaan sa ibaba.

FILIPINO
(Ang mga larawan ay mula sa
https://www.google.com.ph/search?q=pamumuhay+ng+mga+maranao&tbm=isch&bih=625&biw=1366&hl=en&ved=2ahUKEwjCtd
uQ-b7pAhWTAKYKHe8oA5QQBXoECAEQKQ#imgrc=e5pD1o7yLDubhM)

_____________________________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________

Aralin 1: Pabula

Sa modyul na ito matutunghayan ang paggamit ng mga hayop bilang


mga tauhan sa kwento, dito natin makikita ang pagpapahalaga nating
mga Pilipino sa mga hayop. Isa ang UAJHS for LIFE sa mga
adbokasiyang nagmumulat sa bawat mag-aaral na kailangang
pangalagaan ang anumang nilikha ng Poong Maykapal sa ating
kapaligiran.

Isang malikhaing paraan ng pagsasalaysay ng isang makabuluhang karanasan ang mga


kwentong pabula. Sa mga pabula, isinasalin ng may-akda ang katauhan, katangian, damdamin,
katalinuhan at marami pang aspekto ng pagkatao sa mga tauhang hayopn o iba pang hindi taong
bagay sa mundo.
Tulad ng mga taong may iba’t ibang pinagmulan at kalikasan ngunit nagkakataong
magkadaupang palad, matutunghayan din sa pabula ang ilang interaksyon sa pagitan ng mga
hayop na maaaring magkasundo o hindi na taliwas sa iyong inaakala.

FILIPINO
Katulad ng maraming kuwento, ang pabula ay may mga elementong tauhan, tagpuan,
suliranin, banghay at mahalagang kaisipan. Higit na napatitingkad ang kabuluhan ng pabula dahil
sa mga hayop na humahalili sa tao upang mabigyang-tuon ang isang mahalagang kaisipan o ideya.

(Mula sa DepEd Module)

Ano ang mga magpapatunay na ang iyong pinanood na video ay isang pabula?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Aralin 2: Si Pilandok sa Kaharian sa Ilalim ng Dagat

Ang adbokasiya ng Cheat-Free ay maiuugnay sa araling ito na


naghihikayat na huwag maging tuso o manloko ng ating kapwa lalo na
sa mga namumuno o nakatataas sa atin.

Si Pilandok sa Kaharian sa Ilalim ng Dagat

FILIPINO
Pamilyar ka ba sa nasa larawan? Ano bang uri ng
hayop ito? Ito ay isang pilandok...ang pilandok ay isa
sa pinakamaliit na ‘hoofed animal’. Wala pang isang
piye ang sukat nito kapag nakatayo. Bagamat may
pagkakahawig sa usa, ang pilandok ay mas may
relasyon sa baboy at kamel, sa baboy dahil sa
hitsura ng paa nito at sa kamel naman dahil sa
straktura ng bungo at ngipin nito. Sa literal na
katawagan, pilandok ang tawag sa mouse deer na
karaniwang matatagpuan sa Palawan.

Ngunit sa pabula ng Maranao na may pamagat na “Si Pilandok sa


Kaharian sa Ilalim ng Dagat”, si Pilandok ay inilalarawan bilang isang
tuso na tao. Sa kabila ng kanyang pagiging maliit, kaya niyang lokohin at
linlangin ang mga makapangyarihan at matataas na tao sa kanilang
kaharian.

Buksan at basahin ang iyong aklat sa pahina 23 ng Baybayin 7 na may pamagat na “Si Pilandok sa
Kaharian sa Ilalim ng Dagat”.

Aralin 3: Panlapi

Ang araling ito ay nagtataglay ng kaisipan na may


kaugnayan sa adbokasiyang Foul Language Free, ang
paggamit ng angkop na mga salita sa pagpapahayag ng
ating saloobin ay isang paraan upang maiwasan ang
makasakit ng damdamin ng iba.

Sa lingguwistika, ang panlapi ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo
ng isang bagong salita o anyo ng salita. Sa balarilang Tagalog, bumababatay ang sistema ng pandiwa sa
paggamit ng mga panlapi. Nalalaman din sa pamamagitan ng panlapi sa Tagalog ang ginagampanang
tuon ng isang pangungusap. Gumagamit ng iba't ibang mga panlapi sa pandiwa sa iba't ibang
ginagampanan nito. Salitang ugat naman ang tawag sa malayang morpema dahil ito ay nakapag-iisa at

FILIPINO
may sariling kahulugan at anyo. Nagkakaroon ng pagbabago sa kahulugan ng salitang ugat batay sa
panlaping ikinakabit dito.
(Mula sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Panlapi)

May limang uri ng panlapi: unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan at laguhan. Buksan ang iyong aklat
sa pahina 24 para sa mga kahulugan at halimbawa ng mga ito.
Gawain 3
PANUTO: Basahin ang pabula at magbigay ng tiglimang halimbawa sa bawat uri ng panlapi na
matatagpuan dito.

