You are on page 1of 28

Mga Pang-ugnay sa Pagsusunod-

sunod ng mga Pangyayari


BASAHIN NATIN!

1. Basahin ang buod ng akdang Ang Ama na nasa ibaba.

Sa simula pa lamang ng akda, takot na takot na ang anim


na bata sa kanilang ama dahil sinasaktan sila nito. Sa lahat
ng kanyang mga anak, si Mui Mui ang kaniyang laging
sinasaktan sapagkat labis siyang naiirita sa paghalinghing
ng bata. Isang araw, umuwi ang ama matapos siyang
masisante sa trabaho sa lagarian. Pagkatapos, nadatnan
BASAHIN NATIN!

1. Basahin ang buod ng akdang Ang Ama na nasa ibaba.

niyang iyak nang iyak si Mui Mui. Hindi naglaon, sinuntok


ng ama ang bata sa mukha kaya tumalsik ito sa kabilang
kuwarto. Nang sumunod, nahimasmasan ang bata
matapos itong buhusan ng malamig na tubig ng kanya ina
ngunit pagkaraan ng dalawang araw, namatay pa rin ito.
Labis na kalungkutan ang nadama ng ama sa pagkamatay
BASAHIN NATIN!

1. Basahin ang buod ng akdang Ang Ama na nasa ibaba.

ng kanyang anak. May ibinigay na munting abuloy ang


kaniyang amo at doon, naiisip niyang dapat siyang maging
mabuting ama. Nagtungo siya ng bayan at namili. Hindi
naglaon, sinuntok ng ama ang bata sa mukha kaya
tumalsik ito sa kabilang kuwarto. Nang sumunod,
nahimasmasan ang bata matapos itong buhusan ng
BASAHIN NATIN!

1. Basahin ang buod ng akdang Ang Ama na nasa ibaba.

malamig na tubig ng kanya ina ngunit pagkaraan ng


dalawang araw, namatay pa rin ito. Labis na kalungkutan
ang nadama ng ama sa pagkamatay ng kanyang anak. May
binigay na munting abuloy ang kaniyang amo at doon,
naiisip niyang dapat siyang maging mabuting ama.
Nagtungo siya ng bayan at namili. Nakita ng iba pa niyang
BASAHIN NATIN!

1. Basahin ang buod ng akdang Ang Ama na nasa ibaba.

mga anak ang pinamili niya, at sinundan nila ang ama


habang patungo ito sa libingan. 'Inihandog' niya ang
mga pinamili niya sa anak niyang si Mui Mui. Sa huli,
biglang umulan at pinagsaluhan ng mga bata ang mga
natirang kendi mula sa mga nasira ng ulan.
Sagutin:

1. Madali bang maunawaan ang ginawang paglalahad sa


mga pangyayari sa binasang buod? Patunayan.
2. Paano naging malinaw ang paglalahad sa buod?
3. Ano-anong salita ang nakatulong sa malinaw na
paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa binasang buod? Magbigay ng tatlong halimbawa.
Ikuwento mo!

1. Ano ang iyong pinakahindi malilimutang karanasan


kasama ang iyong ama?
2. Ano-ano ang pangyayaring naganap sa karanasang
iyon?
3. Ano ang ginampanan ng mga naitalang salita sa
paglalahad ng pangyayari?
● Paano nagiging higit na kawili-wili ang pagbabasa ng mga
salaysay na may magkakasunod na mga pangyayari?

● Ano-ano ang pang-ugnay na maaaring magamit sa


paglalahad ng pagkakasunod-sunod?

● Bakit mahalagang gumamit ng pang-ugnay sa paglalahad?


Gawain 1: Hanapin sa Maikling Kuwento

1. Humanap ng sipi ng buod ng maikling kuwentong


Dalawang Paso ng Orchids.
2. Hanapin ang mga ginamit na pang-ugnay sa pagsusunod-
sunod ng pangyayari sa akda.
3. Itala ang mga ito sa kuwaderno.
Gawain 2: Bumuo ng Kuwento

1. Magpangkat-pangkat sa tiglilimang kasapi.


2. Magbigay ng tig-iisang pangyayari ang bawat kasapi ng mga
pangkat.
3. Kapag tapos na, pagdugtong-dugtungin ang mga pangyayari
hanggang sa makabuo ng isang kuwento.
4. Hati-hatiin ang mga bahagi sa simula, gitna, at wakas.
5. Isulat ang sagot sa isang buong papel.
PARA SA GAWAIN 1: HANAPIN SA MAIKLING KUWENTO

1. Ano-ano ang nailista mong salita?


2. Madali bang hanapin ang mga kinakailangang salita?
Pangatuwiranan.
3. Paano nakaaapekto ang mga inilistang salita mo sa
kabuuan ng akda?
PARA SA GAWAIN 2: BUMUO NG KUWENTO

1. Naging madali ba ang pag-uugnay ng mga pangyayari?


Ipaliwanag.
2. Ano-ano ang ginamit ninyong salita upang
mapagdugtong-dugtong ang mga pangyayari?
3. Naging malinaw ba ang kabuuang ideya ng sarili
ninyong likhang akda? Ipaliwanag.
Kronolohikal
Isinasaayos ang mga pahayag batay sa tiyak na salik o
katangian. Karaniwan, pinagsusunod-sunod ang mga
pangngalan gamit ang pamilang na panunuran o ordinal na
pang-uri.

