You are on page 1of 26

Kahulugan ng Salita: Denotatibo at

Konotatibo
Suriin ang mga pangungusap.
araw
● Masaya ang araw na ito para sa kanilang pamilya.
● Karaniwang ang bunso ang araw sa pamilya.

hayop
● Wala silang alagang hayop dahil nagkakasakit ang mga bata
dahil dito.
● Hayop ang ama sa paggawa niya ng mga bagay na
nakasasakit sa kaniyang pamilya.
Suriin ang mga pangungusap.
papel
● Naranasan na kaya ni Mui Mui na magsulat sa isang papel?
● Hindi nagampanan ng ama ang kaniyang papel sa buhay ni
Mui Mui hanggang sa pumanaw ito.

haligi ng tahanan
● Dahil sa mababang kita, hindi niya mapaayos ang haligi ng
kanilang tahanan.
● Hindi mabuting haligi ng tahanan ang ama sa akda.
Suriin ang mga pangungusap.
kanang-kamay
● Marahil, kanang kamay ang ginamit ng ama ni Mui Mui sa
pananakit sa kaniya.
● Hindi kailanman magiging kanang kamay ng may-ari ng
lagarian ang ama ni Mui Mui dahil madali siyang matukso
ng alak at ayaw iyon ng amo.
DALAWANG MUKHA NG LARAWAN
Ano ang literal at malalim na kahulugan ng larawan?
DALAWANG MUKHA NG LARAWAN
Ano ang literal at malalim na kahulugan ng larawan?
DALAWANG MUKHA NG LARAWAN
Ano ang literal at malalim na kahulugan ng larawan?
Gabay na Tanong:

Ano ang iyong naging batayan sa pagbibigay ng literal at


malalim na kahulugan ng mga larawan?
1. PAANO MATITIYAK ANG DENOTATIBONG KAHULUGAN NG
ISANG SALITA?

2. ANO ANG IPINAKIKITA NG PAGGAMIT NG KONOTATIBONG


MGA SALITA SA KULTURANG PILIPINO?

3. BAKIT KINAKAILANGANG MALAMAN ANG DENOTATIBO AT


KONONATIBONG KAHULUGAN NG SALITA?
GAWAIN 1: MAKAKAYA KO

Paghahanapin ang mag-aaral ng limang salitang may higit sa


isang kahulugan. Kailangang gamitin ito sa mga pangungusap
upang maipahayag ang kahulugan ng mga ito. Isulat ang mga
pangungusap sa isang buong papel. Hindi na maaaring
gamitin muli ang mga salitang nagamit na sa klase.
GAWAIN 2: KOMENTUHAN NATIN

Cyberbullying
PARA SA OPSIYON 1: MAKAKAYA KO

1. Bakit nagkakaroon ng ibang kahulugan ang isang salita?

2. Paano matitiyak ang kahulugan ng isang salita?

3. Paano maaaring mapalawak ang kaalaman sa mga salitang


may higit sa isang kahulugan?
PARA SA OPSIYON 2: E-LARAWAN NATIN

1. Nakatutulong ba ang larawan sa pag-alam sa kahulugan ng


isang salita?
2. Ano-ano ang posibleng dahilan ng pagkakaiba ng kahulugan
ng isang salita?
3. Mahalagang malaman ang iba’t ibang kahulugan ng isang
salita?
PAGBUO NG KONSEPTO O IDEYA

Buoin ang pahayag:


“_______ minsan hayop,
minsan _________.”

Halimbawa: “Pagong,
minsan hayop, madalas
daloy ng trapiko sa EDSA.
Buwaya, minsan _____________, minsan _______________
Pusa, minsan _____________, minsan _______________
Paruparo, minsan _____________, minsan _______________
● Ano ang kahalagahan ng kaalaman sa pagkakaroon ng
denotatibo at konotatibong kahulugan ng isang salita?
● Ano ang sinasalamin ng pagkakaroon ng maraming
kahulugan ng isang salita sa kulturang Pilipino?
● Paano matutukoy ang kahulugan ng salita sa isang
pangungusap?
1. BAKIT KINAKAILANGANG MATIYAK NATIN NA WASTO ANG
ATING PAGPAPAKAHULUGAN SA ISANG SALITA?

2. BAKIT MAHALAGANG MABATID NATIN NANG PAREHO AT


PATAS ANG DALAWANG PANIG NG PAKSA BAGO TAYO
MAGPAHAYAG NG ATING OPINYON O RESULTA NG
PAGSUSURI?
● Makatitiyak na denotatibo ang kahulugang inilapat sa isang
salita kung literal itong ginamit sa konteksto ng usapan o
akda. Maaari ring kumonsulta sa diksyunaryo kung nais
pang higit na makatiyak.

● Ipinakikita nito ang pagiging malikhain ng mga Pilipino sa


pagbibigay ng kahulugan sa mga salita at ang pagkakaroon
natin ng mayamang talasalitaan.
● Kinakailangang malaman ang denotatibo at kononatibong
kahulugan ng salita upang matiyak na wasto ang
pagkaunawa sa pinakikinggan o binabasa.
● TUMUTUKOY ANG DENOTASYON SA LITERAL O
KONSEPTUWAL NA KAHULUGAN NG ISANG SALITA.
NAIUUGNAY ANG KAHULUGANG NITO SA ISANG BAGAY,
TAO, LUGAR, O PANGYAYARI. MAKIKITA/MATATAGPUAN SA
DIKSIYONARYO ANG KAHULUGAN NG SALITA.
● MAS MALALIM NA KAHULUGAN NG ISANG SALITA ANG
KONOTASYON. TUMUTUKOY ITO SA NAKATAGONG
KAHULUGAN NA MAAARING MAIUGNAY SA BUHAY NA
KADALASANG HINDI DIREKTANG SINASABI. MAAARI DIN
ITONG SIMBOLO O PAHIWATIG SA KABUOAN NG ISANG
AKDA.
● ANG PAGHAHATOL AT PAMAMATUWID AY
KINAKAILANGANG MAGING PATAS SA PAMAMAGITAN NG
ANGKOP NA PAGSASAALANG-ALANG NG BATAS, KULTURA,
AT RELIHIYON NA PINATUTUNGKULAN NG DALAWANG
PANIG NG USAPIN. IWASAN ANG PAGKILING O PAGPANIG
NANG WALANG MALINAW NA BATAYAN.
● Susi sa matagumpay na komunikasyon ang kaalaman sa
denotatibo at konotatibong kahulugan ng mga salita.

● Kinakailangang paunlarin ang kasanayan sa ‘dekoding’ o


pagpapakahulugan ng mga salita upang lubusang
maunawaan ang ang denotatibo at konotatibong kahulugan.
Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng pagbabasa.
● Kinakailangan din ng malawak at malikhaing kaisipan upang
lubusang maunawaan ang kahulugan ng bawat salita.
● Mahalagang maging patas sa pagkilatis ng bawat panig ng
dalawang paksa na pinag-uusapan. Ito ay upang maiwasan
ang pagkiling o pagkakaroon ng bias. Makatutulong sa
pagsusuri ang pagsasaaalang-alang ng kultura, relihiyon o
batas na kinaaangkupan ng isyung tinatalakay.

You might also like