Ang Pagong at ang Ahas


(Lanao del Sur)
Matalik na magkaibigan ang pagong at ang ahas. Isang araw, hinamon ng ahas ang pagong para
magkarerahan. Noong una, tumanggi ang pagong dahil batid niyang siya ay mabagal. Ngunit nagpumilit ang
ahas kung kaya’t napapayag din nito na tanggapin ng pagong ang kaniyang hamon. “Aba, kung talagang gusto
mong makipagkarerahan, e di sige,” wika ng pagong sa ahas.
“Magsimula tayo kung saan ka nakatayo at sa kuweba tayo magtatapos,” wika ng ahas habang itinuturo
ang direksyon ng kanilang karera. “Isa, dalawa, tatlo! Takbo!” sigaw ng ahas bilang hudyat ng pagpapanimula
ng paligsahan. Tumalon ang ahas mula sa punong kinapupulutan na nagsisilbing kanilang tahanan at kumiwal-
kiwal ito nang napakabilis.
Nang dumating siya sa isang lugar na kinatatayuan ng isang malaking puno, tumigil siya upang
magpahinga. “Ang ganda naman ng punong ito. Ang daming sanga at dahon. Masarap mamahinga rito,” buong
kasiyahang pinagmasdan ng ahas ang puno. Ngunit ang lamig na dulot ng hangin ng lilim ay nagpaantok sa kaniya.
Sa paniwalang hindi siya maaabutan ng pagong, nagpasiya siyang matulog muna. “Hhhm! Inaantok ako. Ang mabuti
pa’y matulog muna ako. Tiyak, malaki na ang distansiya ko kay pagong. Matatalo pa ba naman ako? Balita ng
kabagalan niyan,” may kayabangang sambit ng ahas sa sarili. Samantala, lumakad nang lumakad ang pagong.
“Pagod na ako. Pero kailangang manalo ako sa karerang ito,” humihingal na wika ng pagong sa sarili. Nang
makarating siya sa punongkahoy na pinagpapahingahan ng ahas, nakita niya itong mahimbing na natutulog. “Aba,
narito pala ang hambog na ahas. At himbing na himbing. Mabuti naman,” punong-puno ng pag-asang sambit ng
pagong. Hindi niya ginising ang ahas at bagkus ay nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang
kuweba. Nang magising ang ahas, lumingon siya sa lugar na pinagsimulan ng paligsahan sa karera ngunit hindi na
niya nakita ang pagong. “Aba, napahaba yata ang tulog ko. Nasaan na kaya ang pagong? Hindi kaya naunahan na
niya ako?” nag-aalinlangang wika ng ahas sa sarili. Kaya, kumiwal-kiwal siya papuntang kuweba sa pag-asang
mararating niya ito nang una kaysa pagong. Subalit nang dumating siya sa kuweba, nagulat na lamang siya dahil
naroroon na ang pagong na payapang namamahinga sa loob ng kuweba. “Tinalo mo ako, kaibigan! Paanong
nangyari iyon?” tanong ng ahas sa pagong. “Tiyaga, kaibigan. Mabagal ako ngunit matiyaga. Samantalang ikaw,
mabilis nga ay tamad naman,” ang sagot ng pagong.

FILIPINO
(Mula sa Klasrum Drama: Mga anyo ng dulaan para sa paaralan, Casanova, A.P. (2011) Anvil Publishing, Inc.
Mandaluyong)

Aralin 4: Ang mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad

Ang UA Graduate Attributes ay maiuugnay sa araling ito sa pamamagitan ng


pagpapahayag ng ideya ng bawat inidibidwal sa pagkakaroon ng epektibong
pakikipagtalastasan.

Ang mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad

May mga pagkakataon na nagpapahayag tayo ng ating opinyon at nagmumungkahi o nagbibigay-


suhestiyon kaugnay ng paksa o suliraning pinag-uusapan.

Sa mga pahayag na nagsasaad ng mga posibilidad bunga ng iyong mungkahi o suhestiyon o pananaw,
gumagamit tayo ng mga salitang nagpapakilala ng mga pahayag ng posibilidad.

Sa Filipino, gumagamit tayo ng pangatnig at/o pang-abay.

Ang pangatnig ay isang uri ng pang-ugnay tulad ng baka, pwede, yata, talaga, sa palagay ko, maaari,
siguro, marahil, posible kayang at iba pa.

(Mula sa DepEd Module)

FILIPINO
PANUTO: Lagyan ng tsek (✔) kung nakamit ang kasanayan at ekis (x) naman kung hindi.

LAYUNIN

Nakikilala pa ang ibang pangkat etniko ng


Mindanao

Natutukoy at naipaliliwanag ang mahalagang


kaisipan sa pabula

Nabibigyang-halaga ang mga panlapi sa


pagbabago ng mga kahulugan

Naibabahagi ang pananaw at saloobin sa


pagiging karapat-dapat o di karapat-dapat ng
paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa
pabula.

Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag


ng posibilidad.

E. Sanggunian
• Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino Baybayin 7 (Paglalayag sa Wika at Panitikan)
• DepEd Module
• Iba’t ibang pagkukunan ng impormasyon (internet)
• https://prezi.com/3utzjkt9ngtp/ang-mundo-ng-maranao/
• https://www.google.com.ph/search?q=pamumuhay+ng+mga+maranao&tbm=isch&bih=625
&biw=1366&hl=en&ved=2ahUKEwjCtduQ-
b7pAhWTAKYKHe8oA5QQBXoECAEQKQ#imgrc=e5pD1o7yLDubhM

• https://www.youtube.com/watch?v=IlvT__0ZQUY
• https://tl.wikipedia.org/wiki/Panlapi
• https://www.scribd.com/document/437268807/RUBIRK-SA-KOMIKS-STRIP-docx

Inihanda ni:

FILIPINO
ROSANNA B. MAGLAQUI, LPT
Guro, UA Junior High School
Baitang 7 Filipino

FILIPINO

You might also like