Halimbawa:
Unang anak ang kambal, pangalawa naman ang anak na
babae, at pangatlo si Mui Mui.
Prosidyural/Pamanuto

Tinatawag na prosidyural kapag naglalahad ang pahayag


ng mga hakbang sa pagsasagawa ng isang bagay.
Nagbibigay-halaga ito sa wastong pagkakasunod-sunod ng
mga hakbang o paraan tungo sa tiyak na pagtatapos ng
isang gawain.
Prosidyural/Pamanuto

Halimbawa:
Unang hakbang, huminga nang malalim. Ikalawang
hakbang, patugtugin ang musika. Ikatlong hakbang,
pumikit ka na at magpahinga.
Sikuwensiyal

Nakabatay sa serye ng mga magkakaugnay na pangyayari


sa isa’t isa. Humahantong ito sa kahihinatnan ng wakas na
siyang karaniwang paksa ng teksto.
Sikuwensiyal

Halimbawa:
Noong unang panahon, may magkaibigan mahilig
namasyal sa parke. Kaya naman, isang araw, nagpasiya
silang galugarin ang kabilang parke. Kahit ayaw ng ina,
agad pa rin silang kumaripas ng takbo at mga
naglahong parang bula.
Sagutin:

1. Paano nakatulong ang gayong mga salita sa kanilang


paglalahad?
2. Ano ang maaaring mangyari kung hindi gagamitin ang
gayong mga salita sa pagkukuwento, na naglalahad ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
● Ano ang kahalagahan ng pang-ugnay sa isang teksto?

● Bakit kinakailangang matutuhan ng mga mag-aaral ang


paggamit ng mga pang-ugnay?

● Bakit may iba’t ibang paraan ng paglalahad ng


pagkakasunod-sunod?
ANO ANG MAAARING MANGYARI KUNG HINDI TAYO GAGAMIT
NG MGA PANG-UGNAY SA PAGLALAHAD?
● Higit na nakawiwiling basahin ang mga salaysay na ginamitan
ng mga wastong pang-ugnay sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari.
● Nagagamit ang mga pang-ugnay na una, pangalawa, pangatlo,
at iba pa sa kronolohikal na paglalahad; unang hakbang,
ikalawang hakbang, ikatlong hakbang, at mga sumunod pa ang
para sa prosidyural; at noong una, pagkatapos, kalaunan, sa
huli, at iba pang kaugnay para sa sikuwensiyal.
● Mahalagang gumamit ng pang-ugnay sa paglalahad sapagkat
maliban sa nagiging madulas at malinaw ang paglalahad ng
mga ideya, nagsisilbi itong pananda ng mga mambabasa sa
ugnayan ng mga ideya sa kabuuang pagpapahayag.
● Mas mabisang maipararating ang kaisipan o ideya sa
paglalahad kung ginagamitan ito ng mga pang-ugnay.

● Maaaring gumamit ng iba't ibang pang-ugnay batay sa


paraan ng paglalahad tulad ng kronolohikal,
prosidyural, o sikuwensiyal.
● Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang
kuwento, maaaring gamitin ang iba't ibang pang-ugnay,
gaya ng isang araw, habang, saka,
pagkatapos/tapos/matapos, habang, noong, samantala, at
iba pa.
● Gumamit ng mga pang-ugnay sa mga gawaing may
kahingiang maglahad ng sunod-sunod na mga pangyayari,
ideya, o bagay batay sa taglay na katangian, pasalita man o
pasulat.
● Mahalagang kasanayang dapat malinang sa mga mag-aaral
ang pagbubuod ng mga akda. Kinakailangan ang malalim na
pagkaunawa sa binasang akda upang maging mabisa ang
sariling pagpapaikli ng akda. Tandaang dapat na
nakagagamit ng sariling paraan ng panugngusap na
naglalarawan at nagsasalaysay kapag magsusulat ng sariling
buod.
● Mahalagang kasanayang dapat malinang sa mga mag-aaral
ang pagbubuod ng mga akda. Kinakailangan ang malalim na
pagkaunawa sa binasang akda upang maging mabisa ang
sariling pagpapaikli ng akda. Tandaang dapat na
nakagagamit ng sariling paraan ng panugngusap na
naglalarawan at nagsasalaysay kapag magsusulat ng sariling
buod.

You might also like